Uy sempre naman, dati hindi ko tatawaging fan ako ng Journey although labs ko yung mga hits nila tulad ng… hmmm…. arrrmmmm….. a basta yung mga kanta ni steve perry, hehehe
Pero nung naging si Arnel Pineda na ang kanilang lead singer e kahit na hindi ko talaga kilala ang Journey e naging instant fan na nila ako. Sempre naman, support your own kababayan di ba?
At lalo pa dahil naniniwala ako dun sa isang na meet ko na diehard fan ni Ate Guy na ganito ang kanyang paraan ng pagsuporta sa kanyang idol na ganito: basta may movie si ate guy, ilang beses nyang panonoorin yung movie na yon; as in kahit na daw limang beses isang araw syang maglabas pasok sa sinehan e gagawin nya. At labas masok sya sa sinehan hanggang sa huling showing ha. At sempre kapag may album si ate guy, may i buy din sya ng album ng dose dosena kasi suporta nga nya yon sa kanyang idol. O laban kayo?
Kaya naman nung nalaman kong sa walmart lang daw available yung unang CD ng Journey, natigatig ako. Kasi nagsara na ang lahat ng walmarts dito, waaaaaa. Pero sempre may amazon.de naman de bah?
Ayun, nag order ako.. ng mga libro, nalito ako kasi ang daming sale na English books e
bago ko na-alala na yung album nga palang Revelation ng Journey ang hinahanap ko! At sempre, nung dumating ang aking order makatapos ang 24 hours e tuwang tuwa talaga ako.
Ngayon, hindi lang si Sharon Cuneta ang maririnig mong humaharana sa amin tuwing umaga, kundi pati na rin ang Journey
Kaya mga kababayan, bili na rin kayo!



ay naku sister di ko alam ano yang Journey! nahuhuli na ba ako sa uso?? *kamot-ulo*
kengkay: hahaha, ako nakilala ko lang sila dahil dun sa pinoy na sumali sa band na si arnel pineda e. kung di mo pa rin kilala si arnel, e huli ka na talaga sa uso, hahaha. pero kung kilala mo si steve perry?? hindi rin? waaaaa
Comment ni Noreen — Hulyo 23, 2008 @ 7:03 hapon |
Ang alam ko sila yung original na kumanta ng ” open Arms’ na nirevive ni Mariah Carey Diba?
kengkay: naks, wag mo akong tanungin dahil di ko rin alam
Comment ni themiseducationofzapped — Hulyo 23, 2008 @ 8:43 hapon |
maganda talaga ang mga kanta ng Journey, buti na lang at nakapulot sila ng bagong vocalist nila para mabuhay ulit ang banda nila at para sumikat ang mga pinoy
kengkay: tumpak, mabuhay ang pinoy talents
Comment ni kulot — Hulyo 23, 2008 @ 11:57 hapon |
go for pinoy bands!!!
kengkay: go!
Comment ni yhen — Hulyo 24, 2008 @ 1:27 umaga |
ateng,
uber fan na ako nang arnel na yan! nakuuuuu! as in naubusan ako sa Walmart nung record nya, gi-buy ko pa sa Amazon hehehe! mas maganda actually ang boses ni arnel (sorry perry fans) hahaha
kengkay: kami naubusan ng walmart, hahaha
Comment ni reyna elena — Hulyo 24, 2008 @ 1:38 umaga |
naririnig ko lang yung Journey na yun, diko naman alam mga kanta, wahahaha…
kengkay: pareho lang tayo kaya nga bili ka na ng CD
Comment ni wifeybee — Hulyo 24, 2008 @ 4:01 umaga |
Wow, maganda pala lagi umga dahil sa mga witin, ehehehe..
hello kengkay, mzta na?
kengkay: hello din, am okay? ikaw okay din ba? oo, sa umaga dapat may musik para magising ng todo
Comment ni Joliber Mapiles — Hulyo 24, 2008 @ 5:17 umaga |
Okay ba kay KENKOY yung mga kanta ni Shaoi?
kengkay: okay sa mga little kengkays, si kengkoy walang paki alam yan basta hindi tina turner, hhahaha
Comment ni Richmond — Hulyo 24, 2008 @ 5:37 umaga |
ang bisyo ng mommy k! makalibro ka pala at pati internet eh ginagalugad mo kung may sale. haha
particularly proud rin ako dahil pinoy nga ang lead ngayon ng journey.
kengkay: ay oo, hilig ko talaga sa libro at sa sale, hehehe
Comment ni utakmunggo — Hulyo 24, 2008 @ 6:04 umaga |
naksssss…. mahilig ka pala sa books. ano all time fave book mo kengks?
kengkay: paborito ko books ni richard bach at ni og mandito tapos yung chicken soup for the soul books at yung number wan ko e yung kay JD salinger na catcher in the rye
at sempre meron rin akong mga romance at true crimes — ikaw?
Comment ni ChiQ Montes — Hulyo 24, 2008 @ 6:10 umaga |
nakzz!
hehehe…
antagal ko ng di nabalik dito sa blog mo ate kengks..hahaha..
kengkay: mabuti naman at naligaw ka ulit
Comment ni ayyzzz — Hulyo 24, 2008 @ 7:40 umaga |
ganda nga mga song ng journey.. lalo na ngayon at pinoy na ang vocalist ng banda..
kengkay: pinaganda lalo ng pinoy lead, heheh
Comment ni naglalambingnacute — Hulyo 24, 2008 @ 7:49 umaga |
sharonians ka rin pala hehehe! naku ganyan talaga ang fan, kahit nasan ka at kahit feeling chochal eh handa kang magpaka-bakya. hindi pa rin ako masyadong nakakapakinig ng journey. matignan nga! mabuhay ang mga pinoy…
kengkay: sikret natin to ha, basta pinoy, big fan ako.. kahit pa ni ai ai, hehehe
Comment ni hitokirihoshi — Hulyo 24, 2008 @ 8:38 umaga |
Kakaiba talaga ang talent ni Arnel, ang galing niya:) At hindi nya akalain na kung kailan pa sya tumungtong ng 40 dun nag-shine ng napakaliwanag ang kanyang star. Ika nga,life begins at 40:)
kengkay: ibig sabihin neks yir e mag shine na rin ang aking star, yeheyyy
Comment ni sonnetshaven — Hulyo 24, 2008 @ 8:42 umaga |
Ate Kengkay,
Iba talaga ang galing ng Pinoy. Kagaya ni Sharon… wow it’s music to my ears. Mabuhay ang lahat ng mga Filipino talents all over the world. Sikat man o hindi, bituin walang ningning man o mayroon saludo ako sa kanila… Pinoy pa rin.
Ate Kenkay sabi ng lola ko namimiss na raw niya sa TV si ate guy. Noong araw kasi, kahit hindi kumain basta makapanood lang ng Supertar ni Nora ayus lang walang problema. Kaya sabi ko sa kanya, kung nami-miss mo si ate Guy, tignan mo na lang sa TV si President GMA. Aba kinurot ako sa puwet ng matanda, he-he-he.
kengkay: ay, ganyan din nanay ko, ate guy din yon. pati buong pamilya nya. ngayon yung auntie ko maka vilma na kasi karay karay din sya sa batangas, hahaha
Comment ni Mer Pints — Hulyo 24, 2008 @ 9:27 umaga |
ako, nakilala ko rin lang talaga ang journey nung naging part si arnel pineda ng group. syempre, pinoy, dapat suportahan.
crumbs
i-view
kengkay: yup, suportahan natin ang kapwa pinoy!!
Comment ni Salve — Hulyo 24, 2008 @ 10:49 umaga |
ang galing, nag post tuloy ako tungkol ke Arnel Pineda, ang ganda ng istorya nya!
kengkay: ibig mong sabihin e huli ka sa balita? para kang ako, hehe
Comment ni partofyou — Hulyo 24, 2008 @ 11:22 umaga |
hmmm… kurius ako dito ha? ngayon ko lang kasi narinig itong bandang ito. pero pag may nakita ako pakikingan ko din.
kengkay: international band yan, as in daming followers nya all over the world..tapos ngayong ang lead man nila e pinoy!!!
Comment ni pEpPeR — Hulyo 24, 2008 @ 12:46 hapon |
hindi ko rin kilala ang journey. nung may nagkwento sa asawa ko tungkol dun, sabi ba naman ‘sino yun?. suplado!
heniway, nalaman ko ang tungkol kay arnel pineda dahil ibinalita sa tv at may nabasa rin akong blog post kung ‘pano siya nabigyan ng visa para makapunta abroad for his audition. kung hindi mo pa nabasa yun, hanapin ko ulit sa baul ko. interesting, kasi sobrang koinsidens ang mga pangyayari.
kengkay: uy sige, di ko yata nabasa yang audition story nya. paki halunggat sa baul mo, hehe
Comment ni bem — Hulyo 24, 2008 @ 1:37 hapon |
hahahaha Your ABOUT ME section made me laugh
cute!
kengkay: hehe, my about me section made me laugh, too
Comment ni Noreen — Hulyo 24, 2008 @ 1:47 hapon |
ang aking asawa ay nakapila sa walmart nung unang araw ng labas ng CD/DVD hehehe. ako lang ang journey fan, actually, pero nung naging si arnel na ang vocalist, pati asawa ko naging miyembro na rin ng fans club
kengkay: ayan, nakakahawa di ba
Comment ni Meeya — Hulyo 24, 2008 @ 2:23 hapon |
ate kenkgs may album rin si arnel pineda dito yun zoo ang banda nya dito bukod sa journey..pareho pla tyo di ko cla dti kilala pero nung c arnel p na ang vocals nila nkilala ko na cla.. heeheh
kengkay: ganun? mabili nga yung album na yan pag uwi ko ng pinas
Comment ni repah — Hulyo 24, 2008 @ 3:04 hapon |
Mami kengks..di ba sila ang kumanta ng Foolish Heart?ahe he he…yun yun eh!!..
wow..may bagong books ka din..ako din mami..!yung akin eh yung Eldest ni christopher paolini….
ewan ko ba mami kengks..pero natatakot ako kay arnel pineda…aha ha ha..
ang haba kasi ng hair…mukhang nangmomolestya..aha ha ha
kengkay: maganda ba yung eldest na libro? sabihin mo at ng makapaghanap ng sale, hehehe. actually, nakakatakot nga yung buhok nya…:)
Comment ni Maldito — Hulyo 24, 2008 @ 3:05 hapon |
galing nga ng lifestory ni arnel penida anoh…kaya ako ngayon todo post ng videos sa youtube baka madiscover din…nyahahahhh
kengkay: ganon? aba, makapagpost nga din ng video sa youtube
Comment ni dakilang islander — Hulyo 24, 2008 @ 3:11 hapon |
Ay, congratulations syo kengkay! Ako matagal-tagal pa bago mag-shine ang star:)
Comment ni sonnetshaven — Hulyo 25, 2008 @ 5:45 umaga |
hay salamat at nahalukay ko rin sa baul ko. heto na po, dine ko nabasa kung pano siya nabigyan ng US VISA…
http://lefthandedmouse.blogspot.com/2008/03/faithfully.html
Comment ni bem — Hulyo 28, 2008 @ 2:06 hapon |