yup, asar ako kaya tamad ako mag blog dahil dito
yung pagcompose kasi ng sulat ang umiikot sa utak ko – compose, delete, edit, ganun ba pero dahil sa asar pa ako hindi ko sya mabuo ng tuluyan. gusto kong balikan at bigyan yung ale ng isang sentimo pambayad dun sa nginatngat ni bunsoy ko pero dahil asar nga ako, di ako pwedeng gumalaw at baka kung ano pang mangyari.
hayyyy… buhay… pero bukas tapos na tong asar ko, hindi na ako dapat apektado, dapat lang at nakakawala ng beauty ang ma-asar.



grabe naman yun
kengkay: grabe talaga
Comment ni kulot — Hunyo 12, 2008 @ 2:53 umaga |
kaasar nga naman yun. nakakainis yung mga ganun na talo pa ang may-ari kung umasta. dapat lang na i-boycott ang mga ganyang tindahan!
kengkay: boycott!
Comment ni Salve — Hunyo 12, 2008 @ 3:38 umaga |
smile, relax, smile again…
kengkay:
Comment ni wifeybee — Hunyo 12, 2008 @ 4:46 umaga |
miss kengks, naasar din ako. hayup yun ah. sige na mag-insert ka ng singkong duling pang-insulto sa lidl.
kengkay: sinkong duling, wala na yata nung ah
Comment ni utakmunggo — Hunyo 12, 2008 @ 5:51 umaga |
ang sabi nila, asar-talo daw.. kaya relaks ka lang
..napadaan lang maam.
kengkay: panalo na ko
Comment ni dimaks — Hunyo 12, 2008 @ 2:46 hapon |
nakakainsulto talaga. pero ang totoo niyan, wala tayong magawa kung ugali na ng ibang tao paguusapan. tsk.. naranasan ko rin mainsulto, but i let it go. kase ayokong mapikon. pinag-pray ko na lang sila kay Lord, then gumagaan feeling ko. pramis.
kengkay: hay, kung di ko lang kasama si bunsoy ko….
Comment ni Banana — Hunyo 12, 2008 @ 4:02 hapon |
ayyy… ano lang ba yung isang cherry na yun?waahhh~~
kengkay: waaaa talaga, hehe
Comment ni wei vines — Hunyo 12, 2008 @ 6:35 hapon |
cge lang mami kengks….nakaka dami ng old cells sa mukha yan..chiilax….belated happe beeday.sori for the late greetings.
kengkay: ay oo nga, flawless pa naman ako, haha
Comment ni Maldito — Hunyo 12, 2008 @ 8:52 hapon |
di ka kc natural na mataray mami kengky, mabeet ka kc…
sabi nga ni kenkoy , kung sa iba, normal na reak nga is.. cge, timbangin mo! babayaran ko! (sabay taas ng kilay at sampal ng pera sa muka) ay ober na pala yun! Lols
kengkay: yan gusto ko yung mga ober, hahaha
Comment ni koreanmine — Hunyo 12, 2008 @ 9:10 hapon |
ay oo nga, wag ka ng maasar dahil nakakapangit yan..
kengkay: ang ganda ko pa naman, haysss
Comment ni linglingbells — Hunyo 12, 2008 @ 9:56 hapon |
Hay naku ah, para yun lang mega-react naman yung aleman na yun. Dapat talaga binabastos yang mga store personnel na ganyan. Para namang sa sweldo niya kakaltasin yun no. Di bale, isipin mo na lang walang love life yun kaya masungit.
kengkay: ahahah, gusto ko yon, walang lovelife
Comment ni miss choi — Hunyo 12, 2008 @ 11:06 hapon |
wag na maasar, ang guhit lilitaw…
kengkay: wa na asar, takot sa guhit
Comment ni barquera — Hunyo 13, 2008 @ 1:01 umaga |
Ayy..Tama. palipasin mo muna ang asar mo. ;}
kengkay: oo nga nanay
Comment ni nanay belen — Hunyo 13, 2008 @ 1:59 umaga |
ano yung “verboten”? wag mo na pansinin yon ate kengks. tama lang yung ginawa mo. i would have done the same thing. may ibang employees talaga na walang pakielam sa negosyo ng boss nila.
kengkay: verboten = bawal
Comment ni Pao-Pao — Hunyo 13, 2008 @ 8:08 umaga |
Hello Kengkay,
Alam mo di pa ako napasok ng LIDL dito sa amin. Grabe noh… hehehe…
Cool ka lang dyan.
Pero teka lang, napadala mo na ba yong sulat? I’m curious kung anong magiging reply nila.
kengkay: ako si kengkoy ayaw nya pumasok sa lidl, ako nagtulak sa kanya na pumasok kasi nung una e sa minimall lang pumapasok e, o ayan tuloy, nabokya ako, waaa
Comment ni Sofie — Hunyo 13, 2008 @ 11:49 umaga |
normal naman ang makaramdam ng asar, lilipas din yan…=) ganun talaga iba-iba ang ugali ng mga tao…pero pag sinungitan ka ulit, labo-labo na hahaha…kidding! =)
kengkay: labo labo na talaga, hiyaaaa
Comment ni Callcentergal — Hunyo 13, 2008 @ 1:57 hapon |
bibilis ang pagtanda nyo nyan mommy kengks.
kengkay: aray ko, hehehe
Comment ni neex — Hunyo 13, 2008 @ 2:01 hapon |
asar din ako….but not because of writing a blog. asar ako kasi i cant understand why she have to talk to her ex husband and it seems her ex is FLIRTING with her.. gusto naman nya! putek.
sorry just voicing it out here, kasi this is the link of the site na i chose as i browsed the result of my search in goolge “asar ako”.
thaNKS. keep cool.. (?)
kengkay: hahaha, i didnt know you could also vent your kaasaran by simply googling pero kung nakakatulong naman, okay na rin. cool na ako sana ikaw cool na rin
Comment ni lulu — Hulyo 13, 2008 @ 9:07 umaga |