Andami naming narating at nabisitang resort nung asa Anilao, Batangas kami nitong March 2008. Andito na nga yung mga reviews ko sa Eagle Point Resort, Aguila Beach Resort, at Dive Solana; ngayon naman ay puntahan natin ang Azure by Vivere Resort na asa Anilao, Mabini, Batangas din.
eto ang view from the reception area/pool area
Kung hindi nyo pa naririnig ang pangalan na ito, ang dahilan ay bagong-bago itong resort na ito. Ngayong Marso 2008 lang talaga sya naging open for public. Nung naghahanap kami ng resort sa Anilao, hindi namin sya nakita, sempre nga kasi nga ang kulang sa mga resorts natin e yung street signs talaga nila e. Tapos pa yung daan na papunta dito, biglang nawalan ng semento. So ang akala namin e private road na sya. Akalain ba naming meron pa palang mas magandang resort na pwedeng tahakin. Pero mabuti na rin kasi nag enjoy naman kami sa Dive Solana.
E pano naman kaya namin na discover ang Azure by Vivere? Kasi sa tagal ng itinigil namin sa Dive Solana na katahimikan ang bigay sa amin, biglang ginising kami ng karaoke party na pagkalakas-lakas po naman. E sempre, kadagatan lang ang kaharap mo so nakakabinging ingay talaga. Nagsimula ng mga alas siyete ng gabi hanggang alas dose ng kinaumagahan. Hay ano ba yun?
Pinagtanong namin sa Solana kung saan galing yung ingay at ang sabi nila e may party daw sa kabilang resort. E sempre na intriga na kami. Pagkatapos ng almusal e niyaya ko si kengkoy na mag-date kami sa dalampasigan. While walking hand in hand, (naks naman hahaha) nadiskubre namin na ang katabing resort ng Solana ay El Pinoy na mukhang maganda rin at malawak ang bakuran kaya lang e sarado yata, hmm. Ibig sabihin, hindi yon ang maingay – kasi sa totoo lang, habang naglalakad kami ng umagang iyon e rinig pa rin namin ang karaoke party!
Medyo paglampas namin sa El Pinoy, lumakas ang kantahan. Na biglang natigil nung dumating kami. E kasi naman pala, sa mismong harap ng dagat at open air karaoke ang ginagawa ng mga ito. At sempre, hulaan nyo kung sino ang may hawak ng mic? Edi yung mga empleyado ng mga resorts! Hmp
Para matigil ang ingay, hehehe, sabi ko kay kengkoy magtatanong ako.
O ayun, hindi na nga nag sing dahil baka isumbong ko siguro sila, hindi ko naman sila isusumbong e. Ikukwento ko lang, hahaha.
Ano ang laman ng Azure by Vivere? Meron syang 12 suites ayon sa brochure (pero sabi nung sa website e 14 rooms na daw) na may in room safe, telebisyon, DVD player, at ref. Maganda tingnan ang mga kwarto nila sa labas, hindi kami nakapasok sa loob e. Pero dahil nga bago pa lang sya, siguradong patok yan.
At ang mga services at facilities nila, impressive ha. Meron silang dalawang restaurant na harap sa dagat. Meron silang game room, multi purpose hall, gift shop at sempre water sports katulad ng diving at snorkelling; ang talagang nagustuhan ko sa kanila, yung infinity pool nila at yung massage/spa facilities. Ang galing!
ang restaurant na malapit sa dagat
isa sa mga massage/spa area
Ang ganda ng infinity pool nila. Kakatakot nga lang para sa mga little kengkays e baka languyin papuntang dagat e sempre asa bundok yung pool ano, waaahhh ![]()
ang infinity pool na pagka-ganda ganda
Yung reception nila ay nasa itaas mismo, ibig sabihin, kung saan ang parking nyo; hindi kayo dapat bumama ng ilang steps. Pwede muna kayo magpahinga at umupo sa bean bags o kaya naman hayaan nyo munang mag ala tarzan at jane ang mga bata dun sa tree house nila. Oo, may tree house sila! Mabuti na lang hindi namin kasama ang mga little kengkays kasi kung hindi e baka mapilitan kaming mag alsa balutan sa Solana
Pero ang papunta sa rooms at sa restaurant e medyo may I count the steps din kayo ![]()
ang reception area
Ang room rates nila e all inclusive din: lunch, dinner, breakfast, and lunch. Check nyo na lang sa website nila.
Maganda yung dagat nila kahit na medyo mabato. At meron silang balsa kung saan pwede kang dalhin sa gitna ng dagat. Kaya lang, sa labas ng resort, medyo dapat pang linisin yung dagat nila. Andun pa yung isang cat construction machine sa may aplaya tapos ang daming basag na bote. Habang naglalakad nga kami ni kengkoy e si kengkay naman nakayuko at sinisumulan ang pangolekta ng basag na bote. Sana unahin nila ang paglilinis nito.
Sana makabalik kami dito! Eto pa ibang photos.


hay mareng kengkay, kaganda! breathtaking! naintriga ako dyan sa infinity pool ha. definitely not for kids, but a must try for the oldies like us. hay sarap magliwaliw. ganda pala sa anilao! kala ko pa naman mga resorts don eh kulay putik na. ewan ko ba why i have that impression, yon kasi mga huling kwento sakin eh. hehe baka jologs ang resort na napuntahan nila. ganda tlaga!
kengkay: yan nga din ang impression ko sa mga beach sa batangas e, akala ko medyo hindi maganda, pero sa totoo lang, ang daming beaches pala na maganda. as in super impressed itong si kengkoy ko at ang ganda ganda daw ng anilao batangas.
Comment ni jenaspacio — Abril 18, 2008 @ 10:26 hapon |
…wow, ang daming pala talagang magagandang resort sa batangas…to think na pure blooded batanguena ako(sa baguio nga lang lumaki)nyahahaha!!
ang ganda pagkakakuha sa infinity pool…sarap ihilata ang katawan..=)
kengkay: naku ms batanguena, balikan mo ang iyong dugo sa batangas, maganda ang iyong lugar na pinagsilangan. gustong gusto sya ni kengkoy, pramis yan
Comment ni sommer — Abril 20, 2008 @ 5:34 umaga |
Those beanbags, those rattan lounge chairs, the views, the beach – my kind of laid-back lifestyle.
San yung naka two-piece dyan?
kengkay: yung naka two-piece e nakatago sa camera, shy daw, hahaha – ang ganda dyan, bisitahin mo!
Comment ni K — Abril 20, 2008 @ 7:31 umaga |
So ano Kengks, sa Batangas na tayo mag-retire. Magkapitbahay tayo. Share tayo ng palikuran, hahahahah….
kengkay: aba oo, ready na ang mga kids at si kengkoy na pumunta, kahit nga ngayon e — basta kanya-kanyang tabo, hahaha
Comment ni megamomph — Abril 21, 2008 @ 12:12 hapon |
nakakaingit!
kengkay: puntahan mo sya!
Comment ni diwatang_byaning — Abril 21, 2008 @ 3:31 hapon |
magkano po dyan ang stay?
kengkay: they didnt publish their price pala ano? i have a brochure with me with the courtesy rates ranging from dollars 190++-430++ for a single room and dollars 155++-350++ for a double room depending on what type of room you would want to book.the price is all inclusive meaning with lunch, dinner, breakfast and lunch. medyo mabato nga lang ang beach as all the beaches in anilao. but try emailing them, am sure you’d get a discount if you would stay longer.
Comment ni ako — Hunyo 17, 2008 @ 5:40 umaga |
[...] have a review of this hotel in my Tagalog blog if you want to know [...]
Pasa ni ‘namamahay’ in deutschland » Azure by Vivere, a new resort in Batangas — Hulyo 20, 2008 @ 5:01 hapon |
[...] have a review of this hotel in my Tagalog blog if you want to know [...]
Pasa ni ‘namamahay’ in deutschland » Azure by Vivere Resort in Batangas — Hulyo 22, 2008 @ 6:20 hapon |
Hi… Taga batangas actually from mabini batangas.. where anilao is…. try nyo rin puntahan ang Monte Carlo. Another one is Planet Dive .. maganda din … nga lang napakataas ng location .. akala mo nasa dulo ka na ng earth … hirap pa naman umakyat doon ung mga cars kasi sobrang tarik and ung way nya sobra liit …. but enjoying and relaxing yung place … maganda sya sa mga mahilig mag dive …
kengkay: parang napuntahan namin ang monte carlo kaso mo wala yata syang pool tapos medyo hindi maaliwalas yung reception nila kaya hindi na kami tumuloy. yung planet dive, saan yon? pero kung kakatakot naman mag drive papunta dun, nyeee — pass din ako, hehehe. pero salamat sa tips!
Comment ni Ann — Agosto 4, 2008 @ 2:00 umaga |
Hay, naku parang na disappoint ako sa mga reviews about Aguila Beach. Balak pa naman naming magpunta ng family ko doon sa summer. Ngayon kaya malumot pa rin ang mga pools nila at ang services kaya nag improve na. Sana naman masagot ang mga tanong ko.
kengkay: alam mo sa totoo lang, sinabihan na ako nung mga dating nakarating na rin dyan. sabi nila nung nagpunta daw sila dun e malumot at medyo madumi na yung dagat kasi nga katabi na yung mga restaurants at yung pier e. sabi ko baka nagbago na, ayun… nagbago nga. mas madami na ang lumot, mas dumami ang bangka sa harapan ng beach at hindi maganda yung naging experience namin sa services sa pagkain. tagal namin nag antay ng lunch namin ha, nagiiyakan na mga bata sa gutom. sa iba na lang kayo magpunta.
Comment ni Marie — Pebrero 21, 2009 @ 6:39 umaga |
deym diz is nice place….
i wanna go der
D POOL is really cool
Comment ni ♥kiikay♥ :D — Marso 21, 2009 @ 8:48 hapon |
We’re having a company outing dis week may we know rates for 75persons
Comment ni JOEY — Abril 16, 2010 @ 3:28 umaga |
hi joey, you better call them, check out their link in this post. if you are 75 pax, you would get a better rate rather than depending on their published rate which is a little bit high as it is a dollar rate. also, they usually have rate that would include breakfast, lunch, dinner and snacks.
Comment ni kengkay — Abril 16, 2010 @ 5:38 umaga |