Kwentong Kengkay

Abril 30, 2008

Dalawang Piraso Lang

Filed under: Birit Ko,Europe,Kwentong Kengkay,Pinas — kengkay @ 7:39 umaga
Tags: ,

Bakit hindi naman di ba?

I-display ko nga ang aking dalawang piraso kapag asa tubig naman. Lalo na kapag may summer get-away. Ang sarap! Kung dati e naka shorts at t-shirt ako kapag magbabad sa tubig, nung asa high school ako at nag outing kami e nagdala ba naman ng isang kabang bathing suit itong kaibigan kong artista. (Uy oo, meron akong artistang classmate at barkada nung high school) — ayun, suot din kami. Sempre one piece lang muna, shy nga kami e. Atsaka ang sarap pala ng hindi t-shirt at shorts, kasi madali matuyo at hindi mabigat bitbitin, esp kapag nagtatampisaw ka lang naman.

Ayan, pa wan piece, wan piece ako. Pero parang….

Tapos nung punta ako sa Thailand, sa ganda ba naman ng mga beaches dun; feeling mo dapat maganda rin ang bathing suit mo. Kahit na naka duster din magbabad sa tubig ang mga tao dun, hehe. Nakakita ako ng sale na two-piece…at dun na nagsimula ang aking summer get away in two piece suits :D

Hindi lang ako sa mga beaches ng Thailand nag lamyerda in my two piece suits. Nung naka-rating ako dito sa Alemanya, sempre bigay hilig na. Tinukso ba naman ako ni kengkoy na manang dahil nung una kunyari shy pa ako in one piece. O ayan, kahit na hindi na sale, kinaskas ko ang karte ko para sa more, more two piece suits dahil ayoko maging manang, eksyus pa daw oh, hmp :)

Ayan, sa bawat summer get aways namin -
eto sa Cannes, France
eto sa Calpe, Spain

eto sa Pattaya, Thailand

eto sa La Union

Sempre nung pagbalik-balik namin sa Pinas e wiz na rin ako paki kahit na sa more an more two pieces ko e more and more din ang aking mga bilbil – mabuti nga kamo hindi ako binibihisan ng nanay at tatay ko kapag nakikita nilang naka two piece ako e, hahaha. Pero pati si nanay ko improving na rin, kung dati shorts and t-shirt sya, ngayon naka wan piece na rin sya, yun na nga lang, hindi pa rin nya maiwan yung puruntong nya :D

Kayo, ano ang costume ninyo kapag summer get-away ang drama ninyo?

Nga pala, ito ang aking entry sa Hirit ng WPP, Birit Ninyo for May: Summer Get-away. Sali na rin kayo!

Linking

Filed under: Paki Lang,Tinag-a — kengkay @ 6:54 umaga

Tagged by Elliot
* start copying here * Join the Worldwide Link Love! Benefits of Worldwide Link Love!
1. Make new friends around the world.
2. Feel the Link Love.
3. Gain new readers and subscribers. Rules:
1. Copy from ~* start copying here *~ to ~* end copying here *~ and paste it on your blog.
2. At the end of the list, put your name and the country your in, it doesn’t matter what’s your nationality just put the country where you are publishing your blog. Don’t forget to put links at your name.
3. If you have many blogs, you can link all of it, just make sure you post the same on each blog.
4. Tag eight or more of your blog friends.
5. Tip for blogspot* users: make sure you copy and paste the code in Compose mode. Worldwide Link Love! Participants
1. Julia (Philippines)
2. Catherine (Malaysia)
3. shimumsy(u.s.a)
4. Mitch (Philippines)
5. Hailey (Philippines)
6. Sexymom (USA)
7. Liza (Philippines)
8. Geng (Philippines)
9. SunnySideUp Foodie (Singapore)
10. Caramelcorn (Singapore)
11. Constance (Singapore)
12. Hainankia (Malaysia)
13. Read my Mind (Philippines)
14. joanjoyce (Philippines)
15. buhay sa korea (Korea)
16. Pinay Myeoneuri (Korea)
17. Elliot (Philippines)
18. Kengkay (Alemanya)
* end copying here *

I am tagging Dhez, sommer, solo, karmi, rio, youareyou

—–

Patalastas:

Para sa mga miyembro ng WP-Pinoys, bisita kayo dun, meron tayong pa-kontes na WPP Gives Back. Check it out!

At isa pang pakulo para sa mga miyembro – Hirit ng WPP, Birit Ninyo. Kung meron kayong writer’s block, silipin ang ating thema para sa month of May dito. Kwentuhan tayo, kanya kanyang birit. Sali na!

Abril 29, 2008

Makahiya

Filed under: Duon sa Amin,Paki Lang,Pinas — kengkay @ 2:00 hapon
Tags: ,

Si nanay kengkay e hindi lang busy sa pagtatagalog sa mga little kengkays para matuto sila ng ating salita; busy rin ako na maging bukas ang kanilang puso at isipan sa mga bagay na tunay na Pinoy.

Katulad na nga ng paggamit ng tabo, ng pagkain ng lutong Pinoy, ng pagkain ng prutas Pinoy, nameet nila ang mga hayop, pagkakamay, pagsawsaw ng tinapay sa kape, pagkain ng kanin (ketchup nga lang ang ulam nila :D ) at kung ano ano pa — at sempre, proud din akong iniikot sila sa magagandang bahagi ng Pinas katulad dito at dito – at lalo na, sanay silang tumawag ng nanay at tatay, kuya at ate, tita at tito.

E bago humaba ng litanya ko, dahil manghang-mangha sila sa mga nakita nila sa ilalim ng dagat ng Anilao – nakakita sila ng blue starfish, ng Nemo fish, ng pagkarami raming baby fish na kumakain mula sa tinapay sa kamay nila — bigla kong naisip, ang halamang makahiya!

Tama, sigurado matutuwa sila kapag nakakita sila ng makahiya. Edi naghanap kami ng makahiya. Sinabi ko sa kanila na ang makahiya ay isang halaman na super ‘shy’ – na kapag hinawakan sya, bigla na lang sya titiklop. Naku, super excited naman ang mga little kengkays. Ihanap daw namin sila ng makahiya. Tanong kami sa buong resort, kung may makahiya ba dun.

Wala daw :( Sayang, disappointed ang mga little kengkays. Siguradong buong araw nilang aasarin ang makahiya para lang mahiya iyon ng todo-todo. Di bale na, sa sunod na balik namin ng Pinas — hanapan ko talaga sila ng talahiban na may makahiya :D

O baka sino man sa inyo may makahiya sa bakuran, pwede kami makitambay sandali?

Basahin ninyo dito ang sabi ni wikipedia kay makahiya.

Abril 28, 2008

Kain tayo sa Macapagal

Alam nyo bang hindi lang ang Mall of Asia ang pinupuntahan sa reclamation area sa may Roxas Blvd, andun din yung parang dampa style na restaurants na kilala sa tawag na Macapagal. At sempre, kapag may palengke, halo halo na ang makikita mo dun.

Ang unang babati sa yo ang mga barker. Dito parking, duon parking! Kapag nasalampak mo na ang sasakyan sa parking, ang sunod na barker naman e yung mga tindera at tindero ng mga prutas ‘mura lang dito ate, mura lang dito kuya’ – may discount, may libreng tikim, matamis ang santol, mas mahaba ang saging, at kung ano pang sales talk. Kapag sa may gitna ka pumasok, andun na yung palengke – sempre ayan na naman ang sigawan ‘dito po kuya, dito po ate’, murang-mura lang, may discount, sariwa pong talaga — at kapag dun ka naman sa kaliwa andun na yung mga restaurants na ang trabaho lang nila e magluto at maghugas ng pinggan kasi nga kayo ang dapat mamili ng gustong nyong lutuin; may i suggest lang sila ng luto.
Ang napansin ko lang talaga, bakit ang daming happy and gay dun ngayon? Nung huling bisita namin nung 2006 e hindi naman sya beauty contest, ngayon talaga namang dalaginding ang mga andun. Heniway, napansin ko lang naman.

Sempre ang kengkoy, usyoso ulit. Karga ang bunsoy namin, usyoso sya sa lahat ng tindahan. Sa loob ng palengke, sa isdaan, sa babuyan, sa manokan, a basta; enjoy na enjoy syang kalikutin at pag-ku-kwestiyunin ang mga tindera at tindero. Sempre may bodyguard sya, si nanay ko na may I explain sa tabi nya.
At nung tapos na daw ang pagkain, pasok kami sa restaurant na sempre, maingay dahil andun lahat ng malalaking pamilya. Hilahan ng silya at lamesa. Long table lahat. Pagkadami-dami pong tao na hindi ko makita ang isang barangay kong pamilya rin. Pero naririnig ko sila ha :)

Nung umupo kami, andun na lahat sa lamesa. Ang sarap ng amoy. Hmmm… Sempre yung mga normal na pinapaluto – sinagang sa miso, baked tahong, manggang hilaw na may kamatis at bagoong, fried chicken, inihaw na baboy, ginisang hipon, hindi ko na maalala yung iba (tulo laway ko! tsalap) at sempre bande-bandehadong kanin.

Kainan na! Abutan ng kutsara at tinidor, plato at mangkok, sopdrinks at juice; si kengkoy hirit na rin, nagkamay na rin. Kahit na hindi sya talaga madalas kumain kapag tanghalian. E kasi nga fresh seafood, na hindi mo sya sanay makita dito sa Alemanya ang ganyan. Ang fresh dito e frozen :D si bunsoy ko banat agad sya. Yung kanin nya nilagyan nya lang ng sabaw, happy na sya. At sempre, kinamay na nya yung fried chicken. At yung kanin, kamayan din para sa kanya.

Ang may reklamo lang e itong si panganay ko. Medyo maarte yan basta sa kainan e. Kesyo di daw sya kakain kasi madumi daw yung mga pinggan (may mga tubig pa kasi at bagong hugas), kesyo ang ingay daw, kesyo hindi daw masarap yung mga pagkain (kahit na ilang beses na nyang natikman at nakita yan na nakalatag sa harap nya sa bawat punta namin sa ganyang paluto). Nagkanin lang sya pero sinusubuan ko. Pero naman, nung dumating ang mangga – naalis ang kaartehan! Ayan sya at enjoy na enjoy dagtaan :D

Abril 27, 2008

Salamat, Dru!

Asan ka na, Dru? Pasasalamatan pa naman kita dito sa regalo mo sa akin. Binisita kita dun sa blog mo, ang huling post mo e nung March pa. Hindi pa naman matagal kasi April pa lang ngayon e. Hiatus ka ba? O naka-bakasyon?

Di bale, basta salamat. Nagulat ako sa regalo mong ito. Alam kong medyo nagparinig ako ng konti, para makamit itong regalo mo na ito, pero alam ko rin na dahil magaling ang iyong mga kamay; madali mo lang ding ginawa ito. At sempre, isa kang galing pinoy! Mabuhay ka.

Yun nga lang, sempre na miss ka na rin namin. Lalo na dito sa WP-Pinoys group natin. Bisita ka dun, meron tayong pa-kontes na WPP Gives Back. Check it out!

At isa pang pakulo para sa mga miyembro – Hirit ng WPP, Birit Ninyo. Kung meron kayong writer’s block, silipin ang ating thema para sa month of May dito. Sali na! O ayan, biglang nagpatalastas pa ako!

Pero hindi nga, Dru, asan ka na? Salamat sa pagkaganda-gandang guhit mo!

Bagong Pahina »

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 64 other followers