Kwentong Kengkay

Hunyo 10, 2008

Kuto

Nagkakagulo sa isang kindergarten dito dahil may report na may kuto daw ang isang bata. Hindi dun sa kindergarten ng mga little kengkays kundi dun sa kindergarten ng pinakamalapit na kaibigan nila. Ibig sabihin, maaaring may kuto na rin sila. Oh hindeeee! Hmpf, OA naman.

Naku naman, kung sa akin e hindi ako takot magkakuto ang mga little kengkays ano. Para namang normal lang sa Pinas yan, sarap ngang magkutuhan habang nagchichikahan e, di ba, hehehe. Heniway, ayun, dahil nga yung bestfriend nung panganay ko e andun sa isang kindergarten — ang unang telephone call ko nung berdey ko na akala ko e para batiin ako ng hepi berdey e nagsimula ng ganito:

Kengkay: Hallowww (pa kyut kasi nga feeling may berdey ako ano)

Caller: Uy, kumusta? Meron lang akong gustong sabihin. May report na may kuto daw dun sa kindergarten namin. Paki check mo rin yang mga anak mo kung may kuto sila.

Kengkay: Ganun (nawala na yung pakyut) o sige, i check ko. (Berdey na bderdey ko mag kukutuhan kaming mag ina?)

Caller: Pumunta na nga ako sa pharmacy para bumili ng pang alis ng kuto e – spray, shampoo, etc (super mahal sila lahat).

Kengkay: Kami meron na ditong naka stock for emergency at talagang effective yon (at super mahal, hmp).

Caller: O sige, basta gusto ko lang sabihin sa yo. Kasi ako nakita ko ang dami ko na ring kuto. Yung bisita namin nung isang linggo tatawagan ko rin at sigurado may kuto na rin yon.

Aray ko naman talaga. Pati ako nangati bigla nung sinabihan ako e. Dito kasi kapag may kuto ang bata, dapat ni rereport yon sa school or sa kindergarten. Tapos lahat nung bata may notice at dun nakalagay kung may kuto o hindi yung anak mo. Kapag may kuto, stay ka muna sa bahay. Bawal pumasok. Bawal umatend ng extra curricular activities.

Mag suyod, mag shampoo ng anti kuto, pero sigurado ko ako lang ay nanay na naghihinguto ng pa isaisa at tumiris ng pa isa isa. Professional kuto hunter yata eto, hahaha. At kapag wala na kuto, bigay mo yung notice na wala ng kuto. Masalimuot.

Pero hindi pa yon. Sa bahay naman, dapat mong labhan mabuti yung mga damit, mag spray ng anti kuto sa mga appliances katulad ng sala, kama at sempre ang carpet. At palitan dapat ang mga bed sheets ng bago at sempre yung mga unan e super pagpag at spray din. At yung mga stuff toys? Hala, lalabhan din dapat yon, ibabad sa araw. Yung mga suklay at hair brushes? Nilalabhan din yon. Ay ewan ko ba, wag nyo akong tanungin kung ginagawa ko yan, sikret kasi si kengkoy ang gumagawa nyan. Napaka-arte mantalang may mga flies and bees naman na umaali-aligid din sa paligid pero bakit hindi sila mag spray? Alien ba ang kuto?

Pero sa kindergarten kung saan may mga batang may kuto, naglilinis din kaya sila at nag spray din sila? Am syur! At dun sa mga bahay nung mga batang may kuto, ganun din kaya ang ginagawa nila? Am syur! Kaya ako, tiris ang sagot ko sa kuto!

At kung nangati na rin kayo, eto pwede ninyong gawin – basahin.

Mga Puna »

  1. wow..ibang level naman dyan!!…ganyan ba talaga ka-alarming ang kuto?>>..sosyal!!

    kengkay: kadiring sosyal, ahaha

    Comment ni bebot808 — Hunyo 10, 2008 @ 8:38 umaga | Tugon

  2. OA naman. Sa atin NORMAL ang kuto. Kapag hindi ka nagkakuto sa buong buhay mo parang ang lungkot naman ng naging childhood mo – walang kabuhay-buhay :)

    kengkay: ahaha, tama ka, sarap yata magkutuhan habang nag chichismisan

    Comment ni nina — Hunyo 10, 2008 @ 8:56 umaga | Tugon

  3. Parang may alien invasion ang dating a! Kakaibang atak! Ganyan ba talaga dyan? Nakaka-panic ang kyuto? :D

    kengkay: ay tunay na panic attack kapag may kuto attack

    Comment ni Salve — Hunyo 10, 2008 @ 8:59 umaga | Tugon

  4. kinati ang ulo, naalala ko kasi, kinuto din ako nung bata dahil pinahiram ko suklay ko sa classmate ko, hahaha… happy tiris-kuto ;)

    kengkay: ay oo, yan ang dapat iwasan, yung hiraman ng suklay

    Comment ni wifeybee — Hunyo 10, 2008 @ 11:47 umaga | Tugon

  5. Ang tindi!

    kengkay: uber sa tindi

    Comment ni Laarni — Hunyo 10, 2008 @ 12:20 hapon | Tugon

  6. wow gravacious.. ha.. sikat na sikat pla ang kuto dyan… panu kya kung ahas ang nag invade dyan.. hay naku di windang na cla… haaayyys.. mrami saming suyod..

    kengkay: at ibang klase itsura ng suyod dito

    Comment ni repah — Hunyo 10, 2008 @ 12:28 hapon | Tugon

  7. Kenks, kumakati ang ulo ko bigla sa post na to actually. Next time balakubak naman ha?

    kengkay: napakamot ka rin ba? ay di uso balakubak dito kasi hindi naman sila nag shashampoo, hahaha

    Comment ni K — Hunyo 10, 2008 @ 5:15 hapon | Tugon

  8. ang kati! kaso parang oa na sila jan ah. dito satin pag may kuto kaklase mo aasarin lang. diyan kulang na lang isprayan buong bahay at skwelahan.

    kengkay: over talaga

    Comment ni madcow23 — Hunyo 10, 2008 @ 5:48 hapon | Tugon

  9. yung sis in law ko nagkakuto few months ago,sa kindergarten kasi sya nagwowork din.naku si byenan talgang nilabhan lahat,araw araw sinusuyod at shinashampoo ang buhok ni hipag hahahah,kakatuwa diko lang masabi na nung bata pako ang dami ko rin kuto at lisa kasi lagi akong nasa arawan, diba satin pag daw nabilad ka sa araw magkaka kuto ka…at pag di ka nagpakuto liliparin ka ng kuto heheheh

    kengkay: oo nga ano, matanong nga kung papano sila nagkakakuto. basta alam ko mga little kengkays nagkakakuto kapag galing kami ng pinas, hahahaha. kaya naman may i lagay ako ng anti kuto pagdating na pagdating pa lang namin dito sa bahay, at baka maging alien din kami :D

    Comment ni lilaybulilay — Hunyo 10, 2008 @ 7:07 hapon | Tugon

  10. ano ba yan, nangati tuloy ako kakabasa lang ng entry mo! pero tunay, nagulat rin ako sa crisis management ng kuto dito sa aleman..feeling ko epidemic ba dating, imagine di pwedeng pumasok bata sa school.. tapos yung iba mothers eh super praning talaga- parang may ketong yung bata na may kuto, usually di namin sinasabi sino ang culprit na nagdala ng kuto eh kaso alam mo naman mga bata. aba, super kwento naman sila sa friends nila na may kuto sila, kaya ayon,kwento naman mga bata sa nanay niya. hay naku! .. asar nga rin ako pag uso na kuto kasi super linis kami sa kindergarden – parang may deadly virus .. mas naglilinis pa nga ata kami pag may kuto kaysa sa general cleaning eh ..

    kengkay: hay may crisis na ngayon talaga kasi apat na bata na ang confirmed, hindi pa kasama dun yung mga hindi na pumapasok dahil nga may kuto na. baka nga daw isara yung kindergarten kapag nagkataon, hehe.

    Comment ni Toni — Hunyo 10, 2008 @ 8:02 hapon | Tugon

  11. hahaha baka naman mag karoon ng Kulto ng may KUTO ang mga kids dyan… pahiramin mo ng panuyod malamang wala nyan dyan….;)

    kengkay: yung suyod kasi nila dito e ibang klase, mas maganda suyod ng pinas

    Comment ni barquera — Hunyo 10, 2008 @ 11:37 hapon | Tugon

  12. grabeyshus!!! sobrang big deal ng kuto jan…hahahaha
    kengkay: ay tunay ka

    Comment ni chuvaness — Hunyo 11, 2008 @ 1:15 umaga | Tugon

  13. may isang episode nga ako napanood sa desperate housewives tungkol sa kuto.. big deal talaga ung kuto jan no? .. samantalang dito halos lahat ng bata, lalo na sa gurls eh may kuto :D

    kengkay: sa atin normal, sa kanila abnormal

    Comment ni koreanmine — Hunyo 11, 2008 @ 1:38 umaga | Tugon

  14. bakit naman nag sama nila kay little head lice. Kawawa namn ang batang magkakaroon ng little frend sa ulo, kasi itututring sya na parang may cancer. nu ba naman yan. parang bago ata yan ahhh. bago sa tututle ko ang ganyang kindergarten. school ba yan.

    kengkay: nursery tapos kindergarten tapos grade school – kapag may kuto, kagulo :D

    Comment ni tina — Hunyo 11, 2008 @ 3:02 umaga | Tugon

  15. astigggggg… parang nakikita kong next summer blockbuster flop….. “attack of the kuto…”

    kengkay: o kaya ‘d next alien: kuto’

    Comment ni defpotec — Hunyo 11, 2008 @ 3:43 umaga | Tugon

  16. ay sosyal na kuto yan…foreynger din hehehe…
    ang aliw na part dyan eh kung paano kumalat ang balitang kuto…magtatawag ba sa telepono para lang mag-abiso tungkol sa kuto outbreak na yan? =)
    Kung di makuha sa shampoo at spray baka pedeng kalbuhin na lang (oh no!) kasi iyon yung ginagawa sa probinsya namin…pag nalamang may kuto ka, bukas kalbo ka na…mahirap na raw baka liparin ka ng kuto sa mayon (ayan ha? sa bicol yun ganun panakot ng mga matatanda sa mga batang may kuto)

    kengkay: kapag may kuto, dapat punta sa doktor para sa dapat gawin. at yung doktor i aalert yung kindergarten at sempre, dun na lalabas yung notice :D grabe, kakalbuhin agad, aray ko

    Comment ni Callcentergal — Hunyo 11, 2008 @ 3:51 umaga | Tugon

  17. nakoW! kuto! i hate kuto, lalo na pag nasa mga bata, at ayaw na ayaw ko malagyan ang anak ko nyan

    kengkay: naku kulot, kapag ayaw mong magkakuto ang anak mo, wag mong dalhin sa parlor – kasi sa suklay minsan galing e. kanya kanyang suklay dapat

    Comment ni kulot — Hunyo 11, 2008 @ 4:53 umaga | Tugon

  18. hahaha, nakakaaliw! parang “tb”, nababaliw ang mga tao dito sa amerika, pero sa pilipinas ang daming may “tb”, parang normal lang sa atin.

    Comment ni jake — Hunyo 11, 2008 @ 5:43 umaga | Tugon

  19. nakuu, ang nanay ko ay isang certified kuto hunter nung mga bata pa kami. sa Pinas, normal lang yan sa mga bata…pero dyan parang epidemya hahahaa!! kunsabagay, hindi nga naman makakapag-concentrate ang mga bata sa paglalaro este sa pag-aaral pag etong kamot ng kamot diba? sobra talaga ang concern nila sa pagtanggal ng kuto…bago yan ah, sana sa pinas ganyan din hehehehe…

    Comment ni Aling Baby — Hunyo 11, 2008 @ 9:01 umaga | Tugon

  20. masarap sa dinuguan yan, ay puto pala un!

    Comment ni zaldy — Hunyo 11, 2008 @ 9:37 umaga | Tugon

  21. grabe pala dyan. e nung bata ako di ako mawalan walan ng kuto dahil lagi akong nahahawaan. haha. si inay lagi akong kinukutuhan araw araw di maubos ubos. haha. nawalan lang ako nung kolehiyo na ko. wala na rin kasing kuto mga kaklase ko. hehehe

    Comment ni Hachi — Hunyo 11, 2008 @ 10:05 umaga | Tugon

  22. ako dati laging may lisa. hahahaha.

    kamusta beerday??? inimail kita te kengks! di ka naman nagkuwento tungkol sa iyong birthday suit hahahah….ay oo nga pala, kasi nga ngka kuto outbreak.

    Comment ni eyna — Hunyo 11, 2008 @ 10:13 umaga | Tugon

  23. yes..thank you!! & promise i will have fun talaga writing blogs!!!..dba taga-ibang basa ka?..mabuti at hindi ka pa rin nakakalimot mag-tagalog, in fairness sa mga blogs mo ang galing mo pa rin magsalita ng wikang filipino!!!..

    Comment ni bebot — Hunyo 11, 2008 @ 11:50 umaga | Tugon

  24. hahaha! kinilabutan naman ako dun ate kengks! at sobrang career pala diyan dahil lang sa kuto. hanep. :)

    Comment ni iris — Hunyo 11, 2008 @ 12:32 hapon | Tugon

  25. belated happy birthday ate kengks.

    kakaiba pala ang pakikitungo ng mga tao diyan sa kuto. parang may chemical warfare at kailangang iquarantine ang mga apektado. ahahaha.. bat dito sa Pinas iba. :D kinakain pa nga ng mga unggoy ang kuto dito eh.

    Comment ni kingdaddyrich — Hunyo 11, 2008 @ 1:36 hapon | Tugon

  26. Berdey na bderdey ko mag kukutuhan kaming mag ina?

    wahahahaha. ano to,bday present sayo, mommy kengks? nyahahah. :D

    Comment ni vanny — Hunyo 11, 2008 @ 2:01 hapon | Tugon

  27. before ako napadpad dito, akala ko ligtas ang mga batang europa sa kuto, como nga malamig dito. hindi pala. ang mamahal pati ng anti-kuto at wala pang binibentang suyod dito. next uwi ko magbabaon ako ng suyod dito. haha

    Comment ni utakmunggo — Hunyo 11, 2008 @ 2:42 hapon | Tugon

  28. Dito din I heard na kapag may kuto ang isang estudyante bawal muna sa school hanggang malinis ang ulo nya. Ang arte huh, parang alien talaga ang mga kuto hahaha!

    Comment ni MisyeL — Hunyo 11, 2008 @ 6:15 hapon | Tugon

  29. grabe naman takot sila sa kuto kaya ganun ka-bigdeal hehehe ako enjoy kutuhan ang sarili nong akoy nasa highschool palang nyahahhaa oo makuto na ako kahit nong HS :D

    Comment ni scart — Hunyo 12, 2008 @ 12:26 umaga | Tugon

  30. Lol. Nakakatuwa naman tong post mo. me anak din ako, na mabilis nagkakaron ng kuto.kaya super bili ako nung Licealiz (bonnga name!)2x a week daw gagamitin pero ginawa ko ng 3x para sigurado.hahaha. ngayon mejo wala na nga, pati yung bunso kong girl na nahawa nya ng kuto wala na din :)

    Comment ni raziella — Hunyo 12, 2008 @ 12:35 umaga | Tugon

  31. Lol. Nakakatuwa naman tong post mo. me anak din ako, na mabilis nagkakaron ng kuto.kaya super bili ako nung Licealiz (bonga name!)2x a week daw gagamitin pero ginawa ko ng 3x para sigurado.hahaha. ngayon mejo wala na nga, pati yung bunso kong girl na nahawa nya ng kuto wala na din :)

    Comment ni raziella — Hunyo 12, 2008 @ 12:47 umaga | Tugon

  32. bakit ganun? sa pinas lang pinagkakaguluhan ang kuto kasi masarap nga tumiris habang nagtsitsikahan katulad ng sabi mo, sa amin nga meron pang mga nagbabayad para lang me makutuhan saka malisaan e lo, dito man saka sa Singapore laging may lice scared, medyo natatawa ako kasi ang liit liit ng problema e nagkakagulo silang lahat lol!

    Comment ni manilenya — Hunyo 12, 2008 @ 1:08 umaga | Tugon

  33. daig pa ata ng kuto ang sars o kung ano pang sakit ah! haha. uso din pala dyan ang kuto..

    Comment ni neex — Hunyo 13, 2008 @ 2:06 hapon | Tugon

  34. Nabubuhay din pala ang kuto dyan? Anong itsura ng kuto at lisa dyan, tita? :P

    Comment ni homebodyhubby — Hunyo 15, 2008 @ 6:11 umaga | Tugon

  35. hay nkU!!grabe nman yan!if ever na hindi n tlga natatanggal ang kuto ng mga anak nio e..aba!mas mbuting kalbuhin na lang!!
    kasi para sken yan ang da’ best na paraan para mabilis matanggal ang knilang mga alaga,daba??
    hahaha!!
    naku nman yan grabe na tlaga ha..!

    Comment ni dhimpLe — Hunyo 15, 2008 @ 10:19 umaga | Tugon

  36. my story nman aq about my little brother..
    harhar!!
    one day hbang naglalaro ng mga games sa computER e bigla mo nlang xang mkikitang nagkakamot ng ulo..
    kya ayun grabe tla

    Comment ni robas-tigas — Hunyo 15, 2008 @ 10:26 umaga | Tugon

  37. [...] pang kwentong kutohan at eto pang ibang mas matrabahong kutuhan [...]

    Pasa ni kuto « Kwentong Kengkay — Nobyembre 12, 2008 @ 7:43 umaga | Tugon

  38. naman…. kuto lang eh… sa amin nga, sisinasama pa yun sa malagkit tuwing umuulan. sarap na meryenda. hehehhe. ay munggong tutong pala yun. sowee.

    Comment ni BURAOT — Nobyembre 13, 2008 @ 5:19 hapon | Tugon


RSS ulat para sa mga puna sa paskil na ito. BakasPabalik URI

Mag-iwan ng puna

Sumulat ng Blog sa WordPress.com.