Kwentong Kengkay

tagalog chenes

Pfingsten = Pentecost = Bakasyon

Katatapos lang ng araw ng mga nanay, at eto nga pala ang mga sinikretong regalo ng mga ka-pamilya at kapuso ko…

At ngayong Lunes naman ay Pfingsten o Pentecost kaya holiday dito sa Alemanya. O di ba, ang Pinas Katolikong nasyon pero hindi holiday ang Pentecost, bakit kaya, huh?

Anyway, dito kami sa restaurant na ito nag-dinner para sa Mother’s Day.

At kanina naman, dito kami nag swimming kasi kahit na ang temperature ng tubig e 24 degrees lang; nakaka-akit mag swimming dahil super init po talaga. Huwag lang umihip ang hangin at brrrr…

At dahil Pentecost, hindi lang isang araw ang holiday; para sa mga asa eskwela e dalawang linggong bakasyon yan. Pero sa kindergarten, isang linggo lang. Sa kadahilanang, sino ang magbabantay ng mga bata sa bahay???

Kaya kung minsan na lang ako mag-update ng blog at maki-blog hop; alam nyo na kung ano ang dahilan –isa akong makabag-bagdamdaming babysitter at dahil asa swimingan o asa laktwatsa kami ng mga little kengkays.

At siningit ko na ring pilit ang makipag-EB sa darating na miyerkules kay lilaybulilay… yeheyyyyy, EB ulit!

Inihanay sa:Dito sa Amin, Europe, Kaibigan, Kwentong Bulilit, Kwentong Kengkay, Kwentong Nanay, Oyropa Ko ,

10 Responses

  1. MissPinkBiik ay nagsabing:

    Hi Mommie Kengks!!! I have a tag for you late na pero habol na lang po ako. Happy Mommy’s Day!

    kengkay: habol na habol talaga :D

  2. jeniffer ay nagsabing:

    late na ito.. pero HAPPY MOTHERS DAY!! hehe,.. anyway.. naku, mukang sayang saya kayo jan sa trip nyo.. kami d2 inuulan, panu naman kami makakapagouting.. haha.. :)

    http://www.superjen.vze.com
    http://www.walongbote.co.nr

    kengkay: hay naku, naka score lang kami sa weather kasi sa mga susunod na araw e ulan din, hayyy

  3. rino ay nagsabing:

    Sowee hindi ako naka pag greet ng happy mother’s day last sunday kasi I was in the hospital. Anyway, huli man daw at magaling, huli pa rin…lol…

    kengkay: huling huli ka. hope you’re better now. pagaling ka agad!

  4. lalaine ay nagsabing:

    pahabol din ako ng Happy Mother’s Day sau… nalate ako ah!

    mukhang okay yang holiday nyo ah.. mukhang ang saya saya ;) )

    yngat! :)

    kengkay: masarap kasi ako bida, hahaha

  5. rhapsody ay nagsabing:

    habol habol din me… happy mama’s day to you! cute ng mga gips hehehe….

    kengkay: habol ka din? ginamit na nga agad nila yung gips e :D

  6. koreanmine ay nagsabing:

    akala ko sa pix e ikaw na nka 2pc eh :D c kengkoy pla yun :D

    sarap mag swimming linaw ng tubig :D mukang walang weewee!! LOls :lol:

    kengkay: maaga pa kasi atsaka yung para sa mga bata asa ibang pool, kaya konting ihi lang siguro andito, ahahah

  7. kingdaddyrich ay nagsabing:

    sabi nga ni momi VK holiday diyan. ahahaha. at felt niya raw na nasa pinas siya dahil mainit.

    kengkay: hay, super init nga dito pero mukhang nagbabadya na ang ulan, kainis!

  8. lilay ay nagsabing:

    hay ang sweet naman ng mag aama,shempre ako din kahit panay ang karton ko ng mga gamit EB parin tayo. kaya naglaba nako ngayon at naglinis ng bahay para di masita ni bossing kahit maglakwatsa ako bukas hehehh, see you tom!!!!

    kengkay: naku sabi nga ni kengkoy maglinis din daw kami kundi i pa cancel daw nya yung credit card ko para bukas, hahahaha. see yah!

  9. NJ ay nagsabing:

    glad you had fun on mother’s day ate keng…. enjoy your vacation again!

    kengkay: gusto kong bakasyon yung may babysitter, hehehe

  10. K ay nagsabing:

    I smell Summer once again. Mainit na rin dyan?

    kengkay: himala nga na may pa lang e super init na, pero mukhang this coming week e tag ulan naman

Leave a Reply

Lumang Kwento