Kwentong Kengkay

tagalog chenes

Ang litrato ni Cinderella

Sobrang nagpapilit ako na ilantad ang aking hitsura nung sumaling pusa ako sa isang costume ball dito. E ang daming nangulit na mag show and tell daw ako ng kapiktyuran. Dahil milyones na tao ang nagtulak sa akin, edi hindi na ako magpa hard to get, lalo pa nung nakita ko yung litrato ng lovely lady in fink na si malen. Sobrang na insecure ang beauty ko. Kaya hala, eto na ang mga pictures, sana mag enjoy kayo :D

009.jpg oops, si little kengkay pala yan. Suot nya yung natirang tela na ginawang gown para sa kanya, hahaha.

100.jpg o ayan, ang ganda ko di ba? yung paparazzi e ninerbiyoszazzi, hahaha.

092.jpg naku, ano ba naman yang mga focus na yan ng aking paparazzi na si kengkoy; wala na akong magagawa, hanggang ganyan lang ang show and tell ko. At least naka silip kayo di ba?

At nakwento ko ba sa inyo yung tradisyon na Fat Thursday? Yan ang ginagawa bago mag Holy Week, ang mga girlash e may i eating binges para i handa ang sarili nila sa papasok na fasting at abstinence. At kung gusto nyong makichismis kung ano ginawa ng mga little kengkay sa tatay nila, pwede nyo rin makita dito.

Inihanay sa:Ano Nga Ulit Yon?, Dito sa Amin, Europe, Kwentong Nanay, Oyropa Ko, Palaway

10 Responses

  1. chuvaness ay nagsabing:

    hahaa…parang pareho tayo ng gownish mami keng…yung sa kin nga lang eh mapusyaw…hahahaha

    anlayo pa ng MAYO pero naka santacruzan na tayo hahaha
    kengkay: o di vah, meron na tayong dress rehearsal, hahaha

  2. pusa ay nagsabing:

    weeee bitin, sali ako sa santacruzan nyo ni malen!!!! =)
    kengkay: fenk din dapat ha

  3. koreanmine ay nagsabing:

    huwaw! fenk na fenk nga ! :D kaso bitin nga! pero oks na oks talaga si mami kengky game na game . n BTW< ang harot harot ng boses mo , nadinig ko dun sa link na nibigay mo :D
    kengkay: ang ganda ganda ko di ba :D uy, mas kyut yung boses ko, kulay fenk din dating

  4. joy ay nagsabing:

    Achus, ayaw pa magpakita :D Sayang wala ka sa May. Pwede na tayong magsagala – andun si Reyna Elena, ako, ikaw, pati si Chuva! And then of course si Malen and Agnes. Si Ambo ang consorte ni Reynz :D

    joy
    A Pinay in England
    Your Love Coach
    kengkay: naku, antayin ko na lang kayo sa blog nyo. baka hindi ma take ni kengkoy yung santacruzan na ayan at itigil ang aking internet account, ahahaha

  5. S3lv0 ay nagsabing:

    naku mommy kengks weakness ko pa naman ang fenk hihihi… cinderella nga ang dating kaso parang gigil ang iyong potograper
    kengkay: fenk ka din ba, hehe. yung photog di nya alam kung papayagan ba akong umalis mag isa o hindi, kaya ganun

  6. NJ ay nagsabing:

    ate kengkay,
    may work ako mamya pero nawili ako dito sa pakikinig sa interview mo imbes matulog na… im enjoying thou!

    NJ
    kengkay: isa ka pa rin pa sa mga pinuyat namin, hahahaha. am glad you enjoyed it. sikret yon ha :D

  7. NJ ay nagsabing:

    btw, ate Keng… hirit muna ako uli! binitin mo kame sa picture mo… hehehe!
    kengkay: bitin pa ba yun? nginig si kengkoy sa camera e, hahaha

  8. Meeya ay nagsabing:

    oo nga kabitin ang peektyur!

    sa inyo fat thursday, dito naman fat tuesday – yung tuesday bago ang ash wednesday kung saan hudyat ng pagsisimula ng fasting and abstinence. :)
    kengkay: naku, ako everyday e fat day, ahahaha

  9. foobarph ay nagsabing:

    hehe, cute naman ng little cinderella. ^^
    kengkay: manang mana, ehem :D

  10. karmi ay nagsabing:

    hahaha.. ayaw magpakita ni ate.. lol nahiya…
    kengkay: shy ako talaga sa totoong buhay e, wahaha

Leave a Reply

Lumang Kwento