Galing dito.
Can you describe yourself as a friend? Or how do your friends describe you as a friend?
Hmm, medyo mahirap yang tanong na yan…pero merong simpleng sagot na halos parati kong naririnig sa mga kaibigan ko:
‘Keng, bruha ka talaga.’ Ermm, take it anyway you like it. Kahit anong pabaligtad at pa-tumbling pa ang gawin ninyo, ang bruha e bruha pa rin
Ngayon, tingnan natin kung anong pwedeng maging ibig sabihin ng bruha…
- bruha ako dahil matalas ang bibig ko lalo na’t yung taong pinagsasabihan ko ay dapat lang na maimulat sa katotohanan
- bruha ako dahil matalas ang halakhak ko lalo na’t yung taong pinagtatawanan ko ay sobrang nakapagbigay ng saya sa akin
- bruha ako dahil matalim ang mga mata ko lalo na’t yung taong binibigyan ko ng pansin e dapat nyang malaman kung ano yung gusto kong ESP sa kanya e para hindi sya mapahiya
- bruha ako dahil sa sobrang higpit ng yakap ko sa mga taong napamamahal na sa akin na kahit anong gawin nila e para akong lintang kakapit
- bruha ako dahil pwede akong magpalit ng anyo depende kung aling klaseng drama ang kailangan ng mga kaibigan ko
Am sure proud naman ang mga kaibigan ko sa pagiging bruha ko o baka takot lang sila maka-laban ang mga bruhang katulad ko, hehehe. Whatever, am sure sanay na sila sa pagiging bruha ko, whatever which way


