Aray ko naman, ang daming dumating sa aking blogversary! Maraming salamat sa mga naki-salu salo. Sana hindi naghingalo ang kusina sa mga pagkain at inumang naganap! Ang sarap pala ng virtual party, walang gastos, hahahah!
Pero eto ang handa nung Sabado – dyaraannnnn:
Hindi ko na nakunan yung main dish kasi nagkagulo bigla sa buffet table. Pinagtulakan na nila ako hanag nagkokodak at gutom na daw ang mga bisita, hhahaha. Actually, birthday nung isang kaibigan kong pinay at invited kami. Take advantage ako sa pictures para sa virtual party ko di ba? Yung mga cakes e dahil nag kape kape muna kami. Tapos appetizer namin e cold chika. Tapos yung choco ice a dessert naman. Sayang di ko nakunan yung main dish, tutulo talaga laway ninyo.
Ayan, absent tuloy ako nitong linggo kasi may hang over pa ako at ewan ko, mukhang na empacho rin yata ako
Anyway, sunod sunod kasi ang celebrasyong nangyari. Kasi kahapon, 7th wedding anniversary namin ni kengkoy! Waaaa, nakaka empacho ang sunod sunod na kainan!
Sa amin, tradisyon na bumabalik kami dun sa restaurant/hotel kung saan ginanap yung reception ng aming kasalan kapag anniversary namin. Ang pagkakaiba nga lang, kasama na ang mga little kengkays. Na ang kukulit dahil gustong pagpilitang isuot ko ulit yung aking wedding dress… hay buhey!
Pano nagsimula ang araw namin? Si kengkoy ginising ako ng isang kiss at binigyan ako ng isang rose..
Sumunod ang isang little kengkay na may dalang bulaklak at may kasamang drawing nya. Nag recite din sya ng poem na spontaneous, kunyari may ginawa sya kahit na di pa sya marunong magsulat
![]()
Tapos nag breakfast kami. Pagkatapos e punta na kami dun sa aming lunch date. Lunch date kasi Sunday sarado yung restaurant kapag dinner time. Baduy ano? Yan ang aming aperitif – sparkling wine with kiwi liquor.
Yan ang order ng mga little kengkays, spätzel, sya ay german noodles.
Ayan naman ang order ni kengkay — isda, waaaa! Kakamiss din ang isda akala nyo. Salmon with riesling sauce with jasmin rice and nilagang spinach. Masarap sya, pramis.
Ayan ang order ni kengkoy — pork medallions with spätzel na may peras na nilagyan ng fruit sauce at sempre, salad.
Hindi na kami dun nag dessert kasi nagpunta kami dun sa aming favorite italian ice cream parlor na malapit lang sa aming balay at eto ang order naman namin na gelato:
Yan kay bunsoy, si pinocchio ice cream.
Si panganay naman e basta gusto nya lang ng choco at strawberry ice cream.
At ang nakakaempachong, Du und Ich (you and me) ice cream — mas malaki pa sya ng mukha ko, waaa! Shock na shock ako pero sa totoo lang, masarap naman. Dami pang fresh fruits na nakasabit. Pero si kengkoy ang mas maraming nakain. Nakaka umay sa tingin ko pa lang e.
Bukas na ako mag blog hop, may sakit si panganay ko. Na over din yata sa pagkain at super excited kasi sa aming bakasyon sa espanya sa darating na mga araw!
Inihanay sa:Ano Nga Ulit Yon?, Dito sa Amin, Europe, Kwentong Kengkay, Kwentong Kengkoy, Oyropa Ko, Panlasa

grabe ang mga pinoy talaga kahit san magpunta hilig ay pagkain. hahaha. congrats nga pala sa aniversary kengkay. sarap naman nyang du und ich!
kengkay: kaya mas type kong maki sali sa handaang pinoy e, hehe. masarap ang du und ich, kaka umay lang
happy anniversary
sarap ng mga food!!!
kengkay: salamat, sarap talaga
happy happy anniversary sa inyo ni kengkoy!
many more anniversary to come.!
kengkay: tenks!
Kengkay,
ginutom lang tuloy ako sa mga litrato ng pagkain! bigla tuloy ako nag pabili kay ‘Mang pipoy ng baskin robbins! he..he.. ang pretty naman ng baby girl moh! pwede ng mag artista!
kengkay: penge akong baskin, wala dito nyan e
mommy k parang ang sarap nung german noodles ah.
happy 7th anniversay! woot woot!
more little kengkays and little kengkoys to come! yehey!
kengkay: mas masarap yan kapag gawa ni kengkoy
wow..na intriga ako dun sa jasmin rice…hehe
kengkay: yan ang number wan rice ng thailand
hapi.anivz ate kengks!!!
hhmmm..sanay pa ba dila ko sa mga european foods??
kengkay: am sure, kasi ako sanay pa rin dila ko sa pinoy food
wow post naman po kayo ng recipe minsan.. yummyy ansaraapp.. waahh panira ng diet ahehehe
kengkay: anong gusto mong recipe?
Asan? Asan, kengkay yung picture mong naka-wedding gown!
Ang sweet naman ni kengkoy, at ng little kengkays.
Happy seventh wedding anniversary to both of you!
Napapalunok ako sa pictures ng mga pagkain.
kengkay: eto pictures http://homeworked.blogspot.com/2008/08/its-our-7th-year.html
wow mukhang masarap lahat!!! ka ingit!
kengkay: masarap talaga
tita kengs happy anniversary!!! ang sweet naman ng tito kengkoy hehehe pati ang mga little kengs ka cucute ..
nakakagutom naman yun mga pictures na yan…
kengkay: tulo laway, hehe
huwaw! daming food! sarap! excited na rin ako sa espanya nyo… nyahaha! parang kasama ko e noh? wait ko kc mga pictures nyo e…
Happy anniversary mommy kengks
kengkay: hahah, ako super excited na rin sa espanya
waaah anu ba yan kaka-kain ko lang ng taho sa mrt eto nakita ko paghob sa mga blogs… prang bali wala ang taho ah… ginutom ulet ako hehe sarap naman!
ate kengkay pede ba ako sumama sa kakulitan list?
palit tyo
kengkay: palit din tayo, pengeng taho, hahaha. linked ka na
happy anniversary… kakagutom ang mga food.
kengkay: tenks!
wow ang tsatsalap naman nyan… kainggit di ko man lang natikman haysssssssss…
happy blogversary po sa inyo!
kengkay: hahaha, kakaasar makakita ng food pictures ano
huli man humhabol pa din, happy anniv kengs!!!!kaya ka pala nagkasakit sa sobrang lafang hahaha. ano kelan ba tayo EB nila toni. buhay na ulit ako!!!
kengkay: kagigising mo lang EB ka na dyan, hahaha
wow, nakakatakam naman yan ms kengkay. gusto ko yung icecream na may design. hehe
kengkay: mas marami pang ice cream na may design dito, as in…
sarap ng mga fuds! nakakagutom
kengkay: korek, pati ako nagugutom
…happy aniv mommy kemgks! 7 years? wow!
…syet, panalo lahat ng food! simula dun sa birthday ng pinay. pero pinakapanalo yung salmon! hmmmm…=p (as in nilaga lang yung spinach? ano pa nilagay dun?) pati ice cream panalo!!yummmy!!!
kengkay: nilagang spinach – nilagyan ng konting dinikdik na sibuyas. masarap!
saaaaaaaaaaalmooooooooooooooooooooooon!
kengkay: isdaaaaaa
waaaaaaaah, ang sarap naman ng lunch date, hahaha… namiss kita ms. kengs, ahihi…
kengkay: kain lang
happy anniv ms. kengks… pahabol.. wehehehe
kengkay: salamat!
(burp) Salamat sa handa:) Sa kakatingin ko sa mga pictures nabusog na rin ako hehe:)
kengkay: burp din, hehe
Hello Kengkay!
Happy 7th Wedding Anniversary sa inyo ni Kengkoy!
kengkay: salamat dear sofie
grabe naman yang party na pinuntahan mo , tulo laway ako sa cakes, grabe ..
at ang ice cream na du und ich eh pwede bang du, ich, er, sie, es .. kasi naman super jumbo size, di lang pangdalawahan , pangpamilya!
kengkay: tama ka dyan, yung du und ich binusog din pati yung mga little kengkays
‘kita ko na yung pictures.
kengkay: pansin ko nga, hahaha
*drools* pwede pa ba ako makihabol sa royal celebration? nagutom ako sa post na to… at parang type ko yung Pinocchio ice cream… yummy talaga tong post mo ate…
tsaka nga pala… happy wedding anniv sa inyo ni kuya kengkoy at happy blogsary na din sau
… sana nga pagbigyan mo ang mga little kengkays na isuot uli ang gown at i-share sa amin ng picure
…. hehehe
kengkay: naku, pagbibigyan ko talaga silang isuot yung gown ko kaso mo parang hmm. mahal kasi kapag magpa dry clean dito e, hahaha. baka pagkatapos ko silang paliguan, dun ko sila pasuotin nung gown, haha
uy! gusto ko yung pinocchio ice cream! magaya nga
curious lang ako, ano po yung food na nasa taas, na may sliced egg? at yung pic above it?