Kwentong Kengkay

tagalog chenes

Kailangan kong mag-relak

Masyado akong na-tense dun sa laban kagabi ng Alemanya vs Turkey.

Alam nyo yun? Yung tipong gusto mong manood pero dahil masyadong exciting a game at hindi mo alam kung sino ang talagang mananalo dahil parehong malakas ang team; medyo tagilid ang feeling mo? Nung umaga pa lang e makikita mong lahat e excited na sa laban na yan.

Yung kindergarten ng mga little kengkays e pininturahan lahat nung bata ng german flags sa mukha, hahaha.

At ako, para akong hilong talilong. Ewan ko ba kung bakit sobra akong affected sa mga ganyan, hehehe. Hindi ko kaya! Si kengkoy na usually e hindi nanonood ng fussball game, sya ang nakatutok sa game. Si kengkay naman andun sa kabilang kwarto at nagbo-blog hopping pero yung tenga ko andun sa tv at sa labas kasi kapag may sumigaw at may magpaputok, yun ang signal para maki-usyoso ako sa tv at makisigaw, hehehe.

Di nagtagal e nainis na nga si kengkoy at pinatay yung tv kasi daw di naman daw ako nanunuod; nainis din sya kasi biglang naputol yung live coverage at naging parang radio comments yung nangyari kasi bumagyo daw sa austria at nawalan ng kuryente, weeeeee. Ay sabi ko mabuti naman para hindi na ko ma tense.

Kunyari matutulog na kami. Kaso mo bukas yung bintana at rinig na rinig mo talaga na buong bayan e tutok sa games. Nung sunod sunod na ang putok at sigawan; ay di na ko nakatiis at binuksan ko ulit yung tv. Isang minuto na lang at tapos na ang game – Alemanya 3: 2 Turkey. Waaaa, na tense ulit ako at pumunta ng kusina para kumuha ng inumin, wag ka, nagpapalipas lang ako ng oras at takot akong maka goal pa ang kalaban ano, heheh.

Pero hindi na, panalo na ang Alemanya. At walang buntalang nangyari! World peace daw :) Sempre putukan, sigawan at nagkaron na ng spontaneous car parade with honking of horns. Hayyy ang ingay po talaga.

Kaya ngayong tapos na yung tense moments, mag piknik at mag swimming kami ng little kengkays sa aming munting dagat dito sa baryo. Kailangan kong mag relak-relak.

Inihanay sa:Ano Nga Ulit Yon?, Dito sa Amin, Europe, Oyropa Ko

10 Responses

  1. Salve ay nagsabing:

    relak relak na mommy kengkay. :D
    isang masigabong palakpak sa team ng alemanya! yahoo!

  2. vanny ay nagsabing:

    kelangan ko din mag relak! :D

    palakpakan para sa alemanya! =)

  3. Geisha ay nagsabing:

    nakakatense naman ang post na ‘to… :lol:
    ramdam na ramdam ko ang tesyon!

    chill out! have fun and pa massage ka.. heheheh

  4. Laarni ay nagsabing:

    Magrelak-relak at mag concentrate. :p

  5. bluepanjeet ay nagsabing:

    bakit hinanap ko sa espn yan (world cup nga ano?) di ko makita o maabutan hmmpt.. hehe italy pa mandin ka ako… hehe oops ilag baka mabato ni mommy kengs LOL

  6. barquera ay nagsabing:

    GANYAN talaga Kengks paminsan minsan me excitement!!! ;)

  7. lilaybulilay ay nagsabing:

    haay sinabi mo pa, buti nalang nanalo ang alemanya dahil kung hindi dina ko bibili ng nuttela hahahhaah

  8. Aling Baby ay nagsabing:

    mashado ma-aksyon yan ah hehehe…tama ate kengks, kelangan mo talaga mag-relak heheh..

  9. Toni ay nagsabing:

    naku, mate-tense ka ulit sa sunday nyan. syang nga gusto ko sana russia manalo eh sayang. anyway,let’s cross our fingers na lang sa linggo. sana naman manalo na aleman lagi na lang second or third eh wm and last em. ay naku.

  10. Sofie ay nagsabing:

    Hello Kengkay!

    Pero sa finals, Spain ang nanalo. Pero nagcelebrate pa rin naman ang Germany.

    Congrats pa rin! :)

Leave a Reply

Lumang Kwento