Nagkakaripas ako ng takbo kaninang madaling araw, muntik pa mabasag ang aking plastik na sinelas. Ako kasi ang isa sa mga huling umalis sa dance floor ng Costume Ball kagabi, hahaha. Nilubos lubos ko talaga. Nagwala sa dance floor ang naka-puchang si kengkay.
Pero seryus lang, eto ang isa rin sa dahilan kung bakit ako madaling araw na umuwi (aside from being a dancing queen) — kasi meron akong binantayan na isang nanay e. Mickey mouse ang costume nya. Mabuti nga at super ang make up nya kaya hindi sya kilala ng mga tao. Kasi… nalaseng ang daga, waaahhh. Napansin ko kasing bote bote ng vino ang parating bitbit; e dalawa lang naman sila naghahati, yung kasama nyang cowgirl. Paminsan minsan e tinatagayan din nila ako. Pero kasi meron ang isang boteng mineral water sa harap ko, kaya may chaser ako di ba. O ayun, nung uwian na, hindi na makatayo ng husto ang daga. Nagpaiwan na nga ako sa mga kasama ko kasi nakikita ko na ang mangyayari; at nangyari na ha. Tinulak ko silang dalawa agad sa isang madilim na sulok. At dun na nangyari — akkkkk, aakkkkkk, aakkkkk
Alam nyo na siguro kung ano ang ibig kong sabihin; lalo na sa mga tomador dyan, hehe. Teka, bakit kaya alam ko, ibig bang sabihin e isa rin akong tomador, hmmm. Mga sampung minutong ganon lang ang drama nya, mabuti at hawak sya nung kasama nya. Mag nagyayang ihatid sila; pero hinindian nila. Mabuti na lang kundi, linis kotse ang nangyari. Antay pa rin ako. Sabi ko dahan dahan na silang maglakad pauwi. Kasi kung taxi, sarado na kapag alas dos. Wala ng service. At kung may dumating man, siguradong tatanggihan din sila kasi nga lasing na lasing e.
So sabi ko lakad na ng pakonti konti dahil wala ng ibang magagawa pa. E ayaw kumilos dahil nahihiya daw sya kasi daming nakakita sa kanya. Hay ano ba yon… ngayon pa talaga nag isip ng kahihiyan. Sabi ko lahat ng tao e naguwian na. At pina-alala ko sa kanya na naka-make up nga sya di ba? O ayan, pasuray suray na naglakad ang isang dagang lasing at isang cowgirl na medyo lasing. Sana nakauwi sila ng maayos sa bahay. Sa totoo lang, nung hindi pa ako nanay, palaban din ako sa ganyan. Pero ngayong nanay na ako, parang pagiisipan ko muna. Although itong si kengkoy e tuwang tuwa kapag alam nyang tipsy na ako; e pano pa kaya kapag lasheng na talaga ako? Ayokong malaman.
Nakarating ako sa bahay ng gustong gusto ko ng hubarin yung aking glass slippers, aray ko. Pochamos, ang sakit ng sakong sakong ko. Di bale na, sarap naman mag-sayaw, hahaha. So ayun, balik Cinderella na si kengkay. Nag shower at nagpalit ng duster dahil naghanda pa ako ng baon ng mga bata para kinabukasan, nag walis walis, nag imis-imis, nag tiklop ng labada, at kung ano ano pa.
Parang panaginip lang ang aking Costume Ball na pinuntahan, hayyy. Kaninang umaga, alas siete pa lang gising na mga little kengkays. Niyugyog ako sabay sabing, ‘nanay kengkay, magkwento ka kung ano nangyari kagabi.’ At narinig ko rin ang telepono, sumagot ang answering machine, si kengkoy, na ang sabi naman ay ‘sorry darling, kailangan kitang gisingin kasi ihahatid mo pa ang mga bata sa kindergarten.’ Arrrrgh
Atsaka na ibang chika dahil maglalako pa ako ng cakes sa kindergarten.



Glass slippers? hehehe! Di ba winter dyan? Buti di nag-crack at natusok ang mala porcelang paa nang cinderella? hahahaha
kengkay: basta sa costume ball, kahit na ginawin ang kili kili ko, ahahaha
Comment ni reyna elena — Pebrero 1, 2008 @ 9:47 umaga |
hahahaha at least enjoy to the max ka momski! Galing ka pala sumayaw ha. ako hindi eh. i love to dance kaso di talaga umubra kahit si maribeth bichara suko sa kin hahahaha.
kengkay: pramis yang ballroom dancing na yan sa pinas ha, sabi ko nga, dalhin ko yung dalawang kanang paa ko, hahaha
Comment ni ambo — Pebrero 1, 2008 @ 9:49 umaga |
akala ko may pix ng lasing na daga na akay ni cinderella
kengkay: sabi ko nga pilitin nyo ako eh
Comment ni koreanmine — Pebrero 1, 2008 @ 11:20 umaga |
tomador pala si cinderella.
parang isang panaginip ba ate kengs? haaay, at least nag-enjoy ka naman kahit isang gabi lang.. ^_^
o nga ate, picture!!!
Comment ni karmi — Pebrero 1, 2008 @ 12:27 hapon |
Kengkay, aba eh sa susunod ay yayain mo naman ako sa ganyang tomaan he he..wag mo solohin
o asan na camote ko?
Comment ni thess — Pebrero 1, 2008 @ 12:57 hapon |
Uy, pictures po
Sounds like you really had a ball! No pun intended. Ano sayaw mo? Macarena, pearly shell o twist?
Ako eh tamad na tamad mag-attend dito. Pero baka one time eh umattend na rin. Syempre nothing beats a ball in England di ba?
Handa na rin ba gown mo para sa iyong appearance bukas sa Usapang Pinoy?
joy
A Pinay in England
Your Love Coach
kengkay: alam mo ako interested talaga to join dahil party animal ako e, ahahaah.. pero shy ako ha, pramis yan
Comment ni joy — Pebrero 1, 2008 @ 1:42 hapon |
ate kengkay,
i want to see the pictures too… i’m glad you had fun! plus dancing is a stress reliever.. have a good weekend, ate!
NJ
kengkay: pilit ka rin? i love dancing!
Comment ni NJ — Pebrero 1, 2008 @ 10:29 hapon |
excited na ako sa guesting mo MAMI KENGS!
kengkay: ako kinekerbiyos, ahaha
Comment ni chuvaness — Pebrero 1, 2008 @ 10:42 hapon |
ikaw talaga di lang pala sayaw ang agenda mo dun, stalker ka din pala.. joke.. hehe..miss you girl!!
kengkay: hi there, musta ka na? sayaw din tayo ah, ehehe
Comment ni jeniffer — Pebrero 2, 2008 @ 1:09 umaga |
naku ibig sabihin bago pa nagmidnight naging lasing na daga na ang kabayo ni cinderella? magreklamo ka sa fairy godmother mo mommy kengks
kengkay: grabe, ano pa nga ba, lasing ang daga…naglakad tuloy si cinderella
Comment ni S3lv0 — Pebrero 2, 2008 @ 2:44 umaga |
This is for our valentine blogging activity! Have fun posting your own date of date of birth, together with the name of your love one on the first string! See my whole post and comment for more information. Have fun! (year of birth not included! ^^)
http://foobarph.wordpress.com/2008/02/02/days-of-love/
kengkay: uy, bisitahin ko yan later
Comment ni foobarph — Pebrero 2, 2008 @ 4:20 umaga |
bait mo namang guest. te kenks! talagang inisip mo pa sila hanggang ngayon… hehehe!
kengkay: hay ano pa nga ba, kasi parang nakikita ko yung sarili ko dati ba, ahahaha
Comment ni Lenggai — Pebrero 2, 2008 @ 5:23 umaga |
NAKU ATE KENGKS DAPAT NAGPIKTYUK PIKTYUR KA MAN LNG PRA NKITA KO YUNG glass slippers mo.. hehehe… iba pala ang mga mudra dyan.. hehehe
kengkay: malapit na akong mapapilit, ahahaha
Comment ni repah — Pebrero 2, 2008 @ 9:24 umaga |
Ready ka na ba? Ay nasa patay ka nga pala.
See ya soon!
joy
A Pinay In England
Your Love Coach
The Goddess In You
kengkay: ready na ako, joy!
Comment ni joy — Pebrero 2, 2008 @ 12:09 hapon |
MAMI KENGKAY! PRESENT AKO SA LIVE INTERVIEW MO. HAHAHAHA
ETO NA NAG I-START NAAAA
tenks for listening
kengkay: nababaliw ako, waaahhhh
Comment ni chuvaness — Pebrero 2, 2008 @ 2:05 hapon |
waaaa. ate, ang kulit ng interview nyo..
aliw…
narinig ko pangalan ko!!!
sobrang tuwa eh noh.. hehehe…
kengkay: ang kuleeett pero ang saya di ba, or ako lang ba nasayahan, ahahaha
Comment ni karmi — Pebrero 2, 2008 @ 2:41 hapon |
hi im shey
Comment ni shey — Disyembre 10, 2009 @ 10:53 umaga |
hi im shey sino ba drowing d2 ????????????????????????????????????????
Comment ni shey — Disyembre 10, 2009 @ 10:54 umaga |