Kwentong Kengkay

Hulyo 21, 2008

Toro

Filed under: Dito sa Amin,Europe,Oyropa Ko — kengkay @ 6:29 hapon

Ano ang pagkakaiba ng toro sa Pinas at sa Alemanya?

Eto ang sa Pinas —

Kita nyo ba yung pulang toro sa gitna? Pasensya na at medyo malabo ang kuha ang kukulit kasi ng mga ka-EB ko nung araw na yan e, hahaha.

Sa torohan sa Pinas, magbabayad ka ng, hmm, ilang daan nga yon? Nalimutan ko na. Pero kapag gusto mong sakyan ang toro, may I pay ka sa ilang sekundong mabigyan mo ng katatawanan ang mga taong nakapaligid sa yo na walang pambayad para sila naman ang makisakay. Iwagwag ka ng iwagwag, as in!

Natakot ako, hindi dahil baka mahulog ako, kundi dun sa bayaran!

Pwes, dahil nga chipipay ako, hindi ako sumakay dahil wiz ako pambayad. Nakitawa na lang ako!

At eto naman ang sa Alemanya –


Libre ang toro. Pero ang mag-uuga sa yo e yung mga cowboys at indians na nakapaligid sa yo. Ang lakas ng loob ng mga little kengkays ha. Talagang nag bull riding silang dalawa. May nakuha pa nga silang dokumento na certified torera na sila! Sosyal, weee.
Neks taym, ako naman susubok. Wag sana mapigtas yung tali at feel ko rin maging tunay na torera!

Mga Puna »

  1. nakakatakot sumakay jan. :)

    kengkay: mas natakot akong sumakay dun sa pinas version kesa dito sa alemanya version kasi pwede kang magmaka-awa sa mga tao pero dun sa machine? nyeee

    Comment ni winkii — Hulyo 21, 2008 @ 9:55 hapon | Tugon

  2. nyahaha. nakakaaliw naman yung post mo. lol. toro. meron niyan dati sa isang restau sa may g4 eh, nakakatakot nga kasi baka mabagok ulo pag nahulog. hehehe. wild side. :p

    kengkay: ay tama ka, baka mabagok ako tapos makalimutan kong hindi pala ako tunay na cowgirl, hahaha

    Comment ni iva — Hulyo 21, 2008 @ 11:52 hapon | Tugon

  3. At bakit hindi ko alam na may ganyang torohan dito sa Pilipinas? lol.

    kengkay: really, hindi mo alam or echos lang? sama tayong dalawa sa metrowalk pagbalik ko sa pinas

    Comment ni Laarni — Hulyo 22, 2008 @ 1:27 umaga | Tugon

  4. anak nang toro! hehehe! meron nga at andun pa yang toro na yan sa metrowalk! and incidentally, ang entry ko is about – guess what?! metrowok! hahaha

    kengkay: torohan din ba sa metrowok ang kwento mo? mabisita nga

    Comment ni reyna elena — Hulyo 22, 2008 @ 2:00 umaga | Tugon

  5. Mas feel ko ata ang toro sa alemanya kasi libre at genuine cowboys and indians ang uuga syo, hindi mga bayaran hahaha!

    kengkay: ay ano pa nga, tapos pwede ka pang magmaka-awa sa mga cowboys at indians na tigalan na nila ang sufferings mo, ahahaha

    Comment ni sonnetshaven — Hulyo 22, 2008 @ 3:30 umaga | Tugon

  6. wahahahaha! magpaturo ka sa mga little kengkays para certified torera ka rin.

    kengkay: nagdadalawang isip ako, kakatakot!

    Comment ni ifoundme — Hulyo 22, 2008 @ 3:43 umaga | Tugon

  7. torohan na! ahehehehe :)

    kengkay: hahaha, ikaw ba nakasakay na rin sa toro :D

    Comment ni aga — Hulyo 22, 2008 @ 8:13 umaga | Tugon

  8. kung sakaling ma injured ako nyan pwede ba yang ipa cover sa insurance? hehehe

    kengkay: naku sa pinas hindi ko alam kung may insurance yan, pero dito sa alemanya covered yan am sure

    Comment ni gugmagiatay — Hulyo 22, 2008 @ 9:27 umaga | Tugon

  9. naalala ko ang torong pula sa metrowalk kinky hehehe. pagmahulog ka sa torong yun tiyak magiging kasing pula ka nya sa kahihiyan sa dami ng nanonood. yang sa alemanya naman mukhang di foot and mouth disease o mad cow disease ang makukuha mo jan…. malamang tetano hehehe muah! cute ng mga kengkays ha

    kengkay: pero next time kapag pumayag kang maki toro, ako din. ano say mo, selvi? sabay tayong mag blush, heheh

    Comment ni S3lv0 — Hulyo 22, 2008 @ 10:35 umaga | Tugon

  10. Ang ganda naman nila little kengkays! :) Mukhang happy xa sa toro-riding. Kaya lang po ate kengks, mukhang drum lang yung toro-torohan :P

    kengkay: mas high tech pa nga ang pinas kasi yung toro nila parang tunay, e yung sa alemanya e drum lang na binalutan ng leather at tinali sa puno, hahahaha

    Comment ni Miho the Explorer — Hulyo 22, 2008 @ 11:25 umaga | Tugon

  11. Hi ate kengkay gusto ko itong post mo. It’s about toro-toro.May memory ako diyan sa toro toro. Tinoro kasi nila ako noong araw. Ginawa nila akong isang toro sa iplay at nilagyan nila ako ng sungay. Sa palabas namin hinahabol daw ako ng mga torero at sinusuwag ko daw naman sila. Ito ay isang maiksing play na katatawanan noong nasa elementary pa ako.

    kengkay: hahaha, wala pang pechurs yang toro toro mo para naman mas masaya ang remembering :)

    Comment ni colegiala girl — Hulyo 22, 2008 @ 11:36 umaga | Tugon

  12. ang taray ng certficate! bongga!

    kengkay: kaya nga gusto ko rin ma certify na torera e, hehe

    Comment ni tim ang — Hulyo 22, 2008 @ 1:43 hapon | Tugon

  13. uy galing niyan ha. o di ba, mas bongga ang toro ala deutschland,di ka na nagbayad may certificate ka pa :)

    kengkay: ano fha, at hindi sya nakakatakyut kasi walang sungay, haha

    Comment ni Pokwang — Hulyo 22, 2008 @ 2:05 hapon | Tugon

  14. Ganda ng panganay mo hehehe.. Hindi po ako pedo lols. Kamusta na Mommy Kengks? Para On Topic, kala ko kung anong TORO ang sinasabi mo eh bweehehehe… *Napadaan from Reyns blag* Kita ko kasi last post mo doon eh “TORO daw”

    kengkay: ehem, sempre mana si panganay ko kay… dyaraaan, kengkoy :D kakakilit ba ang taytol ko, hahha

    Comment ni diwatang_byaning — Hulyo 22, 2008 @ 4:56 hapon | Tugon

  15. kakasuka naman sumakay sa bucking horse. buti pa sa caterpillar na lang o di kaya perisweel. yung kapirasong utak ko kasi umaalog-alog sa toro.

    pero di nga, akala ko kung anong “toro” yun noong pers taym.
    :D

    kengkay: naks, bucking horse pala tawag dun, hahaha- ayaw ko sumakay ng periswheel, nasusuka ako :)

    Comment ni utakmunggo — Hulyo 22, 2008 @ 5:41 hapon | Tugon

  16. ate kengks, me kabarkada ako na sumubok nyan sa may may Big Grill sa makati. indi namin inakala na magaling pala siya haha, by the way, babae po siya at namangha kami sa hidden talent niya. Isa pala siyang certified torera! at kahit na nakailang weeks siya sa numero uno, may nakatalo..ayos pa rin dahil second placer naman siya at nag-enjoy ang tropa sa bumahang alak na premyo niya hehe..

    ang galing naman ni little kengkay ha, daig pa ang mommy kengkay! :)

    kengkay: uy makapag paturo nga dyan sa torera mong kaibigan

    Comment ni Aling Baby — Hulyo 22, 2008 @ 7:37 hapon | Tugon

  17. torera ka pala kengkay! ang cute naman nung bata! sarap gumawa ng baby… heheh :p
    kengkay: gawa ka na kasi e, pwede kopyahan, hahaha

    Comment ni BADoy — Hulyo 22, 2008 @ 10:32 hapon | Tugon

  18. may alam akong torohan dati sa may sta. mesa, katapat ng lumanog guitar store. after 12 midnight naglalagay sa gitna ng club ng isang papag (‘yung kahoy na kama). ‘tapos may isang lalaki at babae na … (CENSORED)…(CENSORED)…(CENSORED)…

    kengkay: ahahaah, ibang torohan naman yan, hmpf :) ako ang alam ko lang na ganyanan e sa thailand…

    Comment ni kalye11onse — Hulyo 23, 2008 @ 4:10 umaga | Tugon

  19. mas gusto ko ata itong toro sa alemanya. feeling cowboy talaga! :D

    Comment ni Salve — Hulyo 23, 2008 @ 5:07 umaga | Tugon

  20. ok ang topic dito

    Comment ni ric — Abril 18, 2010 @ 4:29 umaga | Tugon


RSS ulat para sa mga puna sa paskil na ito. BakasPabalik URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

Gravatar
WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 64 other followers