Naki-pag EB ako kahapon sa isang mommy blogger na taga-Alemanya rin. Hindi pa kami matagal na nagpapalitan ng kuro-kuro sa aking nanay blog pero dahil nagka-chikahan na kami sa telepono at nagkapalitan na ng address; keri na rin yung EB. E kasi naman ang lapit lang balay nya dito sa amin e.
Especially since kawawa naman si kengkay dito kasi ang halos ka chika lang e ang kanyang mga ka-blag
Masarap naman na may ka chika ng harapan di ba? So plano, plano. Calling calling. Comment comment. At finally, nagkatagpuan din. Dahil pareho kaming takot mag drive; sinali na namin ang buong pamilya sa EB.
Dun kami nagkita sa kanyang balay, medyo nahiya pa nga sya kay kengkoy dahil maliit lang daw bahay nya. E sabi ko naman kay kengkoy pa sya nahiya e marunong nga gumamit ng tabo si kengkoy, kowboy yang asawa ko. O ayun, pumayag din. Nagkaligaw ligaw man, nagkakitaan din.
O bakit naman tuwad tuwad ang taytol ng post ko? Kasi kwentuhan kami tungkol sa disiplina sa mga bata. Sabi nya, nung maliit daw ang mga anak nya; kapag nagagalit sya, pinatutuwad nya yung mga bata – ready yung pwet para paluin nya. Sasabihin daw nya: ‘tuwad, tuwad’ – naku, yung panganay nyang anak na lalaki e magiging behave agad. Yung anak naman nyang babae, tinatakbuhan lang daw sya, hahah. Natatawa ako kasi si Kim, yung anak nya, 16 years old na pero until now hindi daw nya makalimutan yung ‘tuwad tuwad’ ng nanay nya
At sempre, may leche flan sa hapag kainan. Ang sarap po talaga. Hiningi ko nga yung recipe kasi hindi daw sya gumamit ng condensed milk (iba kasi ang condensed milk dito e, malabnaw din katulad ng evaporated milk); regular milk lang daw ang gamit nya. Masubukan nga. At ang matindi nito, meron kaming take out, hahaha. Feeling ko nakipyesta ako dahil sa dami ng pabalot. E sino naman akong tatanggi di ba? Tao lamang ako na may sikmurang hindi aangal
Eto pa ibang photos. Sempre sa sunod, kami naman ang taya.


Ako din hindi gumagamit ng condensed milk. I used evap and sugar only! Masarap ang leche flan pag walang condensed milk
kengkay: nina, penge nga ng luto mo. am sure hindi ko kaya to e
Comment ni nina — Mayo 5, 2008 @ 9:19 umaga |
Hahaha. “Tuwad! tuwad!” pala ang pinagagawa sa kanila? Kami nuon “dapa! dapa!” naman.
Si misis ko naman daw, pag may kasalanan nuong bata pa sila, pinapalo ng patpat maski nakatayo. Eh wais si misis — pupuwesto sa sulok ng bahay, kaya yung patpat, nasasangga ng pader.
kengkay: ay kami naman pila sa bigas ang tawag – kasi pila pila kami at isa isang hahatawin ng sintoron ng tatay ko, araguy
Comment ni HBH — Mayo 5, 2008 @ 10:56 umaga |
“Tuwad, tuwad!”
pinapalo ako ng stick and nung belt ng mom ko. Sometimes she use the broom. It hurts. After being hit, my pwet burns as hell. I even remeber the time my mom noticed that I put a book on my butt. Man, mas lumala. She gave a lot of hits. Hehehe..
That’s what my mom use to say when ever misbehave. I’m also a stuborn girl when I was little, and until now I am still one.
kengkay: naku, i remember a high school barkada na ganyan din ang drama. walis tingting at walis tambo ang panghataw ng nanay nya. as in talagang naghuhulihan sila kahit na sa ilalim na ng sofa yung friend ko hataw pa rin, hahaha
Comment ni LimeGemini — Mayo 5, 2008 @ 1:34 hapon |
picture plang ng leche flan mukhang masarap na,..
ako din dati napapalo sa pwet ng nanay ko ng tsinelas…hehe=)
kengkay: tsinelas? sakit din non lalo na pag spartan, haha
Comment ni rio — Mayo 6, 2008 @ 2:12 umaga |
kala ko anong klaseng tuwad tuwad na topic…hehehh ang sarap ng leche plan!!
kengkay: anong tuwad topic meron ka, hahahha
Comment ni dakilang islander — Mayo 6, 2008 @ 2:29 umaga |
Mmmm… nakakatakam.
Napaisip tuloy ako about discipline. My baby girl is naturally makulit sometimes and I imagine she’ll be more challenging when she grows older. But at this point, parang di ko pa maisip na makakayanan ko siyang paluin. I’m thinking though that there must be a better alternative to physical forms of discipline. Just a thought.
kengkay: jayme, i didnt promise myself not to spare the rod, actually hindi ko naisip about discipline when i became a mother. ang alam ko lang, kapag minsan e super stressed na nga ang day mo tapos ang kulit pa ng mga bata.. minsan i tend to give them a tap in the hand. pero ngayon mas mahaba na ang pasensiya ko, at ang ginagawa ko na lang, i tell them i need to leave them for a minute or else …
Comment ni Jayme — Mayo 6, 2008 @ 5:06 umaga |
ang sarap naman ng leche flan tlga…
kengkay: agree ako dyan
Comment ni rhapsody — Mayo 6, 2008 @ 7:04 umaga |
nooong bata rin ako yan ang drama namin ng ina ko. pero hindi tuwad.. DAPA! DAPA! at may follow up question pa, ilang ang gusto mo? ahahaha! ayos diba? san ka pa?
kengkay: ano ba yun? ano sabi mo sa nanay mo, e nanay pwede wala na lang, hehehe
Comment ni kingdaddyrich ♥ — Mayo 6, 2008 @ 7:11 umaga |
…hmmm, buti na lang pala never ako nakaranas ng dapa o tuwad sa magulang ko.hehehe!
…galeng naman nyang gimik nyo…kame kayang bloggers dito sa dubai e mag EB din..papatok kaya?hehehe!!!
kengkay: am sure patok yan, ang dami nyo yata
Comment ni sommer — Mayo 6, 2008 @ 8:26 umaga |
ay talap ng flan!!!
ako alang tuwad tuwad, hambalos agad ako ng tatay ko hehe
kengkay: aray ko naman. kami basta ang unang salita e – pila
Comment ni koreanmine — Mayo 6, 2008 @ 8:38 umaga |
hmm pano kaya yun..walang condensed???nice.. mukang ang sarap =)
kengkay: mas okay kasi hindi masyado matamis
Comment ni wei vines — Mayo 6, 2008 @ 9:34 umaga |
hahah! kala ko kabastusan te keng… sana pala natikman mo yung leche flan ni carli (yuri), panalo rin yun! pero leche flan na walang kondensada? pano yun?!
kengkay: sa sunod, dapat magbaon si yuri, hahaha
Comment ni Lenggai — Mayo 6, 2008 @ 1:26 hapon |
mukhang masarap nga yan ate ahh, penge!!!
kengkay: sori ubos ko na e, pati yung pa take home
Comment ni MisyeL — Mayo 6, 2008 @ 6:03 hapon |
huwaw. mukhang ansarap nga ng leche flan na yan. inggitin daw ba kami? hehehe.
ako nung bata, lagi rin napapalo ng nanay. tsinelas, belt, what-have-you… ang masama mo pa, pag napalo ka, ang dialogue ni mudra: WAG KANG IIYAK! WAG KANG IIYAK! di ba nya alam na mahirap yun? hehe.
kengkay: ahahaha, super naman yang si mudra mo.. at huwag pa daw iiyak
Comment ni antuken — Mayo 6, 2008 @ 11:33 hapon |
ate kenkz penge din ako ng recipe nong leche flan, baka nga mas masarap yan.
asan ba si tita vk? hanapin ko nga. hehehe
kengkay: ipadala daw nya sa mail yung recipe, wak ka mag alala. ipost ko yon pagnakuha ko na
Comment ni toni/nonblogger — Mayo 6, 2008 @ 11:40 hapon |
isang beses lang yata ako napalo nung bata. nagpaka-behave na ko pagkatapos. sakit ng palo sa pwet, no!
naglaway naman ako dyan sa leche flan… sarap!
kengkay: hay, kami basta nahuli lang ng tatay ko na nanood ng tv during the weekday, pila kami agad sa bigas
Comment ni Salve — Mayo 7, 2008 @ 2:39 umaga |
mami kengks engeng plan!
xiao!
kengkay: ikaw ang marami dyan, am sure. musta pinas?
Comment ni brath — Mayo 7, 2008 @ 6:34 umaga |
kengs, na inggit naman ako sa eyeball sana tayo rin. dito lang ako malapit sa Darmstadt pero dko alam kung malayo tayo sa isa’t isa. di ako marunong gumawa ng lecheflan na wlang condensed milk, pero in fairness meron akong nabibilhan ng condenesed milk dito sa Kaufland =P
kengkay: hi lilay, asan ang URL mo? para mabisita kita. mahirap naman na eyeball agad tayo ni hindi ko man lang nabisita yung blog mo, hahaha — kasi alam mo, baka next week e asa darmstadt kami. kitakits?
Comment ni lilay — Mayo 7, 2008 @ 7:32 umaga |
asus! akala ko kung anong tuwad tuwad! ehe!
ay nakatikim ka na ba ng leche flan na gawa sa ano na nga yun? yung gulay na yellow, yung pampalinaw daw ng mata? yun, gawa dun. healthy pa sya di ba?
kengkay: kalabasa, ahahaha. sa thailand, may ganon silang flavor ng leche flan pero malabo pa rin mata ko e
Comment ni BURAOT — Mayo 7, 2008 @ 8:27 umaga |
yun yun eh!! tuwad tuwad… hehehe
Comment ni lalaine — Mayo 7, 2008 @ 8:58 umaga |
umamin ka kengkay, di ba pinapatuwad mo rin si kengkoy? ha ha ha..joke langggg!!
nakakapag laway naman ang leche flan na itesh!!
Comment ni Thess — Mayo 7, 2008 @ 10:36 umaga |
ate, napaddan lng po.. i tagged you nga pala.. here is the link. Click here.
Comment ni LimeGemini — Mayo 7, 2008 @ 4:27 hapon |
hi guys! plug lng po ulit
- available na po yung chapter 13 ng walang paglagyan sa tagalog online pocketbook
- http://tagalogonlinepocketbook.wordpress.com/2008/05/07/kabanata-13-walang-paglagyan/
- need ko lang po tlaga ng suggestion pra sa last two chapters kasi lately na ba-blanko isipan ko, pasensya na.
Comment ni foobarph — Mayo 7, 2008 @ 5:29 hapon |
Angkop naman ang iyong take-out, dahil ang buwan ng Mayo ay panahon ng kapistahan sa Pilipinas! Naki-piyesta talaga!
Kakatawa ang title… may double entendre yan, di ba?
Comment ni megamomph — Mayo 7, 2008 @ 11:16 hapon |
para ngang ang sarap ng leche flan na yan. buti na lang hindi namin nadaanan yung patuwadtuwad nung bata kami dahil isang tigreng tingin lang ng mga magulang napapa among pusa kaagad. hehehe…
Comment ni donG hO — Mayo 8, 2008 @ 11:02 umaga |