Mainit na nga dito sa amin, sabi ko nga di ba na halos nawala ang spring tumalon agad sya sa summer. Kaya naman usong uso na naman ang hot air balloon rides. Pwede lang gawin yan sa umaga at sa bandang hapon.
Nakakatuwang pagmasdan ang hot air balloons kasi naman kitang kita mo sya kahit na ang layo layo mo pa. Katulad nitong kulay dilaw at puti na hot air balloon na nadiskubre ng mga little kengkays habang asa kotse kami.
Kasalukuyang nasa autobahn kami papunta sa EB kina vk nung napansin ito ng mga little kengkays. Sigaw agad sila, ‘mama, shau mal draußen, ein pippi luftballon.’ (mama, look outside, there’s the pippi balloon). Kung hindi nyo kilala si pippi, sya si pippi longstockings na paboritong paborito ng aking si bunsoy at kaya pippi luftballons ay dahil may DVD sila ni pippi na sumakay din sa ganitong lobo.
Nakalimutan ng mga little kengkays na medyo nahihilo ‘kuno’ daw sila sa biyahe nung nakita nila ang lobo. Tuwang tuwa silang pinagmamasdan ito. Ako naman ang nahilo dahil trying hard kong i capture ang lobo sa aking camera.
Sabi ng mga little kengkays e sinusundan daw kami ng lobo, hehehe. Actually, sa kabilang kalye e meron pang isang lobo rin na kulay pula naman. Pero dahil hindi ko pwede paalisin si kengkoy sa manibela e hindi ko na sya nakunan ng pektur. Samantala, halos mabali ang leeg ng dalawa sa kakapanood.
At ang hirit na inaantay ko, sigaw ang mga little kengkays na sundan daw namin kung saan bababa yung lobo. Hehe, kasi dati ginawa na rin namin yon, eto pakibasa dito.
Kunsintidor si kengkoy kapag mga ganyang tripping e. Pero dahil may ka-date kami, sempre hindi pwede. Nga pala, si kengkoy pangarap nyang makasakay ng ganyang lobo pero nanghihinayang sya sa gastos. Kasi naman sa 45 minutes na lipad mo sa ere, umaabot din ng 300 euro ang bayad mo. Naku, ibili ko na lang ng bigas yon ano.
At bakit ko naman aaminin na takot akong sumakay sa hot air balloon
Sempre masarap yan, ibang experience. Sino sa inyo nakasakay na sa hot air balloon? Taas ang kamay.
Siguro sa mga susunod na taon, kapag nanalo ako sa lotto, sasakay ako nyan pero sa ngayon, bisikleta nga hindi ko pa matake e, hahaha.





di pa ko nakakasakay sa hot air balloon, parang nakakatakot pero ang alam ko sa subic meron sila nyan yearly event.
kengkay: bulilay, sakay tayo, gusto mo, hehehe. pero sa truly lang, wiz ko pangarap na makasakay dyan ano.
Comment ni lilay — Mayo 20, 2008 @ 8:29 umaga |
ang sarap sigurong sumakay sa hot air balloon. Curious lang ako. may naa-accidente ba sa air balloon? patay ba?
kengkay: nanaybelen, may naaksidente, pero yung mga deadly accidents minsan dahil sa sumabit sa mga poste ng meralco, eheste, wala pa lang meralco dito, yung sa mga electric wires o kaya naman yung sa gitna ng highway — pero sabi nila safe naman daw yun.
Comment ni nanay belen — Mayo 20, 2008 @ 9:10 umaga |
Matagal ko ng pangarap na makasakay sa hot air baloon at mag-sky dive sa Australia. Sa Dubai $200 ata – kaya lang di ko alam kung ilan minuto. Sa Clarkfield, Pampanga may hot air balloon festival every year – P6,000 daw ata kung gusto sumakay…
Teka pala, gano ba kainit ang summer? Kasi dito parang maaga din ng summer. Feeling ko mga pang- late June na ang Temperature. And when I say mainit 40+ degC at kailangan mo magpalamig ng tubig sa balde para ka makaligo
sky dive, hmm, di ko rin type, hehehe
kengkay: summer mga umabot ng 18 degrees tapos sabayan ng init ng araw, hehehe – feeling summer na kami dito
Comment ni nina — Mayo 20, 2008 @ 10:19 umaga |
ay ang mahal nga nyang hot air balloon na yan kaya nakakapanghinayang, hintay ko na lang na manalo ako sa raffle ng libre sakay jan heheheheh….
kengkay: kapag nanalo ka sa raffle baka makisakay din ako
Comment ni rhapsody — Mayo 20, 2008 @ 11:15 umaga |
ate kengks! bakit “summer” dyan sa may banda sa inyo? ang ginaw kaya ngaun dito, at dalawang araw nang magkasunod naulan :-\ oh hindeh!
***
gusto ko din sumakay sa hot air balloon kaso ang mahal nga sobra tas natatakot pa ko pag iniimagine ko ung ala cartoons … panu kung pumutok ung balloon, ala akong parachute, wala akong kulay orange na vest, wala akong pakpak, paano na???
kengkay: kaya magpapatubo muna ako ng pakpak at mag aaral lumipad bago ako sumakay dyan, hahaha- hay mainit dito kasi in between kami ng mga bundokins, kahit nga ang winter dito e mild talaga meaning, paminsan minsan lang kami nabibiyayaan ng isnow. kami good weather, am crossing my fingers, lipat na lang kayo dito, hehehe
Comment ni eyna — Mayo 20, 2008 @ 11:28 umaga |
nice one! pero siguro..worth naman yung ilang minutes experience na yan.. it feels like flying…=P
kengkay: wei dalhin mo na lang ako dun sa kanto sa tindahan ng goto at kwek-kwek at tapsilog, it feels like flying na rin sa akin yon, hahaha
Comment ni wei vines — Mayo 20, 2008 @ 2:59 hapon |
sarap siguro sumakay sa ganyan… gusto ko din ma experience yan… hay! kelan kaya?
)
yngat ate =)
kengkay: hay, pareho kayo ng pangarap ni kengkoy ako pass dito
Comment ni lalaine — Mayo 20, 2008 @ 4:22 hapon |
Maybe not the same, but similar: jumping off a 3 story-rock into a waterfall! Cheaper too!
God bless.
kengkay: ay ibang high yan. sige panoorin kita
Comment ni lionel (acid42) — Mayo 20, 2008 @ 9:40 hapon |
i really like to try that one…kaso ang mahal dun sa dubai eh kapirangot pa sahod ko dun…ngauon naman wala dito sa isla…
kengkay: mahal daw kasi mag maintain ng ganyang hot air balloon din e; kaya rin mahal
Comment ni dakilang islander — Mayo 21, 2008 @ 12:45 umaga |
pangarap ko ring makasakay dyan e, ansarap sigurong magkukuha ng pikyur. mayroon taon-taon dito sa Pampanga, kaya lang angmahal!
kengkay: naku kapag sinabi ko kay kengkoy yan am sure punta agad yan dun, mas mura ng di hamak sa pinas kesa dito. pero maganda nga siguro mag piktur piktur sa taas, hmm
Comment ni homebodyhubby — Mayo 21, 2008 @ 2:11 umaga |
wow!! hanggang pangarap nalang ata ang pangarap kong makasakay sa hot air balloon….=)
kengkay: ako pwede na sa pangarap na lang
Comment ni rio — Mayo 21, 2008 @ 4:25 umaga |
Hello po!! pwede po ba sama niyo ako blogroll niyo? salamat po.. Pangarap ko din makasakay sa hot air balloon mahilig kasi me sa adventure. Sana magkatotoo..
ur linked na
kengkay: sana nga, tapos post mo yung pictures
Comment ni emoboyblue — Mayo 21, 2008 @ 5:36 umaga |
Ang saya talaga panoorin ang hot air balloon. Nagkaroon kami ng aking pamilya ng pagkakataon na pumunta sa Hot Air Balloon Fiesta sa Pampanga. Ang ganda panoorin na sabay sabay lumipad ang mga Hot Air Balloon. Takot ako sa heights kaya di ko na pinangarap sumakay. Bukod dun medyo may kamahalan din kasi.
kengkay: haha, rach, ako naman hindi takot sa heights, takot ako sa presyo ng pagsakay
Comment ni Rach (Heart of Rachel) — Mayo 21, 2008 @ 7:53 umaga |
wow! ano kayang feeling pag naksakay dun? hmmm. sakay tayo! hehehe. ^_^
kengkay: aba isa ka pa, sasakay ka talaga ha
Comment ni vanny — Mayo 21, 2008 @ 9:10 umaga |
wow! gusto ko makasakay sa hot air balloon.
pero my goodness. mahal nga!
amf!
sayang!!!
kengkay: ikain na lang ano? pero kung libre, pwede na rin
Comment ni eloiski — Mayo 21, 2008 @ 10:18 umaga |
Natawa ako sa reaksyon ng dalawang tsikiting hahahaha. Parang ako nung bata ako akala ko sumusunod naman sa akin ang bundok hahahaha. Takot ako sumakay dyan baka biglang maubos ang hangin at bumulusok ako pababa. Pero ok na din kung ang babagsakan ko e ang bahay nyo sa Germany hahaha. Libre di ba? lols
kengkay: huy, pareho tayo. akala ko din dati yung bundok sunod ng sunod e, hahaha. libre dito sa bahay namin pero yung pagsakay ng lobo e ikaw bayad, pagaling ka, balita ko e may sakit ka.
Comment ni Ambo — Mayo 21, 2008 @ 10:55 umaga |
ako hindi pa nakakasakay! at wala akong balak. haha! baka sumabit ako sa poste, mahal ko pa buhay ko.
;p
kengkay: hahaha, tama ka, mas mahal buhay natin
Comment ni Hachi — Mayo 21, 2008 @ 11:59 umaga |
sorry kengkay ngayon lang kita na add. add mo din yung 2nd blog ko pls
http://www.colorfulworldofshiela.com/
about hot air baloons hindi kaya nakakatakot yan? gusto ko din mag try!
kengkay: wow, kapag naka try ka kwento mo sa kin. sige, will update my links
Comment ni shiela — Mayo 21, 2008 @ 12:12 hapon |
gusto ko maexperience ang mga ganyang exciting na trip.. di pa naman huli sakin ang lahat.. bata pa ako.. hahaha.. pero ang alam ko mahal yung ganyan.. sana rich na ako by that time..
kengkay:kapag rich ka na libre mo rin ako ha
Comment ni jeniffer — Mayo 21, 2008 @ 12:20 hapon |
gusto ko din sumakay sa ganyan…pero katakot…ahhehe
kengkay: ipikit mo kaya mata mo, hahaha. sayang naman
Comment ni Maldito — Mayo 21, 2008 @ 4:24 hapon |
sarap naman dyan. curious lang, pag nakasakay ba sa hot air balloon, may parachute na kasama?
kengkay: wala yata pero may plastic balloon siguro, hahaha
Comment ni bernardumali — Mayo 22, 2008 @ 12:06 umaga |