Hindi pa. Busy pa ako sa totoong buhay lang.
Naghihiwalay pa ako ng puti sa de color. Actually, magmula nung lumapag yung eroplano nung Biyernes dito sa Alemanya e labadami na ang drama ko e. Pero hanggang ngayon, Linggo na ha, hindi pa rin ako tapos. Helffff. Nagtambak na nga rin ng labada si kengkoy sa dry cleaning para daw hindi na ako mahirapan pero ganun pa rin. Laba, sampay, tiklop, hagis sa aparador — yan ang araw araw na drama ko. Hayzzzzz.
Tapos wala kaming pagkain sa bahay. Kawawa naman ang mga little kengkays. Nung Sabado lang ulit kami nakapagmili. Ang sarap iuntog ng ulo ko kasi bigla kong nakita kung gaano kamura talaga mag grocery sa Pinas. Imagine yung pang isang linggo naming pagkain dito e gastos na yon para sa pang isang buwan sa Pinas. Waaaaa… Ibalik nyo ako sa Pinas!
Heniway, yun lang muna. Mag exercise muna ako dahil sa totoo lang, wala ng magkasyang damit sa akin. Nagtataka ako kasi bakit kaya nagliitan ang mga damit ko e samantalang wala namang nakapasok sa bahay namin nung bakasyon kami sa Pinas? Ano sa tingin nyo? Magik kaya? Hmmmm
