Kwentong Kengkay

Hunyo 19, 2008

Brown-Out 2

Isinalansan sa: Ano Nga Ulit Yon?,Dito sa Amin,Europe,Oyropa Ko — kengkay @ 7:09 hapon
Tags:

Medyo busy si kengkay, di makasagot sa mga comments at di maka blog hop. Singit ko lang tong hirit ko tungkol sa brownout. Alam nyo kung bakit busy ako? Kasi nagiisip akong mabuti ng pangalan at balak kong mag-karon ng sariling domain, hehehe.

Ayan, kasi nagreklamo ako dun sa isang sekundong brown-out dati; nagkaron tuloy ng isang pagkahaba-habang brown-out dito sa kalye namin kahapon! Waaaaa…

Oo, naka schedule naman yung brownout. Nag-iwan sila ng red and white stickers sa mga front doors at nakalagay dun na mag ba-brown out nga daw sa Miyerkules mula 1 pm to 2:30 pm. Okay lang, kasi lunes pa lang e nakalagay na yung sticker. So dapat ready na kami tutal naman 1.5 hours lang mawawalan ng kuryente di ba?

Op kors, hindi ako ready! Waaaa. Miyerkules ang pinakabusy kong araw. Kasi meron akong playtime english sa isang kindergarten (oo, nagtuturo akong ng inglis) at tapos naman nun e meron akong gymnastics course sa isang sport club dito (oo, nagtututo din ako ng gymnastics). Hataw talaga ako kapag miyerkules.

Ngayon, sinundo ko mga little kengkays e biglang napa chismis ako sa kapitbahay. Nagtagal ang chikahan at dumating kami sa bahay bago mag ala-una. Nagluto ako ng tanghalian, kaso mo ang tagal bago uminit yung nakasalang. So sabi ko ilalabas ko muna yung kotse sa garahe. Kailangan ko ng kotse kasi medyo malayo yung kindergarten kung saan meron akong inglis chika. 

De pindot yung garahe namin. Pindot ako ng pindot, hindi bumubukas! So sabi ko, subukan ko yung susi ang gamitin ko para buksan. Sinusi ko ayaw pa rin magbukas! Tapos dun ko lang na-alala na 1 pm e wala ng kuryente. Waaaa – tingin ko sa relos, a few seconds after one o clock! Lintek na right timing yan oo. Brown out na nga! Wa na pag-asa. Hindi ko talaga mabubuksan ang garahe at makukuha ang kotse.

O ayon. Pigil ang luto. Mabuti na lang may nabili akong muffins at strawberries nung naglakad lakad ako nung umaga. Ayun ang kinain namin. At pilit kong tinatawagan yung aking papa in law at pagpapahatid ako (sa kalye lang kasi namin brown out as in, sa isang linya lang ng street!) ang kaso mo, wala ring telepono kasi nga brown out! Waaaa na naman.

Gamit ko celpon, tawag ako. Walang sumasagot. Bakit kaya kapag kailangang-kailangan mo atsaka wala kang mahagilap na tao ano? Ginawa ko, pinakiusapan ko mga little kengkays na bilisan nila ang lakad nila at baka mahuli ko pa yung bus na aalis ng ilang minuto at yun ang hahabulin ko. Takbo kami. Mabilis na gudbay kiss tapos nakipag patintero ako sa mga kotse sa kalsada para abutan yung bus. Inabot ko naman pero sempre naglakad pa rin ako, 10 mins late po si titser kengkay. Importante pa naman itong araw na ito kasi last day na namin…hay buhay!

Hindi pa yan… sempre natapos yung inglisan namin. Pano uuwi si kengkay ng mabilisan para naman sa gymnastiks nya? Pwes, naglakad ako ng apat na bundok at tumahak ng dalawang batis — opo, naglakad ako ng halos 45 minutos pauwi ng bahay. Waaaaa… Hindi ko kasi alam kung anong oras sked ng bus pabalik sa baryo namin.

At sempre, pagkatapos ng lakad na yon. Nag gymnastiks pa ako ng halos dalawang oras. Nabuhay yata lahat ng muskels ko na nung pag uwi ko ng bahay, super gutom ako (di ba nga di ako nakapag-luto) at ngarag na ang mga buto buto ko. 

Hay buhey. Life changing talaga ang brown out na ito!

Mga Puna »

  1. Hello Kengkay!

    Bwahahaha… ok yang experience mo a. Pag hinihingi raw kasi, binibigay kasi mabait ka raw. Hehehehe…

    Comment ni Sofie — Hunyo 19, 2008 @ 8:34 hapon | Tugon

  2. sa building ng ofis namin, minsan, bigla na lang nagba-brown out…hay, kakaloka pag ganun kasi walang internet, e-mail, fax, telephone at walang elevator!

    Comment ni nina — Hunyo 19, 2008 @ 8:44 hapon | Tugon

  3. ay ang ikli naman ng brown out 1.5 hours lang…naalala ko tuloy yung brownout dito sa ating Lupang Hinirang, otso as in otso oras! SUSME!

    but anyways, gandang exercise nyan ha!

    Comment ni ruthie — Hunyo 20, 2008 @ 5:04 umaga | Tugon

  4. Sabi mo pa. Samin di pwedeng mamatay ang ilaw ng weekdays kaya pagmayaayusin yung power corporation eh binabrownout nila tuwing weekends. Kaya everysunday walang kuryente dito samin.

    PS May sarili kaming dam kaya nung magbrownout sa buong luzon 6 hours lang nawalan ng kuryente samin. Nasa Economic Zone kasi ako nakatira.

    Comment ni Richmond — Hunyo 20, 2008 @ 5:14 umaga | Tugon

  5. naks! at least, naabisuhan pa rin kayo kung kelan ang brown out dyan…
    unlike here….PRO-VINCE! hehehe…
    heniway…ganun nga talaga..pag nagmamadali ang daming aberya =))

    Comment ni wei vines — Hunyo 20, 2008 @ 5:21 umaga | Tugon

  6. ang taray kengs, your wish is my command ayan nag brown out na rin ng mahaba haba hhahaah, tanggap ko na yung epektus super thank you, iniintindi ko payung bawat nakasulat sa baby book hahahah at salamat sa cute na gifts ng mga little kengkays

    Comment ni lilaybulilay — Hunyo 20, 2008 @ 6:51 umaga | Tugon

  7. kawawang kengkay. pero sori ha naaliw ako sa misadventures mo mare.

    Comment ni utakmunggo — Hunyo 20, 2008 @ 8:00 umaga | Tugon

  8. ang sayang adventyur naman nun ate kengks, parang kinukwento mo pa lang, hinihingal na ko sa pagod hahaha!! atleast diba, natapos mo pa rin lahat kahit na tumahak ka pa ng apat na bundok at dalwang batis hehehe… :D

    Comment ni Aling Baby — Hunyo 20, 2008 @ 4:05 hapon | Tugon

  9. adventurous ka pala mommy kengkz! haha

    Comment ni vanny — Hunyo 20, 2008 @ 5:51 hapon | Tugon

  10. asust….! :)

    Comment ni aga — Hunyo 20, 2008 @ 6:04 hapon | Tugon

  11. yan ang brownout! eksakto sa timing nyahahaha! ka-malas mo naman :P pero teka, malapit ka na na rin pala mag-dotcom, naks! siguro naman eh by that time naayos mo na link ko sa blogroll mo noh! hmmmp! :D

    Comment ni AZRAEL — Hunyo 20, 2008 @ 6:30 hapon | Tugon

  12. nagba-brown out dyan sa alemanya? kala ko sa pinas lang yan uso hehehehe

    Comment ni scart — Hunyo 20, 2008 @ 8:58 hapon | Tugon

  13. bakit nagbrown dyan? teka nagtuturo ka pala ate… :-/

    Comment ni Gabriel — Hunyo 21, 2008 @ 2:59 umaga | Tugon

  14. hmm.. ano kaya ang pangalan ng magiging name ng site mo.. buti pa kayo magkaka bahay na ng sarili.. ahuhuhu… napagiwanan na ako.. ah.. aampunin mo naman mo po ako dba/? hhaha..

    Comment ni jeniffer — Hunyo 21, 2008 @ 5:44 umaga | Tugon

  15. Ang galing. Gymnast ka pla… so sexy ka for sure … wehehehe :D

    Comment ni duskfading — Hunyo 21, 2008 @ 8:35 umaga | Tugon

  16. napadaan lang po.bihira din kami maka-experience ng brownout dito sa nz pero minsan nangyari na din ng 2 hours mahigit ang tinagal niya

    Comment ni madbong — Hunyo 21, 2008 @ 8:40 umaga | Tugon

  17. Hahaha. Buti pa sa Pinas, kahit anong oras, merong bus. hahaha.

    Comment ni aKDa — Hunyo 21, 2008 @ 6:15 hapon | Tugon

  18. hahaha, naniniwala na talaga ako na kung ano yung nasabi mo o naisip mo, nagkakatotoo…

    Comment ni wifeybee — Hunyo 23, 2008 @ 4:11 umaga | Tugon

  19. oo nga duskfading… nainggit ako bigla dyan sa part na sexy siempre pag gymnast eh talagang fit…hay…pero kaaliw yung mga pangyayari ha? mahirap talaga kapag ganyan nagbbrown -out…pahinga ka lang kengkay ha? baka ka magkasakit sa pagod nyan…

    Comment ni Callcentergal — Hunyo 23, 2008 @ 4:11 umaga | Tugon

  20. nagbrownout din dito samin. may bagyo kasi..

    Comment ni neex — Hunyo 23, 2008 @ 7:12 umaga | Tugon

  21. maaksyon pala ang buhay mo dyan. kapag late na, tumbling na lang, kengkay! tumbling na lang! Hayaaah!!!!
    God bless!

    Comment ni brotherutoy — Hunyo 23, 2008 @ 10:44 hapon | Tugon

  22. hala akala ko onli in d pilipins ang brown out pati rin pala sa alemanya.
    dito dahil ke Frank nag brown out nanaman… ;)

    Comment ni barquera — Hunyo 24, 2008 @ 3:03 umaga | Tugon


RSS ulat para sa mga puna sa paskil na ito. BakasPabalik URI

Mag-iwan ng puna

Sumulat ng Blog sa WordPress.com.