Eto lang masasabi ko sa inyo, mas masarap magshopping sa manila, waaaaa!
Kasi sa pinas maraming tagabuhat. Maraming nag si-sideline na kargador kahit na nga yung tambay lang sa kanto e ready na yan, pa buko juice lang ayos na.
Sa Baclaran man o sa Divisoria, di ba daming batang paslit na mangangalabit at magtatanong ng ‘nanay, gusto mo ako ng magbuhat?’ tapos bigyan mo lang ng limang piso e masaya na sila kahit na labas lahat ng litid nila ng kakabuhat. Sempre kapag talaga namang tambak ang bilihin mo e andun yung mga may mga tulak tulak na kariton para convenient yung pagsakay nung mga bilihin mo. At sila pa minsan tatawag ng taksi o ng trisikel o ng pedicab para sa yo.
At sempre sa mga grocery stores, may baggers na; may taga tulak pa ng kart mo at taga suksok sa sasakyan at pati tawag ng taksi kasama na rin. Wag lang kalimutan ang tip!
Kahit nga sa SM department store ka lang magpunta, ang daming susunod sa yo na may bitbit na basket o kaya naman e shopping cart para hindi ka mahirapan magbuhat o para lalong dumami ang gastusin mo? Kung ano man dahilan, at least hindi ka magkanda kuba. At mabango ka pa rin kapag gusto mong mag Jollibee
At sa airport, ang daming pwedeng magbuhat! Naka uniform pa kamo sila. At hatid hanggang sa labasan at pati sa sasakyan. Dolyares nga lang minsan ang hirit nila
Hindi katulad dito sa Oyropa, waaaaaa ulit.
Kargadora ang dating mo! Ikaw ang bubuhat ng mga cases ng tubig, ng beer at kung ano pang inumin ang gusto mong itambak sa bahay mo. Nung una sempre magkasama kami ni kengkoy kaya hindi ko napansin yang buhatang yan.
Pero nitong mga ilang araw na ako na lang mag isa ang naggo-grocery, napansin ko, ang bigat pala ng isang case ng beer! Aray ko po! At lalo na ang isang case ng de botelyang tubig! As in, feeling ko ako si wonder woman nung nabuhat ko ang dalawang case at ilipat sya dun sa cart na dala ko. At sempre naging lastik woman yata ako nung nilipat ko naman yong dalawang case na yon sa likod ng kotse.
Hanggang ngayon di ko pa rin sigurado kung pantay ba ulit ang mga braso ko! Lintek na. Napag isipan ko ngang humingi ng tulong nung mga unang panahon. As in kunyari e princess in distress ako. Dami namang tumulong kasi nga sa liit ba naman ni kengkay e kapansin-pansin yatang di ko kaya ang buhatin ang mga case nila ano.
Pero nitong mga huli e akala ko kaya ko na. Feeling ko kasi tumanggad na ako. Yun pala, hindi ko po kaya! O kaya naman talagang wala na akong pag asang lumaki dito kasi hindi uso ang kargador. Kahit nga sa mga ibang hotels, ikaw din magbuhat ng maleta mo ano: Kahit nga taxi driver pagbubuksan ka lang ng trunk at ikaw pa rin magbubuhat. Pero teka, hindi pa yata ako nakakasakay ng taxi dito pano ko nalaman?
Kasi may mga kaibigan akong bumisita dito sa amin. Nagpasundo sila ng taxi papuntang airport. Sempre mercedes benz taxi nila, may i posing posing pa sila. Sa kakaposing nila, hindi nila napansin na hindi pala kinakarga nung driver yung maleta nila, hahaha. Dun lang nila na realize na kanya kanyang karga! Actually, ako din, dun ko lang na realize na hindi tutulong ang driver sa yo kasi di nila trabaho yun, period!
Hey buhey!



gaganda ang braso mo nyan, mommy kengkay! syempre magkaka-muscles sa pagbubuhat, di ba? ok na rin yun. exercise baga.
crumbs
i-view
kengkay: aray ko, i could look at it that way pero parang gusto ko ipikit mga mata ko, heheh
Comment ni Salve — Hulyo 14, 2008 @ 5:18 hapon |
ilabas mo nalang yung shopping cart at dalhin mo malapit sa trunk ng kotse mo para de mahirap. kami nga alang kotse. bitbit lang sabay lakad na pabuntang apartment na inuupahan namin. buti nalang 1 block away lang
at take note yung baby namin naka sling sa katawan ko hahaha parehas tau de ko narin alam kung pantay ang braso ko.
kengkay: hay ganyan na nga, door to door na nga yung cart kaso mo hebigat talaga e. at ganyan din ako minsan, instead na dalhin yung kotse, naglalakad din lang ako — pero super layo yung tindahan sa amin, mga 20 mins walk, waaaa
Comment ni scart — Hulyo 14, 2008 @ 8:37 hapon |
Ibig sabihin, dapat laging kasama si kengkoy pag nagsha-shopping para laging reyna ang dating.
kengkay: tumpak!
Comment ni Jayme — Hulyo 15, 2008 @ 1:09 umaga |
hahahahah. dito naman minsan may bagger minsan wala so sanay na ako na ako nagpapack ng binili ko. Pero nakakatawa experience namin sa Pinas. Yong pamangkin ko kasi mahilig maglaro ang tinda-tindahan. Minsan, nagpunta kami sa SM at siyempre kumuha ng sariling bag para isilid yong mga pinamili nya. Tapos binawalan kami – bawal daw yon mapapagalitan sila. Wahhhhh… Kakaloka, bawal daw mag-pack ang customer.
kengkay: ganun! bawal mag pack ang customer! hmmmm
Comment ni nina — Hulyo 15, 2008 @ 2:31 umaga |
Sa kakaposing nila, hindi nila napansin na hindi pala kinakarga nung driver yung maleta nila, hahaha. Dun lang nila na realize na kanya kanyang karga! – This is funny!!!
kengkay: as in early in the morning yan ha… tahimik ang kapaligiran at madilim, pero dahil nga posing sila ng posing, ayun, kitang kita yung pag ka shock nila dahil yung driver may i posing din, hahaha
Comment ni nina — Hulyo 15, 2008 @ 2:33 umaga |
mabuti na iyang may binubuhat kang pauwi kay sa binubuhat ng iba ang dapat mong buhatin pauwi sa kanila… namamasyal lang po. salamat.
kengkay: dito sa baryo namin e medyo safe pa. iniiwan nga ni kengkoy yung kotse namin sa labas at andun mismo yung susi ha, pero hindi naman sya nawawala
mabuti na lang!
Comment ni kidlatanvillage — Hulyo 15, 2008 @ 4:31 umaga |
…whaaa, kawawa ka naman sa kakakarga. basta mommy kengks, tandaan dapat cautious sa proper positioning sa pagkarga para di mastrain ang back…=)
kengkay: akala ko pa naman para di nila makita ang kuyukot ko, hahaha
Comment ni sommer — Hulyo 15, 2008 @ 4:58 umaga |
buti nalang, walang maluluslos sa mga girls pag nabuhat, wahahahaha
kengkay: hmm, pano yung boobs, hehehe
Comment ni wifeybee — Hulyo 15, 2008 @ 6:01 umaga |
hahaha..
go go go mommy kengks!
AJANEZZ!
hahaha
pede ba akong mag-apply bilang kargadora dyan?
wahahah
watchathink?
kengkay: kung maliit ka, magiging unano ka dito sa pagbubuhat, hahaha
Comment ni ayyzzz — Hulyo 15, 2008 @ 6:13 umaga |
kaya nga siguro mas maunlad ang mga bansa dito sa oyropa dahil sanay ang lahat na mag self-service (ay teka muna parang bastos ang dating ah). ahehe
chedeng ang taxi diyan? dito may bmw rin na taxi. hehe
kengkay: di ba police cars nga chedeng din, hahaha. at tama ka, bastos yata yung self service, hahahha
Comment ni utakmunggo — Hulyo 15, 2008 @ 8:30 umaga |
ay naku, sinabi mo pa! talagang walang tutulong sa yo dito `no, babae o´matanda ka man. di nila feel yan. eh kasi daw dati nga gusto ng mga babae, equal rights, kaya ayan, nauso na kanya, kanyang bayad, kanya kanyang buhat at no bras and walang ahitan ng under arm hair.!bwahaahah, tawa ka dyan, anong kinalaman non? aba emancipation of the women daw. so ngayon, kkb – kanya kanyang buhat. at sa train and bus?? wag kang umasa na tatayo lalake para makaupo ka. ay buhay
kengkay: mas mahaba pa buhok sa underarm minsan ng mga girls kesa sa mga boys, hahahaha. ay ano pa nga ba, ito ngang asawa ko nung unang salta ko dito sabi ko sya magbuhat nung jacket nung nanay nya, aba baket daw!
Comment ni Pokwang — Hulyo 15, 2008 @ 9:22 umaga |
hahaha! ano fa! dito sa WEST, magdusa ever ang mga beauties naten, unlike saten, we can get all kinds of help. Help “in kinds” hehehe! susko day! sa kaliit liit na condo ko na parang posporo, matud mo day na na-a pa me katulong ug driver??? eh siempre tulong na rin kasi kahit na ginasweldohan, although, indi me gaya mo ever na gina- bakal ug shopping center hahaha
kengkay: hahaha, ikaw naman kasi madam charity e. ay masarap kasi mag shopping hahaha
Comment ni reyna elena — Hulyo 15, 2008 @ 12:34 hapon |
hahah..oo nga masyadong spoiled tayo sa Pinas pati pagligpit ng kinainan natin sa fastfood may taga ligpit pa! pero grabi ka magshopping ha kahonkahon talaga na beer…nasa germany ka nga pala ang lakas lumaklak ng beer mga tao dyan..heheh
kengkay: hahaha, beer na walang alcohol ang tinutungga ni kengkoy. pero kasi kaya cases ang binibili namin kasi naman sayang din ang gasolina kapag pababalik balik sa tindahan kaya maramihan agad ang bili, otherwise e may i walking ako para mag grocery, at sempre, am bigat din non, waaa
Comment ni dakilang islander — Hulyo 15, 2008 @ 2:47 hapon |
ilabas na ang mga muscles na tinatago, ate kengks.
kengkay: sa mga darili
Comment ni Pao-Pao — Hulyo 15, 2008 @ 4:44 hapon |
hehehe….. ang muscles…:)
kengkay: ano pa nga ba
Comment ni SEO Dubai — Hulyo 15, 2008 @ 7:36 hapon |
Marami lang talagang gustong magkatrabaho kaya may mga bagger at kung anu-ano pang mga trabaho na nagsulputan sa Pilipinas. :p
kengkay: kasi mura ang labor kaya ganon e, kapag dito mo ginawa yan na bankrupt agad yung tindahan, haha
Comment ni Laarni — Hulyo 15, 2008 @ 10:53 hapon |
haha ganun pala… siguro di humihingi nga extra bayad ang driver kaya wit nila tipelya mag buhat. driver sila di kargador
kengkay: oo nga, iba ang kargador sa drayber, pero sempre wa tip!
Comment ni barquera — Hulyo 16, 2008 @ 1:05 umaga |
natawa naman ako sa malulus na girl, hahaha! buti nga at walang ganun ano, pero magandang upper body exercise ang pagbubuhat
kengkay: ay naku naman, mas mabigat pa sa akin yung binubuhat ko, exercise pa ba yon o killing myself na, hehehe
Comment ni kulot — Hulyo 16, 2008 @ 6:19 umaga |
haist. ano ba naman ang mga tao d’yan walang sense of help. wala ba sa dictionary ng mga alemans ang salitang help ( malamang, english kaya ang help.>) hehehehe!) pero anywaist, dapat ng matuto si kengkay na mag alibi pag mas shoshoping. para si kengkoy na ang pumunta ng market. hehehehe. sige ka ‘di ka na tatangkad!
Comment ni tina — Hulyo 16, 2008 @ 8:12 umaga |
astig nga yun kengkay, atleast di ka na magagastusan sa gym at alam mo ang dahilan ng paglaki ng braso mo – malay mo maging katawan ka ni vina morales – pang enerva hahaha.
Comment ni bernardumali — Hulyo 16, 2008 @ 11:29 umaga |
Agree ako kay Laarni. Sa dami ng nangangailangan ng trabaho sa Pilipinas dapat talaga eh i-welcome natin kung may gustong mag-work na tagabuhat ng ipinamili mo.
Gaano ba kalawak yung mga pamilihan dyan? Kasi ako kapag sobrang laki ng mall eh pinaplano ko muna kung saan ako pupunta…inihuhuli ko na yung marami akong bibitbitin pagkatapos (like pag sa grocery, department stores ganun).
Comment ni callcentergal — Hulyo 17, 2008 @ 5:42 umaga |