Ang dami kasing hits ng blog ko na tungkol sa Dagat ng Batangas kaya medyo unahin ko muna ang aking masasabi tungkol sa Aguila Beach Resort sa Anilao, Batangas.
Di ba nga bago kami umuwi ng Pinas e naghalunggkat pa ako ng last minute na beach resort sa Batangas? Pwes, nag decide kaming mag stay sa Eagle Point Resort sa Anilao, Batangas ng isang linggo pero gusto naming lumipat sa ibang resort na malapit lamang duon para sa susunod na linggo pa.
At dahil nung high school ako (read: more than 20 years ago) e ang ganda ng experience na remember ko sa Aguila Beach Resort e napag isipan kong bisitahin ulit yon. Kahit na ang sabi nung iba e madumi daw ang swimming pool dahil may mga lumot na. E kasi ang ganda rin ng hitsura sa website nila e, pero alangan ako kasi nga walang picture yung loob ng kwarto. At eto ang sample ng kwarto nila na pang more than 5 persons daw (ito yung photo sa left side). Kaya pala naman hindi daw sila tumatanggap ng reservation na for one week stay e dahil yung kwarto na kasya daw ang limang tao e halos wala ka ng malakaran dahil buong kwarto e may kama! Yung mga bagahe nga ng mga kapatid ko na overnight stay lang sila, nakalatag na lahat sa kama. Papano pa kaya kami na one week dun titira? waaaaa. Pero may konswelo naman, kasi yung mga cottages nila sa poolside e may loft tapos may living room. Maganda sya. Wala nga lang hot water na hinahanap hanap ng mga anak ko at ni kengkoy.
Teka muna, nung nagpunta kami, ang tumambad sa amin? May nabuksan palang pier sa Anilao at yon e katabi mismo ng Aguila Beach Resort. Ibig sabihin, habang lumalangoy ka ay may nakatambay na malalaking barko sa harapan mo. Kakatakot kaya yon. Pero maganda ang beach nila, kasi hindi mabato.
Tapos nag order kami pagkain. Meron na nga kaming ni-rentahan na tatlong malalaking kwarto ha, dapat pa daw naming bayaran yung open air cabana? Ermm, okay, gutom na e. Ayun, antay kami, namula na ang mga pwet namin ka-aantay (dahil sa pintura or varnish ng cabana nila na pula); makatapos ng dalawang oras dumating ang pagkain namin. Tama ba naman yon? Okay, hindi sa resort yung restaurant pero kahit na, kasama yon sa services offered nila di ba?
Mabuti na lang yung tindahan sa may harapan ng beach mababait yung mga tao. Very accomodating. Sa sobrang bait nila, kahit palista at kinabukasan ang bayad e okay lang! O di ba. At yung swimming pool? Ayun, kandadulas-dulas yung mga buong baranggay e kasi nga, may lumot na, sempre kasama na dun yung mga ihi, yukkksss! Ewan ko ba, ang ganda pa naman ng pool side nila, sana i-maintain nila ng mas mabuti kasi may potential naman sya e.
E dahil nakapagbayad na kami ng thre-nights stay sa Aguila, ano pa magagawa? Kasi yung reservation may kasamang one free meal of your choice — dinaan na lang namin sa kain. Yung mga kapatid ko ang nag stay ng overnight dun at ginamit nila yung meals. (Nung breakfast, nag antay din sila ng two hours; ay ano ba yun! At sempre, binayaran na rin namin yung reservation; kahit na andaming diskusyon na nangyari. Pero sa totoo lang, hindi worth it yung binayad namin, very disappointing talaga.
At kaming pamilya? Naghanap kami ng ibang resort. Nag cruising kami sa Anilao, Batangas – sa mga bangin-bangin na daan. Tinahak ang the road less travelled. Dinaanan at inusyoso namin ang Vistamar (mabato at hindi ko alam kung asan ang beach nila??), Crystal Blue Resort (ang tarik ng daan na walang danger sign e ayun at halos bumaligtad na ang sasakyan at ang liit ng parking; pero impressive sya tingnan, all inclusive ang package nila, meron silang jacuzzi pero walang pool at medyo mabato rin ang beach pero kasi nga diver’s paradise sya), muntik na kaming bumalik ng Eagle’s Point ng bigla kong na-alala ang Dive Solana.
Na-impress ako sa mga photos sa website nya kaya lang dahil walang pool, pinasintabi ko. E sa totoo lang, sa lahat ng resorts sa Anilao, Batangas – ang Dive Solana, Vistamar at Crystal Blue Resort lang ang halos may nakapaskel na signs sa mga kalsada. Yung iba, sa harap mismo ng likuan nakalagay yung signage nila na tipong mag break ka talaga na tatalsik yung mga tinago mong pagkain para makapasok ka sa kalsada nila, hayzzzz. Kaya calling calling the beach resorts, hindi sayang na mag lagay ng mas maraming signage sa kalsada. Mas nakaka enganyo nga iyon sa mga usyoserang katulad ko.
E kaya nga kami napadpad sa Dive Solana. Dahil may mga signages sila at nakalagay pa kung ilang kilometro na lang ang tatakbuhin mo at darating ka na sa pwesto nila. Nung nakita namin ang resort, pagkatapos ng humakbang ng 270 steps pababa (hingal kabayo kaya, hahaha) — sabi namin, dito na tayo!!!! Atsaka na ang kwento at more photos ha. Eto sample photos sa Dive Solana:


Lago de Oro daw maganda pero sa Calatagan. Actually di ako masyado napupunta sa Batangas kaya di ako maka-relate. Next time try Pagudpod or Palawan – that would be better. Boracay is nice but already crowded.
Comment ni nina — Abril 1, 2008 @ 8:10 umaga |
nina — maganda nga sa pagudpod, naligaw na rin ako dun, pero hindi ba malakas ang alon kasi nga open sea na sya e. ang alam ko masarap ang mga pasalubong dun lalo na yung chicharon, hehehe. next time we want to go to guimaras or bohol. nakarating na ko boracay pero nung hindi pa matao dun, ang ganda nya, pinong pino ang sand talaga. pero yun na nga, super crowded na raw sya ngayon.
Comment ni kengkay — Abril 1, 2008 @ 8:17 umaga |
huwaw beach!
Dito rin po sa la union dami beaches!!!
magsawa ka sa mga beach!!!!
hehehe!!!
~nakikicomment lang po~
kengkay: nagpunta na kami dyan nung 2006. asa bauang kami, sa may bali hai beach — ang sarap nga e tapos ang sarap din ng pagkain! kaya lang ginagat naman ng langgam itong si bunso ko dahil sa ka switan nya, ayun, patawag kami ng doktor, hahaha. maganda sa la union kasi malapit lang din sa baguio, ayun, naka akyat din kami!
Comment ni eloiski — Abril 1, 2008 @ 10:14 umaga |
ayyyy! dyan na lang ako punta! wag na sa davao! hahahahaha
kengkay: sa totoo lang, nagulat din ako na ang ganda ng dive solana — isa syang pinoy na pinoy na resort, pramis yan! at pang artista kasi nung andun kami daming artista na nagpupunta, tulad namen ba, ahahaha
Comment ni reyna elena — Abril 1, 2008 @ 10:40 umaga |
Sarap ng beach lalo pa’t summer!!
Wow!ganda naman nung Dive Solana.. Beach beach!! Sarap magbabad sa beach sa ganito kainit na panahon..
kengkay: maganda ang dive solana talaga. punta kayo
Comment ni angel — Abril 1, 2008 @ 11:53 umaga |
sana binisita mo na rin yung resort ni mama ricky reyes.. golden sunset.. don din sa batangs yun!
kengkay: sa anilao din ba yun? kasi parang nakita nga yata yung signage dun, e kasi nga ang problema minsan isang beses mo lang makita yung signages ng mga resorts tapos mangangapa ka na e.
Comment ni kingdaddyrich — Abril 1, 2008 @ 1:30 hapon |
wow ang ganda! hindi ng resort kundi ng bagong theme mo momski! buti naman at wala na ung nahahati sa gitna hehehe. pinag uusapan pa naman namin ni nika na mag volunteer kaming ayusin ayos na pala hahaha. congrats momski! btw, ganda nga jan. punta nga ako sama ko gerpren ko hehehehe
kengkay: gelpren!!!! naku, wag sana mabasa ni reyns ito, ahahahaha
Comment ni Lavern — Abril 1, 2008 @ 3:51 hapon |
mami kengks, iba na theme ah! bakit si comments ata parang may sira?
kengkay: uy thanks ha, naisipan ko lang na mag change ng themes at piliin yung hindi sabog yung blog ko, hahaha. wala talaga akong ginawa. yung comments dahil lang yan sa laki ng pics!
Comment ni Nika Catbagan — Abril 1, 2008 @ 3:52 hapon |
teka bakit ung comments ganun?
kengkay: yung photos yon, kasi ang laki ng photos
Comment ni Lavern — Abril 1, 2008 @ 3:52 hapon |
oo nga malumot nga dyan sa aguila, nagpunta kami dyan 2003 di pa rin pala naaayos yan. medyo malakas nga alon sa pagudpud, di ako nakalangoy (hindi naman talaga ako marunong lumangoy hehehe).
salamat sa pagbisita ulit. medyo natagalan bago ako nakabalik, busy at pabalik balik sa ospital. nasa pinas ka pa ba?
kengkay: sayang ano, kasi kung linisin nila, mas marami pupunta sa kanila kasi maganda at malaki yung resort e. uy, hindi pa ba tapos yang ospital visits mo? wala na kami sa pinas
gusto man naming dun mag stay, waaaa
Comment ni bernardumali — Abril 2, 2008 @ 12:07 umaga |
beach. waaaa. gusto ko na talagang umuwi..
kaso, June ako nasa pinas ate.. hehehe..
ah basta, kahit maulan, magbe-beach pa rin ako! lol
kengkay: malapit na rin ang june! inggit naman ako sa yo. tama ka, sanay ka na naman sa lamig e, atsaka ang ulan naman sa atin warm, kaya okay lang. wag nga lang kumidlat habang asa dagat ka, hahahha
Comment ni karmi — Abril 2, 2008 @ 1:31 umaga |
hi, ate kengkay hope you can drop by sa blog ko pakinggan mo yun song sa new entry ko at hope you comment sa song good or bad. thank you
kengkay: oks gab, bisitahin ko sya
Comment ni gabriel — Abril 2, 2008 @ 3:49 umaga |
naku, ako, ayoko na sa batangas. sa ilang beses na laging dyan pumupunta, lagi akong nadi-disappoint. Kahit sunset di ko ganong ma-appreciate. next time, try kayo ng ibang place.
kengkay: alam mo salve, ako din akala ko di na maganda sa batangas — pero pramis, maganda sa dive solana at meron pang isa, azure by vivere sa anilao; bagong gawa yan — super ganda din!!! sa sunod ko na lang sya i blog.
Comment ni Salve — Abril 2, 2008 @ 6:20 umaga |
npabayaan na nga daw yang aguila kc la na c gabby C.
kengkay: yan ba ang kay gabby c? kasi iba ang alam kong may ari nyan e; nakarating na rin kami dun sa bahay nung may ari ( o kamag-anak??) na taga batangas… baka kamaganak nila, hehehe. pero sayang sya kasi may potential sya tapos ang laki ng area nila
Comment ni koreanmine — Abril 2, 2008 @ 9:11 umaga |
wow..buhay pa pala ang aguila beach!!
kengkay: oo, aga — imagine, more than 20 years na yung huling punta ko dyan, akala ko nga gumanda kasi dati nga wala silang pool e tapos konti lang yung mga cottages nila — pero yun na nga, hindi well maintained e
Comment ni aga — Abril 2, 2008 @ 9:28 umaga |
nakalimutan ko basahin ang sulatin ito… kanina…
ate ang ganda naman dyan… geeee… sana makapunta ako =))
kengkay: gab – maganda talaga sa dive solana — very much recommended yang resort na yan
Comment ni Gabriel — Abril 2, 2008 @ 4:41 hapon |
ay ganda ng house mo… bago ba ire
kengkay: tenks. napilitan akong baguhing kasi na-engkanto yung una kong house, wahhh
Comment ni MissPinkBiik — Abril 2, 2008 @ 6:51 hapon |
ganda naman!!
kengkay: hi banani!
Comment ni Banana — Abril 2, 2008 @ 7:04 hapon |
[...] Maganda ang Pinas, Masarap sa Pinas, Pinas — kengkay @ 12:50 pm Matapos ang review ko sa Aguila Beach Resort, i-share ko naman sa inyo ang magandang experience namin sa Eagle Point Resort sa Anilao, Mabini, [...]
Pasa ni Ang Eagle Point Resort - A Review « Kwentong Kengkay — Abril 4, 2008 @ 12:51 hapon |
nakikiraan lang po at makikireview.
kung sa liguan sa Batangas, mas OK sa Calatagan, Nasugbu at Lemery area maghanap ng beach kasi di masyadong kantilado (yung biglang lumalalim) ang shoreline. Ang Anilao ay mas kilala bilang luklukan ng maraming diving at water-ski resorts at totoo naman, may katarikan ang lugar na iyan. God bless!
kengkay: salamat sa pakiki review mo
nakarating na ako sa calatagan at nasugbu, okay nga din dun kaya lang walang websites ang mga resorts nila e
Comment ni brotherutoy — Abril 7, 2008 @ 4:30 umaga |
[...] O kaya naman solb ang aming paghahanap ng alternative resort matapos kaming matakot sa kondisyon sa Aguila Beach Resort. Nagtanong ako sa reception kung magkano – ermm, dolyares ang presyo. Sempre namahalan agad si [...]
Pasa ni Ang Dive Solana Resort - A Review « Kwentong Kengkay — Abril 9, 2008 @ 7:52 umaga |
[...] Anilao, Batangas kami nitong March 2008. Andito na nga yung mga reviews ko sa Eagle Point Resort, Aguila Beach Resort, at Dive Solana; ngayon naman ay puntahan natin ang Azure by Vivere Resort na asa Anilao, Mabini, [...]
Pasa ni Ang Azure by Vivere Resort - A Review « Kwentong Kengkay — Abril 20, 2008 @ 8:46 umaga |
One of the most memorable yung punta namin sa Aguila beach resort. Be sure to take the banca that will take you to the fish area kung saan pwede kayong magpakain ng mga napakagandang aquarium-type fishes sa dagat. The BEST! See my entry on Aguila at http://isjaw.blogspot.com/2008/04/aguila-resort-back-to-anilao-batangas.html
Come and visit my blog at http://isjaw.blogspot.com
kengkay: ok, will visit your blog. mabuti kayo maganda ang experience nyo sa aguila, kami medyo palpak e.
Comment ni Blackdove — Abril 28, 2008 @ 8:06 umaga |
Aguila beach resort is the most disgusting and the ugliest resort i’ve ever been…. its very disaapointing… ang ganda sa website pero super pangit! kaya pala no refund allowed daw kasi scary talaga yung place pati yung room esp. the c.r super dumi matatakot ka tumapak sa tiles nila. Yung pool? matatakot ka maligo sa dumi. Kaya pinabayaan na lang namin yung bayad namin … buti na lang nakalipat kami sa magandang resort (PUNTO MIGUEL)
Comment ni patricia moreno — Abril 12, 2009 @ 1:05 umaga |
Hay naku mareng kengs bakit ba ngayon ko lang nabasa itong review mo na ito. Nagpunta kami ng holy week at naku, naimbyerna ako sa reception area dito kasi mga careless ang staff ng Aguila Resort na ito. Hay, mabait lang ako by nature kung hindi naku, natelekenesis ko silang lahat! *lol*
Here’s my review on the resort:
http://dearbloggery.com/2009/04/14/aguila-beach-resort-a-review/
Comment ni Snow — Abril 15, 2009 @ 4:58 umaga |
aguila beach resort is a big joke!! we went there yesterday and we were so disappointed, disgusted and so upset with the place! The beach per se is so nice, the water is so clear and very calm but Aguila beach resort itself is…. i dont know how to describe it lets just use the word dismay, and i have to agree with snow that the staff is so careless and so freakin’ lazy!The food sucks, the services sucks everything sucks ! The maharlika room is big yes, thats true it can accommodate 8persons and they will charge you 5,000+ pesos for that and for what…!! there’s no tv,no ref,no toilet seat,no heater and check out time is at 8am and breakfast time is also at 8am!! its freakin’ funny huh!!AGUILA Beach RESORT you dont know how run a business!!!One day you’ll get sued for being the dirtiest resort!!
Comment ni tess — Enero 2, 2010 @ 6:11 umaga |
hindi na kami babalik dyan, sa totoo lang!
Comment ni kengkay — Enero 6, 2010 @ 1:20 umaga |
One more thing they dont have telephone, in short they are so freakin’ expensive!!!Its better to spend your money in subic its worth the price.
Comment ni tess — Enero 2, 2010 @ 6:28 umaga |
i’d like to believe that what you’ve all blogged abt aguila resort is real. i’ll take it as a cue, balak pa naman naming mag-batangas this holy week and true, maganda ang website ng aguila. buti na lang me mga bloggers na katulad niyo!
Comment ni cez — Pebrero 20, 2010 @ 11:29 hapon |