Kwentong Kengkay

tagalog chenes

Kulangot

Ano ang gagawin ninyo kapag ang kausap ninyo, ang kaharap ninyo, ang taong napadaan sa inyo ay may nakasabit na dumi sa ilong, kulangot man yon o ano pang ibang sumasabit?

Number wan: Sasabihan ninyo ng pabulong?

Number tu: Pagtatawanan ninyo at ituturo sa madlang pipol?

Number tri: Tatapikin ninyo at mu-muwestrahan na may dumi sya sa ilong?

Number por: Tititigan ninyo at baka sakaling makuha sa ESP?

Number payb: Iiwasan nyo?

Number siks: Wala kayong gagawin, deadma lang?

Kung ano man ang sagot ninyo, bakit naman?

Ganyan din ba gagawin ninyo kapag nakita kayong taong bukas ang zipper, may tinga, may nakasabit sa ulo o sa damit o kung saan man may pwedeng sumabit, may tagos ng regla, may laslas ang bag (o habang may naglalaslas ng bag), at kung ano pang kakaibang pangitain sa pang araw araw?

Antayin ko nga sagot ninyo :D

Inihanay sa:Ano Nga Ulit Yon?, Kaibigan

29 Responses

  1. chuvaness ay nagsabing:

    eiwwwwww ang title. mamaya ko na babasahin…kumakain pa ko hehheeh pero eeeiiiwwwwww hahahaha

  2. blogRebel ay nagsabing:

    Umiwas ka nalang Ate baka tumilapon yoong kulangot at sa mukha mo pa mapunta. LOL. Cguro kung ako, tatanungin ko nalang sya kung may naka-usap ba syang may kulangot – kasi dumikit sa ilong nya yung kulangot nung kausap nya. :-) Cge kain muna ako dried raisins. Nag snack ako eh habang basa ko to blog mo. ;-)

  3. ayyzzz ay nagsabing:

    magpretend na wala kang nakikita.

    hahaha… :lol:

    pa-inosenti epek na lang para seyp.

    o kaya

    mangungulangot ako ng kunyari-kunyarian
    sa harap niya…

    bwahahaha.. :lol:

    ganyan din kasi ginagawa ko kapag yong kausap ko may muta..

    hahaha :D

    pesss awtt :)

  4. pusa ay nagsabing:

    hehehehhe kung close kami sasabihin ko sa kanya pero kung di naman deadmakels at pipiliin ko wag mapatingin dun

  5. analyse ay nagsabing:

    pag close ko, sasabihan ko ng pabulong lang.. pero pag hindi, dyahe, iiwasan ko na lang tignan, kadirs e hehe..

  6. wei vines ay nagsabing:

    number three.. hehehe… kahit strangers pa yan i always do that. ^^

  7. callcentergal ay nagsabing:

    #3 hehehe…ciempre kahit paano ayaw ko nmn ciang mapahiya di ba? mahirap na baka makarma pa…hehehe..sarap ng topic na to habang nagkakape hehehehe kidding =P

  8. Toni ay nagsabing:

    ay ang hirap naman nyan, napaka-alanganin na situation.. pero di ba kung ako meron non, buti pang may magsabi sa kin kesa naman makita ako ng buong madla. yikes!

  9. Aling Baby ay nagsabing:

    nakakaaliw itu hehehe…

    ako, una sesenyas ako sa kanya. pag pabingi-pabingi siya sasabihin ko na may dumi siya sa ilong at pag hindi pa rin marinig, dinadaan ko na lang sa ESP o kung sinuman ang mapadaan at makakita nun, malamang nun ma-riyalays na niya na ang exposed na ang booger na hiyang-hiya na sa kalagayan niya.

    sa muta hehe, simple lang yan. habang me kausap ka, try mo na magtanggal ng muta kitamo wala pang 3 seconds, nagtatanggal na rin siya hehehe…

  10. koreanmine ay nagsabing:

    napakahirap na tanong, daig pa yung NCEE q :(
    honestly, di q din tlaga alam kung ano ang dpt talagang gawin at yung less offensive..
    makikibasa na lang ako d2 sa mga sagot nila :D

    kc ang usual ko ginagawa is dinededma, pero pag kaibigan ko, mas ok na sabihin ko kesa pagtawanan pa xa ng iba, kaso minsan , ina abutan din ako ng hiya :D

  11. diwatang_byaning ay nagsabing:

    close kami o hindi kami close sasabihin kong HOY MAY KULANGOT KA, INA-AYBOL AKO KANINA PA hahaha… Pero da totoo lang nakakailag*an yan… Kaya ako I always ask people around me yong mga ka-close ko na *paki booger check naman po ako?* bwehehe ng sa gayon walang sabit… Though, ako madalas ko maiwan ang zipper kong nakabulagta, buti na lang wala syang pakpak kaya hindi makalipad bweehheh…

  12. utakmunggo ay nagsabing:

    wow this is certainly a kulangot-filled week! haha

    ako mommy kengks, napaka salbahe ko in a sense na hindi ko sasabihin, at di ko rin titingnan. nahihiya kasi akong i-point out.

  13. yavinfour ay nagsabing:

    dedmaH…hindi ko siya kilala eh

  14. aga ay nagsabing:

    sasabihan ko kawawa naman eh..tapos pagtatawanan ko hehehe sama ko no’ asust :)

  15. scart ay nagsabing:

    aabutan ko sya ng papel ng pirasong papel na may nakasulat na. pre, may kulangot ka sa ilong or kung walang papel at ballpen sa mga oras na yun itataype ko nalang sa cellphone ko ng parehong mensahe. mahalaga yung ipaalam mo sa kausap or sa tao na may dumi sya sa muka para hindi na sya pagtatawanan ng susunod na makakakita sa kanya :D

  16. reyna elena ay nagsabing:

    ako? ganito lang: ~!@#$%^&*() HOOOOYYYYY!!!! !@$%^&*(! trulala yan! naninigaw ang lola! hahaha! tanungin mo ang chuva! hahahaha

  17. Jon Cabron ay nagsabing:

    tatanungin ko kung napanood nya na yung cliff hanger.

  18. tina ay nagsabing:

    hahahahaha. depende sa tao. kung kinaiinisan ko sya. baka ipahiya ko sya sa madla. syempre kong frend ko sya gagawin ko ang no. wan. kung hinde ko namn sya kakilala, e kawawa sya dahil sya ang paghuhugutan ko ng malabagyo kong halakhak. heheh

  19. Call Center Guy ay nagsabing:

    tatanong ko siya kung may dumi ako sa ilong. para ma conscious. :D

  20. wifeybee ay nagsabing:

    ako sa sasabihin ka, uy may dumi ka sa ilong… deretsuhan na, di rin kasi ako mapapakali pag ganoon, ahahaha…

  21. Salve ay nagsabing:

    yung number wan sakin. pero pwede na rin yung number por. hehehehe

    ay, may nadiscover pala kami ng friend ko na sites na pwedeng pagkaabalahan ng mga little kengkays. Punta po kayo dito: playing artist
    mag-eenjoy sila, pramis. ;)

    crumb trails
    i-view

  22. kalye11onse ay nagsabing:

    Para hindi mapahiya

    …ang may kulangot: “Kumain ka ba sa champoy? May natira sa ibabaw ng bibig mo, eh.”

    …ang bukas ang zipper: “Nang shop-lift ka na naman ng hotdog sa grocery, ano? Isoli mo na ‘yan bago makita ng security guard.”

    ang may regla: “Ay, may naupuan kang ketchup?”

  23. vanny ay nagsabing:

    number siks! deadma lang. baka ma-offend pa cya pag pinansin ko eh. :D

  24. defpotec ay nagsabing:

    number 3… or yung typical line ko na, “pre may kulangot ba ako sa ilong? wala? buti ka pa meron…”

  25. dave1112 ay nagsabing:

    #3 at sabay kaming tatawa like bwahahaha.. :lol:

  26. megamomph ay nagsabing:

    ‘Pwede ka bang kuhanan ng litrato? Cute mo eh?’
    Sabay post sa flicker, hehe.

  27. julie ay nagsabing:

    Depende siguro sa lebel ng pagkakakilanlan kung pano sasabihin sa kausap ang mga obserbasyon.

    Tsaka, malay mo, maging thanksful pa yung pinagsabihan di ba,kasipara sa kanya din yun. Pero dapat, maayos ang pagkakasabi para hindi naman ma-offend.

  28. miss choi ay nagsabing:

    lately pag may nakikita akong nakakatawa bina-blog ko na lang. parang wala na kong offline self hehe

  29. BADoy ay nagsabing:

    itetext ko na lang sya para di masyadong halata..

Leave a Reply

Lumang Kwento