Uy oo, walong araw na lang. Mabibilang na sa mga daliri. As in, wan, tu, tri, por, payb, seks, sebe, eyt — malapit na ang Balentayms Day. O weno ngayon kung balentayms day? E kasi yung araw na yun din ang aming big date. Ang aming paglipad sa Asya, weeeee!
Eroplano, here we come. Napapakanta na ako ng ‘leaving on a jetplane; but i dont wanna think when we would be back again.’ Yun lang kasi di pa packed ang bags namin e. Hindi pa ako nagsisimulang mag empake. Hindi pa tapos ang listahan ko ng dapat dalhin. Eksample ng mga dapat dalhin: anti-kuto treatment shampoo, anti moskito spray, anti-sunburn cream, anti-empacho medicine, anti-bukol cold cream, anti-anting, hehehe… Sa sobrang dami ng anti na yan, sigurado meron kaming makakalimutan. Ilang beses na akong pabalik balik sa doctor para humingi ng reseta para libre yung mga anti treatment na yan sa parmasya. Ilang beses na rin akong tinurukan ng kung anong anti-malaria, anti-hepa, etc — kasi daw matagal na ako dito sa oyropa; hindi na raw flawless na raw ang aking katawan.
Hindi na raw ako pwedeng kumain ng isaw sa kanto, hindi na raw ako pwedeng kumain ng biko sa mga dumaraang sumisigaw ng ‘gastos’, hindi na raw ako pwedeng makipila sa halo-halo, hindi na raw ako pwedeng magsawsaw ng bagoong sa manggang binalatan ni manong, at kung ano ano pang kasarapan na binagbabawal sa akin. Sa tingin ko, hindi na ako dapat mainggit kay kengkoy; kasi isip ko pa lang kung ano ang hindi ko dapat kainin e feeling ko pumapayat na ako. Pero sa tingin nyo susundin ko ang mga payo ng mga doktor dito? E para ke pang gumastos kami sa injection na yon; para ke pang bitbitin ko yung mga anti-treatments namin?
Sempre, pipigilan ko. Pero pag asa Pinas na ako, ano pa magagawa ko? Kainan naaaa.
Inihanay sa:Dito sa Amin, Duon sa Amin, Europe, Kwentong Nanay, Masarap sa Pinas, Oyropa Ko, Panlasa, Pasaway, Pinas, Tips

Sama po ako.
kengkay: kasya ka ba sa maleta, hehe
Masarap kumain
kengkay: tumpak nina, kaya naman, kain na!
hala ate kengs, ang dami namang bawal. pero once na nasa pinas ka na, pwede na un! hahaha.. ^_^
happy naman talaga ang valentines mo dahil uuwi ka na ng pinas..
so di ka na muna magbo-blog?! basta ingatz kau dun nila kengkoy and kids ha…
enjoy!
kengkay: bawal daw mag blog, pero sempre, sisimplehan ko di ba, hahaha
san tayo sa EB mami keng? excited ako
re sa belt cum necklace mami, assorted colors di ba? di ko pa tapos hehehe pero tatapusin ko sa rest day hehehe
kengkay: uy sa starbucks daw sa the podium — yung sa beads, bahala ka na, surprise mo na lang ako
Yihee! uwian na! ingat kaya ha! I pray for traveling mercies for you and your family. God bless you sis.
Advance happy V day syo.
http://www.marriageandbeyond.com/2008/02/07/an-early-valentine-award/
kengkay: thanks a lot, dear jen. hope to see you! and happy V love day, too
pangsosyal na pala ang balat at dugo mo mamu! hahaha
kengkay: hanu fha nga ba… pero sa tingin mo sundin ko yung mga bawal na yon, hehehe
aha! aabangan ka namin! ipa press release rin kaya namin ang pagdating mo para sikat kagaya ni happy slip.
since abs ang nag feature kay happyslip, ipapa feature ka namin sa GMA para makabawi naman sila. ahahaha!
kengkay: ganun ba yon? bakit hindi pa ako nakakabasa ng blog tungkol kay happy slip, hmmm… ok lang sa akin yung salubong ng banda at ati atihan, hahaa
wow redy k na pla ate kengks ksama ang iyong pamilya… ingat sa pagbabalik sa pinas…
kengkay: hnidi pa ako ready, wahhh . di pa tapos lahat ng empake!
ate keng,
napapalaway ako dito sa pagbasa ng mga pagkain na bawal… hahahaa…
kengkay: grabe, ako nga nagkakaron na ng tigyawat dahil sa napapanaginipan ko na yan at nababalikwas ako sa tulog e
kainis, nung umuwi ako sa’tin isang balot lang ang nakain ko. pano naman kase sakin na binigay yung balot nung gabi e nagtoothbrush na ko. buti may naabutan pa kong isa nung umaga
kengkay: si kengkoy waiting na sya kumain ng balut ano, ready yan sa mga ganyang adventure binging e, ahaha
sama ako ateeeeeeeeeeeeee kenngggggggggkkkkkkkssssssssss!!!
kengkay: sigeeeeeee
uy balik pinas sila… ikain mo kami ate kengks ha… happy trip!
kengkay: no problem dhez – will gladly do that, ikain talaga kita
[...] « Walong araw na lang [...]
Inggit ako. Ang bilangan ko eh buwanan pa. It’s less than 3 months and I know time will just fly! Ang matagal yung bilangan from May to December
joy
A Pinay In England
Your Love Coach
The Goddess In You
Norwich Daily Photo
kengkay: inggit ka pa e ikaw two times year ako e every two years lang uwi, waaaaaa
Pwede na rin
kengkay: ahahaha, pwedeng pwede di ba
yey!!! lapit ka na dating te kenks!
kengkay: yeheyyyy — lapit na lapit na talaga. see yah soon
ang masasabi ko lang..masa masrap talaga ang bawal..lalo na kung patago. lols! simplehan mo na lang kengks! happy trip sa inyo!
bawal na patago, hayy, andyan na ako
kengkay: bakit alam mo yan, ha
wtf “seks” sebe, eyt HAHAHAHA
kengkay: tama ba bilang ko ng seks, hehehe
kainggit!!! inggit ako!!! paki-lamon, eheste, kain mo na lang din ako ng jollibee, pansit malabon, squid balls sa kanto ng zuellig, sisig, halo-halo, mr. chips, bibingka ng juanchitos, pritchon, andoks, at taho ha? *burp* excuse me. hehe.
kengkay: lamon talaga, tumpak! eto pa listahan ko: bibingka, tokneneng, walastik, bulalo, nilasing na hipon, paksiw na lechon, ube, makapuno, hayyyyy