Bakit hindi naman di ba?
I-display ko nga ang aking dalawang piraso kapag asa tubig naman. Lalo na kapag may summer get-away. Ang sarap! Kung dati e naka shorts at t-shirt ako kapag magbabad sa tubig, nung asa high school ako at nag outing kami e nagdala ba naman ng isang kabang bathing suit itong kaibigan kong artista. (Uy oo, meron akong artistang classmate at barkada nung high school) — ayun, suot din kami. Sempre one piece lang muna, shy nga kami e. Atsaka ang sarap pala ng hindi t-shirt at shorts, kasi madali matuyo at hindi mabigat bitbitin, esp kapag nagtatampisaw ka lang naman.
Ayan, pa wan piece, wan piece ako. Pero parang….
Tapos nung punta ako sa Thailand, sa ganda ba naman ng mga beaches dun; feeling mo dapat maganda rin ang bathing suit mo. Kahit na naka duster din magbabad sa tubig ang mga tao dun, hehe. Nakakita ako ng sale na two-piece…at dun na nagsimula ang aking summer get away in two piece suits
Hindi lang ako sa mga beaches ng Thailand nag lamyerda in my two piece suits. Nung naka-rating ako dito sa Alemanya, sempre bigay hilig na. Tinukso ba naman ako ni kengkoy na manang dahil nung una kunyari shy pa ako in one piece. O ayan, kahit na hindi na sale, kinaskas ko ang karte ko para sa more, more two piece suits dahil ayoko maging manang, eksyus pa daw oh, hmp
Ayan, sa bawat summer get aways namin -
eto sa Cannes, France
eto sa Calpe, Spain

eto sa Pattaya, Thailand

Sempre nung pagbalik-balik namin sa Pinas e wiz na rin ako paki kahit na sa more an more two pieces ko e more and more din ang aking mga bilbil – mabuti nga kamo hindi ako binibihisan ng nanay at tatay ko kapag nakikita nilang naka two piece ako e, hahaha. Pero pati si nanay ko improving na rin, kung dati shorts and t-shirt sya, ngayon naka wan piece na rin sya, yun na nga lang, hindi pa rin nya maiwan yung puruntong nya
Kayo, ano ang costume ninyo kapag summer get-away ang drama ninyo?
Nga pala, ito ang aking entry sa Hirit ng WPP, Birit Ninyo for May: Summer Get-away. Sali na rin kayo!



Buti ka pa na-enjoy mo na ang summer mo. Ako, hindi pa… WAAH!
kengkay: super enjoy ko ang summer dyan sa pinas. pero dito, medyo matagal pa ang summer
Comment ni andrewPelago — Abril 30, 2008 @ 8:04 umaga |
huwaw anseksi naman ni mami kengkay!
ako rin dati shiorts and shorts, kumapal ng onti mukha nag one piece, habang tumatagal kumakapal ang mukha kaya pa- two piece na hehehehe, pero diba mas mukhang seksi kasi pag 2piece kesa one piece
kengkay: alam mo tama ka nga dyan, mas masarap mag emote kapag naka two piece. atsaka andami namang sarong dyan e, pampaligaw tinging
Comment ni pusa — Abril 30, 2008 @ 8:20 umaga |
hihi… ako sanay mag-swimsuit… hehehe… kerengkeng ang nanay ko, dahil 3 boys ang sinundan ko, pa-girl ako lagi nung bata pa. i started wearing 2 piece suits mga 2001 ata yun. nagpunta ba naman kami ng bora… susko, nahiya ako bumalandra sa mga buhanginan ng bora kse wala ako 2-piece…
ngayon, keber kung malaki ang tiyan ko (i actually wanted to buy a tankini to hide my butete tiyan, ayaw ni fafa. di na raw ako mage-effort paliitin yung tiyan ko! hahaha), two-piece na kung two-piece. hehehe.
kengkay: ay, mabuti pa si nanay mo kunsintidor, parang ako, hahaha. nakaka insecure nga kapag lahat ng tao naka two piece, minsan nga one piece lang, dun sa baba
Comment ni antuken — Abril 30, 2008 @ 10:15 umaga |
I love your legs.
kengkay: thanks, laarni, i lab yu din — napansin mo bang la union yan? 2006 pa yang legs na yan, hahah
Comment ni Laarni — Abril 30, 2008 @ 12:07 hapon |
wow mami kengks ang sexy sexy mo parin talaga, yan ang tinatawag na FIGURE!!! wow
xiao!
kengkay: brath, salamat. yan ang tinatawag na ‘archive photos’ hahaha
Comment ni brath — Abril 30, 2008 @ 1:19 hapon |
pahabol lang
teka asan yung bilbil na sinasabi mo?? wala naman e heheh
xiao!
kengkay: di ko nilagay sempre yung may bilbil, hehe
Comment ni brath — Abril 30, 2008 @ 1:20 hapon |
na hilig kana sa two piece ah…
kung sa bagay… mahilig din ako mag two piece lalo na pag aalis….
pantalon at shirt…
hahahahaha…:)
kengkay: dati nga ang two piece ko earrings lang, ehem, wahahaha
Comment ni mardito — Mayo 1, 2008 @ 12:57 umaga |
Ang seksi-seksi ni mommy kengkay oh. Inggitz tuloy ako. Sana paglaki kasing ganda rin ang body ko sa yo
. Ngayon kasi masiba pa ako, but I am hoping na when I get 18 matigil na ito.
Siyanga pala. Please visit this link. Meron akong photo of the week Mr.Shammer was here!
kengkay: archive photos yan sempre, ahahaha. grabe, nabisita ko na yang si spammer, ang kyut! dito nga nagpupumilit ding pumasok e kinakain naman sya ni akismet.
Comment ni Beng — Mayo 1, 2008 @ 8:23 umaga |
ayun yun eh… nag umpisa talaga sa one piece.. hanggang sa madami nang two piece
)
napadaan lang po sa kaka blog hop
exlinks?
kengkay: ngayon e two piecesesses na sya
linked !
Comment ni lalaine — Mayo 1, 2008 @ 5:34 hapon |
okay lang mag-two-piece, marunong ka namang magtago nga bilbil sa retrato! pansinin- parating may akap kang bata sa mga retrato, o di kaya, long distance naman… di halata ang bilbil, hehehe…
kengkay: hahaha, nagpag aralan ko yan sa modelling 101
Comment ni megamomph — Mayo 2, 2008 @ 5:37 hapon |
wow!! napapakanta tuloy ako ng legs legs legsmo ay nakakasilaw…(2X) leg..legsss…hehehe=)
sarap mag swimming..ang init kasi d2 sa pinas…..=)
kengkay: ito ngang mga anakis ko kahit na ang lamig, swimming pa rin daw, waaahh
Comment ni rio — Mayo 3, 2008 @ 4:55 umaga |
talaga naman pag sexy kailangan ilantad ang beauty! Salute!
kengkay: hahaha, sempre naman. minsan lang yan, ehem
Comment ni MissPinkBiik — Mayo 3, 2008 @ 11:57 umaga |
wow..nakapunta ka na ng Pattaya?! maganda ba talaga dun? planning to go there kc nxt vacation…
add kita sa blogroll ha?
kengkay: ayan, nabisita ko na ang blog mo at na link na rin kita. at oo, sabi ko nga, maganda ang pattaya. at kung ako ang tatanungin mo, may area sya na pampamilya, pang isports at pang ibang klaseng adventure. kalabitin mo ulit ako kung gusto mo ng mas mahabang kwento
Comment ni dakilang islander — Mayo 3, 2008 @ 6:06 hapon |
di pa ko nakakapag-beach, Mayo na! waaaaa! Ito nag-uulan na dito at mukhang di na talaga makakapuntang beach!
kengkay: mabuti pala feb-mar kami andyan
Comment ni Salve — Mayo 7, 2008 @ 2:26 umaga |