Hanu ba yun, dalawang araw lang akong hindi nakabisita dito sa blag ko e sandamukal na ang na miss ko, at natawa naman ako sa mga reaction dun sa aming ginawang guest room.
At dahil sa public demand, eto na nga at ipapakita ko kung saan natulog si Tito Louie. Ang napaka controbersyal na kwarto ng aking prinsesa kuno
Ayan, eto ang Barbie na kurtina. Di ba, magpasok mo pa lang e feeling mo papasok ka na sa ulap ng mga prinsesa at prinsipe?
Kuntodo paru-paro pa yan at sempre, in pink! Medyo masisilip na dito yung kama. At sempre kita mo yung picture ng kama? Tama naman description ko di ba? Blue and orange at may hagdan pa kamo, parang tipong pwede kang kumaway-kaway habang naka Barbie nightgown ka habang patungo ka na sa iyong sweet dreams.
Pansinin nyo yung kulay white and pink na pegasus na stuff toy, yung nakahiga dun sa unan na Flintstones? Sabi ng mga little kengkays e bantay daw yon para hindi magkaron ng nightmares ang bisita. Ayan na nga, tunay na Flintstones yung bedsheet, bagay na bagay sa aming bisita na ayun at makikita nyong kasama ng mga little kengkays sa sumunod na picture
Inaantay ko pang mag paramdam yung sunod na royalty guest ko e. Asan na kaya sya?





ayy..wala yung request ko?yung natutulogyung guest nyo sa room?
lols… heniway…highway… hayun..ang cute naman ng mga anak mo ate! bata pa lang marunong na gumawa na
vandalgraffitikengkay: hindi nagpahuli kasi talagang sya ang huling pumapasok sa kwarto kapag tulugan time na, hahaha.
Comment ni wei — Hunyo 4, 2008 @ 9:51 umaga |
Hehehe, buti na lang di terno yong pink curtains sa beddings.
kengkay: naku, am sure sa living room na yun matulog kapag ganon itsura, hahaha
Comment ni Sofie — Hunyo 4, 2008 @ 11:22 umaga |
kala ko ako lang ang nakapansin… si wei din pala… LOL! akala ko kasi may bago ng style ng blackboard. hehehe! at least no natututo na ang mga kids mo maging creative. hmmm… sis, patanong sa mga little kengkays kung ano pwedeng toy panakot sa mga kaaway ko? LOL! kaya lang baka isuggest yung doll na chuckie. LOL!
kengkay: lahat blackboard nila, kahit na tao ginagamitan nila ng chalks e, hahaha. hmm panakot para sa kaaway mo? meron kaming nakakatakot na tribal head dito, tinago ko na nga kasi pati ako takot, waaa
Comment ni ifoundme — Hunyo 4, 2008 @ 1:32 hapon |
ako na ba ang susunod mami kengks?ahehhee
kengkay:okay, just call me kapag pick up time na
Comment ni Maldito — Hunyo 4, 2008 @ 4:48 hapon |
ang ganda naman ng room ng guests nyo hehe. ang sarap siguro matulog sa bed na yan. musta naman daw ang pahinga ni tito louie sa kwarto ng iyong prinsesa?
kengkay: sarap daw ng tulog nya, siguro kasi talagang bagsak na sya e, ahahah
Comment ni MisyeL — Hunyo 4, 2008 @ 6:40 hapon |
Naks ate Kengkay, napaka-creative ng little Kengks mo ha!
Ang cute nung bed may stairs effect-effect pa.
kengkay: gusto nila pink daw, mabuti na nga at yung bed hindi pink e, hahaha
Comment ni Brent — Hunyo 4, 2008 @ 9:58 hapon |
cute naman ang bed. may hagdan pa. Pati kengkays mo.
kengkay: actually, ako may gusto ng bed na yan e, hahaha
Comment ni nanybelen — Hunyo 4, 2008 @ 10:23 hapon |
hanep ang bed, parang extralarge na cake!
kengkay: hmmm, oo nga ano! kaya pala minsan may crumbs, hahaha
Comment ni bernardumali — Hunyo 4, 2008 @ 11:20 hapon |
hindi kaya si Princess Brietta ang Pegasus?
kengkay: naku, di ko kilala yan, basta alam ko barbie pegasus daw sabi nung mga bata
Comment ni barquera — Hunyo 5, 2008 @ 1:53 umaga |
ayus, bagay na bagay nga sa bisita ang rum ng mga li’l kengkays! Lols
kengkay: o di vah, sabi ko nga, hehe
Comment ni koreanmine — Hunyo 5, 2008 @ 3:12 umaga |
pa-link po ng blog, newbie lang po, nice entries po…
kengkay: asan URL mo? balik ka para ma link kita
Comment ni beeninono — Hunyo 5, 2008 @ 3:24 umaga |
waw. ganda ng bed, gusto ko din nyan. haha. ano reaction ni Tito Louie?
kengkay: wala na sya magawa, pagod na sya e, hahaha
Comment ni neex — Hunyo 5, 2008 @ 3:39 umaga |
ate kengks, panalo yung curtain na pink at ung bed na may hagdan pa ha…hindi ko ma-imadyin ang tito louie na nagkasya dun sa bed.
ang ku-kyut ng mga little kengkays muuu…gustu ko rin magkaron ng ganyan, now na! hehehehe…
kengkay: hala, gawa ka na, now na!
Comment ni Aling Baby — Hunyo 5, 2008 @ 5:29 umaga |
kasya ba si tito louie sa kama? mukang maliit sa kanya e. hehehe.
ayus, ngayon lang ako nakakita ng bed na may hagdanan bukod sa double bed! haha
kengkay: gusto ni little kengkay double bed pero sabi namin boring na yon, di ba mas ibang hitsura nya
Comment ni Hachi — Hunyo 5, 2008 @ 8:26 umaga |
ay sa totoo lang pangarp ko dati magkaroon ng kama na may hagdanan tsenses na ganyan.
ang kyut talaga ng room nila!
hayyyy!
kengkay: hindi pa huli ang lahat
Comment ni eloiski — Hunyo 5, 2008 @ 9:22 umaga |
para lang akong nagbabasa ng pocketbook, wala akong makitang pictures. hahaha
pero kahit ganun, feeling ko bago ang theme ng blog mo. iba na kase ang layout e, o imahinasyon ko lang
kengkay: nasira na ng tuluyan yung aking lumang theme kaya binago ko na sya
Comment ni Kotsengkuba — Hunyo 5, 2008 @ 2:35 hapon |
talagang pinag-isipan ng mga bagets ang pag-aayos ng room para sa bisita, kakaaliw.
gusto ko yang hagdan-hagdan na orange. ang cute!
kengkay: nung nakita ko din yang bed na yan sa catalog yan din naisip ko kaya sabi ko yan na bilhin namin, kyut talaga naman po
Comment ni Salve — Hunyo 6, 2008 @ 4:49 umaga |
I tried to post a comment earlier, however it has not shown up. I believe your spam filter may well be broken?
Comment ni Drake Manning — Abril 27, 2011 @ 3:13 hapon |