Kwentong Kengkay

tagalog chenes

invited kayo lahat

Tuloy kayo, tuloy kayo! Lahat invited. Anong gusto ninyong inumin, deretso lang sa kusina at sa sala, andun lahat ng handa. Pwede ring maghalungkat sa garden ng mangat-ngat. Kung may kulang pa, sabihin nyo lang. Ako ang bahala — bakit kanyo? Dahil…

Happy blogversary to me!

Alam nyo bang isang taon na akong nakikigulo sa trapik ng blogosphere? August 9 nung unang nagtangkang kausapin ni kengkay ang sarili nya. Ang taytol ng unang post ko? Plastik Bag, pansinin ninyo naman, wala ngang comment e, hahaha.

Feeling ko pa noon e mag-pa mysterious epek ako kasi akala ko nga e ako lang ang magbabasa nitong aking blog. Nais ko lang namang mag tagalog kaya ko sya sinimulan. Kakamiss kasi marinig at mabasa at makipaktalaktakan sa sariling wika.

E andaming natisod at nag comment. Edi hataw na rin.

Dami na ring nagbago. Simula e yung itsura ng blog ko. Ewan ko kung anong nangyari at nasira yung isang theme kaya eto at may bago akong theme. Nagkaron din ako paraan para i share ang obsesyon ng aming pamilya tungkol tabo.

Tapos, kung dati e ang unang pinupuntahan ko e yung aking dashboard para sa stats; at sempre ang umasa sa mga comments — ngayon e ang una ko nga pinupuntahan kapag nag o-online ako e yung mga nagiwan ng comments sa aking blog at dinadalaw sila, nagiiwan ng comments at nangangamusta. Give back the luv, ika nga.

Tapos, may mga una akong ka chika sa blogs ko na hindi na dumadalaw, may ibang hindi na rin yata nag boblog kasi deleted na yung blogs nila, may mga iba naman na andyan pa rin pero hindi na madalas dumalaw, may mga iba naman na sa YM at sa EBs na lang kami nagchichika, may mga iba naman na ilang beses ng nagpapa add ng link e andun na naman yung link nila sa blogroll ko, may mga ibang basta ni link ko na lang sila, may mga ibang baka nalimutan ko e pakisabi na lang sa akin… kalabitin nyo lang ako at isali ko kayo sa blogroll ko. Tulungan lang tayo!

At basta ang alam ko, sa bawat post na gawa ko, masaya ang makipag-halubilo sa mga ka-blog at sa mga taong wala mang blog pero nakikibasa at nakikisali sa saya.

Marami sa mga nagiwan ng bakas ang naka engganyo sa akin; marami ang naging malakas na impluwensya; marami ang maituturing kong kaibigan; at marami ang pwedeng maging kapatid at marami rin ang mga humihirit ng mga nakakatawa at nakakadokleng na comments… at may mga ibang papansin din na wag na nating pansinin at baka sumakit lang ulo natin dahil sa mga pasundot-sundot nilang mga walang karapatang mga komento. May ibang hindi ko mapigil kaya pinatulan ko tulad nito.

Ibat iba ang tao sa mundo, at mas iba ang dating kapag sa blogging world kasi nga sa blog mo lang sila unang nakikilala. Pero sa totoo lang, ang talagang masarap sa blogging? Yung maka-EB mo ang mga nababasa mo lang. Exciting yon. Dami ko na ring naka-EB at sana mas dumami pa :)

Minsang nagisip na rin akong mag goodbye sa blogging.

Pero hindi nga natuloy dahil eto at nagcecelebrate nga ako ng aking one year anniversary as kwentong kengkay!

Invited kayong lahat sa aking royal celebration. Tuloy-tuloy lang. Anong gusto ninyo inumin? Anong gusto ninyong kainin? Sabihin nyo lang, ako ang taya ngayon :D

Salamat sa blogging, nagkaron ako ng barkadahan sa lahat ng sulok ng mundo… nagkaron ako ng gimik sa kahit anong oras… at nagkaron ako ng kapatid sa kasayahan at sa pangangailangan.

Inihanay sa:Ano Nga Ulit Yon?, Kaibigan

36 Responses

  1. hachi ay nagsabing:

    wow! happy blogsversary sayo! pa-kanton naman po kayo! :)

  2. kulot ay nagsabing:

    happy anniversary! mayaman na a

  3. nina ay nagsabing:

    Happy Anniversary! More blog entries to come!

  4. prinsesamusang ay nagsabing:

    aba! happy blogversarry! natutuwa ako pag may nakikitang ganito eh, kasi ako ilang buwan pa lang, kaya yun ipagcecelebrate ko na lang kayong matagal na. lol!

  5. Jon Cabron ay nagsabing:

    maligayang kaarawan admin kengks!! ilabas na ang mga mamantikang pagkain at buksan ng maluwang ang pinto ng banyo :(

  6. brath ay nagsabing:

    happy blogversary mami kengks!! miss you .. A LOT! hehehe

    xiao!

  7. Miho the Explorer ay nagsabing:

    Happy Blogversary po ate kengks! Sana’y marami pang taon na makasama ka namin dito sa blogosphere :)

    Pagkain? Inumin? Tama na sakin ang blog entries mo ^_^

  8. Colegiala girl ay nagsabing:

    Happy na sa lahat na dapat mong icelebrate. Mabuhay ka at sana lagi kang malusog, maligaya, at mariwasa sa buhay.
    Happy Blogversary !!!!!!!

  9. winkii ay nagsabing:

    happy blogversary ate kengks!
    sana ay mabigyan ka pa ni Lord
    ng maraming blogversary!

  10. Pokwang ay nagsabing:

    wow, party time :) happy anniversary! more power to you kengkay! sigurado eh marami ka pang maa-aliw at mai-inspayr sa blog universe kaya wag nang mag disappear sa face ng blogosphere, ok?

  11. Fitz ay nagsabing:

    Happy blog anniversary. It’s always nice to see how much blogging has made a positive impact on an individual’s life. I wish you all the best and more blogging inspiration for the year ahead.

    Cheers!

  12. reyna elena ay nagsabing:

    hehehe can you imagine what blogging can do? istorbo sa hada! hahaha! congratulations at happy birthday sa anniversayo mo sa blogging world hehehe

  13. aKDa ay nagsabing:

    wahaw! sangtaong gulang na ang blog mo!

    haburdey sa blog mo! ahehehe. more power!

  14. bem ay nagsabing:

    huwaw! hapi blogversary na, hapi anibersaryo pa! dobol celebration!

    keep ‘em (the posts) coming! more power!

  15. homebodyhubby ay nagsabing:

    Ayan… talagang todo-nakipyesta ako dito sa blog “open house” mo. Hindi lang sa sala at kusina — pati sa banyo napasuot tuloy ako para magbilang ng “tabo.” :P Sana may mapag-iwanan na kami nitong aking “mga anak” pag-uwi nyo uli para maka-EB na rin namin kayo.
    Once more: “Happy anniversary!”

  16. utakmunggo ay nagsabing:

    happy one year! more years and balitaktakan to come!

  17. Carol ay nagsabing:

    happy happy sa inyo ng blog mo ate kengkay! :] more bloggy annivs to come! :) btw, okay na po ako sa isang malaking avocado shake. hehehe :D

  18. hitokirihoshi ay nagsabing:

    felicidades kengkay “bote” kahit anong eklabu sa iyong blogging activities eh go go for gold ka pa rin… tamo naman dami mo ng friendship and fans…more power sa iyo.

    binasa ko nga pala yung tungkol sa pinatulan mong nag-comment. kaasar nga ha! anyway part talaga yan ng pagiging sikat… mabuhay!

  19. callcentergal ay nagsabing:

    happy blog anniversary sa iyo kengkay. Isang taon ulit ng lahat ng kwentong kengkay na palagi kong dadalawin at babasahin…

    dedmatology (as in dedma) na sa lahat ng mga may negative comments…outnumbered namin sila (oh di ba?) =) napapaligiran na namin sila (ayan parang sa action movie) tama nga …parte yan ng pagiging sikat..=)

    fan mo ako kengkay lam mo ba yun? =)

    more aliw posts to read soon!

    callcentergal =)

  20. mhar ay nagsabing:

    woothoo! happy anniversary!! galing no? one year na blog mo.hehe… pagpatuloy mo lang ang pagboblog, maraming nagbabasa ng blog mo di mo lang alam.

  21. chuva ay nagsabing:

    Happy Blogsversary Mami Kengks!! Wow, one year ha?! Just keep on – you’ve come a long way!

    Nga pala, did you receive the pictures that I sent from my trip sa La Germania? I hope you did – just let me know and if not, I will resend it.

  22. dakilang islander ay nagsabing:

    one year in blogging! that’s a record considering sa sobrang busy mo ata…may little kengkays na at may big kengkoy pa…hehehh enewei, i need german beer..patagay! heheh

  23. aga ay nagsabing:

    hapi anniv! astig ! :)
    asust :)

  24. Brent ay nagsabing:

    Happy Aniv ate Kengks! :D

  25. binx ay nagsabing:

    mommy.. natuwa ako sa mga kwentong tabo! heheh! di ko pa kc nababasa lahat ng entries mo e. pero natutuwa naman ako… 1 year ka na! Congratulations…

  26. Noreen ay nagsabing:

    YAYYYYY!!! Happy birthday Kengkay blog!!!

  27. naglalambingnacute ay nagsabing:

    yeey! happy blogversary tita kengs… mwwaaah ;)

  28. yhen ay nagsabing:

    appy blog anniversary… galing galing naman!!!

    congrats po!!!

  29. sonnetshaven ay nagsabing:

    Happy Anniversary, Kengkay! Nawa’y dumami pa ang iyong ma-share na kwentong pampamilya, pangkaibigan at pang-lakbay:) Enjoy!

  30. taps ay nagsabing:

    inuman na ang kasunod nito…

  31. Salve ay nagsabing:

    Happy anniversary sa iyong blog, mommy kengkay! *fireworks*

  32. ayyzzz ay nagsabing:

    weeeeeeeee!!!!

    kompeti* kompeti*

    api anibersari! :D

  33. sommer ay nagsabing:

    ..sabi ko na nga ba nakaamoy ako ng inuman kasi blogversary ah!!!=)
    …happy aniv!!!=)

  34. Richmond ay nagsabing:

    Hay, marami talaga tayong akala sa start ng blog natin hehe. Ako sa October pa yung thirs anniversay in blog ko.

    HAPPY ANNIVERSARY!!! WOOT WOOT

  35. themiseducationofzapped ay nagsabing:

    Salamat din sa pagba-blog mommy Kengks. Institution ka nang maituturing dito. Naalala ko yung support mo sakin nung baby pako sa blog. nyahahaha!!! Ngayon,, Deyker na! susunod baka maging university na ang blog ko dahil sa mga supporta ng kagaya mo. Salamat sa worlwideweb friendship na ino-offer mo na nararamdaman namin sa bawat koment mo. Salamat sa patawa at sa pagwelcome sa….

    PAAARRTTYYYYYY TTIMMEEEE!!!!!!

    gogogogo!

    penom naman ng juice.:)

  36. Sofie ay nagsabing:

    Hello Kengkay!

    Happy Blog Anniversary sa yo! Naks naman, isang taon ka na palang walang pugay sa pang-aaliw sa mga tao. :)

    O shya, have a great week!

Leave a Reply

Lumang Kwento