Sa wakas, pagkatapos ng pag-aantay sa aking honorable guest ay nagparamdam di ang Chuva sa akin kahapon. Sumabay sya sa kulog at kidlat na kumabog kabog dito sa aming parte ng alemanya.
Unang una sa email. Wala daw sya magawa kaya gusto nya lumabas at mag shopping. Mga alas singko yon ng hapon dito. So sabi ko tawagan nya ako at binigay ko yung number ko sa email. Mega antay ako – wan sekond, tu sekond, tri sekond — hmm ang tagal naman mag ring nung telepono.
Tapos may pumasok na email galing sa kanya… hindi daw nya alam kung papano mag dial ng telepono dito sa alemanya, waaaaaa
Actually, ganyan din naman drama ko kapag asa ibang bansa e, kung papano gumamit ng telepono kaya feel ko ang kanyang problema
Ewan ko kung papanong mahikang negra ang ginawa nya pero ayun at nag ring din ang telepono! Yehey!
Chika, chika, bla, bla, bla…ayun, ang layo ng pinaglagakan ni Chuva kasi andun sya mismo sa kaloob-looban ng Frankfurt airport community. Hanu ba yun. E si kengkay pa naman takot mag drive dun sa barrio na yon dahil feeling ko hindi na ako makakalabas kung hindi ako sunduin ng eroplano, hahaha.
Kakainis na kaka frustrate kasi ready ako makipag EB pero ang mga little kengkays e super kulit na po talaga. Hindi na maintindihan ang ikot ng pwet. E sempre una e nanay si kengkay bago sya naging international Eb pok pok, hahaha.
Pero kahit na, sa tingin ko natulungan ko naman si Chuva na makahanap ng nararapat na gimik para sa Sabadong iyon. Taktakatak-takatak takatak kami sa computer; palitan ng kuro kuro. Saan ba dapat sya magpunta, saan ba may saya, saan ba may init, saan ba may ganunan, saan ba may ganyanan, saan ba may chorvahan, tienesan, sanuk sanuk
Binigay ko yung telepon number ko sa kanya. Sabi ko kapag kailangan nya si darna at si superman habang nag iisang lumalarga sa kanyang cocktail dress e just call my name and i’ll be there and drama ko sa kanya.
Aba, hindi tumawag. At aba, hindi rin nag email! Mukhang nasarapan
I hope nag enjoy sya kagabi, kasi kung di sya nag enjoy e responsibilidad kong bigyan sya ng something really heisss, hahahaha.
At yung tunay na EB with chuva? Matagal pa naman sya dito, may pagkakataon pang magkita ang reyna kengkay at reyna chuva sa alemanya. Ipagpipilit ko talaga sarili ko sa kanya, wahahaha!
At pano kung isama ko rin sa EB na ito ang buong team ng Barrio Fiesta UK Tierra Maria Hospital Scams?


Hahahaa at talagang isinali ang Barrio Fiesta UK Tierra Maria hospital scam hoax Tim Curper schizoprenic hahaha
Ngak! Nung pumunta ako nang Frankfurt, di ko rin alam kung azan ang mga Torer Spots dyan hehehe! As in kahit na alam ko, di pa rin ako makaka-alpas sa mga bwisit na Professors ko na parating nakahambalang sa daraanan ko dahil baka daw ako mawalang bigla sa mga liko liko dyan hahaha!
Good luck sa EB nyo!!!
kengkay: naku talagang nag hanap ako para kay chuva ano. at oo, mas masarap kapag kasama si timang, ahaha
Comment ni reyna elena — Hunyo 8, 2008 @ 1:22 hapon |
bat kayo puro eb? magkakakapitbahay lang ba kayo?
kengkay: naku kung magkapitbahay lang kami chismisan ang tawag dun, ahaha – taga merika si chuva na naka assign dito for one month
Comment ni scart — Hunyo 8, 2008 @ 2:37 hapon |
pagnaligaw din ako dyan ituro mo rin sakin yung tinatawag mong lugar ng ganunan at ganyanan ha? para kseng nakakakiliting pakinggan.
kengkay: tama yung interpretasyon mo sa ganunan at ganyanan, yun na yun! maglilista ako ng mga lugar na yon para sa yo
Comment ni Jon Cabron — Hunyo 8, 2008 @ 4:17 hapon |
hay,kengs EB ka na naman hehehe. Eto medyo nakahinga nako ng konti at mukha ng bahay ang balay namin konti rin…sumasabay pa ang lihi, wala nakong paglagyan waaaaaaaah, ganito ba tlaga ang jontis???
kengkay: alin ang wala ka ng mapaglagyan? sa tiyan o sa balay, ahahaha. dahan dahan jontis!
Comment ni lilaybulilay — Hunyo 8, 2008 @ 7:36 hapon |
wahahahhaha talagang ganunan at ganyanan ang hinahanap at pinapaturo sayo ni chuva!!!
syempre kelangan kasama ang tierra maria scam chrova dito ha
kengkay: secret yon, ahahaha. at yung tierra maria na yan, kasali parati yan
Comment ni pusa — Hunyo 8, 2008 @ 10:09 hapon |
Kengkay!!! Salamat daghan at dakul na pasasalamat dahil getz ko na ang german boxful of beautyness na kelangan nang muka ko para tigilan ako ni Ellumbrang bakla! hahahaha!!!!
kengkay: ur welcome, am sure kapag naging flawless ka na e hindi ka lalo tigilan nyan baka ma inlab pa kamo sa yo ng todo, ahaha.
Comment ni ellumbrino — Hunyo 9, 2008 @ 12:23 umaga |
napapaisip ako sa mga lugar na ganunan at ganyanan..
pakiintindi naman sa akin eh, iba kasi pumapasok sa isip ko eh. haha. bata pa ako, pramis!
wahaha.
kengkay: hmpfff – nag isip pa talaga ha
Comment ni earthlotus — Hunyo 9, 2008 @ 4:28 umaga |
huwaw may EB ka na naman ate kegks, buti pa kayo.
saka sa pagkakasabi mo mukha talagang napakaraming pwedeng mapasyalan dyan sa alemanya ha..ang mga chorvahan at tienesan hehehe…anu ba meron dun?
kengkay: hindi pa nga alam kung matuloy e, pero sana matuloy dahil minsan lang may naliligaw dito sa aming mundo na may chorvahan at tienesan
Comment ni Aling Baby — Hunyo 9, 2008 @ 11:06 umaga |
mami kengksssssssssssssssssssss!! ano na????????? naging bisi-bisihan ako sa tarbahu man jud!!! kaya heto – makakawala na naman this weekend. enjoy po ang beauty ko sa amsterdam… pero di ako nakalayas nung weekend na nagusap tayo.. ang dami kasing pendro penduko sa pasay – - kaya kinarir ko na lang….
pero this weekend, hindi ako papatalo – - – kailangan ng chorvahan at chienes chienes chovalay ekek no????
Shopping tayu bukas!!!!!
kengkay: ready na kami! sinabihan ko na si kengkoy, sunduin ka namin sa hotel bukas after lunch!
Comment ni chuva — Hunyo 20, 2008 @ 1:22 hapon |