Kwentong Kengkay

Abril 20, 2008

Orig Levi’s

Kapag naghahanap kayo ng murang jeans na orig, eto na ang katapat ninyo; ang Levi’s factory outlet. Tanungin ninyo si Kengkoy kung saan yan, dahil yan ang paborito nyang tambayan kapag asa Pinas kami. Matatagpuan ang Levi’s factory outlet sa Pasong Tamo Ext., Makati City. Basta paglampas mo ng ilalim ng tulay sa Makati, ilang lakad na lang e makikita mo na yung Levi’s.

Kung dito sa Oyropa, hindi mo makikita yang si kengkoy na tumatambay sa mga ganyang markadong jeans brand, kasi nga, super mahal! Hindi ko na sabihin kung gano kamahal, basta eto na lang, kapag bumili ng jeans sa Levi’s yang si Kengkoy, lahat ng magkasya sa kanya, hino-hoard na nya agad! Ganyan sya kasabik magshopping ng Levi’s kasi nga dito hindi nya yan pinapansin dahil super mahal daw. At oo, super mura sa factory outlet na kahit wala kang balak bumili, e mapapa-shopping ka rin.

At makikita nyo sa pikytur, hindi lang jeans mayron sila kundi pati mga t-shirts na pang lalaki at pambabae. Oops, at may blouses din pala. 
Eto yung container kung saan nakalagak ang factory outlet ng Levi’s, wala na yung dating parang karitela ba. Kasi nga, nag expand na sila. Ibig sabihin, mas maraming bargains sa loob. Dalawang malalaking containers ang factory outlet ng Levi’s.

At kahit na di-aircon yon, super tagaktak ang pawis mo sa pag fitting, kasi nga, ang daming choices. Super sarap mamili, hehe. Yun nga lang, dapat cash ang dala mo kasi hindi sila tumatanggap ng kaskas o credit card. At sempre, kapag litong lito ka na sa dami ng bitbit mo, may helping hand kang makikita sa mga anduong empleyado. Kahit nga yung sekyu makikihanap ng sizes mo e, hahah.

May fitting rooms din, pero sempre, wag mag expect na malaki ang loob nung outlet nila kasi nga container lang yun ano. Pero sulit ang pagbisita dito kasi nga mura na, ang daming choices pa. Eto ang tip, pumunta kayo dun ng medyo alanganing oras para inyong-inyo ang tindahan, tulad namin, ayan at halos nakapag-sayaw sayaw pa dun ang mga little kengkays.

At nung nagpunta kami sa mga shopping malls at kinumpara ang presyo nung nabili namin sa Levi’s outlet, hayyy, ang sarap ng feeling kasi — hindi ko akalain na thousen, thousen na pala ang presyo ng Levi’s jeans at sempre ang mga nabili namin sa outlet e hundred lang ang presyo, o di ba? Kaya punta na kayo dun, sulit talaga, pramis.

At eto naman ang King Philip tailor, alam ko, medyo baduy ang dating pero kasi sabi ko kay Kengkoy, bakit ka parati sa Thailand nagpapagawa ng suits mo e mas magaling gumawa nag Pinoy? Edi nitong bakasyon namin, naisipan naming puntahan si King Philip. Dun sya nagpasukat, namili ng tela at nagpatahi. At dun naman ako nagkipag-tawaran sa presyo at satisfied naman kami kasi ang galing ng tabas nila. Tuwang tuwa si Kengkoy sa naging resulta. At sempre, babalik-balikan na namin ito. Hindi ito ang King Philip na asa New World Hotel ha, ibang Philip yon. Kung gusto nyo ng orig, puntahan yung King Philip na asa Arnaiz St. Makati, yun ang tunay :D

Mga Puna »

  1. Sa totoo lang, di pa ako napunta sa Levis Outlet na yan pero hindi naman kasi ako mahilig sa Levi’s. For the record, wala akong Levi’s kahit isa.

    Marami tayong magaling na tailors. Sa Robinson’s Galleria meron dun maganda rin magtahi pero nalimutan ko na pangalan saka yong Arthurs sa may Taft Ave, nung araw may commercial pa yon sa TV.

    kengkay: ako i love jeans! kahit na anong tatak pa nya pero matibay kasi ang orig na levi’s talaga e, andito pa nga sa alemanya yung unang unang levi’s jeans na binili ko dun sa unang sweldo ko, that was in the late 80s pa ha. sempre, medyo hindi na kasya, hahaha. as for tailors, tama ka, arthur’s nga pala maganda din.

    Comment ni nina — Abril 20, 2008 @ 11:44 umaga | Tugon

  2. oy ayos yan a, naririnig ko na rin yan, kaso di ko pa napuntahan

    kengkay: kung mahilig ka sa jeans, dapat mong puntahan to

    Comment ni kulot — Abril 20, 2008 @ 11:09 hapon | Tugon

  3. Hi Ate Kengks! :) Bloghoppiny uli. Hmm… di ko pa napuntahan ito ah. Si hubby ko mahilig sa Levi’s nung binata pa siya, siyempre kasi solo niya ang pera niya. Ngayon nagkakasya na siya sa jeans galing Greenhills. Pero kung mura talaga dito, ayain ko siya dito minsan. :D

    kengkay: hindi ko alam kung magkano ang jeans sa greenhills, pero kung mahilig sya sa levi’s, mas mura ng di hamak dito sa outlet nila

    Comment ni Jayme — Abril 21, 2008 @ 2:50 umaga | Tugon

  4. na-feature na yata sa tv yang levi’s outlet pero di ko pa din napupuntahan. hmmm, dapat mapasyalan ko din yan. :)

    http://www.eyeview.wordpress.com
    http://www.salvacion.wordpress.com

    kengkay: kung labs mo mag jeans, try mo talaga

    Comment ni Salve — Abril 21, 2008 @ 3:05 umaga | Tugon

  5. hehe..ako din, di mahilig sa levis. Pero nabalitaan ko nga yan sa mga classmates ko. Magagaling nga talaga yung mga tailors naten. Kahit layman’s term lang yung sabihin mo, o kaya naman i-drawing mo yung gusto mo, makukuha agad nila. :D

    kengkay: alam mo, tama ka, mas magaling ang tailors natin kasi costum made lahat, atsaka talagang personal ang service, hindi katulad sa ibang bansa na hirap na hirap kang i explain kung ano ang gusto mo dahil nga kulang ang inglis nila

    Comment ni wei vines — Abril 21, 2008 @ 5:15 umaga | Tugon

  6. hehe! dyan binili ni misis ko yung dalawa kong levis shirt..ganda nga eh murang mura pa pero pagtiningnan mo sa mall anlaki ng dagdag presyo. ayos pala magshopping mister mo ah..wais!

    kengkay: kita mo na, gasti, wais din si misis mo, hahaha.mas masarap mamili kapag alam mong mas maganda ang dating sa wallet di ba

    Comment ni gasti — Abril 21, 2008 @ 7:06 umaga | Tugon

  7. ms kengkay, yan bayung malapit sa mantrade?

    kengkay: yup, tama ka, sa may mantrade nga yan

    Comment ni lilaybulilay — Abril 21, 2008 @ 7:25 umaga | Tugon

  8. hello po..nag bloblog hopping lang po=)
    pwede po b tau ex links=)
    sana po makabisita din po kayo sa bahay ko minsan=)thanks po=)

    kengkay: hi rio, salamat sa pagdaan, mamya daan din ako sa bahay mo. linked ka na :)

    Comment ni rio — Abril 21, 2008 @ 7:27 umaga | Tugon

  9. naririnig ko na dati un kinukuwento ng kuya ko kaso hanggang ngaun di pa ko nakakapunta! ok blog mo te, pag next time namasyal sa pinas, may complete itinerary na hehe.

    kengkay: alam mo, hindi ko akalain na maraming hindi pa nakakarating dyan na taga pinas, hmmm.

    Comment ni eyna — Abril 21, 2008 @ 8:48 umaga | Tugon

  10. yah, i went there last Christmas, sulit na sulit tyaga ka lang nga humalukay ng size mo. Friendly pa ng staff…

    kengkay: masarap mag halukay shopping di ba, hahaha

    Comment ni ana_banana — Abril 21, 2008 @ 10:10 umaga | Tugon

  11. salamat, salamat, salamat. haha. hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang ‘to narinig. matagal na akong hindi nakakabili ng levis dahil naubos na ang pera namin. haha. pero gusto ko talaga yan dahil worth it talaga. kahit 10 years na ok pa rin.

    kengkay: tama ka dyan, sabi ko nga, yung levis jeans ko nung 80s, buhay pa sya, medyo masikip na nga lang, hahaha

    Comment ni watusiboy — Abril 21, 2008 @ 11:43 umaga | Tugon

  12. madalas kong daanan yang outlet ng levi’s noong nagwuwork ako sa may pasong tamo ext. pero ni hindi ko man lang napasok, hehe… ngayon gusto ko puntahan yan kaso nasa ibang lupalop naman ako ng mundo, no ba yan! :D

    kengkay: di bale na, sa sunod na uwi mo, bisitahin mo

    Comment ni MisyeL — Abril 21, 2008 @ 1:50 hapon | Tugon

  13. thanks po sa info ate kengkay :D siguro yun friend dyan binili yun jeans na binenta nya sakin last month :D hahaha… thanks po ulit… “HAPPY”

    My blogs
    Blognation
    I’m Youngmaze
    Gramercy Residences Makati
    Pinoy Hip – Hop music at its finest

    kengkay: ganun, bili sya dun ng wholesale tapos benta nya ng single sale, hahaha. wais!

    Comment ni Gabriel — Abril 21, 2008 @ 7:08 hapon | Tugon

  14. Dalawa lang ang maong ko. Levis 501 at saka Levis 504. Siguro every 3 years bumibili ako ng bago – kasi lumalaki din yung love handle :-) Asar nga lang yung 501 dahil button fly – kaya mas gusto ko yung 504 – magkamukha pero de-zipper. Ewan ko ba – nakalakihan na ang Levis – mahirap ng magpalit. Saka – habang matagal na di-nilalabhan mas lumalambot na suot.

    Naka score ako ng bagong 501 – $35 lang – yun nga lang kailangan mong puntahan sa Banff, Canada :-)

    kengkay: pareho tayo, nakalakihan ko na ang levis e. atsaka basta nagiging luma sya, mas masarap isuot. mura nga yata yang 35 dollars na yan pero mahal lang pamasahe, ahahaha – punta ka sa outlet, pramis, worth it

    Comment ni rommel — Abril 22, 2008 @ 1:42 umaga | Tugon

  15. kaso po malalaki ang sizes ng levi’s overuns tsaka out of style na. Pamboys ang madami talaga. sa gels kasi onti lang. Id been there many times since I work in a shipping co. and levis is one of our client..

    kengkay: hi kembot – baka nagkakataon rin. ilang beses kaming nagpunta dun, pahirapan maghanap ng malalaking sizes, kaya nga kapag may magkasya kay kengkoy e get na nya agad- and the last time na andun kami, maraming t shirts and jeans for gels. siguro depende rin. at oks lang na out of style basta levis at mura :D

    Comment ni k3mbot — Abril 22, 2008 @ 3:49 umaga | Tugon

  16. hi ate kengks! sobrang busy ngayon lang ulit ako nakadaan dito.. sowi :) uy malapit lang yan sa bagong office ko *evil smile* hahanapin ko nga yan. as if naman magsh-shopping ako, gusto ko lang makita kung gano kamura. hehe.

    kengkay: aha, makati girl ka pala :D wag ka punta dun ng may cash at am sure mapapashopping kang tunay

    Comment ni iris — Abril 23, 2008 @ 5:07 umaga | Tugon

  17. [...] asa Asya sya e bigay hilig talaga. Nabanggit ko na na ang number wan na binibisita nya e yung yung factory outlet ng Levi’s sa may Pasong Tamo Ext di [...]

    Pasa ni Shoppingan ni Kengkoy « Kwentong Kengkay — Abril 25, 2008 @ 9:06 umaga | Tugon

  18. hindi pa rin ako nakakapunta diyan, pero sa susunod na uwi namin aayain ko ang asawa kong napakahilig sa levi’s heheh. chenks for the tip! :)

    kengkay: welks :D dapat puntahan yan ng mga levis fan talaga

    Comment ni Meeya — Abril 25, 2008 @ 1:21 hapon | Tugon

  19. hi,
    tuwing kelan ang sale sa levi’s mantrade?

    kengkay: monday to friday bukas sila from morning to afternoon – not sure yung right time e

    Comment ni joy — Mayo 6, 2008 @ 7:55 hapon | Tugon

  20. anu po address ng outLet kasi sa my quirino aq nabiLi ng Levis…factory outlet din sya eh…tnx

    kengkay: kelot – pasong tamo ext, dun mismo sa malapit sa ilalim ng tulay

    Comment ni keLot — Oktubre 14, 2008 @ 11:48 umaga | Tugon

  21. KAHIT ANONG ARAW PUEDE BA PUMUNTA DON?

    kengkay: normal working days except sundays and holidays

    Comment ni Anielyn Arado — Nobyembre 16, 2008 @ 10:37 hapon | Tugon

  22. Do you know what is the best time to go there? Are they open this week?

    kengkay: kung asa pinas ka, iwasan mo lang yung trapik kaya dapat within office hours – kasi kapag labasan ng mga asa opis, super trapik

    Comment ni Claudine — Nobyembre 26, 2008 @ 7:06 umaga | Tugon

  23. hi, around how much are the jeans? sa mall kasi 2k-3k++. thanks!

    kengkay: mga 300-1,500 pesos isang pair of jeans. depende sa style nya

    Comment ni ness — Disyembre 1, 2008 @ 6:08 umaga | Tugon

  24. ms k, nagsara na pala yung levi’s sa p.tamo. :( nung nagpunta ako don early this year, sabi lumipat daw sa laguna.
    mukhang dahil sa recession– http://www.maversmostwanted.com/2008/07/farewell-levis.html

    kengkay: nagpunta ang brother ko sa pasong tamo last month, bukas pa yung tindahan pero yung factory nila sarado na

    Comment ni ness — Marso 23, 2009 @ 5:17 umaga | Tugon

  25. hi po Ms. k..eh nagpunta din po kame yesterday sa P.tamo, closed na daw un factory,,,pero di nmn alam na open pa pala un tindahn,,bukas p po ba talga? kasi tagal na po nmin hanap un store na un eh,,,mahal kasi levi’s sa Dubai e,tks po..

    kengkay: hi teetay – sabi nung brother ko nung asa pinas ako nitong april e bukas pa daw yung tindahan. yung opis at yung factory lang ang sarado.

    Comment ni teetay — Mayo 12, 2009 @ 7:44 umaga | Tugon

  26. Sa wakas sa loob ng isang oras nahanap ko rin to, narinig ko na kasi yung factory outlet ng levis kaso di ko alam kung saan. Tanong ko lang po Ms.K.. dun po ba sa tindahan nila nagbebenta pa rin ng mga jeans? tsaka mura pa rin po ba yung presyo kahit wala na yung factory nila? thanks!

    kengkay: sabi nung brother ko, kahit wala ng factory andun pa rin daw yung tindahan nila. at oo, mas mura ng di hamak talaga ang presyo nila dun

    Comment ni jepong — Mayo 23, 2009 @ 9:15 umaga | Tugon

  27. Hi, buti nakita ko po blog mu, naghahanap kasi ako ng levi’s 501,papahulugan ko sana… ano po iyon brand new? karamihan kasi sa net ay mga on hand na…. thanks po…

    Comment ni catherine — Disyembre 9, 2009 @ 4:58 umaga | Tugon

  28. Hi, tanung ko lang kung andun pa rin ba yung Factory Outlet ng Levis sa Pasong Tamo Ext? Ano katabi or katapat niyang building? Di ko kasi siya makita nung huli akong dumaan ng Pasong Tamo Ext. About 2 weeks ago. Thanks!

    Comment ni Arthur Ledesma — Pebrero 3, 2010 @ 1:41 umaga | Tugon

    • nung huling dumaan kami dun e sarado na sya e. balita ko asa laguna na yung levi’s factory ngayon e

      Comment ni kengkay — Pebrero 4, 2010 @ 6:59 umaga | Tugon


RSS ulat para sa mga puna sa paskil na ito. BakasPabalik URI

Mag-iwan ng puna

Sumulat ng Blog sa WordPress.com.