Kwentong Kengkay

tagalog chenes

Kengkay’s Vineyard

Nakwento ko na sa inyo yung aming vineyard, kuno di ba? Pwes, hayaan nyong ipasyal ko kayo. Magsuot ng komportableng sapatos at kadamitan; pwedeng magdala ng boteng inumin at kung gusto ninyong mag-uwi ng prutas e magbitbit na rin ng supot.

Ready na kayo? Edi go na tayo… Bago umakyat ng bundok e daraan muna tayo sa simbahang Katoliko. Tinayo iyan nuong ilang hundred years old na.

Tapos madaraanan din ang bahay ng aking mga in laws kung saan duon lumaki si kengkoy, pero di na tayo kakatok at mapapakwento pa tayo kasi baka gabihin tayo sa daan.

Deretso na tayo sa bundok, paanan na ng bundok yung bahay ng tatay at nanay ni kengkoy. Kaya hingal kalabaw ako parati dyan kapag dumadalaw sa kanila, as in…

Ooops, dahan dahan at baka may matapakan. Ayan na nga, may nakita nang kaibigan si panganay ko — isang suso! Kadiri, hinawakan talaga nya, nyeeee! Ready din sya at may dalang sisidlan para sa kanyang experimento, pwedeng lutuin daw yan sabi ni kengkoy… gusto ninyong tikman, hehehe

Konting usad na lang ng mga paa. Malapit na tayo sa kengkay’s vineyard.. kapag hindi kayo sanay maglakad ng paakyat, am sure e hingal kabayo na kayo. So let’s take a break muna, hane?

Abangan ang susunod na kabanata… sorry, gusto ko mang tapusin itong post na to e di ko na magagawa. Naghahanap na ng labing labing si kengkoy! Magpapabango pa ako, ahem :)

Inihanay sa:Ano Nga Ulit Yon?, Dito sa Amin, Europe, Oyropa Ko

16 Responses

  1. themiseducationofzapped ay nagsabing:

    Hahahahha!! hindi ba pwede ipost din yung labing-labing? parang mas exciting ata mami kenks. susubaybayan namin, promise! hehehehe.. jok!

    Nabitin naman ako sa pamamashal… bilis! asan na yung part 2?

    kengkay: pwede rin i post yung labing labing, kaso mo panay X lang, hehehe

  2. Pokwang ay nagsabing:

    ay nabitin naman ako diyan sa post mo kengkay. ahahay, di bale nang mabitin si pokwang wag lang si kengkoy.. tuuuutttt.. .sorry, censored ata yon. di bale sa susunod na lang na kabanata. :)

    kengkay: ano pa, baka magjuramentado, waaaa

  3. winkii ay nagsabing:

    hehe. sige. xD
    maglabing labing muna kayo.
    at maghihintay na lang kami ng susunod
    na kabanata!

    kengkay: antay ka rin ha, hehe

  4. binx ay nagsabing:

    Hi mommy! cute naman ng mga wento mo! para na rin kmeng nakarating ng europe… di ko pa nga tapos basahin lahat.. pero lahat cla exciting talaga. ituloy mo wento mo ha! aabangan ko… more pics kung meron pa.. :D

    kengkay: o balik ka ha, tatapusin ko na nag sunod na kabanata

  5. Laarni ay nagsabing:

    Natawa ako sa labing labing part. hahaha.

    kengkay: seryus yung labing labing, ehem :D

  6. dhangski ay nagsabing:

    naku naman kakabitin! pde ba pti labing-labing paki post na rin hihi joke :)

    kengkay: baka ma delete blog ko, waaa

  7. reyna elena ay nagsabing:

    anak ka nang halinghing oo! grrr! hahaha

    kengkay: inggit ka lang, hahaha

  8. wei vines ay nagsabing:

    mukang matagalang paglalakad yan ah… :lol:

    kengkay: mga dalawang oras, kasi daming kulitan along the way

  9. sonnetshaven ay nagsabing:

    Ang cute ni panganay kengkay at may balak mag-alaga ng suso. Noong grade 3 ako nag-alaga naman ako ng kuhol, dalawa pa. Pero nung namatay ang babae, sumunod na rin ang lalake. Hindi tumagal buhay nila, one day lang:(

    kengkay: baka naman nag suicide, waaa

  10. vhincent ay nagsabing:

    looks like very adventurous kayo ng buong kengkay clan nio ah! ang cute ng baby girl mo,lapit na din ako magkarun nyan this year!hehe.. ganda ng place ah,mukhang masarap mag nature tripping dyan.

    kengkay: aba, magkakaron ka din ng bebi? congrats

  11. callcentergal ay nagsabing:

    I love your post and the pics ciempre. Madalas ba kayong lumalabas to be one with nature? Nakakatuwa talaga kapag interested yung mga kids sa mga nakikita sa paligid nila instead of just staying home playing computer games di ba?

    Tama sila Mama Kengks, bitin ang post mo…hindi naman kasi pedeng paghintayin ang labing-labing di ba? =)

    kengkay: kapag summertime e hindi uso sa amin ang tv, madalas e asa labas kami kundi sa bakuran e dun nga sa bulubundukin

  12. [...] pm Natapos ang labing labing, kakapagod, haysss Kaya as promised, eto na ang susunod kabanata ng kengkay’s vineyard ekek. Sabi ko nga e malapit lapit na tayo sa aming vineyard ekek di ba? Pwes eto na ang mga unang ubas, [...]

  13. Maldito ay nagsabing:

    ay bitin!!ha ha aha..buti nalang may part 2!!

  14. Geisha ay nagsabing:

    hahahahahha ang cute!

    aabangan ko yan!

    musta na mami kengks ? :D

  15. homebodyhubby ay nagsabing:

    Uy, andami pikyur! enjoy!
    Okey lang basta mountain-climbing… miss ko na nga eh. :P

  16. sonnetshaven ay nagsabing:

    Hahaha!:) Malamang nag-suicide ang mga kuhol ko. Sa mangkok ko lang kasi sila nilagay kasi wala akong ibang lagayan at the time. Syempre grade 3 pa lang ako, wala pa akong budget.

Leave a Reply

Lumang Kwento