Medyo busy si kengkay, di makasagot sa mga comments at di maka blog hop. Singit ko lang tong hirit ko tungkol sa brownout. Alam nyo kung bakit busy ako? Kasi nagiisip akong mabuti ng pangalan at balak kong mag-karon ng sariling domain, hehehe.
Ayan, kasi nagreklamo ako dun sa isang sekundong brown-out dati; nagkaron tuloy ng isang pagkahaba-habang brown-out dito sa kalye namin kahapon! Waaaaa…
Oo, naka schedule naman yung brownout. Nag-iwan sila ng red and white stickers sa mga front doors at nakalagay dun na mag ba-brown out nga daw sa Miyerkules mula 1 pm to 2:30 pm. Okay lang, kasi lunes pa lang e nakalagay na yung sticker. So dapat ready na kami tutal naman 1.5 hours lang mawawalan ng kuryente di ba?
Op kors, hindi ako ready! Waaaa. Miyerkules ang pinakabusy kong araw. Kasi meron akong playtime english sa isang kindergarten (oo, nagtuturo akong ng inglis) at tapos naman nun e meron akong gymnastics course sa isang sport club dito (oo, nagtututo din ako ng gymnastics). Hataw talaga ako kapag miyerkules.
Ngayon, sinundo ko mga little kengkays e biglang napa chismis ako sa kapitbahay. Nagtagal ang chikahan at dumating kami sa bahay bago mag ala-una. Nagluto ako ng tanghalian, kaso mo ang tagal bago uminit yung nakasalang. So sabi ko ilalabas ko muna yung kotse sa garahe. Kailangan ko ng kotse kasi medyo malayo yung kindergarten kung saan meron akong inglis chika.
De pindot yung garahe namin. Pindot ako ng pindot, hindi bumubukas! So sabi ko, subukan ko yung susi ang gamitin ko para buksan. Sinusi ko ayaw pa rin magbukas! Tapos dun ko lang na-alala na 1 pm e wala ng kuryente. Waaaa – tingin ko sa relos, a few seconds after one o clock! Lintek na right timing yan oo. Brown out na nga! Wa na pag-asa. Hindi ko talaga mabubuksan ang garahe at makukuha ang kotse.
O ayon. Pigil ang luto. Mabuti na lang may nabili akong muffins at strawberries nung naglakad lakad ako nung umaga. Ayun ang kinain namin. At pilit kong tinatawagan yung aking papa in law at pagpapahatid ako (sa kalye lang kasi namin brown out as in, sa isang linya lang ng street!) ang kaso mo, wala ring telepono kasi nga brown out! Waaaa na naman.
Gamit ko celpon, tawag ako. Walang sumasagot. Bakit kaya kapag kailangang-kailangan mo atsaka wala kang mahagilap na tao ano? Ginawa ko, pinakiusapan ko mga little kengkays na bilisan nila ang lakad nila at baka mahuli ko pa yung bus na aalis ng ilang minuto at yun ang hahabulin ko. Takbo kami. Mabilis na gudbay kiss tapos nakipag patintero ako sa mga kotse sa kalsada para abutan yung bus. Inabot ko naman pero sempre naglakad pa rin ako, 10 mins late po si titser kengkay. Importante pa naman itong araw na ito kasi last day na namin…hay buhay!
Hindi pa yan… sempre natapos yung inglisan namin. Pano uuwi si kengkay ng mabilisan para naman sa gymnastiks nya? Pwes, naglakad ako ng apat na bundok at tumahak ng dalawang batis — opo, naglakad ako ng halos 45 minutos pauwi ng bahay. Waaaaa… Hindi ko kasi alam kung anong oras sked ng bus pabalik sa baryo namin.
At sempre, pagkatapos ng lakad na yon. Nag gymnastiks pa ako ng halos dalawang oras. Nabuhay yata lahat ng muskels ko na nung pag uwi ko ng bahay, super gutom ako (di ba nga di ako nakapag-luto) at ngarag na ang mga buto buto ko.
Hay buhey. Life changing talaga ang brown out na ito!