Alam ninyo na nag emote ako dun sa huling post ko tungkol sa katamaran ko sa pagbo-blog na naudlot dahil nga sa isang comment?
At alam nyo rin na mahal ko kayong lahat na nag iwan ng bakas at nagbigay na naman ng lakas at sigla para ipagpatuloy ang aking pagbo-blog? Maraming salamat talaga.
At alam nyo ba na ayaw talaga pa ng tadhana na iwan ko ang pagbo-blog?
Kasi yung mga blogs na una kong kinahumalingan e back on air na ulit! Yipeeeeee!
Nawala kasi sa ere ang Pinoymomsnetwork o PMN, na syang talagang dahilan kung bakit ako na-engganyong mag blog. Sya ang dahilan kung bakit nagkaron ng kengkay
Pero ngayong gabi e bumalik na sya. Pwede nyo silang bisitahin at kung nanay naman kayo e pwede kayong maging miyembro din.
Isa akong aktibong miyembro ng PMN at dahil aktibo ako, ako din ang tumatayong editor ng dalawang sub domains nito — ang PMN Home and Garden and ang PMN Travel.
Ngayong andyan na ulit sila, masaya na naman akong magbo-blog. Kasi ibat ibang bagay na naman ang pwedeng ilagay sa kukote ko. Hindi na ako ulit mangangamote.
At sempre, maraming salamat ulit talaga sa mga nagiwan ng mga comments na nagbigay buhay sa aking pagboblog. At dun sa mga nagiwan ng link love, i-update ko rin ang link ko as soon as possible. Nasabi ko na pero sasabihin ko ulit, mahal ko kayo. Waaa, emote na naman si kengkay!


yehey!
hindi ka na aalis.
may mababasa pa rin ako.
kengkay: yehey — mas dumami nga lang trabaho ko, hahaha
Comment ni winkii — Hulyo 18, 2008 @ 11:49 hapon |
emote nga. hehehe! we lab u 2. glad it’s back. napakinggan ko pa nun ang interview sayo nun. hehehe! natuwa naman ako.
kengkay: lab ya 2
mahirap mag emote pero minsan mahirap naman di mag emote
Comment ni ifoundme — Hulyo 19, 2008 @ 12:43 umaga |
wag ka na nga umalis, kakasalta ko pa lang sa page mo aalis ka na.
kengkay: dahil sa yo, hindi na ako aalis. balik ka ha tapos iwan mo rin URL mo!
Comment ni prinsesamusang — Hulyo 19, 2008 @ 4:23 umaga |
napaka aktib mo mommy k! nakakabasa ng kilikili ang dami ng blog na hina-handle mo! isa lang ang masasabi ko, wla nang mapagsidlan ang iyong brilliant thoughts kaya mo nagagawa ang lahat ng ito.. kaya bago ulit maglaro sa isipan mo ang paghinto, pagisipan mo muna kung kakayanin mo bang walang sisidlan.
kengkay: hay tumpak ka dyan! kaya bigay todo na naman to!
Comment ni utakmunggo — Hulyo 19, 2008 @ 7:09 umaga |
buti na lang, gumawa ng paraan ang tadhana! yehey!
Comment ni Salve — Hulyo 19, 2008 @ 12:09 hapon |
hi…pls vote for my son Luis Alfonso … Search for the Cutie Child … visit http://www.mysweetlife.info to vote … thanks …
Comment ni Lissa — Hulyo 22, 2008 @ 1:17 hapon |