Kwentong Kengkay

tagalog chenes

Makahiya

Si nanay kengkay e hindi lang busy sa pagtatagalog sa mga little kengkays para matuto sila ng ating salita; busy rin ako na maging bukas ang kanilang puso at isipan sa mga bagay na tunay na Pinoy.

Katulad na nga ng paggamit ng tabo, ng pagkain ng lutong Pinoy, ng pagkain ng prutas Pinoy, nameet nila ang mga hayop, pagkakamay, pagsawsaw ng tinapay sa kape, pagkain ng kanin (ketchup nga lang ang ulam nila :D ) at kung ano ano pa — at sempre, proud din akong iniikot sila sa magagandang bahagi ng Pinas katulad dito at dito – at lalo na, sanay silang tumawag ng nanay at tatay, kuya at ate, tita at tito.

E bago humaba ng litanya ko, dahil manghang-mangha sila sa mga nakita nila sa ilalim ng dagat ng Anilao – nakakita sila ng blue starfish, ng Nemo fish, ng pagkarami raming baby fish na kumakain mula sa tinapay sa kamay nila — bigla kong naisip, ang halamang makahiya!

Tama, sigurado matutuwa sila kapag nakakita sila ng makahiya. Edi naghanap kami ng makahiya. Sinabi ko sa kanila na ang makahiya ay isang halaman na super ’shy’ – na kapag hinawakan sya, bigla na lang sya titiklop. Naku, super excited naman ang mga little kengkays. Ihanap daw namin sila ng makahiya. Tanong kami sa buong resort, kung may makahiya ba dun.

Wala daw :( Sayang, disappointed ang mga little kengkays. Siguradong buong araw nilang aasarin ang makahiya para lang mahiya iyon ng todo-todo. Di bale na, sa sunod na balik namin ng Pinas — hanapan ko talaga sila ng talahiban na may makahiya :D

O baka sino man sa inyo may makahiya sa bakuran, pwede kami makitambay sandali?

Basahin ninyo dito ang sabi ni wikipedia kay makahiya.

Inihanay sa:Duon sa Amin, Paki Lang, Pinas , ,

15 Responses

  1. lilaybulilay ay nagsabing:

    salamat sa napaka gandang website, nakaka alis ng homesick…..yabang pinay!!!!

    kengkay: hi lilaybulilay – yabang pinay talaga :D may blog ka din ba? para mabisita ko naman.

  2. Meeya ay nagsabing:

    bakit nga kaya sa pinas lang may makahiya. wala rin akong makita dito sa amin hehe.

    kengkay: nung asa thailand din ako, wala din akong nakitang makahiya dun e

  3. Elliot ay nagsabing:

    hahaha. ^^; Ang saya naman nito. Dito samin sa Laguna maraming makahiya! hehe. PapaDHL ko. ^^;
    Btw, I just tagged you. Please take time to visit that post and I hope you can help build International Linkages. Cheers sa mga kengkay!

    kengkay: o sige, basta pag uwi namin dyan sa pinas, tambayan namin yang bakuran nyo, hahaha- oks, will check out your tag.

  4. K ay nagsabing:

    I would say, onli inda pilipins. Parang may-hungover ka pa ha?

    Palaisipan: “Nang hinawakan ay namatay, nang iniwanan ay nabuhay”. Makahiya.

    kengkay: obvious bang may hang over pa ako? ibalik nyo ako sa pinas :)

  5. pusa ay nagsabing:

    naku sigurado ngang matutuwa ang mga little kengkays sa makahiya, ako nga until na matanda na enjoy sa pagpapahiya ng makahiya eh everytime na makakita ako sa batangas :)

    kengkay: alam mo, ako din, hahaha. enjoy na enjoy akong ipahiya sila :)

  6. barquera ay nagsabing:

    makahanap ng buto makahiya at ma pa DHL hehehe.. me buto din kaya ang makahiya… nakakahiya naman tanung ko hehehe :)

    kengkay: naku, wak ka mahiya sa tanong mo kasi ako hindi ko rin alam

  7. andrewPelago ay nagsabing:

    Merong mga makahiya sa amin… Noong maliit pa ako hilig ko silang laruin… Gusto ko sana makita silang bumuka ulit pero ang tagal tagal nilang bumuka ulit. Kasama yata yun sa pagkahiya nila, ang pinapanood ang pagbuka nila… =)

  8. andrewPelago ay nagsabing:

    Merong mga makahiya sa amin… Noong maliit pa ako hilig ko silang laruin… Gusto ko sana makita silang bumuka ulit pero ang tagal tagal nilang bumuka ulit. Kasama yata yun sa pagkahiya nila, ang pinapanood ang pagbuka nila… =)

    Bakit wala ako sa Mga Kakulitan mo?

    kengkay: pareho tayo, ako din, naiinip kaya hindi ko pa sila talaga nakita habang bumubuka. o ayan, kakulitan na rin kita

  9. Salve ay nagsabing:

    daming makahiya dun sa vacant lot sa tabi ng bahay namin. may tanim pa dun na kamote at kung ano-anong gulay kasi sabi ng meari matagal pa daw sila magpapatayo ng bahay dun. ma-picturial nga ang makahiya habang tumitiklop. bigay ko sa mga little kengkays. :D

    kengkay: medyo mahirap yatang picturan silang tumitiklop pero kung meron ka, sige nga

  10. mardito ay nagsabing:

    wala bang makahiya sa ibang bansa??? baka meron… try mo magtanong sa mga shops ng “a plant with a shy-type personality”
    hahaha :)

    kengkay: hahaha, oo nga ano? masubukan nga mamya sa flower shop sa kanto :D

  11. foobarph ay nagsabing:

    ay naku, makapagluto na nga lang.

    kengkay: kumakain ka ng makahiya :D

  12. dannn315 ay nagsabing:

    tinatamad ako mgbasa…mamaya ko na basahin to.

    thanks

    kengkay: ok lang, take your time :D

  13. dannn315 ay nagsabing:

    bakit nawala ung comment ko? hehehehe

    kengkay: kinain ni akismet yung comment mo, ayan hinatak ko ulit

  14. Jon Cabron ay nagsabing:

    naalala ko tuloy ang pangalawang first girlfriend ko dati.. sa makahiya kse kami nahihiga dati at nag i stargazing hanggang sa mamantal kami sa tinik ng halaman na yun.

    kengkay: yan naman ang walang hiya, hahaha. grabe, kaya siguro nawalan ng populasyon ng makahiya dahil nahigaan mo na lahat.

  15. bernardumali ay nagsabing:

    naiimagine ko na habang tumitiklop ang makahiya ay lumalaki ang mata ng mga bata. mga simpleng himala sa pang araw araw na buhay. Samahan mo rin silang humiga at mag-abang ng falling star para kumpleto ang pagkabata!

    kengkay: kaya nga gusto ko talaga makita nila ang makahiya e. at tama ka, itong si panganay ko nangungulit na nga na gusto daw nya matulog ng late — masarap nga mag abang ng falling stars at mag wish :D pero dito kasi kapag winter, maulap at malamig. kapag summer naman, ang tagal bago dumilim, hayyy

Leave a Reply

Lumang Kwento