Kwentong Kengkay

Hulyo 27, 2008

chismis galing sa camping

Uy, andito na ako ulit. Pero mabilisang chika lang galing sa camping, atsaka na na rin yung photos; tambak na naman ang labada ako e, hehehe.

Ganito kasi yon, kaya kami nagcamping dun sa pinag-campingan namin e dahil may vier burgen beleuchtung — kung ano man yon, bahala kayong alamin — illumination of the four castle na may kasamang fireworks. Ang ganda, pramis. Sempre kapag may ganyan, may kasamang partihan at inuman at sayawan at kung anong dapat kasama kapag royal celebration.

At kapag may ganyan, may konting maraming drama. Katulad nung nangyari nung madaling araw. Aside from the fact na maririnig mo ang hilik at mga utot (mabuti na lang ay naka tent sila kundi maamoy mo rin) ng mga kasama mong nag ka-kamping; may nag dramang mga young lovers na mismong sa katabi namin nagka-camping.

At alam ninyo kung ano ang dahilan kung bakit sila nag away? Kasi daw naiwan ni babae ang paboritong marmalade o jam ni lalaki! Waaaaaa. As in alas kwatro ng madaling araw e nag-babangay si babae. Mabuti na lang e si lalaki medyo kalmado at hindi tumataas ang boses.

Nagising ako dahil sa ingay ni babae, tapos di ko mapigilan at talagang natawa ako nung maintindihan ko na ang drama nila! Ito palang si kengkoy nakikinig rin. Tawanan kaming dalawa. Sempre narinig nung lovers, edi natahimik sila.

Lintek na marmalade yan. Kung may dala lang akong jam e ibabato ko sa kanilang dalawa para manahimik sila.

Hulyo 25, 2008

alis muna ko

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Dito sa Amin,Europe,Oyropa Ko — kengkay @ 6:08 hapon

Kung sino mang kumatok sa aking ebahay, pasensya na po at walang tao.

Magbabakasyon ang pamilya ni kengkay dito.

Tuloy ang camping. Yung mga nagtaas ng kamay na gustong sumama sa camping, ready na ba kayo :)

Kita kits na lang tayo. Sa mata, sa ilong, at sa panaginip!

Pasyal muna kayo at maki usyoso sa aming vineyard ekek!

We’re Going Camping

Filed under: Done That,Sizzling Tips — kengkay @ 12:20 hapon

We’re going to Campingplatz Dilsberg.

We’re going together with another family, for the first time.

We would not just to camp out, but specifically to watch the fireworks display at the Dilsberg Castle. I am sure it would be a wonderful experience, especially for the kids; as they would have a playmate there, too. And for us adults, friends to catch up stories with and simply to hang out with — really a trip to look forward to.

We’ve even divided our what to bring food — we’d bring the salad ( as we have fresh veggies from the backyard garden) and they would bring the marinated steaks and wursts for our barbecue dinner. Yum!

What’s in our list to bring?

- the tent, the folding chairs and a folding table
- the gas stove, gas and the box of camping utensils
- the sleeping sacks, the pillows and the air beds and the air pump plus a bedsheet
- towels, kitchen towels, garbage bags, foam and soap
- toiletries, toilet paper
- solar lamp and flashlights, beach umbrella
- salt and pepper
- thermometer, medicine, plaster
- insect spray and aloe first
- video camera and digicam plus extra batteries

Our basket is already stacked with snacks and toys for the kids. The cool bag is already filled with bottles of water and some juice. We simply need to add the eggs, the canned goods, the wursts; as they are still in the ref to cool. And before driving out of our city, we’d pass by a bakery to buy fresh loaves of bread!

Then, we are ready!

Kengkay’s Vineyard 2

Filed under: Dito sa Amin,Europe,Oyropa Ko — kengkay @ 12:08 hapon

Natapos ang labing labing, kakapagod, haysss :) Kaya as promised, eto na ang susunod kabanata ng kengkay’s vineyard ekek.
Sabi ko nga e malapit lapit na tayo sa aming vineyard ekek di ba? Pwes eto na ang mga unang ubas, pero sa kapitbahay lang namin yan… hehehe. Nakiki-vineyard lang po ako.
Etong sa loob ng gates na ito ang aming luntiang vineyard, ang aming maliit na ubasan na nabubudburan din ng mga puno ng cherries, apol, peras, at mga bushy bushies ng strawberries, blueberries, at kung ano pang beri-berries :) Sempre may mga gulay din kaming tanim.
O ayan, pasok na tayo sa loob, yan ang unang tanawin ninyo… pansin ninyo? pababa na naman ang tingin natin? E asa bundok nga tayo e, hehehe. Dyan sa mga bahayan na yan sa ibaba e isa ang aming munting palasyo, kitang kita talaga sya mula sa aming vineyard ekek. Pansin nyo rin yung bahay kubo sa gitna? Andun yung tangke ng tubig at mga gamit para sa hardin pero may space din dun para mag emote emote yun nga lang, pagnagkamali ka ng tapak sa sahig e laglag ka dun sa tangke, hehehehe. Wala kasing tubig kaya nagiipon lang galing sa ulan at sempre walang elektrisidad sa bundok e.
Ayan, may na diskubre na agad si bunsoy, ang aratiles ng alemanya, hehehe. Red currant ang tawag sa Inglis. Parang mani kung kainin namin yan, sarap. Si Pokwang ginagawa yang marmalade :D
Left side view ng vineyard ekek. May mga ubas na, yung mga kaibigan nga ni panganay ko na mga city boys e nginatngat na ng todo kahit na hindi pa sila hinog, waaaa. Mabuti kamo di sumakit ang tyan.
Yan ang puno ng apol na mas matanda pa kay kengkoy. Masarap ang apol na andyan. Hindi pa rin hinog ang mga apols pero paboritong akyatin yan ng mga little kengkays.
Ayan naman ang isa sa mga puno ng cherries. May sour at may sweet cherries. Sabihin ko lang kasi ako dati akala ko lahat sweet, aba nung natikman ko yung sour, as in napaiyak ako sa pagka sour nya, waaa
Nagtago na ang mga little kengkays sa likod ng raspberries para ngumata. Ayaw ko ng raspberries kasi medyo mabalahibo sya e. Ang kati sa lalamunan, parang… parang yun na yun, raspberry ba, hehehe
Ayan at yung strawberries naman ang pinag iinitan nila ngayon. Eto lang, mas masarap talaga ang strawberries ng alemanya kahit saang strawberries pang sabihin ninyo, pramis yan.
Kengkoy, asan ka na! Weee, nangunguha ng cherries si kengkoy at nangailangan ng hagdan. Sa liit ni kengkay e yung paa lang ang nahuli ng kamera ko, hehe
Nature’s gift, earrings :) Yan ang pinag-agawan ng mga girls ko kapag cherry picking time. Ang makahanap ng earrings!
Patatalo ba naman si panganay ko, dapat sya may posing din.
Okis, tapos na ang bisita sa aming vineyard ekek. Uwian na! Mas madali ang pagbaba ayan at naguunahan na ang little kengkays.
Nyee, trying hard harangin ang mga dumadaan. Kita nyo na ulit yung simbahan? At yang gate na yan e dyan nakatira ang aking mga in laws kaya kunyari e bida ang mga kiddies.

Ayan naman e ang likuran ng simbahan kung saan type na type nilang mag balancing acts. Medyo mga ilang minuto pa bago makarating ng aming balay pero dahil ubos na baterya ng kamera e hanggang dito na lamang po!

Nga pala, eto yung unang post ko tungkol sa aming vineyard, mas maraming photos at andun na yung ubas na hinog :D

Hulyo 24, 2008

Kengkay’s Vineyard

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Dito sa Amin,Europe,Oyropa Ko — kengkay @ 6:49 hapon

Nakwento ko na sa inyo yung aming vineyard, kuno di ba? Pwes, hayaan nyong ipasyal ko kayo. Magsuot ng komportableng sapatos at kadamitan; pwedeng magdala ng boteng inumin at kung gusto ninyong mag-uwi ng prutas e magbitbit na rin ng supot.

Ready na kayo? Edi go na tayo… Bago umakyat ng bundok e daraan muna tayo sa simbahang Katoliko. Tinayo iyan nuong ilang hundred years old na.

Tapos madaraanan din ang bahay ng aking mga in laws kung saan duon lumaki si kengkoy, pero di na tayo kakatok at mapapakwento pa tayo kasi baka gabihin tayo sa daan.

Deretso na tayo sa bundok, paanan na ng bundok yung bahay ng tatay at nanay ni kengkoy. Kaya hingal kalabaw ako parati dyan kapag dumadalaw sa kanila, as in…

Ooops, dahan dahan at baka may matapakan. Ayan na nga, may nakita nang kaibigan si panganay ko — isang suso! Kadiri, hinawakan talaga nya, nyeeee! Ready din sya at may dalang sisidlan para sa kanyang experimento, pwedeng lutuin daw yan sabi ni kengkoy… gusto ninyong tikman, hehehe

Konting usad na lang ng mga paa. Malapit na tayo sa kengkay’s vineyard.. kapag hindi kayo sanay maglakad ng paakyat, am sure e hingal kabayo na kayo. So let’s take a break muna, hane?

Abangan ang susunod na kabanata… sorry, gusto ko mang tapusin itong post na to e di ko na magagawa. Naghahanap na ng labing labing si kengkoy! Magpapabango pa ako, ahem :)

Naunang PahinaBagong Pahina »

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 71 other followers