Bakit kaya kung kelan marami kang dapat gawin e dun ka naman nawawalan ng gana?
Nakapila ang dapat kong gawin.
Tambak ang labada. Tambak ang dapat plantasahin. Tambak ang unread inboxes ng mga emails ko. Tambak ako sa mga ang lintek na solicitation letters at congratulations lottery winner emails ko. Tambak ang mga dapat kong i blog sa utak ko. Tambak ang mga comments sa blogs ko na dapat sagutin. Tambak yung mga dapat kong bisitahing blog pero sempre priority yung mga nagbabasa ng blog ko meaning yung mga nagiiwan ng comments:) Tambak ang in files ng aking letter boxes. Tambak din dun yung mga dapat kong bilhin para sa aming mag-ge-grade one. Tambakakan alley! Arrghh.
May oras naman ako. Pero kapag nakikita ko yung tambak. Natatakot ako, napapapikit at biglang nagiging invisible kung ano mang tambak na yon.
Wala akong gana e. Kaya di ko sila gagawin.
Pero dapat ko silang gawin. Alam nyo yun?
Ganito rin ba kayo minsan?
Hayyyy buheyyy


ay totoo. kung kelan tambak ang work, dun ka tinatamad. nakaka-overwhelm kasi.
kengkay: ganito kasi yon, sarap maglakwatsa kapag hindi malamig ang paligid kaya naman paguwi mo sa bahay, tambak ng tambak, hahaha. ayan, overwhelming na tambak na itong naiwan sa akin
Comment ni nina — Hunyo 23, 2008 @ 7:46 hapon |
Pakiplantsa na rin yung damit ko Kenks, pero ihiga mo daw muna yan at pag gising mo, re-charged ka na ulet at gaganahan ka na ulet. Uy, gumawa ka ng halo-halo para malamig sa katawan.
kengkay: sumobra nga yata ng higa kaya natambakan e, hala, ipa balikbayan box mo dito yang plantsahin mo dito sa alemanya; hindi ko lang alam kong ma survive nya ang super galing kong plantsa, hehehe. halo halo, magandang ideya yan.
Comment ni K — Hunyo 23, 2008 @ 8:07 hapon |
Make sure it’s not a health problem Keng. Get some rest! Ingat palagi.
kengkay: it is a brain problem. ayaw gumana ng katawan kapag there is no will
ingat din!
Comment ni megamomph — Hunyo 23, 2008 @ 11:55 hapon |
same here…mami kengkay. am soo bored…and tamad. epekto yata ito ng gloomy weather. hehehe
kengkay: dito naman epekto ng super init! kakatamad gumalaw kasi ang lagkit, yikkkss
Comment ni chuvaness — Hunyo 24, 2008 @ 2:24 umaga |
ay pareho tayo… meaning pareho tayo sikat kasi ang daming comments na dapat sagutin! apir dyan at nga pala bakit ganyan ang layout mo akala nung una sa akin ang mali yun pala yung layout mo ang may mali…
keep reading my blog…try mo kayang gumawa ng maraming post tapos imbak mo lang… ako kasi ganun e… hehehe
kengkay: hay alam mo ba, hindi ko alam dahil matagal ng may engkanto itong blog ko. may sarili syang buhay, hehehe. dami kong naka imbak pero kahit na mag click tamad din ako, hay anu ba yun
Comment ni BADoy — Hunyo 24, 2008 @ 2:45 umaga |
sobrang busy mo pala ngayon hehe. ganyan ako madalas daming takehome na trabaho kaya ang mga post ko bugal-bugal
kengkay: hay madbong, hindi ako busy, yun ang problema. ang problema e super tamad ko, hehehe
Comment ni madbong — Hunyo 24, 2008 @ 3:08 umaga |
pag madaming tambak, di mo alam kung pano at san mo sisimulan, kaloka ever, hahaha
kengkay: kaya sinimulan ko na sa pagsagot ng comments
Comment ni wifeybee — Hunyo 24, 2008 @ 3:09 umaga |
letcheng tambakan ng gawain talaga. at least alam ko na di ako nag iisa, well sa blog ko? wala namn masyadung gagawin. ahahaha. kung kelan lang lumikot utak ko saka ko mag susulat.
kengkay: dudong, hindi ko ma access yung link mo sa blogspot. batet kaya? hay, dami kong gusto i blog kasi dito lang ako nakaka chismis e, hehehe
Comment ni dudong — Hunyo 24, 2008 @ 3:55 umaga |
mommy kenks, naku ayaw ko’t allergic ako sa tambak. kaya ang strategy ko naman ay naglalaan ako ng isang oras bawat araw sa pamamalantsa. at yung pambahay namin ni sargent sabaybunot ay di ko na pinaplantsa, pino-fold ko nalang ng maayos..yung sa mga bata plantsa lahat.
hirap maging nanay ano? hehehe…
kengkay: ang sipag mo naman mag plantsa! yan ang hate na hate ko e. kaya ginagawa ko, super pagpag ko yung mga sinampay para konting diin lang e pwede na, hahaha
Comment ni utakmunggo — Hunyo 24, 2008 @ 4:54 umaga |
kengs i feel for you…haaay katamad talaga!!!
kengkay: hahaha, at least ikaw pwede yung ganong drama kasi tesbun ka, e pano ako, malaki nga tyan ko pero bilbil lang yon, hahahaha
Comment ni lilaybulilay — Hunyo 24, 2008 @ 5:24 umaga |
mami kengs, busy din ako! hayz!!! miss mag blog….=)
salamat mami sa pagbisita sa blog ko kahit busy ako==)ingats!
kengkay: uy, salamat din sa pagbisita kahit busy ka
Comment ni rio — Hunyo 24, 2008 @ 7:41 umaga |
hay trulili ate kengks, talagang minsan gustu ko na lang maging invisible ang mga tambak-tambak na yan at haharapin ko na lang sila pag buo na ang loob ko hehehe…:)
kengkay: kaya natin to, hahaha
Comment ni Aling Baby — Hunyo 24, 2008 @ 9:40 umaga |
may tama ka kengkay!
ganyan talaga…pag di mo pa ginwa yan mas lalo kang matatambakan..
kay gowh! do it! hehe
Comment ni Enday — Hunyo 24, 2008 @ 11:13 umaga |
may tama ka kengkay!
ganyan talaga…pag di mo pa ginwa yan mas lalo kang matatambakan..
kay gowh!
do it! hehe
maari bang makipagpalitan ng link sa iyo?
ikaw ay aking ililink na okie?..
kengkay: na link na kita enday! may tama talaga ako kaya eto at pinipilit kong mawala ang tama, hehe
Comment ni Enday — Hunyo 24, 2008 @ 11:14 umaga |
ganitong ganito rin ang reklamo ng misis ko sa akin araw araw, kasi wala naman kaming kasambahay na tutulong sa kanya para gawin ang lahat ng mga iyon. Paminsan minsan tumutulong akong maglaba using the washing machine pero ang main job ko sa bahay e tagaluto.
kengkay: ayan, may naka relate sa akin! mabuhay si misis rino
pareho lang din kayo ni kengkoy, halos sya rin ang taga luto sa bahay namin e. am proud to know a hubby like you!
Comment ni rino — Hunyo 24, 2008 @ 11:50 umaga |
pagod ka lang ate kenks,
hehe…chillax ka muna.
heyyy buheyyy…
nepekeweleng kwente neng ekeng behey
hahaha..
salamat po sa pagbisita sa aking blog…
kengkay: chillax talaga ang kailangan ko!
Comment ni ayyzzz — Hunyo 24, 2008 @ 12:22 hapon |
sa sobrang dami kc di alam kung anu uunahin. kya nawawalan ng gana.. hehe
kengkay: tama ka dyan, kakalito, arrgh
Comment ni vanny — Hunyo 24, 2008 @ 3:14 hapon |
Katams lang yan. ^^; Try starting to do the things that you have to do and the ball will keep on rolling. Just like this: I got you tagged and I hope you’d spread it. ^^; Cheers Kengkay.
kengkay: aray, at tinambakan pa lalo ako, hahaha
Comment ni Elliot — Hunyo 24, 2008 @ 4:16 hapon |
maraming mga pagkakataon na nakukulangan ako sa bente kuwatro oras sa isang araw, andaming dapat gawin, kulang na kulang sa oras at sa sipag.
haaay buhey nakaka lurkey!
kengkay: lurkey talaga ang buhey!
Comment ni Jon Cabron — Hunyo 24, 2008 @ 5:38 hapon |
SINO BA?! napansin mo naman! pinamimigay ko na mga pera ko! santambak ang mga tiga-Nigeria na binibigyan ako nang pera di na kaya nang bank account ko! apaw na to the max noh?!
kengkay: waahahaha, lintek na nigerian bandits yan, ako nga every second yata kinukulit ng mga yan e
Comment ni reyna elena — Hunyo 24, 2008 @ 9:33 hapon |
hahahahah ganun din ako kung kelan madami saka naman nawawalan ng gana. hindi mo pa nga nagagawa nararamdaman mo na yung pagod at stress
kengkay: naku scart, feel na feel ko yang mga sinasabi mo
Comment ni scart — Hunyo 24, 2008 @ 10:34 hapon |
ayy u dont have maids ba?
kengkay: hay naku, wiz maid. nagkaron ako ng once a week taga linis at taga plantsa pero iniwan kami nung nagkaron na sya ng mercedes benz na kotse, waaaa
asa ang link mo para naman mabisita ko yang blog mo
Comment ni gugmagiatay — Hunyo 25, 2008 @ 1:43 umaga |
Pinakaayaw ko talaga eh maglaba. Paglalaba nga yung latest post ko eh.
kengkay: apir tayo!
Comment ni Richmond — Hunyo 25, 2008 @ 4:01 umaga |
Hello Kengkay!
Hehehe… sa akin naman nakatambak yong mga plantsahin. Gabundok na nga e. Buhay talaga dito, utos mo gawin mo.
Makabalik na nga sa Pinas.
Kailan naman kaya yon.
kengkay: tumpak yan sofie, utos mo gawa mo. uwi na ko ng pinas at magpapaplantsa, sama ka, hahaha
Comment ni Sofie — Hunyo 25, 2008 @ 6:27 umaga |
di lang minsan mommy kengks, ganyan ako lagi! alam ko kasing madaming gagawin kaya minsan sinasadyang wag kong gawin kahit assignment pa yan. hekhek XD
kengkay: aba, iba naman yang sa yo, disease na yan, ahahaha
Comment ni neex — Hunyo 25, 2008 @ 11:32 umaga |
ganyang-ganyan ako ngayon, ewan ko ba bakit ako lelembot-lembot hehehe…malamang kulang sa vitamins…whew!
kengkay: gusto mo magkita tayo para magkape, hehehe
Comment ni Callcentergal — Hunyo 25, 2008 @ 2:02 hapon |
Parang ‘mood swings’ siguro tita kengkay? Ako miski sa pagba-blog “sumpungin” — lalo ngayon sa labas ako nag-o-online, ay tamad na tamad akong bumaba ng bahay!
Tambakan alley…
Ahehe, inabot mo din yata yung isang palabas sa TV ng Goin’ bananas a?
kengkay: sira pa rin computer mo
anyway, alam mo bang ikaw lang nakapansin na ang tambakan alley e tv show, halata na ang edad natin, ahahaha
Comment ni HBH — Hunyo 26, 2008 @ 7:50 umaga |
oo naman, kaya nga heto at ngayon lang ulit naka-bloghop dahil tamabk ang dapat gawin.
hindi ka nag-iisa mother!
*hugs*
Comment ni Meeya — Hunyo 27, 2008 @ 2:38 hapon |
@kengkay this is my link:
http://www.gugmagiatay.wordpress.com
Comment ni gugmagiatay — Hulyo 1, 2008 @ 1:55 hapon |