Kwentong Kengkay

Hulyo 13, 2008

Libro Adik

Isinalansan sa: Ano Nga Ulit Yon?, Duon sa Amin, Kwentong Kengkoy, Paki Lang — kengkay @ 6:57 umaga

Ang tanong…

If we set aside an extra hour each day to do what we would rather do and not what we should be doing, what would you choose to do? Galing dito.

Ang gusto kong gawin? Magbasa ng magbasa. Kaka miss din ang pagbabasa. Kahit anong hawakan kong pwedeng basahin, kahit nga yung mga packaging lang e pinagtitiyagan ko pa minsan kapag wala akong makitang babasahin e.

Hindi kasi ako mahilig sa tv e. Ang hilig ko talaga e mag basa.

Nagsimula yon nung bata pa ako, sa comics, hehehe. Aliwan kung saan sinusubaybayn ko si Zuma at Galema, Wakasan kung saan yung love story naman ang sinusubaybayan ko, at kung ano ano pa. Naalala ko pa e de arkila lang yung comics, as in isa ang nag arkila tapos daraanan yung comics sa pagkarami raming kamay. Naiinis nga yung tita ko kasi sya yung may tindahan pero dahil kamag anak sempre ano pang magagawa nya di ba?

Tapos nagkolekta ako ng Nancy Drew books, yung hardbound pa yon ha. As in ninamnam ko si Nancy at Ned :) Tapos nagkaron ng Sweet Dreams at alam ko ang pinakapaborito ko e yung PS I Love You na talaga namang pong kahit ilang ulit kong basahin e may I hagulgul ako sa iyak!

Ay nung may natisod akong Mills and Boons dun sa mga pinsan ko, as in patago pa yung pagbasa ko nun kasi first year high school yata ako nun e. Tapos sempre may love making na dun, as in…. sempre na intriga ako at mabuti naman mura lang yun dati kaya nagkaron din ako ng collection ng mills and boons, hehehe.

At dahil sa Mills and Boons e nagkaron na ako ng interest na magbasa ng bestsellers, ng mga inspirational books, ng mga kung ano ano pang dapat basahin at kung ano ano pang HINDI dapat basahin :) Sempre nung high school din daming book reports naging cerebral din ako sa pagbabasa dahil kay Don Quixote de la Mancha, Pride and Prejudice, Wuthering Heights at kung ano pang drama. At nung college, mas naging diversified na ang aking readings — meaning, naghahalungkat na rin ako sa rare books section ng UST ng mga ghosts eheste ng mga ibang klaseng babasahin. ( Sa mga taga UST dyan, kung di pa kayo nakakapasok sa rare books section ng library, aba, pasukin nyo na. Iba yata ang dating dun… kakatakot, nyeeee)

So ngayon ang naiiwan na lang na mga libro sa akin e yung kay James Patterson, Ann Rule, Patricia Cornwell, Chicken Soup, Og Mandino, at sino nga yung author ng Jonathan Livingston Seagull? at sempre hardbound halos yung aking harry potter :D at etc kasi yung kay Stephen King, Dan Brown atpb e nabenta ko na sa ebay. At sempre andito pa rin yung mga tagalog books at yung mga librong pinoy esp yung mga kiddie books.. at alam nyo bang may kilala kong mga pinoy authors at sempre signed yung mga libro nila at yun e mga treasures ko din.

Minsan dahil sobrang miss ko magbasa — inaabot ako ng umaga para lang matapos ang isang libro. Umpisahan ko ng 12 midnight at tapos ako ng 3 am — bakit naman daw midnight na ako nagsimula? Eh kasi kaharap ko computer ano pa!

Hindi naman nagagalit si kengkoy kasi sana daw e magmana ang mga little kengkays sa aking pagiging book worm. Actually nagagalit sya kasi everytime na iikot sya sa side ng bed ko e kinakalabit nya ako para tumigil magbasa, hahaha — pero sempre di yon aamin!

Mga Puna »

  1. hahaha,
    mahilig din ako magbasa..
    ng magazine at blogs
    pero books?
    hmmm..konti :D
    di nga lang halata…

    nabasa ko na rin yang chicken soup…
    super naappreciate ko yung librong yan..:D

    minsan napagtitripan ko ring basahin
    yong mga sonnets ni shakespeare…
    buwahahaha :lol:
    as if naman naiintindihan ko…
    basta me peburit akong sonnet niya..
    sonnet 116 ata yon :D

    ako nauna magcomment :p yihii

    kengkay: naks, shakespeare! hindi ko kaya yan, nosebleed!

    Comment ni ayyzzz — Hulyo 13, 2008 @ 9:19 umaga | Tugon

  2. Mga mahihilig pala kayong magbasa. ako din mahilig magbasa, ng damit dahil ako mismo ang naglalaba sa amin dahil sira ang aming washing machine. Joke lang po. Pero magmula ng may internet at cable TV unti-unti nang nawawalang gana ang mga bata na magbasa. Sa paggawa na nga lang ng assignment, sa internet pa, cut and paste…Sana ang Department of Education ay gumawa nang isang malawakang programa (nationwide at kasama dito ang Media), for the entire year, para lamang sa paghimok sa mga bata na magbasa. Kung mayroon mang ginagawang paghimok ngayon, paunti-unti lang.

    kengkay: alam ko may program na ganyan e, kasi may friend ako sa anvil at may mga celebrities pa ngang kasama e, hmmm. i just dont know kung every year ang program na yan. pero tama ka, dapat magkaron ng paraan para ma engganyo ulit ang mga kabataan na magbasa

    Comment ni colegiala girl — Hulyo 13, 2008 @ 9:40 umaga | Tugon

  3. Kaw naman kasi alanganin yung oras ng pagbabasa mo. Applicable lng ata mgbasa ng ganyang oras kung: Single kp or Senior Citizen kna. hehehe…Asan na kasi yung tinatawag na “quality time” jan? (Parang gusto nakong apiran ng kabiyak mo mo.hehehe…)
    Anyway, mahilig din ako sa komiks! umpisa Funny komiks kasi peborit ko si Niknok. Tpos na-divert sa horror kaya Hiwaga komiks tsaka Dracula.
    Eh parang paulit ulit na mga kwento… gumawa na lng ako ng sarili kong story nung grade 3 ako hanggang nakagawa ako ng horror na nobela sa loob ng 3 oras!

    ok,un lng muna. baka san pa mapadpad ang usapan.

    kengkay: uy, oo nga, funny komics, si noknok, hahaha. pabasa nga nung novela mo at ng takutin mo sarili ko :) kasi minsan hindi ko maiwan yung libro kaya gusto kong tapusin, o ayan tuloy!

    Comment ni themiseducationofzapped — Hulyo 13, 2008 @ 10:38 umaga | Tugon

  4. parehas pala tayo mahilig magbasa ate kengks. noon sa Recto ang paborito kong hang out, bumibili ng mga lumang books. ngayon download sa internet ng mga ebooks. :)

    kengkay: second hand books, kahit saan nakakarating ako para lang dyan :) sa avenida, sa recto, sa quiapo at sa kung saang sulok sulok! havent tried ebooks kasi mas type kong magbuklat kesa mag click :D

    Comment ni Pao-Pao — Hulyo 13, 2008 @ 12:27 hapon | Tugon

  5. Ewan ko ba Kenks, hindi talaga ako mahilig sa pag basa ng mga books (na pang patalino in other terms). I’d prefer a 2 hrs movie watching. If I’d get the chance to pass by the bookstore, I’d stay there almost my entire time with a cuppa reading Architecture books (picture reading) and HOUSES. Bigyan mo ako ng HELLO! OK! magazine, GQ, Vanity Fair, for entertainment reading, ma-memorized ko na sila even before I turned it back to the shelves. But I’m interested into geography books and history photos of some countries, I dreamt by looking at them parang nakarating na rin ako sa lugar na yun, specially parts of EU.

    kengkay: ako nauubus ko din basahin yung mga mags na yan in one seating lalo na sa mga doctor’s waiting rooms, hehe. i also love those picture books at kagaya mo, i also dream about visiting those places

    Comment ni K — Hulyo 13, 2008 @ 12:32 hapon | Tugon

  6. miss ko na rin ang magbasa atsaka napagdaan ko rin iyong mga librong nadaan mo hehehe! weird nga eh kasi prang binabasa ko iyong tungkol sa sarili ko hehehe! ngayon naman, hindi na ako nagbabasa kasi lagi akong nasa computer! sus, dapat bawasan ko ang kabaliwang ito.

    kengkay: naku marites, tama ka. napabayaan ko rin ang pagbabasa dahil sa blogging, pero ngayon i make time for my books!

    Comment ni Marites — Hulyo 13, 2008 @ 12:50 hapon | Tugon

  7. Ciao, musta na dito? Napadaan ako kasi binuto kita para sa 10 Most Humor Blogs op da Pilipins 2008.

    Mahal na ang Komiks ngayun kaya na stop na ang bili ni ng fader mula pa nung high school kami. Pero come to think of it, malaki ang impluwensya ng komiks sa pagiging blogger natin kono aning? hehehe…pinalawak ang ating imahinasyun…o kabaliwan?nyahahaha….

    kengkay: salamat, kapitbahay! kailangan ko bang mag tumbling para manalo, hehehe. alam mo tama ka, dahil sa mga comics na yan e lumago ang imahinasyon ko, kasama na yung kabaliwan dun

    Comment ni lovelyn — Hulyo 13, 2008 @ 1:52 hapon | Tugon

  8. misis libro adik, pareho pala tayong mahilig magbasa ng mills and boons noon. nag-iba lang ito ng dumating ako sa germany. i have a complete collection of sidney sheldon’s books, tapos selected bestsellers of danielle steel, john grisham and of course dan brown. hehehe, nasa akin pa lahat…gusto mong hiramin? ibang-iba na ang mga binabasa ko ngayon. i have a wide collections of php books, database, css, photoshop, illustrator and dreamweaver manuals. angal si mister dahil talagang nakatali na ako nito sa computer.

    kengkay: peram, peram, peraaaam! teka muna, e ang layo mo na pano ba yun, hayyy. tulo lang laway ko

    Comment ni Beng — Hulyo 13, 2008 @ 2:12 hapon | Tugon

  9. i love OG Mandino. i brought all of my Og Mandino books in Pasig nung umuwi ako. Last May? Nangawala! HAHAHA! Ayufff! Ninakaw siguro nong mga bwisit na nag camping sa condo ko!

    kengkay: wehehehe, kawawa naman si og mandino, ninakaw

    Comment ni reyna elena — Hulyo 13, 2008 @ 2:28 hapon | Tugon

  10. umm… mahilig din akong magbasa. hehe.. pero peborit ko mga filipino authors.hehe

    kengkay: ako dami ko ring librong pinoy peborit ko yung bata bata pano ka pinanganak at sempre yung mga pugad baboy, hehe

    Comment ni mhar — Hulyo 13, 2008 @ 2:36 hapon | Tugon

  11. hhmm.. ako naman ay hindi gaanong mahilig magbasa, pero kung comics lalo ng ang archie comics ayun dun ako magaling hahahaha… anyways, salamat pala sa pagbati mo sa akin sa wordpress forum kya isinali kita sa listahan ng bloggroll ko… :)

    kengkay: huy, hiram ko lang yung mga archie comics dati, mahal kasi :)

    Comment ni meiyah — Hulyo 13, 2008 @ 4:22 hapon | Tugon

  12. huwaw ang sipag naman ni ateng magbasa … ako din mahilig magbasa ng komiks nun hihihi.. Basta lahat yata ng komiks binabasa ko nun, pero ngayon magazine na binabasa ko tapos pag may time mga books din naliligaw pero hindi ako ganon kasipag magbasa..

    Ngayon mahilig na ako magbasa ng blog :)

    kengkay: hahaha. at least nagbabasa ka rin.

    Comment ni naglalambingnacute — Hulyo 13, 2008 @ 10:37 hapon | Tugon

  13. naku d me mahilig magbasa… paano kaya ito? hehehe… id rather watch a movie than read books…

    ewan ko ba hindi ako matyaga… ang napagtyagaan ko lang eh mga libro ni bob ong heheh!

    kengkay: pwede na yon, kung nabasa mo si bob ong, am sure magkakainteres ka rin sa iba :)

    Comment ni yhen — Hulyo 14, 2008 @ 12:43 umaga | Tugon

  14. thomasian ka pala, kengkay? ako rin! ang favorit ko noon eh yung periodicals section kasi aircon. saktong sakto kapag gustong sumimpleng matulog. hehehe…

    kengkay: hahaha, ako din, parati din tambay dun kasi malapit sa college namin e. at oo, nakatulog na rin ako dun!

    Comment ni brotherutoy — Hulyo 14, 2008 @ 1:32 umaga | Tugon

  15. mahilig din ako magbasa ate keng..
    yung kasama pa namin sa bahay ang nagimpluwensya sa akin magbasa..mahilig kasi yun sa komiks at tagalog pocketbuks..
    simula ng na adik ako s poketbuk n yan…kahit ata madaling araw nagbabasa ako, matapos ko lang ang storya…minsan nga ang nagagalit n ang nanay ko dahil bukas pa ang ilaw namin ng madaling araw, kaya ang ginagawa ko ay bumibili ako ng kandila para lang makapagbasa…hehe=)
    madami kasing natutunan kung ang isag tao ay mahilig magbasa e..
    mas gusto ko din magbasa kaysa sa manood ng t.v at sine
    at mas gusto kong mag basa ng blog ng may blog kaysa sa mag post sa sarili kongblog..hehe=)

    kengkay: pareho tayo, minsan hindi ko maibaba yung libro kaya naman nagtatago ako sa ilalim ng kumot tapos may dala akong flashlight, tapos everytime na may marinig ako, pinapatay ko yung flashlight para safe :D

    Comment ni rio — Hulyo 14, 2008 @ 4:42 umaga | Tugon

  16. apir tayo… i can’t imagine life without books or kahit anong babasahin… every week bumibili ako ng 3 books para lang masatisfy ko ang sarili ko.. minsan download sa internet para lang may mapagbusybusyhan ang mata at utak ko… so apir ulit. hhehehe!

    kengkay: hindi ko pa nasubukan yang mag download sa internet. and yes, apir kasi ako din i cant leave the house without anything to read in my bag :) basta may opportunity magbasa, magbabasa ako!

    Comment ni ifoundme — Hulyo 14, 2008 @ 5:34 umaga | Tugon

  17. Hello,

    Blogghopping!

    I’m 17 yro Teen, Kevin Paquet from Pinoy Teens Online pinoyteens.net
    Care to link exchange with that blog of mine?^^,)

    kengkay: linked!

    Comment ni Kevin Paquet — Hulyo 14, 2008 @ 9:09 umaga | Tugon

  18. naku naka-relate nga ako, peksman, nabasa ko rin P.S. I love you, syempre iyak din ako, at ang mga komiks syempre pa nasubaybayan ko rin! haha pero nag umpisa ang pagiging addict ko nung grade 4 ako nakita ko etong choose your own adventure, alam mo ba yon? yung babasahin mo tapos walang ending like if you want to go to the cave turn to page 45, if you want to stop walking turn to page 15. aliw siya! ikaw gagawa ng ending.
    nga pala si toni to, yung taga gluehwurm. eh inumpisahan ko na yung tagalog blog ko. dalawin mo ko don ha. add kita sa link ko. ty

    kengkay: uy oo, meron pa bang ganong libro? at naku, iniyakan mo rin pala si mariah at si paul, hahaha

    Comment ni Pokwang — Hulyo 14, 2008 @ 10:32 umaga | Tugon

  19. ay teka wala atang link nung blog address eto na siya

    http://kandiritan.wordpress.com/

    see you!

    kengkay: uy i link din kita. nadalaw ko na si pokwang!

    Comment ni Pokwang — Hulyo 14, 2008 @ 10:34 umaga | Tugon

  20. set aside one hour what would i do?

    mamlantsa. anopa. walang kawala.

    kengkay: hahaha, ayaw ko yan. takas ako!

    Comment ni utakmunggo — Hulyo 14, 2008 @ 2:56 hapon | Tugon

  21. fan ka din pala ng sweet dreams noon. hehehe. ako din. at nabasa ko din yung PS I Love You. Luma na sya nung nabasa ko, pero one of the most unforgetable.:D
    masarap magbasa. para ka na ring namamasyal at nakikitsismis sa buhay ng kapitbahay.

    ay, may tag pala ako sayo dito

    crumbs
    i-view

    kengkay: tama ka, pamamasyal din ang pagbabasa. naku song tag? ang alam ko lang na kanta ngayon e kiddie songs :)

    Comment ni Salve — Hulyo 14, 2008 @ 4:06 hapon | Tugon

  22. waaaaa naalala ko yung elemnetarya palang ako hilig ko din sa komiks hehehe hiwaga komiks hahaha saka yung panay wakas na lovestory nga at madami pa iba de ko na tanda. hilig non eh horror. saka alam mo ako mismo nagpaparenta na ng komik sa sobrang adik ko pero de ako naadik sa pocketbook basta pagmakapal na suko na ako hanggang short stories lang ako. de kasi ako wide reader :D

    kengkay: at least nga nagbabasa ka depende nga lang sa kapal, hehe. may kilala ako binigyan ko na nga ng maliit na libro ng short short stories pati yun di pa rin natapos, hahaha

    Comment ni scart — Hulyo 14, 2008 @ 8:41 hapon | Tugon

  23. Wow Thomasian! :o College of ano ka?

    Graduate ako dyan, pero never talaga akong pumasok sa library, haha.

    kengkay: pano mo natapos ang thesis mo ng di ka pumapasok ng library? pero may namiss ka kung di ka man lang nakapasok sa rarebooks :D arts and letters ako!

    Comment ni kirksydney — Hulyo 15, 2008 @ 6:43 umaga | Tugon

  24. Hasy nako mommy kengks,yun nga problema ko eh…NAWAWALA NA YUNG KOPYA!!!pero memorize ko pa ang story. ang title BODEGA UNO…dahil andun yung mystery sa mansion…oh diba? tinypewriter ko pa tlga yun ah tpos hindi tlga ako kumain nung break sa skul para bumili ng kokomban…at naging sketch artist ako ng 3 hrs dahil nilagyan ko pa ng drawings yung cover ng horror novela ko ng mga buwan na may dugo, bampira, etc.–imagine grade 3? kung ano2 na napupulot diba?. Lamo ba, ginawa kaya naming skrip un ng mga kalaro ko kasi sila rin yung bida sa nobela ko tas mahilig kami nung laro na inaarte namin yung napanood naming pelikula gaya ng shake,rattle & roll, Halimaw sa Banga, etc.. talagang broadway ang tingin namin sa kalsada namin kasi dun kami umaarte sa kalye habang nanonood yung mga ngbibilyar tsaka mga nagtitinda ng bbq sa labas paggabi. Kumpleto ang casting, kami shempre yung bida tapos ang aswang si Gamoga, yung kalaro naming lagi rin kontrabida sa tunay na buhay na mahilig kumain ng lawanet na kahoy (kaya naman matatakot ka tlga pag sya ang aswang.)ultimo dialog sa pelikula memorize tlga,mam!

    Hay nako momi kenks,andaldal ko no? hehehe…imbes na koment lng.. nagiging post eh no?hahahaha! basta kwento ko sayo. baka i-post ko yung mga nobela ko,oh db? nabasa mo ba yung latest post ko?

    kengkay: uy sayang naman yung novela mo. hanapin mo at baka makita mo pa! o kaya i post mo sya sa blog mo kung alam mo pa takbo ng istorya. at alam mo nakakarelate ako sa yo ng todo tungkol dyan sa pag acting acting — ang ginagaya naman namin nun e yung anna lisa at flor de luna. kapag recess o kaya while waiting for the bell to ring o kaya sa mga sundo namin, nag da drama kami. sampalan kamo kasi ganun yung takbo ng istorya sa tv di ba, hahahaha

    Comment ni themiseducationofzapped — Hulyo 15, 2008 @ 3:41 hapon | Tugon

  25. oh my, zuma, galema, wakasan, komiks for rent — i remember all these! love ko din ang funny komiks (si niknok) at paborito ko ang wuthering heights :) pareho tayo, mas gugustuhin ko pang magbasa kesa manood ng tv ;) pag lumabas na mga libro ko, bebentahan kita hihi.

    Comment ni xtin — Hulyo 18, 2008 @ 3:38 hapon | Tugon

  26. tomasino ka rin pala, hehehe. o alam ko na dati pa nakalimuta ko lang :D

    Comment ni kotsengkuba — Hulyo 18, 2008 @ 5:44 hapon | Tugon

  27. [...] hehehe. ….. ng drawings yung cover ng horror novela ko ng mga buwan na may dugo, bampira, etc. …http://kengkay.wordpress.com/2008/07/13/libro-adik/Pinoy Dream Academy &187 Archive &187 Eman goes out of the academydapat di si eman ang [...]

    Pasa ni nobela ng bata bata paano k ginawa — Hulyo 31, 2008 @ 5:55 umaga | Tugon

  28. buti pa kaung iba jan me pambili ng libro, men!!!!!!!! peram na me.

    Comment ni gwapo — Marso 19, 2009 @ 1:31 hapon | Tugon


RSS ulat para sa mga puna sa paskil na ito. BakasPabalik URI

Mag-iwan ng puna

Sumulat ng Blog sa WordPress.com.