Uy, andito na ako ulit. Pero mabilisang chika lang galing sa camping, atsaka na na rin yung photos; tambak na naman ang labada ako e, hehehe.
Ganito kasi yon, kaya kami nagcamping dun sa pinag-campingan namin e dahil may vier burgen beleuchtung — kung ano man yon, bahala kayong alamin — illumination of the four castle na may kasamang fireworks. Ang ganda, pramis. Sempre kapag may ganyan, may kasamang partihan at inuman at sayawan at kung anong dapat kasama kapag royal celebration.
At kapag may ganyan, may konting maraming drama. Katulad nung nangyari nung madaling araw. Aside from the fact na maririnig mo ang hilik at mga utot (mabuti na lang ay naka tent sila kundi maamoy mo rin) ng mga kasama mong nag ka-kamping; may nag dramang mga young lovers na mismong sa katabi namin nagka-camping.
At alam ninyo kung ano ang dahilan kung bakit sila nag away? Kasi daw naiwan ni babae ang paboritong marmalade o jam ni lalaki! Waaaaaa. As in alas kwatro ng madaling araw e nag-babangay si babae. Mabuti na lang e si lalaki medyo kalmado at hindi tumataas ang boses.
Nagising ako dahil sa ingay ni babae, tapos di ko mapigilan at talagang natawa ako nung maintindihan ko na ang drama nila! Ito palang si kengkoy nakikinig rin. Tawanan kaming dalawa. Sempre narinig nung lovers, edi natahimik sila.
Lintek na marmalade yan. Kung may dala lang akong jam e ibabato ko sa kanilang dalawa para manahimik sila.
Inihanay sa:Ano Nga Ulit Yon?, Dito sa Amin, Europe, Kwentong Kengkay, Kwentong Kengkoy, Oyropa Ko

you’re back! salamat sa pagboto.
boto ka ulit bukas ha. hehe.
kengkay: pag natapos labada ko, hehe
ai grabe panalo naman pala ang away ni lalaki at babae. sayang wala kang jam, sana nabato mo sila para mas masaya.
kengkay: nutella lang dala ko e,waaa
wahahahah! natawa ako sobra sa post na ito kasi a collegue who just came from camping had a similar experience (young lovers) hahahaha! get a room!
kengkay: may ilog naman sa tabi ng camping area, dapat sa ilalim ng tubig na lang sila nag away
mambulabog daw ba!
MGA EKSENEDORA.
kengkay: eksenadora? new word, hehe
marmalade? Kung nakasama ako sa camping, coco jam ang dinala ko at binigyan ko sila agad:)
kengkay: waaa, penge din akong coco jam
panira yung marmalade ah, buti chilled si boy peo chilli si girl!
kengkay: tumpak, chilled at chili
tangenang marmalade yan lololololol
teka, ano ule ung marmalade? tsk ingles kasi.
malapit nnmn akong duguin neto. lololol
dapat tlga nagbaon ka nlng ng jam, para nde naistorbo ang pagtulog nio ni kengkoy mo. ibato mo dun sa dalawang iyon. teka-basagin mo muna ung lalagyanan bago mo ibato sakanila. lololololololol para dumanak ang dugo sa mukha nila.
kengkay: ano nga ba sa tagalog ang marmalade? palaman, yun, hahaha
WELCOME BACK MARE!!
Wala ba kayong marmalade nung nag camping kayo? Kung meron sana lumabas ka at sinaksak mo sa bibig nung babae para natahimik sa katatalak! Ahahay! Buhay!
kengkay: isang maliit na nutella pack lang dala ko e, kaso baka mga little kengkays naman magtalak kung yon ginawa kong pato, hahaha
iba ang naiisip ko sa marmalade sa oras ng tulugan, mas masarap yata ang honey, hahaha!
kengkay: honey para mas malagkit, nyeeehehehe
uy maligayang pagbabalik!
at talagang si babae pa ang nagalit hane? ayus! tama ba namang mangbulabog ng kapit-bahay este kapit-tent ng madaling araw. sana pala mag-asawang panutsa na lang ang nadala mo para naiitsa sa mga mokong na yun.
Nakakagulat ka naman. Mami-miss pa lang kita eh tapos anjan ka na agad! Basta talaga sa chika ayaw mo pahuli ,mommy kengks! nyahahahha! Jan ako bilib sayo eh. For sure subscriber ka rin ng TFC para laging updated sa mga latest chika sa THE BUZZ.hehehehe…
Nag-enjoy ka ba naman sa camping?
anong kinalaman ng marmalade at 4 in the morning? ako’y napa-puzzle. hehe ang weird naman na punot dulo ng away niyan.
Bili ka sa akin ng VCO at VCO bars tapos may libre kang coco jam:) Promo is good until supply lasts:)
marami din palang mga katatawanan ang nangyayari sa camping, may mga milagro din kayang nangyayari sa gabi?
Baka naman, marmalade lang ang kinakain nung lalaki
Diba ate kengks? =)
Pero bakit naman nagbubunganga ng husto ung babae? Wow ano po kaya yung vier burgen whateverush na yun? Hmm… baka yun yung neym ng party