Kwentong Kengkay

Hulyo 7, 2008

si kengkay e influential blogger?

Isinalansan sa: Ano Nga Ulit Yon?,Duon sa Amin,Kwentong Kengkay,Pinas — kengkay @ 4:17 hapon
Tags:

Sempre naman made my day talaga ang dating nung nabasa ko ito.

Isa daw akong emerging influential blogger! Wow, talagang isa kasi may isang taong sobrang pagmamahal sa akin e na impluwensiyahan ko syang iboto ako :D Kung sino ka man, maraming salamat. At kung kilala kita at nagkita na tayo, siguro maganda yung pasalubong ko sa yo nung nag EB tayo, heheheh. Di bale, sa sunod mas maganda pa yung pasalubong ko sa yo; maghahanap talaga ko ng discount, sale, red tag para mas maganda pa at ma awardan ako ng the most trying hard to be influential blogger kung meron man nun ;)

Pero alam nyo, nakakikilig mang malaman na may taong bumoto sa kin bilang emerging influential blogger; parang hindi ko yata sya matanggap ng face value kahit pa ang sarap ng tulog ko kagabi (kahit na alas tres na ng madaling araw ako nakatulog) feeling ko kasi parang nagkaron tuloy ako ng responsibilidad na gawing medyo responsable; medyo malaman; medyo heavy; medyo cerebral ang mga posts ko.

Eh sa totoo lang, ang babaw ng mga posts ko. Binalikan ko pa nga baka may makita akong medyo matino-tino pero wala talaga e, waaaa. Alin kaya sa mga posts ko ang nagkaron ng influences? O pwede ring may isang akong post na talagang very influential?

Kung mababasa nyo nung sa aking AKO page e medyo iba yata ang dahilan ko kung bakit ako nagblog ng tagalog ang gamit. Eh kasi nga gusto ko lang maki chismis! Atsaka gusto kong kausapin sarili ko ng tagalog kasi medyo nabobobo na akong mag tagalog, tapos sobrang miss ko nang marinig ang tagalog at miss ko na ring maki tagalog. Ang buong katotohanan e ang buong pinas ang nami-miss ko.

Alam nyo yun? Yung dahil sa sobrang pag-kamiss ko sa pinas e dun ko naramdaman na super proud ako sa pinas at sempre dapat kong ipagmalaki ang lahi ko? Pwede ko palang buhatin ang sarili kong bangko at ipagmalaki ang pagiging pinay ko ng hindi masasabing ang yabang yabang ko sa kadahilanang totoo lang naman ang mga pinagsasabi ko. At sabi ko, ang una kong dapat kausapin tungkol dyan sa pagiging proud sa pinoy na lahi e ang kapwa pinoys? Wala lang, baka lang nagkakalimutan ba na i-angat ang galing ng ating lahi.

Pangarap ko kasing makitang umaangat ulit ang pinas. Pangarap ko kasing sa pinas tumira kasama ng aking imported na pamilya. Pangarap ko kasing makita ang mga pinoy na nag-kakaisa para sa ikagaganda ng kapwa nila pinoy; para sa ikagaganda ng buong pinas. Mataas ba ang pangarap ko? Hindi naman di ba? Kayang kaya yan.

Sana sa pagkakataong ito, dito ako naging at maging influential blogger.

Mahal kong pinas, para sa iyo itong post na ito. Mahal kong pinas para sa yo e medyo naging OA ako.

Mga Puna »

  1. baka bad influence mareng kengks ahahaha. siryusli, may K ka maging influencial. sabihin mo kung saan yung site ng botohan at iboboto kita ora mismo.

    kengkay: bad influence? nabasa mo isip ko ha, hehehe actually di ko rin alam kung saan ang voting center e pero salamat

    Comment ni madbong — Hulyo 7, 2008 @ 7:24 hapon | Tugon

  2. proud to be pinay! :)
    sna nga umangat ulit ang Pilipinas.

    kengkay: ayon sa aking bolang cristal e aangat daw ulit ang pinas :D

    Comment ni winkii — Hulyo 7, 2008 @ 10:34 hapon | Tugon

  3. astig ka po talaga… idol!

    kengkay: pareho tayong astig :)

    Comment ni yhen — Hulyo 8, 2008 @ 12:17 umaga | Tugon

  4. influential blogger…oo naman! values, yun ang meron sa blog na ‘to.

    kengkay: anong values kaya, heheh

    Comment ni roni — Hulyo 8, 2008 @ 12:30 umaga | Tugon

  5. MAMI KENG!!! agree to that!!!You really are an influential blogger, at least for me. You’re a gateway to many possibilities! I have this feeling na ikaw ang nagbubuklod sa lahat ng mga taga WPP regardless of the differences and issues eklavu and I salute you for that. You deserve that honor and much moooreee!!
    Thank you thank you!

    reminds me of my very 1st comment here:

    Isang mahinhing haliparot….hahahhaha
    love your blog…
    Comment by malen — August 16, 2007 @ 3:06 pm

    Hinde nagbago…i love you mooorrrre mami keng! mwaaaaaaahh kisses to the kids :)

    kengkay: uy, nag speech si malen, ahaha. pero thank you ha. i love you mooore din pero may bad news ako, napatid yung beads, waaaaa

    Comment ni chuvaness — Hulyo 8, 2008 @ 4:44 umaga | Tugon

  6. hi ate Keng,
    kung may botohan boboto rin kita! Pramis! *winks… thank you always for sharing your stories/thoughts with us… and pate na rin sa comment mo sa site ko! btw, AYM BACK! ingat lagi and God bless sa inyo!

    NJ

    kengkay: am glad your back! at salamat sa comment, parang binoto mo na rin ako nyan

    Comment ni NJ — Hulyo 8, 2008 @ 5:10 umaga | Tugon

  7. nakz.nakz.nakz.

    “IMPLUWENSYAL BLAGER…”

    idol…ako rin ate kengks..

    illvoteforyou..

    kengkay: kayo lahat idol ko, yan ang sikret formula ko :D thanks ha

    Comment ni ayyzzz — Hulyo 8, 2008 @ 6:39 umaga | Tugon

  8. Ate Kengks, si Lenggai ang bumoto satin. :D Congrats!

    kengkay: uy si lenggai ba? akala ko ba naman merong akong secret admirer, hahaha… congrats din!

    Comment ni Jayme — Hulyo 8, 2008 @ 7:00 umaga | Tugon

  9. ako din iboboto kita ng malupit! =) sobrang thankful ako sa mga comments mo.basta let us know kung may ganung opportunity promise iboboto talaga kita mama kengks =)

    kengkay: uy, salamat din sa pagdalaw sa aking ebahay. dami ko ring natutunan sa yo e

    Comment ni callcentergal — Hulyo 8, 2008 @ 8:26 umaga | Tugon

  10. agree ako dito, mommy kengkay!
    congratulations! *big hug*

    crumbs
    i-view

    kengkay: hugs din! at tenks

    Comment ni Salve — Hulyo 8, 2008 @ 8:35 umaga | Tugon

  11. manlilibre yan!
    congrats mommy k! :D

    kengkay: halika dito ilibre kita ng bratwurst

    Comment ni utakmunggo — Hulyo 8, 2008 @ 8:38 umaga | Tugon

  12. congrats pow! magaganda naman po tlga ang mga entries ninyo… parang kinukwentuhan mo lang kaming mga mambabasa dito. at dahil bukod sa makabuluhan at tagalog ang mababasa dito, naiimpluwensyahan tuloy ang iba na magblog na rin hehehehe..

    kengkay: masarap managalog esp since di nababasa ni kengkoy, hehehe. salamat!

    Comment ni rhapsody — Hulyo 8, 2008 @ 9:36 umaga | Tugon

  13. Wow! Congrats kengks! :)

    kengkay: tenks kiks! asan ka na ba? nagpunta ako sa site mo e ayaw pumasok nung comments ko :(

    Comment ni kiko — Hulyo 8, 2008 @ 10:11 umaga | Tugon

  14. oy oo nga influential blogger ka nga kengkay, sabihan mo ako pag botohan na. san ba yan? kahit na nga bago pa lang ako dito sa blog mo eh. napag-isip-isipan ko nga rin gumawa ng pinoy blog dahil nakita at nabasa ko itong blog mo, sabay nasilip na rin ang ibang links mo. o di ba? kaso di ko pa rin alam kung ano naman magiging topic ko sa pinoy blog ko so pag-iisipan ko pa yan.

    kengkay: kapag tagalog na ang blog mo, maraming pwede kang i post, like chismisan, hehehe

    Comment ni Toni — Hulyo 8, 2008 @ 1:02 hapon | Tugon

  15. wow influential blogger. minsan masarap na alam mo na meron kang blog entry na apart sa pag chissmiss, pero ako blog ko wlang tulong, haha. pero congrats!!

    kengkay: alam mo akala mo walang tulong yung blog mo pero di mo alam, may naitutulong yon — kita mo nga itong blog ko, meron palang impluwensya :)

    Comment ni abby — Hulyo 8, 2008 @ 2:39 hapon | Tugon

  16. whoah! hahaha! lakas nang impluwensya mo manay pede yo takbo sa german parliament hehehe dun lang sa paligid kung ayaw mo sa loob hahaha congratulations ever! inggitttt akoo! wala man lang akong kaimpo-implwensya waaaa!!!

    kengkay: inggit ka ano, hahahaha. kapag tumakbo ako sa german parliament i need the sponsor of nike, hahaha. tenks! alam ko mas ma impluwensya ka sa akin pero kasi humble ka kaya hindi ka binoto, hehehe

    Comment ni reynz — Hulyo 8, 2008 @ 3:42 hapon | Tugon

  17. wow! maimpluwensyang blogista! kongrats mommy kengkz!

    kengkay: tenks vanny. actually kwento ko lang yan, haha

    Comment ni vanny — Hulyo 8, 2008 @ 4:14 hapon | Tugon

  18. Kasi you posts about the daily happenings as a Mother with Kids and being a true PINOY. Your readers can relate to it with a twist of ‘uunga, bakit di ko na isip yun’ and funny stuff kind of entries.

    Congrats!

    kengkay: hi K — salamat. minsan kasi kapag nag-po-post ako ng entry, ang una kong kinukwentuhan e yung sarili ko, weird but true. instead of speaking to myself, i write to myself :D atsaka hope ko na mabasa rin ito ng mga kids.

    Comment ni K — Hulyo 8, 2008 @ 5:07 hapon | Tugon

  19. e sarap ba namang basahin ng post mo.. feeling ko nakikipagtsismisan nga talaga ako ahaha.. tignan mo, pabalik balik si ako haha.. keep it up!!

    kengkay: napansin ko nga, hahaha

    Comment ni analyse — Hulyo 8, 2008 @ 7:15 hapon | Tugon

  20. congratulations!

    kengkay: salamat!

    Comment ni ifoundme — Hulyo 9, 2008 @ 12:50 umaga | Tugon

  21. ate kengs………….Congratulations!!! clap clap clap!!
    libre! libre! libre!…..

    kengkay: halika dito, ilibre kita ng german sausage!

    Comment ni rio — Hulyo 9, 2008 @ 3:28 umaga | Tugon

  22. uyyy, congrats ate kengks! ikaw ay talagang nararapat na manalo kasi naman, ang dami na kaming naimpluwensyahan ng kabaitan mo. ;) mabuhay ka!

    sakin oks na ang burger. :D

    kengkay: kabaitan tapos burger lang pala kapalit? di masyado uso mcdo dito e, german sausage mas marami. hehehe

    Comment ni Aling Baby — Hulyo 9, 2008 @ 12:35 hapon | Tugon

  23. huwaw! dapat lang po yun, you deserve it mami kengks.. hindi lang sa mga entries kundi pati na rin po sa mga comments nyo po.. Fighting!!

    kengkay: tenks, am sure marami sa ating deserving hindi nga lang napapansin pa :D

    Comment ni angel — Hulyo 9, 2008 @ 1:27 hapon | Tugon

  24. CONGRATS!!! sikat na sikat ka na at san san ka na nakakapunta using your pen… :)

    kengkay: using my keyboards :D tenks!

    Comment ni BADoy — Hulyo 9, 2008 @ 3:36 hapon | Tugon

  25. [...] eto ang may kasalanan kung bakit ako nagkaron ng impluwensya bilang influential blogger Kapag gusto ninyong malaman kung sino sya at member kayo ng WPP, siya ngayon ang bida sa WPP [...]

    Pasa ni Kapitbahay « Kwentong Kengkay — Hulyo 10, 2008 @ 8:00 umaga | Tugon

  26. di ko alam manay keng na qualified ka pala. akala ko matagal ka ng blogger. di kita naisama sa list ko honestly akala ko kasabayan mo noon sina maru at azrael. kung alam ko lang baka naiboto din kita. di bale sa PBA na lang kita iboboto hehe

    kengkay: hahaha, ganun ba akala mo? nope, i started blogging with wordpress nung august 2007 lang and my blogspot i started june 2007.. bagong salta lang din ako sa blogging world :) at hindi ko alam na may qualifications pala ang botohan akala ko basta kyut ka okay na, hahaha

    Comment ni bluepanjeet — Hulyo 10, 2008 @ 12:43 hapon | Tugon

  27. you deserve it sister. bukod sa naaaliw akong maki-chismis dito sa blog mo, natutuwa din ako na nagbabasa ng all-tagalog na blog. :) at isa pa, napaka-sincere ng posts mo, hindi katulad ng iba na parang sumusulat lang para mapansin pero wala naman damdamin yung sinusulat. basta, para sa iyo ang citation na yan talaga. :) congrats!

    kengkay: uy, bigla akong nag bow nung nabasa ko itong ispits mo :) salamat meeya… sincere talaga posts ko kasi sanay akong maki chismis, hehehe

    Comment ni Meeya — Hulyo 10, 2008 @ 7:59 hapon | Tugon

  28. Congratulations! Masarap ang pakiramdam na may mga taong sumusubaybay sa iyong mga binabahagi sa blog. Saan pwede bumoto? Isa na ako sa masayang sumusuporta sa iyo.

    kengkay: hi rach, salamat! pwede ka ring bumoto sa mga inaakala mong influential para sa yo, eto ang link http://www.influentialblogger.net/2008/04/top-10-emerging-influential-blogs-in.html

    Comment ni Rach (Heart of Rachel) — Hulyo 11, 2008 @ 11:15 hapon | Tugon

  29. Naku, nasa list kita Ate kengkay. Draft pa yun post ko, kulang pa ako. Hehe. talagang influential ka tlaga, pinupukaw mo mga nakahimbing na pagnanasa – na maging magaling sa pag ba blag tulad mo. :-)

    kengkay: ehem, salamat naman kung ano man napupukaw ko :) tagal ko ng di nababasa o naririnig yang word na yan e. sa dami ng magagaling na baguhang bloggers, am sure mapupuno din yang listahan mo

    Comment ni blogRebel — Hulyo 12, 2008 @ 3:25 hapon | Tugon


RSS ulat para sa mga puna sa paskil na ito. BakasPabalik URI

Mag-iwan ng puna

Sumulat ng Blog sa WordPress.com.