Kwentong Kengkay

tagalog chenes

Brown Out

Kaninang hapunan.

Umulan.

Kumulog.

Kumidlat.

Nawalan ng kuryente.

Pero isang sekundo lang.

Brown out na bang matatawag yon? Ano pa nga ba.

Boring! Asar din para sa mga little kengkays.

Kwento ko kasi sa kanila sa Pinas.

Kapag brown out labasan lahat ng tao ng bahay. Labasan mga bata para mag laro.

Lahat may dalang pamaymay – tunay man o tinuping diyaryo o magazine. Lahat may sinding kandila.

Matanda o bata may sariling agenda sa buhay.

Chismisan. Tumbang preso. Tuksuhan. Patintero. Kulitan. Night and Day. Kwentuhan. Pepsi- 7up. Sumbungan. Taguan Pung. Kainan.

Di ba masaya kapag brown out sa atin? Piesta!

Pero kung isang sekundo lang, naman… di bale na lang!

Inihanay sa:Dito sa Amin, Duon sa Amin, Europe, Kwentong Bulilit, Kwentong Kengkay, Masarap sa Pinas, Patukso, Pinas

29 Responses

  1. dakilang islander ay nagsabing:

    at dahil sa laging may brown out sa pinas after 9 months ang daming sanggol na isinilang…hehh

  2. koreanmine ay nagsabing:

    wahehe kaka miss na nga ang brown out lalo na sa gabi at may boypren ka at nasa tamabayan kayong barkada hehe..

    pero ngaun samen, madalas din kaming brownout kc madalas kami maputulan ng kuryente! :lol:

  3. blogRebel ay nagsabing:

    Ay, boring nga ang brownout jan sa Germany. Sa Pinas, pag nag brownout, may nakawan, may nabubuntis, may sunog.

  4. nanay belen ay nagsabing:

    may brownout ba dyan sa Germany? akala ko sa pinas lang. Ok lang sa akin kung brownout na dito bawas konsumo ng kuryente. hehehe. wag lang palagi.

  5. linglingbells ay nagsabing:

    sayang.. isang segundo lang yung brownout.. pero badtrip pag sobrang tagal ng brownout, hindi ako nakakapgblog! hehe

  6. nina ay nagsabing:

    Brown Out – Pinoy lang ang nakakaintindi ng phrase na yan. Mawiwindang ang ibang lahi pag narinig nila yan kasi hindi nila alam ang meaning. Dito sa Qatar meron din nyan. Kainis pag PC gamit mo mawawala lahat ng unsaved documents mo kasi hindi uso UPS dito dahil nga madalang lang ang brown out.

  7. Aling Baby ay nagsabing:

    hehehehe…uu, ang saya pag brownout! ang dami pwedeng gawin.

    ang dami namin fun moments dati eh nung halos twelve hours ang brownout, kakamiss. :)

  8. bluep ay nagsabing:

    malapit na uling magpiyesta ng brownout dito sa pinas gawa ng estupidong meralco-gsis rift na yan.

  9. rino ay nagsabing:

    tuwang tuwa ako habang binabasa ko ang post na ito. Parang ang cute baga, totoong totoo yung sinulat mo tungkol sa brownout dito sa atin. Hehehe…!

  10. parasaakinlamang ay nagsabing:

    Tapos pagbalik na ng ilaw, magsisigawan ang mga tao ng “ILAW!”

    Haha! Ang saya diba?!

  11. analyse ay nagsabing:

    hehe, oo nga no. boring nga dito. sa pinas, lahat nyan nasa kalye na, naghihintay ng balut, o di kaya e fishball..

  12. rino ay nagsabing:

    PS: Uy naging guest ka pa ulit ni Joy sa Usapang Pinoy, sayang na miss ko kasi medyo puro pahinga ako ngayon after my leg operation.

  13. Maldito ay nagsabing:

    ahahhaha…sana inextend nalang….kung ako sau mami kengks, utuin mo ang mga litol kengs ko..kunwari brown out..pero i off mo lang pala ang main switch ng bahay niyu..ahaha

  14. lilmiz ay nagsabing:

    aww.. ako din mamakengkz, namiss ko brownout na old school! ahehe.. yung mga ilang oras lang na brownout ba, tas pag inabot ng gabi, magkukwentuhan ng mga takutan hehe! tas pag may ilaw na, nag-aagawan kami magblow ng kandila at magsabi ng hapiberdey! :D .. ngayon, di na rin uso eh, either sobrang bilis lang (ilang minutes) or sobrang tagal (mga ilang araw) :(

  15. K ay nagsabing:

    I think Blackout ang tawag dun? Brownout parang the whole civilization ata affected. Whatevs, meaning talagang walang kuryente. Sanay na tayo dyan sa Pinas. So far dito sa HK wala pang ganun, or else think about those trains underground? Knock Onda Wood.

  16. diwatang_byaning ay nagsabing:

    Mommy Kengks, ikaw na bahala sa amo ko hehehe… Anjan na eh…

  17. reyna elena ay nagsabing:

    nakakatawa pati mga comments about brown out! sa barrio siete, buong buhay namen brown out kaya DOSE kami sa PAMILI hahahaha

  18. icy ay nagsabing:

    pag laging brown out masaya pero nasisira ang mga appliances

  19. barquera ay nagsabing:

    hahaha pag me Pilot Episode ang GMA-7 asahan mo mag brow out dito…hehehe pero tutuo nga na pag brown out akala mo fiesta dahil lahat ng tao nasa labas. nuong bata ako ang naalala ko eh yung “gasera” yun ang gamit namin eh.. ;)

  20. jeniffer ay nagsabing:

    oo nga naaalala Ko pa pag brown out d2 at pag bumalik na ang kuryente lahat ng kapitbahay ko sumisigaw at naghihiyawan.. para talagang fiesta sinabi mo pa.. haha…

  21. Jeck ay nagsabing:

    hmmm. medyo related sa post ko. kaso lang sa amin pag brown out walang makalaro at makausap. konti lang kasi sa neighborhood. mas gusto ko pa dun sa dati naming bahay sa cavite, ang daming kalaro at kapitbahay. hehe

  22. batopik ay nagsabing:

    ahahaha!onga naman isang segundo lang. boring! ahahahaha! masaya talaga pag brownout.. un nga lang mainet. pero masaya naman talaga.. hehehe.. :P panu po ung pepsi-7up? laro po ba eun?? waaah!!! dko lam un.. tskk..

  23. neex ay nagsabing:

    nagba brownout din pala jan ate kengkay. ahehe.. bihira nalang mag brownout dito sa pinas (or baka sa amin lang), pero sa amin di na uso yung mga kwinento mo po sa mga little kengkays..

  24. Salve ay nagsabing:

    Naku, di uso ang boring moment dito sa Pinas! Kahit anong sitwasyon, may tawanan talaga. Magaling ata tayang maghanap ng mapaglilibangan. :D

  25. tim ang ay nagsabing:

    nakakamiss yung mga mahabang brownout.
    di na kasi ngayon uso yun.
    lahat instant.

  26. wei vines ay nagsabing:

    ayy oo.. piyesta nga pag brownout! haha! kaso di ko kaya mag wish ng brown out… lalo pag may pinagpupuyatan ^^

  27. eloiski ay nagsabing:

    ano ba talaga?
    brown-out o black out???
    hahaha!
    o sya! pyesta talaag pag brown-out
    imagine, ang kulong sa bahay na tulad ko eh mapaplabas dahil lang kay brownout
    hahaha

  28. Sofie ay nagsabing:

    Hello Kengkay!

    A sa probinsya, brown-out man o hindi, ganoon pa rin, tsismisan, kuwentuhan, asaran :) pero wala na masyado ang larong mga tumbang preso, patintero, etc. Marami na kasing sasakyan ang dumadaan sa kalsada e. Papaano sa kalsada naman talaga kami naglalaro noon at wala ng ibang espasyong mapaglaruan. Ahhh, ang buhay probinsya noon, nakakamiss talaga!

  29. [...] kasi nagreklamo ako dun sa isang sekundong brown-out dati; nagkaron tuloy ng isang pagkahaba-habang brown-out dito sa kalye namin kahapon! [...]

Leave a Reply

Lumang Kwento