Kwentong Kengkay

tagalog chenes

The Magic of Sex

Sa totoo lang, nung nabasa ko itong librong ito, nawala talaga ang magic ng sex, hehehehe.

Kung akalain mong bastos itong librong ito… nagkakamali ka. Kasi kahit neyked ang mga nakapiktyur dito, kasi nga ini-explain dito kung papano ang dapat mong gawin na magic, di ba?

So neyked nga si eba at adan pero hindi malaswa ang pagkakagawa nitong libro na ito. Kahit pa anong tiwarik ang gawin nila, kahit na anong hambalos nila sa isat isat.. keri na yon kasi maganda ang dating. Artistic sya as opposed to erotic and as very much opposed to slutty :)

Kung di man matuto e siguro dahil napako ka na lang sa pagbabasa. Itago mo minsan ang librong ito. Oo naman, hindi lang dahil sa kababasa dyan kundi sa practice make perfect; dyan ka magiging magaling na magikero.

Ayaw kong buksan at piktyuran ang loob at maka ma censor itong blog ni kengkay. Kung sino may gustong itanong, paki taas na lang ang kamay, hehehe.

Meron din ako ng 365 Ways to Make Love :D

At sabiĀ  daw nila kung sino daw maraming kwento sa sex yun daw ang kulang, kasama din ba dun yung kapag maraming kang libro tungkul dun, huh!

Inihanay sa:Aruuuhh, Kwentong Kengkay, Palaway ,

32 Responses

  1. nina ay nagsabing:

    san nakakabili nyan :)

    kengkay: nabili ko sya sa bangkok pero check mo sa online bookstores, good luck, hehe

  2. Sofie ay nagsabing:

    Hello Kengkay,

    Hehehe… ikaw ha, bat ka maraming kwento tungkol sa sex? Hehehe…

    Palagay ko mas maige pa ngang di ka nagbabasa ng libro tungkol sa sex kasi mas exciting pag nanggaling sa yo yong idea at i-experiment mo di ba? Bwahahaha…

    kengkay: yan ba ang iyong advice sa akin, bakit ganyan din ba gawa mo, hahaha. masarap din magbasa para may konting experimento, nyahehe

  3. nanay belen ay nagsabing:

    hehehe. makwento ka talaga kenkay kahit nandyan ka sa germany na kasama ang german hubby mo, ang dami mong alam!

    kengkay: oops, nanay belen, bakit pati ikaw andito, hahahaha. kaya nga meron akong libro kasi konti pa lang alam ko, eh :D

  4. eloiski ay nagsabing:

    waaah. anu yan ate kengks? katakot!
    kunyari wala akong nakita! hahaha

    kengkay: rated R itong aking blog ngayon, hahaha. kunyari ka dyan

  5. K ay nagsabing:

    This is good for my virgin eyes. May glossy and macro shots ba yung mga images? Kasi that way, mas clear din matutunan, hahaha.

    kengkay: yup K, glossy, macro, clear and may description pa sya. wala na, no more virgin eyes for you kapag nabasa mo to, hahaha

  6. emoboyblue ay nagsabing:

    OOpsss. below 18 pa ako kaya di pa ako pwede mag comment.. After 2 yrs siguro pwede na.. hehehe!!!
    kengkay: aba, hindi daw magcomment pero humirit din, ahaha.

  7. vanny ay nagsabing:

    hahahha. naku may magic din pala para dun? hahaha. dami mo nmng books sa mga ganyan mamo kengkz! pwde ko bang itaas kamay ko? haha

    kengkay: ahahha, ikaw pa lang ang nagtaas ah. uy oo daming magic dun, hehe

  8. Toni ay nagsabing:

    uy, mukhang interesting ‘to ha, matingnan nga sa amazon baka pwedeng ma order, eh ang tanong effective ba naman sya? aba gusto ko ata value for my money ha, sayang naman eh ingles pa naman siya, sigurado mahal orderin yan.

    kengkay: naku sa bangkok ko sya nabili, not sure kung meron sa amazon pero sa english bookstore sa HD merong ganyan :D tip yan, ahahaha

  9. Ambo ay nagsabing:

    No comment ako jan at wala akong makekwento tungkol jan hahahaha. *guilty*!

    kengkay: am syurrrrrr kaya walang comment kasi kwento, har har

  10. karmi ay nagsabing:

    ano daw? di ko alam yan ate kengkay..

    *inosente kuno*

    ^_^ hehehe..

    kengkay: ako talagang inosente dyan :D

  11. dakilang islander ay nagsabing:

    paki explain naman kung anong magic after magbasa ng libro na’to…heheh

    kengkay: ang magic dyan e yung bling bling, hahahaha

  12. aKDa ay nagsabing:

    hhahaha. ayoko. ssshhh na ko. meron din akong sariling bersyon niyan. pero sikret lang yon. LOL.

    kengkay: ayannn, biglang may umamin, at sariling bersyon pa talaga, waaaaa

  13. mspinkbiik ay nagsabing:

    pwede bang paki scan ang book at email sa phone ko ha ha ha ha ha

    kengkay: bigay mo sakin phone number mo, daliiiiii

  14. mspinkbiik ay nagsabing:

    better yet paki blog na lang with pektur

    kengkay: hahaha, am not sure kung pwede kong i blog with pektur e, teka, basahin ko muna yung rules about such things at pagbibigyan kita kapag pwede yan

  15. tina ay nagsabing:

    so you love reading books about magic ha!
    Baka magkamilagro nyan. . . :)

    kengkay: milagrong tunay!

  16. Richmond ay nagsabing:

    Tina… maysasabihin pa sana ako… kaso nadale mo na. HAHAHA!

    kengkay: walang kopyahan, nyahahaha

  17. rio ay nagsabing:

    hmm…siguro naman pwede n ako d2..hehe

    kengkay: aba at talagang hindi ka pa sure ha :D

  18. kulot ay nagsabing:

    oy ayos yan a, magic! kaso walang magic pag nabasa n yan

    kengkay: ang magic dyan e kung ma remember mo yung nabasa mo, hahaha

  19. nanay belen ay nagsabing:

    sino ba author yan at makapagtanong nga sa national bookstore

    kengkay: nanay belen ha, ikaw ha…

  20. Taong Grasa ay nagsabing:

    pwede ba po pahiram?? kse puro bastos na dyaryo lang meron dito sa bangketa na tinitirhan ko eh ginagawa ko na nga lang sapin sa pag tulog ko..
    astig ng blog mo.. sana makapasyal ka rin sa munti kong blog… godspeed!!

    kengkay: hmm, sige palit tayo, bago mo higaan yung mga diyaryo mo ipabasa mo muna sa akin, hehehe

  21. kingdaddyrich ay nagsabing:

    *taas ang kamay*

    kengkay: noted!

  22. barrycyrus ay nagsabing:

    im buyin that book. lol, kidding

    kengkay: buyin and kidding is the same, hahahaha

  23. barquera ay nagsabing:

    naku pag dating sa SEX hindi na kailangan ng Magic…..;)

    kengkay: aba, anong kailangan pagdating sa sex, paki bulong nga :D

  24. NJ ay nagsabing:

    “At sabi daw nila kung sino daw maraming kwento sa sex yun daw ang kulang, kasama din ba dun yung kapag maraming kang libro tungkul dun, huh!”

    hahaha ate Kengs, parang may nagsabi sa akin nun… “hanggang salita ka lang pala” LOL. oh well! pero parang nakakaenganyo bili rin ako netong book hehehe. have a good weekend, Ate Kengkay!

    kengkay: have a great weekend din! masarap magbasa ng ganitong libro, daming magic ka malalaman, hehehe

  25. blogRebel ay nagsabing:

    Aw, Ate Kengkay, wala po ako ma kwento. ;-)

    kengkay: ganon? magic nga kasi e

  26. Bacner ay nagsabing:

    ibang klaseng book yan ah

    kengkay: kaya nga magic e :D

  27. barquera ay nagsabing:

    Kengks hindi kaya dahil sa magic na yan eh ma magic mo ang kapartner mo at magawa mong palaka kaya? hahaha:)

    kengkay: aray, ang sakit naman, sobrang tamang ng magic na yan, hahaha

  28. pol0106 ay nagsabing:

    mukang maganda yan magic magic na yan ah. . pasulyap nga ng mga pages baka may matutunan ako!! hehe. .

    kengkay: gusto mo ring maging magikero ganun? hehe

  29. duskfading ay nagsabing:

    kung tatagalugin… “ang salamangka ng pagtatalik” ??? tama ba? wehehe. Add kta blog roll ko =)

    kengkay: at talagang tinagalog pa :D add din kita

  30. frozengirl24 ay nagsabing:

    napakaganda ng lahat ng mga blog mo. very imformative . napadaan lang po ako ngunit di ko akalain na isa kang nilalang biniyayaaan ng magaling na imahinasyon… ibang klase ka katulad ng libro mo na pubno ng mahika

    kengkay: salamat ng marami, kung alam mo lang ang mahika na naidulot ng iyong mga iniwang salita dito sa aking pagboblog :) iwan mo na rin yung link mo para mabisita kita

  31. dina may ay nagsabing:

    GUSTO KO RIN MAGABASA NG MGA GANYAN ENTERESTING KASI EH…HAHAHA&HEHEHE

Leave a Reply

Lumang Kwento