Kapag asa Pinas kami, taob ako kay Kengkoy basta shopping ang pag-uusapan. Walang gana yan mag-shopping dito sa Oyropa, kasi ang mahal daw. Kaya naman kapag asa Asya sya e bigay hilig talaga. Nabanggit ko na na ang number wan na binibisita nya e yung yung factory outlet ng Levi’s sa may Pasong Tamo Ext di ba?
Pwes, hindi lamang yon dahil labas masok din sya sa:
1. SM Department Store – Oo, matatawag mong SM boy itong asawa ko. Masyadong loyal sa SM yan. Kasi para sa kanya, talagang we’ve got it all for you ang SM. Medyo nanginginig na rin yan kapag nakakita ng SM. Handa ng kumaskas ba, hahaha. Paborito nya ang SM Mega Mall, kasi naman malapit lang dun sa hotel kung saan kami nakikitira. Pero nung nakita nya yung Mall of Asia, medyo nalula din sya. Mura daw kasi dun. Tapos maraming selection pa, kahit anong hanapin nya, nakikita nya sa loob ng SM — pajamas, toys, water sports, etc. E di ba nga yung tabo namay glitters nga ng mga anak ko dun rin namin natagpuan. At sempre, ang daming sales ladies at sales men na nakapalibot sa yo, feeling mo talaga ikaw e sikat. Sabihin mo lang gusto mo, tapos sila na bahala mag hanap. At sempre, sila din ang kalaro ng mga little kengkays kaya pwede kaming mag tagal sa shoppingan.
2. Surplus Shop – O ayan, halata bang loyalty awardee talaga. Di ba ang surplus shop e SM din ang may-ari? Tuwang tuwa sya kasi andaming malalaking sizes dun. Atsaka, mura sempre. O nung huling uwi namin naki-shopping ang buong barangay. Sukat dito, sukat duon. Si tatay ko porket senior citizen e walang pakundangang hindi pumila sa fitting room, at sya din ang winner kasi mas marami pa syang nashopping kesa kay kengkoy! To the tune of the winner takes it all talaga
3. Bench – Naku, ngayon lang nya nadiskubre ang Bench. Tuwang tuwa si kengkoy, namula ang hasang. Feeling nya sya si Richard Gomez. Medyo niligaw na namin ang buong barangay sa mga oras na ito. Binigyan namin ng pambili ng ice cream, hahaha. Kaming dalawa na lang ang nagpatuloy mag shopping. O ayun, yung salesboy hindi na pinalabas ng fitting room si kengkoy. Hagis na lang ng hagis ng kanyang mga recommendations – shorts, jeans, polo shirts, underwears – si kengkoy naman sukat ng sukat. Pati nga yung napili kong blouse e muntik ng isukat kasi naman hinagis din nung sales boy, namannnnn
Enjoy sya sa shopping nya sa Bench kasi kahit may konting kamahalan, compared mo sa SM, magaganda daw talaga ang quality nito. Dito rin sya namili ng pasalubong sa mga kalalakihan dito.

4. Palengke – Oo naman, dun sa palengke ng Pasay – yun ang una nyang tinambayan. Karay karay namin ang mga little kengkays na nagmasid masid sa kapaligiran. Manghang mangha sya sa mga nakasabit na baboy at mga manok. Sa mga panederya na asa bawat kanto yata. Sa mga karaoke bars na may mga naka park na trisikad sa labas. Sa mga tingi-tinging porsyones ng shampoo, chips at mga palaman. Dun kami nakabili nung aking biyaherang bag na ginamit naming beach bag at nakarating sa Eagle Point Resort at Dive Solana. Dun din kami namakyaw ng kitchen towels (yung ginagamit ng mga trisikad boys na pampahid ng mga pawis nila), ng made in US kuno daw na colored scarves (alam nyo kung ano yung tinutukoy ko) para pasalubong, at binalak pang mag bitbit ng walis tingting dito sa Alemanya kasi kailangan daw nya yon.
Balak ko sya dalhin sa Tutuban, Divisoria, Baclaran sa sunod na taon. Pramis ko yan sa kanya.
—
Nga pala, kung miyembro ka ng WP-Pinoys, merong pa-kontes na WPP Gives Back. Check it out!
At isa pang pakulo para sa mga miyembro – Hirit ng WPP, Birit Ninyo. Kung meron kayong writer’s block, silipin ang ating thema para sa month of May dito. Sali na kayo!


hahaha! una ako! wee…
sasabihin ko na sana na dalhin mo siya sa tutuban e. hehehehe..
at teka, pati ba underwear sinukat niya? lols!
kengkay: bakit nauna ka? wala kang gimik ngayong friday? ay naku, kung pwede lang isukat ang underwear, ahaha. sino kasi nag iba iba ng size categories e, kapag europe ang sizes 45, 46, etc ekek, kapag america naman 5, 6, 7 kapag pinas naman small, medium, large, lintek na yan, hahaha
Comment ni kingdaddyrich — Abril 25, 2008 @ 12:58 hapon |
nakakatuwa naman ang asawa mo, aliw na aliw sa SM hehe. at game na game mag-shopping galore! sa surplus shop din kami nakakapamili ng mga makakapal na jacket haha! buti na lang naiisip nilang magtinda ng ganun dun kahit ubod ng init sa pinas.
kengkay: naku, tama ka dyan. meron kaming extra super size na bag na empty sya pag alis ng alemanya, pero pag uwi naman namin, halos pumutok sa dami ng laman, hahah
Comment ni Meeya — Abril 25, 2008 @ 1:25 hapon |
naalala ko na naman ang mga size 7 girls sa sm lols… gawd i miss taho!
kengkay: ang sarap ng taho!!
Comment ni diwatang_byaning — Abril 25, 2008 @ 3:27 hapon |
Hay, naku, okay pala kasama si kengkoy. Mukhang pwede kong maging barkada
hahahahhaha. Ako madaling mapagod sa treadmill pero sa SM Mega sa MOA kahit maghapon akong maglalakad dun okay lang – may energy pa rin ako hahahhahah
kengkay: ay, pareho pala tayo. ready ak kahit na walang tulugan basta shopingan ang usapan
Comment ni nina — Abril 25, 2008 @ 6:09 hapon |
haha, may hasang si kengkoy? hehe. naku, masarap itake advantage ang mga ganyang game na game sa shopping. kikita ang SM sa inyo.
kengkay: kapag nakikita nga kami ng mga sales ladies sa SM e kulang na lang buhatin kami sa bawat departamento e, haha
Comment ni watusiboy — Abril 26, 2008 @ 4:37 umaga |
dapat pala may SM advantage card na din si kengkoy, para makaipon ng points sa SM na pwede ring ipang-shopping!
kengkay: naku, meron na kaming SM advantage card, hahaha – nakuha ko na nga agad yung points e.
Comment ni Salve — Abril 26, 2008 @ 8:42 umaga |
so kelan kayo uuwi ulit dito? Tara sama ako sa SM.
kengkay: hahaha, sa 2010 pa
Comment ni Laarni — Abril 26, 2008 @ 8:45 umaga |
kapitbahay lang namin ang levis dito pero ni minsan di ko pa napasok ang outlet na yan. sana nag ukay-ukay na rin kayo.
kengkay: ako oks lang mag ukay ukay, pero sa ganyang bagay e medyo hindi okay kay kengkoy e
Comment ni bernardumali — Abril 26, 2008 @ 8:57 umaga |
try nyo poh kaya siya isama sa sabungan???? pwede tumaya tapos pwede pa bumili ng mga dedo na manok… talo nga lang.. hahahaha…
shop while you win ika nga!!!
kengkay: alam mo interesado nga sya sa sabungan pero di ba bawal dun ang babae? baka lalong pumula hasang nung mga tao dun, heheh
Comment ni mardito — Abril 28, 2008 @ 2:01 hapon |
wew
kengkay: hmm?
Comment ni KhEvHin — Hunyo 18, 2008 @ 10:23 umaga |
[...] de kalidad. divisoria, baclaran, taytay rizal o kahit saang palengke. sempre meron din naman sa SM o sa Levis, di [...]
Pasa ni anong maitutulong natin sa bansa? « Kwentong Kengkay — Hunyo 11, 2009 @ 7:34 hapon |
[...] ilang SM pa ba ang kailangan natin? Isinalansan sa: Kwentong Kengkay — kengkay @ 7:07 umaga naalala nyo ang listahan ng mga paboritong shopingan ni kengkoy? number wan dun e yung SM. [...]
Pasa ni ilang SM pa ba ang kailangan natin? « Kwentong Kengkay — Nobyembre 19, 2009 @ 7:09 umaga |