Kwentong Kengkay

tagalog chenes

Ooopps

Yan ang sabi nung batang kalaro ng mga little kengkays nung pumasok sya sa aming banyo at nakita nyang naliligo si kengkay.

Pero pagkatapos nung oooopss na yon, tuloy pa rin sya na naghugas ng kamay at nag wave goodbye pa sya nung matapos.

Wala kasing mga susi ang mga pintuan dito sa bahay namin e. Iba na lang yung front door. Kaya kung sino gustong bumisita sa amin, kung ayaw nyong may biglang susulpot habang gumagawa kayo ng milagro, magdala kayo ng sarili ninyong susi :)

Anyway, naisip ko lang naman. Kung dito sa alemanya e ganyan lang ka- relax ang reaction ng mga bata; ano naman kaya ang reaction sa Pinas? Ano sa tingin ninyo? At kayo, ano magiging reaction ninyo kapag kayo ang nasa loob nung banyo?

Ang may pinaka kyut na sagot mananalo ng libreng stay dito sa bahay namin, kayo bahala sa pamasahe but dont forget your own susi :D

Inihanay sa:Ano Nga Ulit Yon?, Dito sa Amin, Duon sa Amin, Hmmmm, Kwentong Kengkay

23 Responses

  1. Sofie ay nagsabing:

    Oo nga, maraming bahay dito na walang susi ang mga kwarto at banyo. Sa dati naming apartment, pag may dumating na bisita, doon ko lang kinakabit yong susi sa banyo. :)

    Pag wala naman, inaalis ko kasi nahuhulog lagi. Pero ngayon dito sa amin (lumipat na kasi kami), may mga susi na lahat, di na kasi nahuhulog e. :)

  2. koreanmine ay nagsabing:

    ahmm depende sa papasok empre :D

    pag bata, ay shooo shoooo labas labas :lol:

    pag “adult” na SWM eh , ei, can i do samting 4 u? :wink : Lols :lol:

  3. defpotec ay nagsabing:

    my reaction pag biglang pumasok sa banyo mo at makita kang naliligo:
    oops!!! sorry mommy kkk…. sabay deadma… hugas parin ng kamay…. tapos bago ako lumabas ng pinto.. papaalam muna ako sayo… “sandali lang ha.. ituloy mo lang… brb……”

    … 2 minutes later, babalik akong may bitbit na upuan at popcorn……

  4. Jon Cabron ay nagsabing:

    naguunahan ang mga posibilidad na pwedeng mangyari sa utak ko habang naiisip kitang naliligo.

  5. Laarni ay nagsabing:

    Meron kasing kurtina ung banyo namin kaya kung bold ka at naliligo at may papasok bigla, ok lang. wehehee.

  6. K ay nagsabing:

    Reaksyon? If I were you?

    “Huyyy bata ka sinong Tatay mo, papasukin mo sya dito”!

    *ondaplorlapingmyazop*

  7. Callcentergal ay nagsabing:

    Kung ako yung nakitaan, me palo yung bata…joke, papaalisin ko na lang muna habang nasa banyo ako hehehe habang nagpapalipas ng hiya hehehe*blush*

  8. Aling Baby ay nagsabing:

    kung ako yon…shempre sa umpisa medyo magugulat, medyo lang kasi bata pa naman yon hehe..kasi kung magre-react ako ng parang naghuhurumentado, maiisip niya na may malisya diba? pangit naman yon bata pa lang may malisya na hehe…siguro kakausapin ko siya ng kaswal parang walang nangyari.

  9. utakmunggo ay nagsabing:

    reaction ko pag nakapasok ako ng banyong may naliligo pala?

    eto:

    “mama kengks, palitan mo na shaver mo, wag mo nang pupuslitin ang auto razor ni papa kengkoy.. o dun sa may bandang itaas ng kili kili, you missed a spot.”

    (personalized pep-squad yan ha. hehe)

  10. reyna elena ay nagsabing:

    EEEEEEEKKKKK!!! pag ako ang andyan taz pumasok ang mga little kengkays mo, ma-to-trauma ang mga yan saken. di kasi nila mai-intidihan kasi – “ba’t meron nun? tsaka nun? tska di ba wala un? ba’t meron nun?” hahahahaa

  11. tina ay nagsabing:

    sigurado kung dito sa pinas’. sasasbihin ng bata na.
    Boy: yak! alam nakita ko yung ano nya. grabe talaga. pano ba naman walang lock. Iwwwwwww di na ko virgin!. .

    kung ako naman ang nasa loob ng banyo syempre magwawala ako ng bonggang bonggang. at siguradong mag aaway kame ng nanay ng batang nakakita sakin.
    Tina: E pano ba naman yung anak mo aleng ano. basta basta nagbubukas ng pinto. ang aga aga pa nangangapit bahay na. walang manners. walang pakundangan.. bata pa e malaswa na ang isip. SHEee!

  12. Lenggai ay nagsabing:

    Mabuti na lang kamo te keng naliligo ka nung pumasok siya… ang mahirap eh yung kapag nagbabawas ka… lol!

  13. Maldito ay nagsabing:

    naalala ko ang naranasan ko dati dito sa apartment…kahit may lock nakalimutan ko din naman mag lock..ampooteers…….kung ako?
    sisigaw ako ng:

    “Syetttttttttttttttttt”"”"!!!!!!!!!!!!!

  14. Banana ay nagsabing:

    pag ako naliligo at pumasok ang batang boy ang gagawin ko:

    “uy buti andito ka, paki-scrub muna ng likod ko. tnx. :D ” ; sabay bigay ng bimpo. lol :lol:

  15. barquera ay nagsabing:

    kung sakali me batang papasok sa banyo eto ang sagot ng mga matanda…

    “dyaskeng bata ire at di man lang nakatok.” hala,labas!. (sabay paltik sa pwet)hehehe ;)

  16. taroogs ay nagsabing:

    reaction ng batang pinoy… itay! anong ibig sabihin nito?! at sino ang babaeng yaaan?!! :-)

  17. kingdaddyrich ay nagsabing:

    “ay! p*tang ina!”

  18. kulot ay nagsabing:

    pag ako ang pinangyarihan nyan, ang gagawin ko i will educate yung bata sa mga partes ng katawan na kanyang nakita, lalo na yung mga private part nyahahahaha!

    kakayanin kaya ng isipan nya?

  19. sommer ay nagsabing:

    oooppps lang sya? ako siguro magiging reaction ko, mababato ko sya ng tabo na me tubig pa.;p

  20. wei vines ay nagsabing:

    hehe…ilang beses nako nasisilipan ng pinsan ko.. ayos lang naman..walang malisya ^^

  21. antuken ay nagsabing:

    kung ako yung bata, same reaction siguro. hehe.

    pero kung ako nasa lugar mo, deadma lang. feeling ko naman sexy ako eh. hahaha.

  22. Toni ay nagsabing:

    hahahha , katuwa nga mga comments, aliw,, hmm wla ako maisip eh, pero totoo yan, dito walang susi susi, kaya nga pag invited kami minsan sa ibang mga bahay, at c-cr ako di ko alam pano ko isasara pinto pag andon ako.. minsan hawak ko knob habang wiwi ako.

  23. Jennie ay nagsabing:

    hi sis! bisita ulit me. hehe musta ka na? naku jan din pala eh hindi din uso ang susi. ang bestfriend ko na nasa london ganon din sila sa kanila. bakit kya? teka pano yon sa masters bedroom niyo wala din susi, pano kung lam mo na, tapos biglang pumasok nalang ang mga little kengkays mo. ;-) hehe im sure naka isip n kayo strategy. nasanay lang ako sa kultura dito. atleast pag may lock deadma kahit sino pa kumatok. lol! ;-)

Leave a Reply

Lumang Kwento