Kwentong Kengkay

Mayo 24, 2008

Salamat sa mga nakinig

Pangalawang hirit ko as guest sa Usapang Pinoy ni Dok Joy kanina kaya medyo wala na yung unang gulat ba. Medyo cool na kunyari si kengkay kahit pa ang tagal bago ko nataboy yung dalawang little kengkays para lumabas ng bahay. Si kengkoy kasi e asa hardin at may ginagawang milagro :D

Pero sempre, bago lumabas ang mga bata e ilang beses kong sinabi na wag na wag silang mag doorbell dahil talagang hindi ko bubuksan ang pinto. At pinaliwanag ko rin sa kanila na may interview ako sa radio at dapat akong mag concentrate. Parang naintindihan naman nila kasi hindi sila nang istorbo. Siguro hinarang din ni kengkoy, hahaha.

Ano ang preparasyon ko sa radio interview? Madali kong pinalitan yung telepono namin kasi yung wireless e may limit lang yung kanyang buhay; abot lang yon ng mga 45 minutes, e sempre nag chikahan more than one hour, kasama na yung naka-off air ka at kabog kabog yung dibdib mo dahil baka pakantahin ka e, hahaha.

Sarap ng chika namin ni Joy, akala ko nga normal na chikahan lang e. Pero sempre pasalamatan ko yung mga nakinig at nasabing nakinig sila sempre kung di kayo nagsabi di ko alam yon!

So I would like to thank: ang mahiyain daw na si hibang who readily left instant messages, bryan who’s a pinoy in china, ifoundme
who left a comment and a fellow mommy blogger momma’s world who although couldnt understand the mixture of Tagalog and English at all supported my showbiz career kuno :D

HIndi ko na alam kung ano yung kwentuhan namin ni Joy pero am sure tungkol sa Pinas at sempre, tungkol sa buhay buhay sa Pinas at sa ibang bansa. Sabi ni Joy may version 3 and 4 pa daw ang aking interview, sa sunod kakanta na talaga ako, hahaha. Salamat, Joy.

Mga Puna »

  1. bigatin ka na pala at may radio interview na…paano mapakinggan di mo ma upload dito?

    kengkay: huh, pano mo nalaman weight ko, hahahaha. will inform you kapag naupload na sya

    Comment ni dakilang islander — Mayo 25, 2008 @ 3:06 umaga | Tugon

  2. shakers. nalimot ko, ninote ko pa naman ang 10 pm kagabi. hirap talaga ng tumatanda na.

    enyway, congrats! artista ka na talaga! oye! hehehe…

    kengkay: gusto mo otograph, hehehe. di bale, next time gusto mo duet tayo sa interview?

    Comment ni aKDa — Mayo 25, 2008 @ 4:20 umaga | Tugon

  3. I missed it. Grrrrr….I was out – had dinner.

    kengkay: di bale, may neks taym pa naman e

    Comment ni nina — Mayo 25, 2008 @ 5:56 umaga | Tugon

  4. hey, let me know about the second interview too, katuwa yung interview mo, i am listening to it now. aliw yung love story nyo..buti na lang napunta ka sa pantay ang paa :) so lapit ka pala heidelberg, dito ako bandang taunus, bad homburg.. pero alam mo ba, nahanap na namin istatwa ni rizal.. naku naligaw ligaw pa kami.. kasi di pale heidelberg yon :(

    kengkay: hahaha, ayan, balitaan mo na rin pala ang aming love story, ang aking version sempre :D alam mo akala ko din sa HD si rizal e, dun ako kumuha ng deutschkurs, aba hindi ko sya mahanap. yun pala asa wilhems ding bums :D . baka pwede rin tayo mag EB, ahahaha

    Comment ni Tonnette — Mayo 25, 2008 @ 12:02 hapon | Tugon

  5. waw. may radio interview ka pala ate kengkay (makiki ate na rin). oo nga, upload nyo po. :)

    kengkay: waaa, di mo alam? di bale pag na upload na, kalabitin kita

    Comment ni neex — Mayo 25, 2008 @ 1:15 hapon | Tugon

  6. haha. ayus! gusto ko, autograph, may kasamang picture mo, habang nakasakay sa hot air balloon. ^_^

    next time makikinig na ko. pramis, mukhang masaya e.

    kengkay: nyayy, ayaw ko ngang sumakay ng hot air balloon ano. parang ayaw mo talaga ng otograph ko ano, hahaha- sige, neks taym chikahan tayo. masaya talaga

    Comment ni aKDa — Mayo 25, 2008 @ 2:44 hapon | Tugon

  7. mahiyan ako no joke. mga 5 minutes tapos wla na ang hiya hehehe

    kengkay: napansin ko nga kasi nung bandang huli humihirit ka na rin e, hahaha

    Comment ni bernard — Mayo 25, 2008 @ 2:52 hapon | Tugon

  8. aba aba aba dapat pala simulan ko ng kumuha ng autograph sa iyo at baka pag nagkataon eh pahirapan na sa pagkuha ahhahahahaha.

    mula ngayon lagi na kong “didikit” sa iyo. aba, ibang advantage din to pag buddy buddy ka sa isang promising star. hehehehe
    :D :D:D:D:D

    Comment ni eyna — Mayo 27, 2008 @ 9:11 umaga | Tugon


RSS ulat para sa mga puna sa paskil na ito. BakasPabalik URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

Gravatar
WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 64 other followers