Kwentong Kengkay

Marso 31, 2008

Oo, Rhapsody, maganda sa Bangkok

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Kwentong Kengkay,Paki Lang — kengkay @ 8:11 umaga

O ayan, sa wakas nasagot ko rin yung tanong ni Rhapsody kung maganda sa Bangkok. Kasi nag-iwan sya ng comment sa blog ko nung kasalukuyang hiatus kuno ako at nagbabakasyon e. Kung maganda ba daw sa Bangkok…

Maganda sa Bangkok. Maraming temples kayong mabibisita katulad dito. Maraming jewelry stores pero ingat kayo at daming na-scam sa ganyan. Makakasakay kayo ng tuktok na isang version ng ating tricyle na mas malaki nga lang ng konti. Kung medyo iba ang type nyo, masarap din makiraan sa Patpong na kasabay ng shopping nyo e mabubusog din ang mata nyo sa kasisilip sa mga madidilim na sulok :D At kung night life lang, ay, daming mapupuntahan, yung ibang bars and disco nga nagbubukas ng alas dos ng madaling araw e! Medyo kakaiba nga lang kasi mga dalawang taon na raw na ginawan ng schedule ang magbebenta ng alcoholic drinks sa mga suking tindahan, kahit na sa mga big supermarkets — kung bakit, di ko alam. E kahit nga yung mga sexy books inalis na rin sa mga bookstores e, hmp.

Pero ang paborito kong gawin sa Bangkok e maghalunggkat ng bargain. Masarap mag shopping dun. Dami ngang biyahera na galing Pinas; in fact, daming mga biyaherang turista na galing sa lahat ng lupalop ng mundo. Nagkikita-kita silang lahat sa Pratunam, lalo na kapag weekend kasi mas maraming tindahan; kahit na sa gitna ng kalye may tindahan at sempre dapat matuto kang paliitin ang sarili mo para magkasya ka sa mga pasikot sikot. O kaya naman dun sa may likuran ng Bangkok Bank sa may Silom kapag weekday tanghali.

Pero ang tunay na weekend market e yung Chatuchak kung saan dapat handa kang pagpawisan, makipagkiskisan, manakit ang mga balikat dahil sa bubuhatin mong bilihin, maghanda ka na rin ng banig kung ikaw yung tipong nahihilo sa dami ng tao at sa init at sa amoy (oo, iba ibang amoy ang aabutin mo run at pag uwi mo dala mo rin yun, hahaha).

Kung di mo type yang pagpawisan, punta ka sa Mabonkrong (MBK) kung saan di aircon tapos daming bargain din. Huwag ka nga lang maligaw sa may bandang taas at yun e pang tourist prices na talaga… At sempre yung mga department stores tulad ng Robinsons, Central, etc. at yung mga warehouses katulad ng Makro, Carrefour, Big C, etc. Mura din don, lalo na kapag red tag day. Wak kalimutan na maligaw sa Chinatown dahil masarap din makigulo dun.

Ang secret… tumawad ka habang gusto mo :D Sempre sa mga department stores at warehouses, fixed prices…#

Eto ang link ng shopping nila.

Ooops, bago ko malimutan… masarap ang pagkain sa Bangkok! Thai food, the best. At mura pa. Kung sa tingin nyo kakayanin nyo ang street food, subukan nyo dahil tunay namang mura at napakasarap. Ingat nga lang kung di nyo kaya ang anghang. Kung ayaw nyo naman, McDo na lang kayo :D

At ang mga hotels, naku, kadami. May pang moderate budget, may pang hostels, may pang siksikan (makitira kayo sa kakilala, hehehe)… At yung mga backpackers, naku, may ganyan ding areas na tipong murang mura talaga. Kailangan lang, adventurous kayo.

Baka gusto nyong basahin ito at ito. Andito sa link na ito ang mga ka picturan.

Marso 29, 2008

Papansin si Monay

Filed under: Hmmmm,Pasaway — kengkay @ 6:56 hapon

Sige na nga pansinin ko na, isang nag-iwan ng nakakakiliting commento sa aking post tungkol sa Pinay Scandal o Iskandalosang Pinay

monay Says:
March 29, 2008 at 3:42 am e

bobo mo!!!

Ewan ko kung bakit, eto nga at nagmukmukmok na ako sa isang tabi dahil sa ka pangitan nitong blog ko tapos ganyan pa, waaahhh. Oo naman, wala akong alam sa mga technicalities para kalikutin itong blog ko; pero technical yang comment mo monay dear. Let’s give all bobos a chance. Kahit na bobo, may karapatang mabuhay at bigyan ng pagkakataon para matuto.

Mas maganda sempre kung gamitin ang blogging sa mga bagay na nakakaganda ng buhay natin. Yun lang.

Baka gusto nyo rin basahin ito, at ito pa, at ito pa.

Marso 27, 2008

Unang EB photos

Ayan, kahit na kakawalang gana itong itsura ng blog ko e mag simula na kong mag post ng mga kapiktyuran ng mga naganap na ka-EBihan sa Pinas.

Sa mga katotong wordpress bloggers, ang unang nakasimoy ng halimuyak ng Alemanya ni Kengkay ay si Lenggai o Pinay Brodkaster at si kurokuro talaga.

Hindi sumulpot yung mga ka meet kong high school barkada nung unang Friday night, aba mabuti naman at si lenggai; hindi halatang lakwatsera talaga e :) — ready na magpakita sa akin kahit na late na. Nagpa-alam sempre ako kay kengkoy, na pumayag naman. Sempre sabi ko, kailangan i meet ko itong dalawang ito kasi sikat sila, de bah, hahahaha.

Sinundo nila ako sa hotel, hindi man lang kami nagtanong kung ano ang hitsurang dadatnan namin sa isat isa. Basta sundo nila ako sa lobby ng hotel, may dala silang limousine. Upo ako sa lobby kasama ng mga taong walang tigil ang chika sa cellpon. Tapos may dumating, napatingin ako; ‘ate kengkay?’ yun ang unang sambit — sabi ko, ‘oo’ at biglang angat ako sa upuhan. Simula naaaaa :D

Di ba? Feelings pa lang e kilala na agad kung sino katapat, hahaha. Punta kami sa megamall at nanood ng sine. Kaya mahal na mahal ko na talaga yang dalawang yan.. Imagine nakapasok ako ulit sa sinehan pagkatapos ng halos pitong taong absent ako sa movie houses! At ang pinanood namin: My Boyfriend’s Girlfriend! Ang ganda nya, kakatawa, pang isports at pang kalabit din sa mga dating romansa, (itanong nyo kay lenggai kung bakit, hehe).

Tapos naglakad lakad kami sa Ortigas kahit na umuulan-ulan kahit na naka tsinelas lang ako :D Nung walang mahanap na magandang tambayan sa St. Francis, punta kami sa Watering Hole sa Shangrila kung saan dun naganap ang pikturan. Gusto ko mang pikturan sarili ko habang asa sinehan, obvious bang bawal yon. hahaha
Si kengkay, ngayon lang nakakita ng 200 pesoses na bills kaya napagkakamalan kong 200 pesoses rin yung 1,000 bill. Halos pareho kasi kulay nila e. Imagine binigyan ko yung waitress sa Watering Hole ng ilang 1,000 pesoses bills; kaya pala takang taka sya e ang akala ko lang e 200 pesoses yon. So, yung mga matagal ng hindi umuuwi ng Pinas, watch out! Baka akala e kayo si Santa Klaus, hehe.

So stay kami sa Watering Hole hanggang mga alas dos ng madaling araw. Si lenggai nakahanap pa ng ka lab tim at naki pag- kutitap sa banda o baka naman dagdag ko na yan, hahaha. May libre pa kaming CD nung banda, o de bah. Tapos… nakita ni lenggai o ni kurokuro ba? Yung piktur ng aking brotherhood, kaya ayon, textmates na sila….

Yan muna, wala talaga akong gana mag blog at kakasakit ng ulo tingnan itsura ng blog ko e :(

Marso 25, 2008

Pamaypay

Filed under: Duon sa Amin,Kwentong Bulilit,Masarap sa Pinas,Pinas — kengkay @ 7:17 umaga

 Achtung: Di ko alam kung anong himala na naman nangyari sa blog ko. Pero dahil di ko alam kung anong dapat kong gawin, pabayaan ko muna, am sure babalik din yan sa katinuan nya. Bare with me, kumbaga :D

Medyo maulan sa Pinas nung dumating kami. Masarap nga kasi sarap tumambay sa pool. Tipid sa sun screen lotion. Pero dahil unti unting dumarating ang Holy Week, at dahil sa buong barangay ang halos parating kasama sa isang mini bus (hi-ace po, ahahaha) sa bawat biyahe sa Batangas; at kotse man sa Maynila; sempre tagaktak na rin ang pawis.

Pero walang kaartehan ang mga little kengkays kasi sanay sila sa pamaypay. Dito sa Alemanya ay meron silang tradisyonal na pamaypay na yari sa abaka. E lalo pa sa Pinas, di ba? Kaya naman kahit na anong init, di sila inis. Paypay dito, paypay duon lang ang kailangan sa kanila.

At si kengkoy? Takot yon sa pamaypay, hahahaha. Enjoy na yon na naliligo sya sa pawis nya. Kasi mas gusto nun ang mainit kesa malamig e. Sabi ko nga e, takot kami sa aircon, di ba?

At sempre, yung bunso ko na ayaw na ayaw mag shower — aba, halos tatlong beses mag shower sa Pinas. Enjoy na enjoy siya. O dito nung dumating kami, dalawang araw na punas punas lang ang mga little kengkays. Sa lamig ba naman. Imagine, nag iisnow nung dumating kami dito. At halos araw araw e puti ang makikita mo sa labas. Kaka shock talaga kapag galing ka sa mainit na Pinas.

Ayun, sa loob ng bahay gustong manatiling naka suot ng mga damit na pang summer, at ayaw mag jacket kapag lalabas. Talagang away kami. Kakasakit ng ulo. At sempre, paypay pa rin sila dito kahit na ang lamig, waaaaa :)

Marso 24, 2008

Know me more

Filed under: Kwentong Kengkay,Tinag-a — kengkay @ 4:12 hapon

Nakahanap ako ng paraan para hindi muna guluhin ang utak ko sa blogging, sasagot muna ako ng tags! Tulad nitong tag ni Jen.

Copy this entire list of questions and change all the answers so that they apply to you. Then tag and pass it along to other blogging friends. Let’s see how well we can get to know one another!

1. What is your occupation?
Dating taga sulat, taga edit, taga pictur, taga deliver, taga resto tasting at hotel testing na naging PR practitioner na ngayon ay nanay sa dalawang little kengkays at asawa kay kengkoy na nagbibigay ng english playtime lessons sa mga pre schoolers at nakikitumbling sa sports club as trainer.

2. What color are your socks right now?
Hinubad ko na e pero striped red, black and gray na knee socks sya

3. What are you listening to right now?
Walang tigil na patak ng ulan at yung aming tumatagaktak na room fountain

4. What was the last thing that you ate?
Sauerkraut kasabay ng mashed potatoes at strawberries

5. Can you drive a stick shift?
Oo naman kahit na hate na hate ko mag drive

6. If you were a crayon, what color would you be?
Pula

7. Last person you spoke to on the phone?
Si Frau Kadel kasi may hinihingi ako sa kanya

8. Do you like the person who sent this to you?
Sempre naman, sayang nga hindi kami nagkita nung asa Pinas ako e :(
(may karugtong…)

Bagong Pahina »

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 64 other followers