Kwentong Kengkay

Abril 27, 2008

Tierra Maria Estates UK Hoax and Scam

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Paki Lang,Pinas — kengkay @ 5:51 hapon
Tags: ,

And this time in English:)

Once upon a time, in the mountains of the Tierra Maria Estates, there were no hoax and scams from the UK. But there lives a Cinderella without glass slippers; and she desperately wanted to have glass slippers to complete the fairy tale. So she fell in love with this UK guy who looked like he could afford the golden slippers.

Mind you, even if the UK guy admitted to her that he is not a real person, but a golden goose; Cinderella from the Tierra Maria Estates refused to acknowledge that. To cut the long story short, Cinderella got her golden slippers and her golden goose; but wait, the story is not yet finish.

Because of such double happiness, Cinderella wandered around wearing her posh slippers in the garden and found a frog — she kissed this frog, who turned out to be the wrong frog. Such that now abounds the UK hoax and scams at the Tierra Maria Estates – the wrong frog, who is from the UK, made so many kokak kokak until the whole world noticed that from that kokak kokak of the frog is a password — a password to more hoax and scams such as this story of mine.

I hope you enjoyed this nothing to do but bug the mind without anything good to share post of mine. Here is what happens if you’ve been in the garden under the sun the whole day, your brain got burned and you turn hoaxy and scammy, hehehe

And most of all, bigla akong ang Inglis, hahahaha.

And they live happily ever after… Yes, we could live happily every after if only people would try to act like a real person and not live in a fantasy world. And most of all, realize that the Philippines and its people are one of the wonders of the world. How do I know that? Because I came from the Philippines and I am one of it’s people, and most of all, I am humble :)

Basahin nyo dito kung bakit ako biglang nag-Inglis. Atsaka eto ang Tagalog version.

Join us!

The Scammers List:
1.) Tierra Maria UK Scam Hoax by Reyna Elena
2.) Ang Tierra Maria Estates UK Scam na Hospitals Scam Din sa Philippines by Kengkay
3.) Tierra Maria Estates Scam Hoax-Apology Letter by Now What Cat
4.) Tierra Maria Estates Hospital Scam is HOAX by Nina
5.) Tierra Maria Estates UK Hoax and Scam by Kwentong Kengkay
6.) TIERRA MARIA UK SCAM HOAX-ANO BA YAN by Pinay sa Amerika
7.) Tierra Maria UK scam is one big HOAX! by Chuvaness
8.) i am a barrio girl…bow! by Gloria aka Daragang Magayon
9.) TIERRA MARIA UK SCAM HOAX, HOSPITALS SCAMS PHILIPPINES, TIERRA MARIA ESTATES SCAM HOAX by Jake
10.) Tierra Maria Estates Scam Hoax by Sinaglaya
11.) Tierra Maria Estates UK Scam Hoax by Diwa
12.) Tierra Maria Estates Scam and golden goose hoax by Beng
13.) 18 signs the Philippine Hospital Scam Hoax could be real! by FilAmReport
14.) Husband and Father from Hell-thanks to the DNA test by Cath
15.) Reader from Hell by Now What Cat?
16.) When the one who cried wolf, turns out to be the wolf itself by Jepoy

Abril 26, 2008

Ang Tierra Maria Estates UK Scam na Hospitals Scam Din sa Philippines

I confess, I am a victim. Oo, biktima ako ng Tierra Maria Estates UK Scam na Hospitals Scam din sa Philippines. And op kors, this is a hoax!

Nuong una hindi ko maarok, hindi ko maatim, hindi ko ma accept, ich kann nicht, mai pen rai.. ayokong malaman ng mga ka-blag ko na isa rin pala akong biktima ng Golden Goose theory simply because I want a pair of posh glass slippers!

Kaya ngayon malalaman nyo na rin ang tunay kong pagkatao, ako si Cinderella ng Tierra Maria Estates. Mali ba ang aking ambisyon na magkaron ng pair of posh glass slippers? Kayo na ang humusga. Ang type ko lang naman e yung nakita ko sa Baclaran, na may mga kopya rin dun sa Tutuban, sa Divisoria, sa may palengke ng Pasay… Pero dahil galing kami sa aming first date nun sa may Dampa sa Paranaque at medyo nangangamoy-ngamoy pa ang mga kamay ko (pinaghimay ko kasi si my lab Tim ng garlic fried shrimps); alam mo yun, parang tama ba sa mga romantic moments na yon na mag feeling Cinderella ka. Tapos ayun na, nasilaw ako sa pair of posh slippers na naka-barandal sa bangketa habang umuusad ng pa unti unti ang aming trisikad. Hawak ko ang kamay ni my lab Tim ng madiin, kasi hindi na sya magkasya sa loob ng trisikad e sa sobrang laki nya kaya andun sya nakasabit sa likod ng trisikad drayber… sempre takot ang mawala sya sa aking paningin at sa aking mga palad di ba?

At nung nasilaw nga ako sa pilak ng glass slippers, lalong dumiin ang hawak ko sa kanya. Nginuso kong may pagka-shy pa ang pair of glass slippers, medyo hindi pa nga naintindihan ni dear lab Tim kasi pinunansan nya lang yung nguso ko at may mga tira pa daw ng kanin at medyo mamantika pa daw. Sabi ko sa kanya, dear may lab Tim, mukhang para sa akin ang mga posh slippers na yon.

Ayun, bigla na lang, poooffffff – biglang naging Golden Goose ang aking may dear lab Tim! Nagpuputak putak na lang sya bigla sa tabi ko. Oh, dear my lab Tim. I am disappointed with you. Bakit hindi ka nagsabi ng totoo? Hindi pala sya isang tao, isa pala syang gansa!

Sa sobrang gulat ko at sa sobrang sama ng loob ko, bigla akong nagka posh ectopic supremacy – yan ang condition kapag hindi ka nabili ng posh glass slippers na gustong gusto mo. Dinala ako ng mabait na trisikad drayber sa Tierra Maria Estates hospital. At si may dear lab Tim, karga karga ko sya habang nagpuputak pa rin sya, ang aking mahal na gansa! Dinala namin sya sa Tierra Maria Estates hospital dahil gusto kong malaman kung ano ang diprensya kay my dear lab Tim — aside from the fact na isa na nga syang gansa, di ba?

Dun ko na lang nalaman na may hospital scams pala dun sa Tierra Maria Estates –kaya ko dinala dun si may dear lab Tim ay para i confirm kung mangingitlog ba sya ng gintong itlog, katulad ba nung sa mga fairy tale – malakas ang loob ko kasi nga ako ang Cinderella ng Tierra Maris Estates, di ba? Fairy tales do come true, yan ang paniniwala ko.

Pero mali ang akala ko. Dahil na hosital scam ako – instead na paitlugin nila ng ginto si my lab Tim ay ginawa nilang experiemento ito — naging mechanical computer keyboard! Ang masama pa nito, ang unang tinayp nyang istorya ay ang tungkol sa pagnanasa ko dun sa posh glass slippers! At gusto pa nyang ibenta sa lahat ng gustong magbasa, kapag nag click ka ng mga kumikinang na mga commercials ay may papasok na pera sa kanya, para bang slot machine! Masakit dear lab Tim. Mabuti na lang at malapit na ang pista, ayun, isinalang ko na lang sya para masaya ang mga bulate ng buong barangay! Salamat dear my lab Tim at kahit na sa huli e may pakinabang pa rin ako sa yo.

Huling hirit ko, I am a Cinderella from the beautiful islands of the Philippines. I believe that as a Cinderella, I am allowed to create and dream about my own fairy tales. I know that some of my dreams would come true and some would not. But despite that, I know within myself that the Philippines, where I came from is one wonderful paradise with wonderful people and wonderful dreams. Those who dare to put us down without even trying to understand what we really are, without even trying to know what we really are, dont deserve our wonderfulness.

Back to reality, itong istoryang ito ang aking regalo kay Reyna Elena dahil meron syang SEO contest:

If you search the term “tierra maria estates scam“, “Tierra Maria UK scam” and “hospitals scam philippines“, you will find out that this old man from the UK has blanketed the Internet with his hoax stories and accusing the Filipinos and the Philippines as scammers. His story is nothing but hoax and hatred to Filipinos. Please read these articles: Was there a scam – Part 2 and Was there a scam – The Motive.

OUR GOAL

Given all these false accusations and hoax stories occupying the number 1 slot in google, I hope you would join me in my little experiment which is similar to Marhgil Macuha’s Pinay Scandal SEO experiment. Our goal is to equalize this old man’s hoax scam stories blanketing the internet. Simply write a funny scam and/or a hoax story and you may use the following keywords as your anchor text (listed below) and also I suggest that your title should be “Hospital Scam Hoax” or “Tierra Maria Estates Scam Hoax:

  • tierra maria estates scam
  • Tierra Maria UK scam
  • hospitals scam philippines

Sali na rin kayo. Ipakita sa mundo na hindi lahat ng Pinoy e katulad ng nilalahad ng nasa search na yon. Sa totoo lang ako e I refuse to read that blog of that man. Katulad ng hindi ko pagbasa sa Gucci Gang. Alam ko kasi kung ano ang Pinoy, kung meron mang masasamang istorya, kasama na rin yon – pero bakit kailangang bigyan ng popularidad ang mga kwentong hindi ikagaganda ng Pinas?

Join us!

The Scammers List:
1.) Tierra Maria UK Scam Hoax by Reyna Elena
2.) Ang Tierra Maria Estates UK Scam na Hospitals Scam Din sa Philippines by Kengkay
3.) Tierra Maria Estates Scam Hoax-Apology Letter by Now What Cat
4.) Tierra Maria Estates Hospital Scam is HOAX by Nina
5.) Tierra Maria Estates UK Hoax and Scam by Kwentong Kengkay
6.) TIERRA MARIA UK SCAM HOAX-ANO BA YAN by Pinay sa Amerika
7.) Tierra Maria UK scam is one big HOAX! by Chuvaness
8.) i am a barrio girl…bow! by Gloria aka Daragang Magayon
9.) TIERRA MARIA UK SCAM HOAX, HOSPITALS SCAMS PHILIPPINES, TIERRA MARIA ESTATES SCAM HOAX by Jake
9.) TIERRA MARIA UK SCAM HOAX, HOSPITALS SCAMS PHILIPPINES, TIERRA MARIA ESTATES SCAM HOAX by Jake
10.) Tierra Maria Estates Scam Hoax by Sinaglaya
11.) Tierra Maria Estates UK Scam Hoax by Diwa
12.) Tierra Maria Estates Scam and golden goose hoax by Beng
13.) 18 signs the Philippine Hospital Scam Hoax could be real! by FilAmReport
14.) Husband and Father from Hell-thanks to the DNA test by Cath
15.) Reader from Hell by Now What Cat?
16.) When the one who cried wolf, turns out to be the wolf itself by Jepoy

Abril 25, 2008

Shoppingan ni Kengkoy

Kapag asa Pinas kami, taob ako kay Kengkoy basta shopping ang pag-uusapan. Walang gana yan mag-shopping dito sa Oyropa, kasi ang mahal daw. Kaya naman kapag asa Asya sya e bigay hilig talaga. Nabanggit ko na na ang number wan na binibisita nya e yung yung factory outlet ng Levi’s sa may Pasong Tamo Ext di ba?

Pwes, hindi lamang yon dahil labas masok din sya sa:

1. SM Department Store – Oo, matatawag mong SM boy itong asawa ko. Masyadong loyal sa SM yan. Kasi para sa kanya, talagang we’ve got it all for you ang SM. Medyo nanginginig na rin yan kapag nakakita ng SM. Handa ng kumaskas ba, hahaha. Paborito nya ang SM Mega Mall, kasi naman malapit lang dun sa hotel kung saan kami nakikitira. Pero nung nakita nya yung Mall of Asia, medyo nalula din sya. Mura daw kasi dun. Tapos maraming selection pa, kahit anong hanapin nya, nakikita nya sa loob ng SM — pajamas, toys, water sports, etc. E di ba nga yung tabo namay glitters nga ng mga anak ko dun rin namin natagpuan. At sempre, ang daming sales ladies at sales men na nakapalibot sa yo, feeling mo talaga ikaw e sikat. Sabihin mo lang gusto mo, tapos sila na bahala mag hanap. At sempre, sila din ang kalaro ng mga little kengkays kaya pwede kaming mag tagal sa shoppingan.

2. Surplus Shop – O ayan, halata bang loyalty awardee talaga. Di ba ang surplus shop e SM din ang may-ari? Tuwang tuwa sya kasi andaming malalaking sizes dun. Atsaka, mura sempre. O nung huling uwi namin naki-shopping ang buong barangay. Sukat dito, sukat duon. Si tatay ko porket senior citizen e walang pakundangang hindi pumila sa fitting room, at sya din ang winner kasi mas marami pa syang nashopping kesa kay kengkoy! To the tune of the winner takes it all talaga :D

3. Bench – Naku, ngayon lang nya nadiskubre ang Bench. Tuwang tuwa si kengkoy, namula ang hasang. Feeling nya sya si Richard Gomez. Medyo niligaw na namin ang buong barangay sa mga oras na ito. Binigyan namin ng pambili ng ice cream, hahaha. Kaming dalawa na lang ang nagpatuloy mag shopping. O ayun, yung salesboy hindi na pinalabas ng fitting room si kengkoy. Hagis na lang ng hagis ng kanyang mga recommendations – shorts, jeans, polo shirts, underwears – si kengkoy naman sukat ng sukat. Pati nga yung napili kong blouse e muntik ng isukat kasi naman hinagis din nung sales boy, namannnnn :D Enjoy sya sa shopping nya sa Bench kasi kahit may konting kamahalan, compared mo sa SM, magaganda daw talaga ang quality nito. Dito rin sya namili ng pasalubong sa mga kalalakihan dito.

4. Palengke – Oo naman, dun sa palengke ng Pasay – yun ang una nyang tinambayan. Karay karay namin ang mga little kengkays na nagmasid masid sa kapaligiran. Manghang mangha sya sa mga nakasabit na baboy at mga manok. Sa mga panederya na asa bawat kanto yata. Sa mga karaoke bars na may mga naka park na trisikad sa labas. Sa mga tingi-tinging porsyones ng shampoo, chips at mga palaman. Dun kami nakabili nung aking biyaherang bag na ginamit naming beach bag at nakarating sa Eagle Point Resort at Dive Solana. Dun din kami namakyaw ng kitchen towels (yung ginagamit ng mga trisikad boys na pampahid ng mga pawis nila), ng made in US kuno daw na colored scarves (alam nyo kung ano yung tinutukoy ko) para pasalubong, at binalak pang mag bitbit ng walis tingting dito sa Alemanya kasi kailangan daw nya yon.

Balak ko sya dalhin sa Tutuban, Divisoria, Baclaran sa sunod na taon. Pramis ko yan sa kanya.

Nga pala, kung miyembro ka ng WP-Pinoys, merong pa-kontes na WPP Gives Back. Check it out!

At isa pang pakulo para sa mga miyembro – Hirit ng WPP, Birit Ninyo. Kung meron kayong writer’s block, silipin ang ating thema para sa month of May dito. Sali na kayo!

Abril 24, 2008

Pang-limang EB photos

Filed under: Duon sa Amin,EBihan,Kaibigan,Pinas — kengkay @ 6:49 umaga

Huling hirit ko na ito, ang pang-limang EB photos. E sino pa nga ba ang kasama ko dito kundi ang EB Queen na si Malen, na berdey ngayon HAPPY BIRTHDAY TO YOU, DEAR MALEN at ang kanyang good prend na si ruthie.
si bunsoy ang cameraman namin nyan
yang pose yan ang pang-hatak ng boyprend dito sa Alemanya, hehe

Kung gusto nyo makita ang aking EB photo series eto sila:

wan, tu, tri, por – click away :D

Abril 22, 2008

Mga Hayop

Filed under: Duon sa Amin,Kwentong Bulilit,Kwentong Kengkay,Pinas — kengkay @ 5:49 hapon

Tungkol sa kahayupan itong kwento ko, kahit na hindi ko alam kung hayop ngang matatawag ang mga babanggitin ko. Kasi baka mamya e insekto lang pala sila. Mga karanasan ng mga little kengkay ito sa Pinas.

Unang-una, ang ipiis. Ang ipis nito sa Alemanya, maliliit, kung meron ka mang makikita. Ngayon, sa Pinas, nakakita si panganay ko ng ipis habang nasa swimming pool kami. Sempre, ang mga ipis sa atin mga busog na busog talaga, di ba? Nakaupo ako sa silya at ang ipis gumagapang sa likod ng silyang kinauupuan ko na nakita ni panganay at sabay tili po naman ng todo na halos lahat ng taong nakarinig e napatigil hininga talaga — at sabay nagtuturo sa may likuran ko. E sempre ang reaksyon ko e pumunta sa tabi nya at akala ko e anong nangyari — yun pala naman, ipis lang! E sa akin, ipis lang yon, dun sa anak ko – nginig na nginig na talaga sya. Ayaw na daw nyang mag swimming dahil dun sa ipis.

Pangalawa, ang tuko. Nung asa Dive Solana naman kami nakarinig sila ng malakas na ‘tuko’ at nakakita ng isang malaking shadow ng tuko, ayun, akala nila e dinasor na daw, hahahaha.

Pangatlo, ang butiki. Sa dagat din nila na-diskubre ang butiki. Ang daming barkadahan ng butiki sa may bubong ng Eagle Point Resort, lalo na sa restaurant. Nung una takot na takot sila na baka malaglagan sila, pero nung nasanay na, binibilang pa nila. Yun na nga lang, isang araw e nalaglagan ng butiki si kengkoy habang natutulog ng tanghali at nasaksihan ng mga little kengkays, ayun medyo ilag ulit sila. At sempre, nung nakita nilang may butiki sa comfort room, ayaw na din nilang pumasok dun sa mismong stall na yon kahit anong explain ko na mas takot pa sa kanila ang butiki.

Pang-apat, ang langgam. Lalo na yung pulang langgam. Itong si bunsoy ko, ang ganda ganda pa naman ng damit nya tapos naka high heels pa, aba, kinain ng langgam! Nakita na lang ni kengkoy na nagtitinikling sa isang sulok, yun pala, pilit na pinapalis yung mga langgam na nakakapit na sa mga binti nya. Imbis na umalis, e dun sya sa mismong may langgam nagpapalis. Hay, kawawang naman talaga. Sabi namin, sa susunod, umalis agad sya kung saan may langgam. E sempre, hindi nga nya alam kung ano yung kumakagat sa kanya e :(

Ang mga hayop, (o insekto ba?) bow!

Naunang PahinaBagong Pahina »

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 71 other followers