Sira na sya, waaaa! Kainis, kung kelan gusto kong matapos ang lahat ng labada bago kami magbakasyon e bumigay naman itong aming washing machine kahapon.
Na shock pa nga ako kasi gumising ako ng maaga, para simulan ang labada – tapos mga alas onse, habang nanonood ng telebisyon ang mga little kengkays e nagreklamo si panganay ko na wala na daw tao yung tv. Sabi ko baka dahil sa ulan. Bumaba ako sa basement para tingnan yung labada — ngek, ang dilim! Walang kuryente. Shock ako kasi ang alam ko nanonood ng tv ang mga little kengkays sa taas tapos nakabukas yung computer e. Pano nangyari yun?
Tinawagan ko agad si kengkoy na sinabing — siguradong nasira na yung washing machine. At kaya walang ilaw sa ibaba e dahil automatically nag shut off yung main switch dun dahil baka sobrang init na nung machine, to prevent fire at kung ano pa man. Aba, hindi ko alam yun ah. Mabuti na lang pala at meron kaming ganun, kundi… hay ayaw ko ng isipin pa.
Ginawa ko, switch on ko ulit sya tapos sinukan kong -i on ulit yung machine, wala na talaga. Sira na sya. Pero yung tv namin, okay na ulit. Kaya pala walang tao e dahil nga yung cable nun e galing din sa ibaba. Ngayon ko lang nalaman ang mga pasikot sikot dito sa bahay namin, ano ba yun!
So pano ang aming labada? Pilit kong naghanap ng batis, at eto lang nakita ko… dito

baka mag amoy malansa naman yung aming mga labada, waaaa!
Ang solusyon? Hay, edi gastos po! Bibili kami mamya ng bagong machine. Hindi uso dito magpagawa lalo nat wala ng warranty. Kasi po, kapag nagpagawa ka, ang bayad mo e 200 euro, at ang bagong machine? mga 300 euro ang pinakamura; kapag may sale pa baka may makuha ka pang 200 euro or less.
Sino may gustong washing machine? Kung kaya nyo i-repair, sa inyo na lang, hehe. Ayun, nakatambay sya sa garden namin at nag aantay ng magyayaya sa kanya sa bagong bahay


wala na siyang warranty?
nakow, wla bng repairman jan?
sayang naman..
kengkay: ang repairman minsan mas mahal pa sa irerepair, heheh
Comment ni winkii — Agosto 13, 2008 @ 11:49 umaga |
Naku Kengkay, bumili ka na ng medyo matibay-tibay at yang 200 to 300 Euro na washing machine, bibigay yan kaagad. Di ka rin makakatipid pag nagkataon.
kengkay: halata bang chipipay ako, haha. pinagsabihan din kami ni opa na bumili ng mahal para mas okay daw. o ayan, mahal nga nabili namin, sablay na naman allowance ko nito
Comment ni Sofie — Agosto 13, 2008 @ 12:18 hapon |
hehe
astig ang blog mo
sorbang refreshing magbasa ng filipino
dinudugo na ako sa ingles, e!
mabuhay ka!
pagbati mula sa baltimore!
kengkay: kaya ako nagtagalog kasi tinuyuan na ako ng dugo kaka nosebleed na yan, hahaha
Comment ni raft3r — Agosto 13, 2008 @ 12:35 hapon |
sosyal ang washing machine mo ha!
kengkay: uy oo, may sariling tagapiga yan, hahaha – yung blog mo, di pwede mag comment ano?
Comment ni Leyn — Agosto 13, 2008 @ 12:43 hapon |
oo nga bad trip nga talaga gastos ng repair dito sa alemanya, syang at di ko naging talent yan matuto magrepair ng mga bagay, kahit nga martilyo di ko alam gamitin
pati tong asawa ko parehong kaliwa kamay kaya di uso repair, repair dito sa min
gastos talaga. punta ka sa media markt/saturn may sale kita ko kanina. di ko nga lang alam aling model
kengkay: hay naku, ako din, gustong gusto kong maging jack of all trades kaso mo black jack of all trades ako e, hahaha. nagpunta kami kahapon sa media markt at nakabili na ng bago, yipeee
Comment ni Pokwang — Agosto 13, 2008 @ 7:57 hapon |
bwahaha! feel na feel ko yan noh! yong dating washing machine ko kasi, nung nag-ri-rinse na sya, di ba umiikot and everything, aba, kala ko talaga umabot sa basement namen ang gyera nang mga Georgians at Russians dahil ang lakas nang kalabog! yun pala, umalpas sya dahil me nabali daw say nung neighbor! malay ko kung ano yon? manicure lang alam ko noh? di ko alam na ganun kabigat ang mga bra ko????
kengkay: ganyan ang nangyari sa machine namin, as in ang ingay ingay, kala mo may nagbubuntalan sa basement — o ayun, bumigay na nga at talo ang aming machine, waaaa. kasi naman nilalabhan mo yata pati yung silicon breasts mo e, dapat inaalis yon, bra lang ang lalabhan mo, hahahaha
Comment ni reyna elena — Agosto 13, 2008 @ 11:58 hapon |
Kwento nung ‘sang kakilala kong nasa states — sa isang ‘basurahan’, may nakita daw syang kurdon na may male plug sa dulo… nung hilahin nya, isang microwave oven ang bumulaga sa kabilang dulo.
“Automatic shut off” ba ekamo? Maigi’t may ganyan sa bahay nyo. Ang common kasi sa mga household wiring ay yung pumuputok lang ang fuse sa main switch pag may short circuit, para maiwasan ang sunog.
kengkay: mabuti nga at clever itong aming mga fuses, hehe. at oo, kapag sked ng pick up para sa mga household appliances, ang daming naglilibot at inuuwi yung mga bagay na pwede bang gamitin o irepair
Comment ni homebodyhubby — Agosto 14, 2008 @ 1:10 umaga |
Alam mo, type ko ang washing machine mo. Initially, yan ang gusto namin bilhin kasi automatic. Hindi na kailangan ilipat sa spinner yan di ba? Derecho na ang process ng paglaba hanggang sa pag-dry ng clothes. Kaso super mahal yan dito mare kaya we settled for the traditional semi-automatic. Kunin ko sana yung sa ‘yo kasi hindi ako marunong mag-repair. Dyan muna, reserve mo sa akin:)
kengkay: ok, reserved for you para may taga piga na rin yung machine mo! magkano ang ganitong machine dyan sa pinas ba?
Comment ni sonnetshaven — Agosto 14, 2008 @ 2:15 umaga |
yung batis, kulay pa lang, greasy na. hehehe
patingin ng bagong washing mashiiiiine!
kengkay: ang ganda ng bagong machine namin, sosyal, ang daming pindutan — nakakabaliw, hahaha
Comment ni Carol — Agosto 14, 2008 @ 2:35 umaga |
kengkay kung free delivery papuntang pinas pede pa. hahahahaha. joke lang po. natawa ako dun sa kwento mo at ngaun mo lang nalaman ang electrical layout ng bahay nyo. kunsabagay responsibility na nga ni kengkoy yun. hehehe.
kengkay: sa tingin mo pwede ko sya ipuslit sa isang envelope? hehehe. naku, tama alam ko din yan kasi alam mo naman dito, kanya kanya ang drama ano
Comment ni gmacomics — Agosto 14, 2008 @ 6:02 umaga |
kung dito lang sa pinas nasira yan ate… im sure magagawan pa yan ng paraan, baka kase may papalitan lang na part dyan eh. hehehe.
post mo ate itsura ng bago nyong washing machine
.
at maligayang paglalaba
kengkay: sa atin daming pwedeng gawan ng paraan, pero dito, hayyyyy buhayy – maganda yung bago namin. i-post ko sa sunod para inggitin kayo, hehe
Comment ni lalaine — Agosto 14, 2008 @ 6:11 umaga |
yan rin ang takot akong mangyari sa aking belabed washing machine. iiyak ako kapag pumanaw siya. huhuhu.. ang mamahal ng mga mwebles dito.
kengkay: kaya dapat parati syang himas himasin, hindi simple ang masiraan ng machine at baka pati ikaw e masiraan din ng bait, waaa
Comment ni utakmunggo — Agosto 14, 2008 @ 6:38 umaga |
…mahal naman pagawa washing machine jan!=( kame nga muntik na magpagawa ng washing machine, kala ko kasi nasira ko ayaw kasi madrain…yun pla nakaoff ang drain, engot ko.nyahahaha!!
kengkay: ikaw pala ang dapat i repair, hahaha
Comment ni sommer — Agosto 14, 2008 @ 7:51 umaga |
bumili npo ng bago.. hehhe
kengkay: oo, kahapon bumili na kami. mahirap maglaba sa batis
Comment ni yhen — Agosto 14, 2008 @ 8:07 umaga |
Dito sa atin e malayo pa ang mararating nyan. Mas uso dito magpa repair ng kagamitan kesa bumili ng bago. Sa mga kotse at trak na nga lang e maraming 2nd hand na galing Japan ang ibinebenta dito, di bale nang puro umuusok lahat dahil sa masamang lagay ng makina. Ibalik bayan box mo na lang kaya at ipadala sa akin yang washing machine na yan! LOL…
kengkay: hindi sya kasya sa balikbayan box e, pasikreto ko na syang sinukat, hahaha
Comment ni rino — Agosto 14, 2008 @ 8:58 umaga |
ay totoo yan kengkay… kung kailan naman talaga kailangan mo saka pa pumapalpak ang mga bagay… sa akin kung ‘di TV, plantsa. hehehe… buti na lang medyo sinuswerte ako na may tumutulong sa akin… lalo na yung mga kapit-bahay namin… doon ko naa-appreciate na nagtutulungan talaga ang mga Pinoy. Like doon sa nakandado naming CR, nakahiram ako ng susi sa isang may-ari ng tindahan malapit sa amin. Yung nasira ang plantsa namin na umaga pa, dalawa ang nag-alok sa akin na magpahiram.
ganoon din nung nagte-thesis ako, may nagpagamit sa akin ng pc kahit inabot ako ng madaling araw ng libre pa… dava! yung TV siempre pwede lang makinood lang di pwede uwi.. hehehe
Comment ni hitokirihoshi — Agosto 14, 2008 @ 9:59 umaga |
Kengks,
Paniguradong masisira ang kamay mo nyan at mag mamano mano ka! ahahay! Tag pala kita! Check mo na lang sa site ko ha!
Comment ni Aling Peppay — Agosto 14, 2008 @ 11:56 umaga |
Noong 2006 pa kami tumingin ni hubby ko sa Festival Mall. If I remember it right, nasa P16,000++ sya kaya umayaw ako. Hindi ko alam presyo nya of late.
Comment ni sonnetshaven — Agosto 15, 2008 @ 12:42 umaga |