Maligayang Araw ng mga Tatay sa mga poging tatay!
At sempre, sa pinaka-cool na tatay sa buong mundo ayon sa pinaka-cool na anak din sa buong mundo — Happy Tatay Day, Tatay Goniong!
Ano raw ang mga bagay na itinuro sa akin ng aking coolness Tatay? Galing ang tanong dito: click.
Ang sabi nya sa akin, basta may buhay parating may saya.
At kasunod niyan e ang parati nyang sinsabi na: ‘mabuti pa tayo, kahit mahirap e hindi naman tayo kulang sa saya!’
Na tama naman talaga. Minsan habang nagkakagulo sa mga pagkaing nakahatag sa lamesa; pa kontest pa kunyari kami. Pabilisan kung sino ang mabilis, yun ang panalo kasi sempre, busog, di ba? At kapag ganon, nakakakiliti agad. Imbes na sumugod sa lamesa e nauna munang mabusog kami sa tawanan!
Oo, busog na busog kami sa saya; sa sakit ng tiyan dahil sa tawanan. Kaya naman magagandang balik tanaw ang parati pumapasok sa isip ko kapag kwentong nung kabataan ko ang aking ala-ala. Kaya naman coolness talaga, di ba?
At meron pa kaming kwento dito nung nagpunta sila ni nanay ko sa Alemanya, eksampol pa rin ng kanyang pagiging comedy king
click:macapuno
Ang father’s day dito sa alemanya e kasabay ng Ascension Day at inuman po sya click.
Inihanay sa:Duon sa Amin, Kwentong Kengkay, Paki Lang, Patawa , father's day

Ako hindi tatay, pero POGI — sayang hindi na makapagkakalat ng lahi!
(jokes)
Happy father’s day sa dalawang tatay mo, at syempre sa tatay ng dalawang anak mo!
kengkay: hehehe, mr pogi! salamat po
weeheee!
happy tatay’s day po sa dad nyo…
kengkay: at sa tatay mo rin
wow!! double party pala dyan! happy father’s day
kengkay: halos araw araw party, sarap nga e
HaPPy DaD’s day sa lahat ng tatay!
kengkay: am sure narinig nila lahat yan
Ay, ang saya naman sa inyo
Ang tatay ko medyo seryoso, buti si husband, medyo pacomedy sa mga kids, yun lang, ini-spoil niya sila at ako ang kontraida
Salamat, Raq
Happy Father’s Day ke Kengkoy
kengkay: tenks titser julie
sa mga seryoso, strict, kalog, kunsintidor na mga ama, winner kayong lahat! =)
happy father’s day sa lahat ng mga tatay…=) Lalo na sa hubby mo kengkay! =)
kengkay: si kengkoy kunsintidor, hahaha
happy fathers’ day sa tatay mo, mommy kengks! pati na rin kay kengkoy!
kengkay: uy hepi father’s day din kay labski mo
Happy Fathers Day kay Daddy Kengkoy at sa iyong Tatay Goniong Momski. God bless u all always.
kengkay: tenks, lav! sa tatay mo rin! god bless din
happy tatay’s day kay kengkoy at sa tatay mo na rin.
kengkay: hepi hepi din sa mga tatay na kapiling mo
kengks,
fren, happy father’s day sa dad mo and all the father’s you know. god bless!
kengkay: uy, hepi father’s day din!
hapi beleyted pader’s day!
kengkay: belated din sa tatay mo ;D
[...] Kengkay [...]
[...] sabi nga ng tatay ko, kahit mahirap lang tayo, basta masaya. agree ako sa kanya. kayo? [...]