Sabi ng nanay ko sampung piso na daw halaga ng isang pandesal. Totoo ba yun o nagpapa-awa lang si nanay ko, hehehe. Heniway, kung totoo man yon, super doooper mahal naman yata. Tapos isang kagat mo lang e naglaho na yung pandesal sa kalinggitan nya.
At sempre kayong mga wala sa Pinas at super miss na ang pandesal na masarap isawsaw sa kape, sa tsaa, sa ovaltine na ang tawag dito e ovamaltine (ewan ko kung sino talaga wrong spelling ha), sa lugaw, sa gatas, sa juice (yakkks), sa asukal, sa deri cream, at kung saan mang sawsawan nyo sya nagustuhan; eto ang solusyon, ang pandesal recipe na galing kay kengkay na hiniram nya kay joanne
salamat joanne ha.
Basahin nyo lang mabuti kasi kailangan nito e BREAD MACHINE! Naman, takam na takam ka na nga sa pandesal tapos pahirapan mo pa sarili mong mag-piga at mga-dikdik ng dough a deer. Actually, tamad lang si kengkay, pero pwede nyo ring i-manual sempre.
Using a Bread Machine
Ingredients:
500 g. all purpose flour
1 pack powdered yeast (equivalent to 25 g. fresh yeast)
5 tbsp. brown sugar
1 tsp salt
270 ml. fresh milk
2-3 tsp. cooking oil
some bread crumbs
Preparation:
1. Put all ingredients, except the cooking oil and the bread crumbs, in the bread machine. Choose theprogram for kneading.
2. Do not close the cover. Check the dough during the kneading process. Add more milk if the dough is hard or add a little flour if it is too soft.
3. After 5-10 mins, add the cooking oil. Then close the cover.
4. When the bread machine peeps, signaling that the kneading is finished, preheat the oven at 50 degrees.
5. Form the dough into one inch balls and roll them into the bread crumbs.
6. Place them on the non stick baking sheet at least one inch apart.
7. Let your dough rise for at least 20-30 mins, still at 50 degrees.
8. Then switch to 200 degrees and bake for 15-17 mins. Until goldern brown.
Kapag manual naman, ganito: Pagsamahin lahat ng ingredients, as in LAHAT at masahihin silang lahat. Pasensya na, di ko alam tagalog sa kneading e. Kapag tapos na ang masahe, dun nyo i-preheat yung oven at 50 degrees. Tapos sundin nyo yung procedures from 5-8 na.
Okay, balitaan nyo ako sa inyong pandesal making ha.
—– PSSSTTTT ULIT
Guest ulit ako sa Usapang Pinoy, ang pinakasikat na radio-magazine sa buong UK na pinangungunahan ni Dr. Joy. Join us on May 24, 2008 at Future Radio UK, 96.5 FM. Pero mas okay kung punta kayo sa pamamagitan ng pag-click dito: Future Radio UK . Pwedeng makinig lang kayo, pero mas masarap kung maki-chika tayong lahat sa pamamagitan ng pag-click ng Studio Messenger na matatagpuan sa may bandang itaas ng website, at pwedeng mag phone in question din.
Basta ha, kita kits tayo sa Sabado, ika-24 ng Mayo at 3 pm UK time, 4 pm Alemanya time, 10 pm Pinas time sa Future Radio UK . Sige na, makinig na kayo. Pramis, kakaway-kawayan ko kayo habang nasa ere na ako, tulad ng dati ba. Eto pala ung unang interview ko, sa mga gustong makinig