Yehey, sarap buhay ko dito ha. Walang kasing sarap kasi nakipag-EB na naman ako kasama ng aking little alalays! At ngayon ang aking ka-chika ay si lilay.
Nagkita kami kahapon sa Darmstadt kung saan dun nag woworking boy si kengkoy. At si lilay, naku, ang tagal na naming magka-blag nyan; siguro mga isang beses syang nag iwan ng comment dito sa blog ko bago namin maisipang mag-EB kami, hahahaha. Sabi ko nga sa kanya dapat bisitahin ko rin yung blog nya bago man lang kami mag ayos ng EB, kasi ba naman hindi nag iwan ng URL nung blog nya ang babaita! So pagkatapos naming magpalitan ng kuro kuro, siguro mga isang linggo din yun… nag-set na kami ng EB.
Matatawag bang EB yun kapag hindi man lang nagpalitan ng comments sa blogs, whadayasay? Ang tawag dun, penpals! Parang ganon na nga ang nangyari nung nagkita kami. May I send ako ng text sa kanya kung ano ang suot ko, wahahaha. Sabay sagot naman nya ng description ng kanyang wardrobe din. Para hindi kami magkawalaan, kahit pa rinig na rinig sa buong siyudad ang tilian ng dalawang little kengkays dun sa palaruan kung saan kami tumambay — PS, ang palaruang iyon e nasa loob ng isang bookstore, laban kayo sa ka-astigan ng mga little kengkays, hahahhahaha.
At habang naghahanap ako ng erotic best sellers; para pampatawid ng oras — nakita kong lumulutang papunta sa akin ang babaeng ka-blag ko
Naks, feeling palabas sa sine daw ang drama e. At sempre, nung nagkita kami e naluma ang ingay ng little kengkays sa tili naming dalawa ni lilay (oops, asa bookstore pa rin kami ha).
Kwentuhang umaatikabo. Nainip ang mga little kengkays kasi daw mas ma-ingay na daw kami sa bookstore kaya nag yaya mag ice cream. At sa open air naman tuloy ang aming — bla, bla, bla – ang kinalabasan eto: pareho kaming maganda wala nga lang akong dimpel, hmp
; pareho kaming nag trabaho sa isang group of company at sempre kasali na yung mga kakilala dun sa chismisan namin; pareho kaming sex slave stay-at-home sa madaling salita, wa work; pareho kaming seksi (boooo, ehem); etsetera, etsetera.. basta ang alam ko, berdey ng labs nya ngayon – hepi berdey sa iyong darling, lilay!








Sempre, ayan ang kodak moments! Super galing kasi ng mga professional photographers namin e – yung dalawang little kengkays ba! Nakikipag-patintero sila sa mga nakikiraan habang dapat e naka-focus yung camera.
Pero bilib kayo kay lilay, kung si nanay kengkay e halos ma stress at mabaliw na sa kakaposing; ang lilay e labas pa rin ang dimpel, ready talaga mag pakyut!
I would like to thank SM department store for my top and bag, chuvaness for my super wonderful beads, Bangkok bangketa for my jeans
Sino sunod na gusto makipag-EB dyan, sinooooo… sarap makipag usap ng Tagalog talaga, yum!


Hihihihi!!!
Ang kyut naman ng pagmi-meet nio!
Kakatuwa naman, sana magmit din tau one day soon, aling kengkay.
kengkay: sempre naman aling baby, punta ka dito o kita tayo sa pinas
Comment ni Aling Baby — Mayo 15, 2008 @ 12:28 hapon |
nice top mamu! cutie ng little kengkays!
kengkay: gawang pinoy yang top ko ha
Comment ni antuken — Mayo 15, 2008 @ 12:56 hapon |
sus ko dhay, ang daming blog mo pala….heheh
nalito ako saan ako magbisita na sa iyo….lol
wow kita kayo ni lilay….ikaw pala si kikay….
ang ganda ng mga nname nyo uy…
kasing ganda sa beauty nyo,……
hi lilay…..thanks sa visit sa blog ko ha.
tika.—-txt naman sis ko, balik na ako….
kengkay: ahaha, ako talaga si kikay, hahahaha
Comment ni vk — Mayo 15, 2008 @ 1:52 hapon |
haaay ang sarap talaga ng feeling, so dapat maulit yan ha kengs.ang taray ng pics ko parang kulang nalang asukal at keso ensaymada na ang dating…wahhhh ang juba ko na talaga. pero ok lang, basta laging may EB panalo na, thanks nga pala sa libreng ice cream kengs…mwah!!!thank you nga pala daw sa bday greetings from lalabs =P
kengkay: kyut nga e, deliciously huggable
kita ulit tayo sempre at sa sunod dala na ang buong barangay
Comment ni lilaybulilay — Mayo 15, 2008 @ 7:07 hapon |
panay ang eb ni mami kengky! at ang 2 li’l kengkays, bata pa sanay na sa eb! hehe lagi kasama sa gimik

kengkay: ay alam mo naman, walang bebisitter dito kaya bitbit ko sila kahit saan; kahit nga mag-wee-wee kasama rin sila e, hahaha
Comment ni koreanmine — Mayo 15, 2008 @ 11:18 hapon |
wahh…puro EB ka nalang dyan ah dami nyo palang pinay bloggers dyan magkalapit lang
kengkay: nagkataon lang na palapit na sila ng palapit at kung hindi man malapit, pinipilit na maabot!
Comment ni dakilang islander — Mayo 16, 2008 @ 2:12 umaga |
isa lang ang masasabi ko FLAWLESS si kengkay, kering keri mag backless!!!
sya nga pala kengs pa change naman ng URL ko hehehe, pasensya na at hindi ako mapakali =P
kengkay: lipat ebahay ka rin ha. flawless kasi tinadtad ko ng lotion ang mga naka backless para hindi halata yung puti puti, alam mo yun, yung kaliskis, hahahaha
Comment ni lilay — Mayo 16, 2008 @ 2:49 umaga |
haha! ayos yan ah isang beses nag comment tapos walang iniwang link pero natuloy ang eb..ibang klase!..ang saya naman!
kengkay: yan ang istorya ng EB ni kengkay at lilay, hahaha. mga sabik talaga sa kapwa tagalog chika e
Comment ni gasti — Mayo 16, 2008 @ 5:27 umaga |
ganda ng neclace hehehe..
Comment ni barquera — Mayo 16, 2008 @ 7:50 umaga |
“necklace” pala hehehe
kengkay: pwede na rin yon. gawa yan ni chuvaness, galing ano?
Comment ni barquera — Mayo 16, 2008 @ 7:51 umaga |
waaaahh!!! ako din sali!!!
ate kengks di ba lilibre mo din ako ng ice cream??? 3 scoops ha!
ayaw nyo ba maligaw ni lilay dito sa may parteng cologne, düsseldorf, aachen??? hahaha, desperado!!! cge na magpaligaw na kayo! napapanis na laway ko dito walang kahuntahan. kakatamad naman mag achtung achtung.
kengkay: nainggit si eyna, ahahaha. sige puntahan ka namin, pero baka matagalan ka pa ng antay at takot akong mag drive mag isa e. dont worry, am sure magkikita rin tayo. bakit hindi ikaw ang magpunta ng heildelberg, heheh. sige na libre kita ng spaghetti eis, yum. sarap ng may ka chikang pinay!
Comment ni eyna — Mayo 16, 2008 @ 8:23 umaga |
WOW….
how nice naman, ang galing nang pagmimeet nyo….
sana visit naman po ung web blog ko….
http://www.emotheraphy.wordpress.com
thanks po kung magcocoment ka….
kengkay: oks, sige will check your blog. pramis!
Comment ni emotheraphy — Mayo 16, 2008 @ 9:42 umaga |
ang tarush ni mami kengkay.
at kasama pa ang babies sa EB.. ^_^
sarap naman ng EB. ^_^ kelan kaya tayo kita mami kengks? uwi ka ulit Pinas! hehehe.. ^_^
kengkay: asa pinas ka pa rin ba? malay mo puntahan ka namin sa canada, erm, sa pinas na lang, hahaha
Comment ni karmi — Mayo 16, 2008 @ 12:30 hapon |
naku di pa me kahit kelan nakipag EB, pero mukang naging masaya kayo sa inyong pagkikita..ang kyut ng mga bata with icecream.. makikita sa kanila ang tunay na kamusmusan..
kengkay: subukan mo makipag EB, masaya talaga
Comment ni jeniffer — Mayo 16, 2008 @ 12:51 hapon |
waaah like the tube top.
love green so much! ^_^
thanks din sa pagbisita sa blog ko. i linked u up po pla. ^^,
kengkay: huling hirit ko yang green top na yan sa SM, hehe – ur linked too
Comment ni vanny — Mayo 17, 2008 @ 4:04 hapon |
ahaha, si te kengks ariba na naman sa eb.
kengkay: sarap yata nung naumpisahang EB sa pinas
Comment ni Nika Catbagan — Mayo 17, 2008 @ 7:56 hapon |
wahaaaaw! EB again. *kaway to lilay*
mami keng!!!! looking gorgeous! thank you talaga ginamit mo un necklace. ang ganda! bagay na bagay sayo.
kisses to your kids!
kengkay: bagay na bagay talaga, salamat dun sa magandang nagbigay sa akin ng necklace
Comment ni chuvaness — Mayo 18, 2008 @ 1:40 umaga |