Kwentong Kengkay

tagalog chenes

Ma-appeal ang tabo

Andami ko ng posts sa aking mga blogs na tungkol sa tabo ha – eto yung istorya ng tabo na gustong bitbitin nung aking si bunsoy nung una pa lang sya pumapasok sa kindergarten, tapos eto naman yung kaba ni kengkoy dahil sa sanay nga kaming gumamit ng tabo at eto naman yung isa pang summarized version ng appeal ng tabo sa amin :D At dahil malakas nga ang appeal ng tabo sa amin, kwento ko naman ang nangyari sa amin dito sa Alemanya na tungkol sa tabo ulit.

Di ba nga asa listahan nung mga little kengkays ang pink tabo sa kanilang mga dapat bilhin nung asa Pinas kami? Pwes, nakabili kami ng mga tabo – isang pink at isang light blue. Nagkagulo nga sa ilalim nung SM mega mall kasi ganito sigaw ng mga little kengkays ‘Ich will nur ein pink TABO haben, waaaahhh. Ich will nur ein pink TABO haben.’ O e kasi naman isang pink tabo na lang ang naiwan, e sempre dalawa sila. Naku, lito ang mga sales ladies — mabuti na lang e may light blue na tabo na may mga glitters, hahaha. Ayun, nagkasundo yung magkapatid na yung isa pink tapos yung isa light blue na may glitters. Meron ba kayong tabo na may glitters? Pwes, kami meron, hahaha. Mahigit kumulang na sandaan piso ang halaga nun. Kainis :)

Heniway, kahapon e birthday party ni bunsoy kasi nga birthday nya nung April 13 di ba, mga pitong batang makukulit ang asa bahay (kasama na yung mga anakis ko). Sempre kapag ganyan, lahat pwedeng mangyari, lalo na kapag ang tatakaw – o ayun, gumamit ng banyo yung isa sa mga bata. E ang tagal sa loob, kinatok ko at nakita kong naguumapaw na yung toilet paper sa toilet bowl e hindi pa rin daw sya tapos maglinis ng pwet nya. Tapos nakita nung bata yung tabo – nilagyan nya ng tubig at dun naghugas ng kamay.

Kengkay: Alam mo ba kung ano yang hawak mo?

Bata: Hindi

Sempre, pagkakataon na para ibenta ng appeal ng tabo :D

Kengkay: Yan ang tabo.

Bata: Tabo?

Kengkay: Oo, tabo. Yan ang gamit namin para linisin ang pwet.

Bata: Okay, ako din. (Sabay upo ulit sa toilet bowl at inumang yung pwet nya. Haneps, ayan tuloy naghugas ako ng isa pang pwet!)

Kengkay: Tapos na. O ano sa tingin mo?

Bata: Gusto ko rin ng tabo.

Sumabad na si kengkoy na nagmamasid pala at tawang tawa na sa isang sulok.

Kengkoy: O basta sabihin mo sa mama at papa mo kung papano gamitin ang tabo, okay?

Bata: Saan pwede bumili ng tabo?

Kengkoy: Sa Pilipinas.

Bata: Ay? O sige, pag uwi nyo ulit bilhan nyo rin ako ng pink tabo.

Sumabad na yung isa pang bata nakapatid nung hinugasan ko ng pwet na nakikinig rin pala.

Bata 2: Ako gusto ng violet na tabo!

Pagsundo nung tatay nila sa dalawang bata, talagang hinatak yung ama at pinasok sa banyo namin para ipakita yung tabo. O ayan, dapat daw mag practice na silang maghugas ng pwet sa pamamagitan ng tabo!

Ay, ano ba yon, ahahaha. Mag import na ako ng tabo nila kapag nagkataon. Baka sa tabo na ako yumaman :D Here I am the future Tabo Queen!

Inihanay sa:Dito sa Amin, Duon sa Amin, Kwentong Bulilit, Kwentong Kengkay, Kwentong Nanay, Pinas

22 Responses

  1. pusa ay nagsabing:

    LOL kakatuwa naman ang kwento na to…. bilis naku simulan mo na ang TABO EMPIRE Mo at baka maunahan ka ng ibaaaa :)

    kengkay: oops, dapat pala hindi ko agad kinwento sa blog at baka may mauna pa, hahaha

  2. barquera ay nagsabing:

    hehe nagkaron talaga ng appeal ang tabo… anu pa hinihintay mag benta na ng Tabo…hehe

    kengkay: maglilista muna ako :D

  3. Laarni ay nagsabing:

    hahahha. baka sumikat ‘yang tabo at magtatabo na lahat ng mga aleman. Ayos ‘yan! mwahahaha.

    kengkay: matuto silang magtabo di ba :D

  4. eloiski ay nagsabing:

    weee! sige ate kengks! ituro mo po sa laht ng aleman ang tabo! wapak!
    sisikat na ang pinas!

    kengkay: pinas is the tabo capital, hehe

  5. Salve ay nagsabing:

    yan ang kakaibang pinoy commodity! may appeal sa mga makukulit. maghanap ka na ng supplier dito sa pinas at mag-import ng maraming tabo! magkaka-mansion ka dahil dyan. :D

    kengkay: mansyon na nagawa dahil sa tabo, hahaha

  6. sommer ay nagsabing:

    …bwahahaha,katuwa naman…kame din simula bata toilet trained gumamit ng tabo..parang me kulang pag hindi linis-tabo e.=) kala ko lahat sulok mundo kilala ang tabo..di pala..good luck sa business venture!hehehe!!

    kengkay: business venture nga ano, pero pano ko ipapakita kung papano gamitin, waaah – daming pwet akong huhugasan, ahahaha

  7. Rhapsody ay nagsabing:

    ahehehe… simpleng tabo pero papatok pala sa mga bata jan. teka, wala po ba talagang tabo jan? bakit ganun? as in puro shower lahat? Timba wala din po ba?

    kengkay: oo walang tabo dito. ang gamit nila e toilet paper o kaya yung small hand towel para pang hugas ng pwet. ang timba e para lang sa garden o kaya sa paglinis ng bahay :D

  8. Lenggai ay nagsabing:

    Hehe! tama ka te keng… kung sa usaping ligo lang naman, mas ok ang tabo kesa yung bath tub (ahm… koneksyon?).

    mabuhay ang tabo ng pinas!!!

    and oh, belated hapi berday pala sa bunsoy mo :D

    kengkay: ang mga little kengkays e nagtatabo sa bath tub, ahahah. salamat sa greetings!

  9. lilmiz ay nagsabing:

    magbusiness ka na lang ng tabo dyan mamakengks!! ahaha.. naalala ko yun kwento ng kaibigan ko na nasa estets, may make-shift tabo sya na bote ng mineral water haha.. kaso, tinapon nung tagalinis, kala siguro basura haha.. wala pala talagang binibentang tabo outside da pilipins? lolz :D

    kengkay: nung asa thailand ako meron din silang tabo dun, pero dito sa oyropa, wiz talaga e

  10. nina ay nagsabing:

    Ako tabo din girl din. Problem pag sa hotel – kaya nagtatabi agad ako ng bote ng mineral water. Buti na lang dito uso yong mini-water sprayer kahit sa public toilet meron so hindi na kailangan ng tabo sa banyo. Pero syempre may tabo pa rin kami kasi pag summer balde at tabo ang drama namin. Pag hindi ka kasi nagpalamig ng tubig sa balde eh hindi ka na makakaligo sa shower after 8AM. Saka nakakapaso ng wet-paks, mapapatalon ka sa init :)

    kengkay: sa hotel yung glass na asa bathroom, yun ang tabo namin :D grabe, ganyan ka init ang tubig dyan? woaaa..

  11. koreanmine ay nagsabing:

    huwaw. mukang sa tabo ka nga tatabo ng salapi! hehehe

    yung ex ko din, nag uwi ng tabo pag balik nya sa states kc ang tabo nya daw dun ay yung malaking Gulp paper cup! hehe

    kengkay: kaya sa mga balak mag abroad, wag kalimutan ang tabo :D

  12. Rhapsody ay nagsabing:

    what??? i can’t believe it?!@#$!? totoo bpo ba yan… tissue lang ang pang-alis jebs sa pwet? eh pano un dibah may konting amoy pa matitira dun or di kaya eh mag-iiwan ng kulay jebs sa salawal? ahehehehe… buti na lang Pinay ang mommy ng mga prinsesa mo kundi punas-tisyu din ang style nila.

    kengkay: itong si kengkoy ang gamit nya e yung face towel na binabasa nya ng tubig at sabon, medyo metikuloso ito sa mga ganyan e. pero sempre iba pa rin ang tabo. hindi kasi marunong gumamit ng tabo, hirap sya pero gusto nya matuto :D

  13. eyna ay nagsabing:

    ate kengks!

    panalo ang iyong tabo!! di pa ko nakakakita ng may glitters. aba mataray ung design na un ah! ang galing may marketing potential na sya sa alemanya. syempre pag nagawa ang unang commercial at posters, la familia mo ang models!

    gawin mo kong partner sa business pag sineryoso mo ang pagiging tabo chefin!
    gusto ko ding maging milyonaryo. buwahahaha.

    kengkay: hahah, eyna sige – ayusin ko muna yung research at yung sample products – ready ka rin bang maghugas ng pwet kasi sempre dapat tayo ang mag pakita ng tamang gamit, di ba, hahahah. ilang pwet kaya huhugasan natin bago tayo maging milyonaryo, hhhmmm

  14. NJ ay nagsabing:

    ate keng,
    sige pag yumaman ka dyan mag franchise ako sayo ng Tabo… hahaha may lisensya pa ba yan magtinda ng tabo?!

    HAPPY BIRTHDAY sa lil Keng mo! God bless!

    kengkay: okey yan ha, sali ka talaga sa tabo franchise ko ha :D am sure ang lisensya na dapat nating kunin yung maghugas ng pwet, ahahaha. salamat sa greetings!

  15. foobarph ay nagsabing:

    lolz. bagong title na naman yan kengkay. ^^ este….. tabo queen! *sambaaaaa*

    kengkay: tabo queen, ang kyut di ba, :D

  16. jezreex ay nagsabing:

    kengkay I love your blog, very interesting

    kengkay: hi, salamat sa pagdaan :D

  17. Mix ay nagsabing:

    Parang ang sarap pumunta sa Germany at gumawa ng investment sa tabo industry! siempre ikaw mommy kengkay ang CEO! Tapos gagawin nating pyramiding, sa bawat 2 tabo na mabenta nila, 50% off sa kasunod na tabo! Pag dating ng 3 years obsolete na ang tabo sa germany! at ikaw na ang ganap na tabo queen!

    kengkay: aba at iba na ang dating agad sa yo, pyramiding, mahirap yata bitbitin yang naka pyramid na tabo, sobrang dami, hahaha

  18. Meeya ay nagsabing:

    ito na ang simula ng iyong pagyaman, donya kengkay, hehehe! ilang taon mula ngayon, magiging national hero ka sa alemanya sa pagi-introduce ng tabo sa kanilang bansa, hehe!

    kengkay: nababasa ko na ang headline – kengkay, the tabo queen, as national hero for saving our pwets, :)

  19. julie ay nagsabing:

    Ay, ansaya! Napakadami talagang pakinabang ang tabo. Hmm…alam ko na, magbenta ka nito dyan sa Alemanya :D

    kengkay: mag canvass muna ako sa kapitbahayan, bago simulan ang pagiging tabo queen ko, hehe

  20. homebodyhubby ay nagsabing:

    Hehehe, “TABO”… simpleng Pinoy technology, pero napakapraktikal, hane? Tipid na sa tisyu-peper, feeling mas clean ka pa! ;)
    Sana matuto ang buong mundo na gumamit nito… Mabuhay ang Pinoy na tabo! :P

  21. bem ay nagsabing:

    hehehe… nakakaaliw naman ito. talagang hindi mawawala ang tabo sa bahay ng pinoy ‘no? wala ba diyan kahit yung bidet?

    at talagang baso sa hotel ang ginamit na tabo! (sshhhh… pareho tayo heehee) naalala ko ng pumunta kami sa davao nag-stay kami sa marco polo hotel. nag-try kami humingi ng tabo… meron sila! aliw.

  22. [...] sa huling post ko tungkol sa tabo e nagrereklamo na si kengkoy. kasi daw dapat daw na matutong maglinis ng pwet ang mga little [...]

Leave a Reply

Lumang Kwento