Hehehe, exkyus me ha. Showbiz muna tayo. May I cut and paste lang ako dun sa Rushes ng inquirer.net
Naintriga lang kasi ako dito sa istoryang ito:
No to 12 steps
The owner of a major food chain was shocked to see the true colors of the company’s new Image Model. On the very day of the contract signing, IM refused to climb the 12-step stairs at the company’s headquarters. As a result, the company had to rent another venue for the event.
Zinu zya? Pakibulong naman sa akin kung sino yan. Napanganga ako kasi über OA naman yang batang yan. Gusto ko syang makilala para madilat ang mata nya sa mga kaartehan nya sa buhay. Minsan talaga, porket sikat ka at habol ka ng mga tao, akala mo na pwede ka ng mag inarte. Hindi nya alam, na ang lumingon sa pinanggalingan at yung mga umaakyat sa 12 steps ang mga tunay na nagwawagi at nananatili sa tuktok.
Pero mabalik tayo, sino nga yung tema-arts na model na yan?
Inihanay sa:Ano Nga Ulit Yon?, Aruuuhh, Duon sa Amin, Hmmp, Pasaway, Showbiz , Showbiz

hahahaha…Kakatuwa yong mga blind item na yan. sa Star Talk lagi silang may “The Who”… Nagpabili nga ako ng book ni Kitty Go – sabi ng kapatid ko tawa daw siya ng tawa dun sa mga blind items kahit di nya kilala.
kengkay: uy nabasa ko nga tungkol sa book na yan ni kitty go, mahanap nga rin tapos hulaan tayo, hahaa
sana di na lang nila kinuha ang maarteng batang yan…sana ako na lang…
kengkay: yan ang tama talaga. basta aakyat ka ng 12 steps ha
Hello po. hmnn. wala po clue eh… pero and alam ko, si Sarah Geronimo, Kim Chiu at Gerald Anderson ang new image models ng Jollibee based on commercials. Malalaman din po natin kapag may new commercial na lumabas. hehehe… di ko updated sa ibang fastfood commercials eh.
Tagal ko po di napadaan dito ah, bagong bihis. take care…
kengkay: maarte ba yang nilista mo? balitaan mo nga ako. bagong bihis kasi nasira yung isa,
sino kaya yun? hehehe. nanuod ako kahapon star talk at showbis Central kanina, wala naman balita na ganyan. Hayan mo. itex ko si Cristy Fermin- magaling sa ganyan blind item.
kengkay: hahah, nanaybelen, balitaan mo ako ha. at kung pwede pakibatukan na rin kung sino man yon
ay nako. wala akong pakelam kung sinong hinayupak yan. basta, ang alam ko, eh maaga yang mamamatay. baket? kase, ayaw nia ng exercise. hahahaha.
ipokrita. tsktsktsk.
kengkay: wahahaha, akala ko pa naman kung bakit maaga mamatay. pero tama ka nga, kung panay pa kyut lang sya at walang galaw, dedong nga yan agad
LOL. Ayos sa blind Item si Ate Kengkay. Hehe. Sino yang maarte na yan ha. Si Angel ba yan.
kengkay: na pa showbiz kasi hindi ko talaga matake e. si angel nga kaya, huh?
pwede bang eto na lang hambalusin ko ng gin?peste! tinanggalan nga kami ng elevator kasi daw hindi fair sa ibang building…umaakyat kami ng stairs na may dala dalang mabibigat na plates..tapos eto..eto …hmmm…
kengkay: maghunos dili ka, wei, hahaha. bakit, anong ginagawa nyo pala at wala na kayong elevator ngayon? yan ba yung elevator sa USTe na minsan e pag apak mo walang floor, hehehe
idilat daw o! di ba yan yung Hapon?..hehehe..
kengkay: hmm, sinong hapon? pero kung mala hapon nga e dapat talagang idilat yan
ate kengkay paki-italicize pala yung qoute, kapanget pala tingnan e..hehe thanks!
kengkay: request done!
siguro may elevator yan sa bahay nila kaya 12 steps lang ng hagdan, di pa maakyat.
kengkay: baka kamo di marunong mag sashayyyy walking kamo
nyah! OA niya ha. IM ba ang initial ng maarteng yan? hehehe
kengkay: OA at IM, initials, hahaha- basahin mo yung comment ni jon cabron sa baba
walangya isip ako ng isip kung sinong artista ang may initial na IM akala ko clue!
yun pala IMAGE MODEL pala ibig sabihin nun!!!! ambobo ko at nalulungkot ako
kengkay: jon sorry ha pero natawa ako nung nabasa ko tong comment mo e ;D di lang naman ikaw kasi si hachi yon din akala e, so ibig sabihin non e pareho kayong??? kyut sempre!
Anak ng tokwa, ano ba yan bungalow ang bahay walang hagdanan? e dito kahit na bungalow me hangdanan papuntang beysment, wag nyang sabihing de elevator bahay nya? sabagay kung nakatira sa condo, pero dati ba naka condo sya?
pero sa totoo lang, di ba kapag gusto mo manatili career mo dapat may fitness ekek ka, edi dapat marunong yan mag akyat baba kahit man lang sa stair master ano, arte lang nun am sure
kengkay: manay, kilala mo ba sya at mukhang may alam ka ha
hahaha, totoo ba to? nakakaawa naman yung artistang yan kung sino man sya, hindi sya maarte kung hindi praning at bobita!
kengkay: praning at bobita, sya na nga yun
my goodness na batang ire. wala pa siya sa kalingkingan ng inaakyat ko tapos may gana pa siyang magreklamo. ang taas taas kaya dito sa baguio tapos ang dami pang stairs! huhuu!
kengkay: naku, bitbitin mo nga ireng batang ire sa baguio ng malaman nyang easy lang yang 12 steps na yan
di bale, ipapatira ko na lang sa mga bata ko.
boys! *sipol* umpisahan na ang operasyon!
daga 1: opo kapitan!
daga 2: aye aye!
daga 3: bullshit, ayaw ko, maarte eh.
foo: nyek!
kengkay: hahah, maarte rin pala
Alam ko na. Kaya di sya makaakyat kasi, maliliit pa-a nya. IM kamo? Si Inday Mahal ba yan?
kengkay: IM means image model, hahaha-
hindi ba sya yung konrabida ngayon sa isang ex-kontrabida?
salamat nga pala sa pag italicize..hehe
kengkay: kilala mo sya? sabihin mo na pangalan, bilisss
Grabe naman kaartehan nun. Napakaimportante naman nya sa food chain na iyon at talaga namang iniba pa ang venue. Kaya siguradong mas lumaki lalo ang ulo nya.
kengkay: uy rach, kilala mo rin sya? sino yun? am sure kapag parating ganyan yan e mawawalan din yan ng contracts
baka naman kasi lumpo sya…lols
kengkay: ahahaha, baka nga. mabuti nga kamo kung talagang lumpo, maintindihan pa natin di ba?