Kwentong Kengkay

tagalog chenes

Trono

Alam nyo yun, yung tipong alam nyo na kung ano yung mangyayari pero wala na kayong magagawa kasi alam nyong lalabas at lalabas kahit na nakakahiya man…

Kaninang hapon, nag exksyus si kengkay sa katatambay sa aming bakuran at may I go out ako. Sumama si bunsoy sa akin na umakyat sa itaas. Naiwan sa baba sina kengkoy at ang panganay ko.

Sempre ni lock ko yung front door kasi nga may I got out nga ako di ba? At alam ni bunsoy na nakaupo ako sa trono. Tapos biglang may nag door bell ba naman! Ay, sempre hindi ko na sya pagbubuksan at nag co-concentrate na ako at bawal namang buksan ng mga bata yung pinto kapag walang sang-ayon sa amin.

Takbo si bunsoy sa aming balkon at tinawag sa ibaba ang tatay nya. Tanong ni kengkoy kung asan na si nanay kengkay dahil nga may nag door bell. At ayan na, sabi ko, nakupo — malalaman na nang buong kapitbahayan kung asan si kengkay… pero sabi ko sana e medyo maayos ang pagsabi ni bunsoy….

Kengkoy: wo ist dein mama? (asan si nanay kengkay mo?)

Bunsoy: auf der puputopf (nakaupo sa trono)

Waaaaa! Ang lakas pa naman ng sigaw nung dalawa. E dahil sa init, sempre halos lahat ng kapitbahay asa labas at nagbabarbecue party! Nag echo po talaga. Umalingaw-ngaw ang aking may I go out!

Hayyzzz… ano pang magagawa kundi tumawa na lang ako ng malakas habang naka upo sa trono! Normal namang gawain yon di ba? Medyo abnormal nga lang na i-announce ng ganon kalakas, hehehe

Guten appetit!

Inihanay sa:Ano Nga Ulit Yon?, Kwentong Bulilit, Kwentong Nanay

27 Responses

  1. binxxnib ay nagsabing:

    hangkulet ni bunsoy! hehe

    salamat sa pagwelcome! :)

  2. lyzius ay nagsabing:

    ahaha…wala ka talaga maitatago sa bata mami kengks….

  3. wei vines ay nagsabing:

    hahahaha~!!! hindi naman siguro papansinin ng kapitbahay na may i go out ka na.. :lol:

  4. ayyzzz ay nagsabing:

    hahaahaha!
    may i announce c bunsoy..
    todoinkzz..
    keber ate kengks…

    hahahaha…

  5. analyse ay nagsabing:

    hehe, tama ba naman yun, ipangalandakan sa madlang pipol…

    late reaksyon na to, pero ang cute ni bunsoy habang kumakain ng nakataas ang paa.. e mas magana naman talaga ang kain pag ganun di ba hehe

  6. madbong ay nagsabing:

    honest talaga ang bata pag sumagot hehe. oist, ikaw pala yung madalas ko makita sa folk arts nung araw

  7. lalaine ay nagsabing:

    hahaha… natawa naman ako…. ipagsigawan daw ba… at talagang may matching echo pa daw… hehehe

  8. chuvaness ay nagsabing:

    hahahah

    auf der puputopf

    sa tagalog, ayun nag pupupoooo!!!!

    akala ko tinagalog na ni bea! wahahaha

  9. aga ay nagsabing:

    happy pupu!!! ang saya nun! asust

  10. utakmunggo ay nagsabing:

    kids say the darndest things. ahehe

  11. snobero23 ay nagsabing:

    add kita blogroll ko..

  12. angel ay nagsabing:

    hahaha nu ba yan… ang kulit naman.. hehehe

  13. Aling Baby ay nagsabing:

    hekhek, huli ka dun ate kengks. kulit ni bunsoy. :)

  14. wifeybee ay nagsabing:

    wahahaha, may gana pa kayang ituloy yung pag-barbecue ng ibang kapitbahay… :lol:

  15. rino ay nagsabing:

    nailabas mo naman ba lahat bago ka bumaba? LOL… :)

  16. blogRebel ay nagsabing:

    Hehe. Gaano ba katagal upo sa trono? Ako kelangan na maglagay bookshelf or newstand sa loob. :-)

  17. sommer ay nagsabing:

    …nyahahah! ang tanong: di naman naudlot at bumalik pataas ang dapat ilabas?hehehe!

  18. Salve ay nagsabing:

    ang kulit! at syempre, inosente naman ang sagot ni bunsoy. hehehehe

  19. winkii ay nagsabing:

    blog hop lang.
    ang kulit naman! nakakatawa.. lilink kita ha! xlinks. ;)

  20. nadine ay nagsabing:

    hihi. ang kulit :)
    kahiya un ah. kaya mo yan. lilipas naman ean eh!:))

    kengkay: salamat sa pagdaan, nagpunta ako sa ebahay mo pero di ko makita yung comment box mo kaya di ako naka comment e

  21. callcentergal ay nagsabing:

    nakakarelate ako sa bunsoy mo…kasi nung bata pa ako eh medyo makulit din ako sa mga pagsasabi ng ‘totoo’ ehehehe…pero ok lang naman yun bata naman eh. =)

  22. earthlotus ay nagsabing:

    astig! amkulet ng bunsoy mo miss kengkay! haha. ^_^

  23. Toni ay nagsabing:

    ahahahaah :) naku sorry na lang nakarinig.. bakit kasi sila nakikinig, di ba? eh next time na uupo ka sa trono tell the little kengkays na you will just powder your nose, o di ba sosyal?!!!

  24. louieboi ay nagsabing:

    hahaha!! i had the same ecperience :|

  25. dakilang islander ay nagsabing:

    hahahh…tinuruan mo kasi ang mga little kengkays mo na maging honest…

  26. yhen ay nagsabing:

    kakatuwang bata… hehehe

  27. Meeya ay nagsabing:

    hahahah :D sikat ka na talaga lalo sa buong baryo, mommy kengks!

Leave a Reply

Lumang Kwento