Okish, sa mga sunod na araw e absent muna ako sa bloghopping!
Mga ka-blag, tuloy na tuloy na ang aming lipad!
Nakaempake na ako. Hindi na nga kasya lahat kaya tiningnan kong mabuti ang mga laman. Ayun, nakasingit na naman ang mga stuff toys ng mga little kengkays… hay, kaya dapat talaga bawat empake e tingnan muna mabuti ang laman bago isara ang bagahe. Lalo pat may mga makukulit sa tabi tabi!
Si bunsoy ko na disappoint nung dalawang bagahe lang ang nilabas ko. Bakit daw ang konti ng dala namin e wala na daw syang balak bumalik dito sa alemanya, hehe. Akala nya kasi basta eroplano ang gamit namin e sa Pinas kami pupunta!
Namili na nga kamo sya ng pasalubong para sa mga pinsan nya! Sabi ko naku, dito lang tayo sa Oyropa ano. Ang sagot ba naman, edi ako na lang kakain ng mga pasalubong, hehe!
At nga pala, kapag bakasyon, bawal mag blog si kengkay! Kaya kayo na munang bahala sa ebahay ko ha. May mga posts akong naka schedule pero di ko alam kung ma po-post nga sila at sa mga ganyang bagay e eng eng ako ano.
Pero, malay nyo rin, makatakas ako kay kengkoy! Sinigurado ko yatang may internet center yung resort na pupuntahan namin para masaya, hehe!
Ano ba yun, hindi ko pa rin alam kung ano isusuot ko sa aming flight, naks – ang laki ng problema, hahaha



di ka nag-iisa. ganyan talaga minsan di mo malaman kung ano isusuot mo…
Comment ni nina — Agosto 15, 2008 @ 3:56 hapon |
kahit ako, i’ll be leaving on a jet plane tomorrow
Comment ni kulot — Agosto 16, 2008 @ 5:49 umaga |
hapy trip!
Comment ni utakmunggo — Agosto 16, 2008 @ 6:35 umaga |
ingat!
Comment ni prinsesamusang — Agosto 16, 2008 @ 10:22 umaga |
Have fun, ayt!?
Comment ni Laarni — Agosto 16, 2008 @ 1:20 hapon |
yay! ingat po!
penge pasalubong pictures!
Comment ni Carol — Agosto 16, 2008 @ 1:41 hapon |
ang sarap naman, bakasyon ulet
dont forget to take pics ammi kengs at isahre sa amin ang iyong vacaycay
Comment ni pusakay — Agosto 16, 2008 @ 2:19 hapon |
heheh..saya..have fun!
Comment ni wei vines — Agosto 16, 2008 @ 6:39 hapon |
have a safe flight
may ganyang titulo din ako ng post sa blog ko gaya ng sanyo
hehe
Comment ni raft3r — Agosto 16, 2008 @ 11:08 hapon |
sarap naman… sama kami!!! enjoy po!
Comment ni rhapsody — Agosto 17, 2008 @ 7:05 umaga |
ingats po sa byahe and enjoy ur stay san man kayo padparin ng inyong mga paa.
Comment ni gmacomics — Agosto 17, 2008 @ 7:57 umaga |
ate yngat po… balitaan mo na lang kami sa magiging bakasyon nyo… tsaka ang sweet naman ng mga little kengkays mo… bumile na talaga ng mga pampasalubong
.
yngat po!
enjoy!
Comment ni lalaine — Agosto 17, 2008 @ 9:11 umaga |
wow wow wiw ang saya naman! pasalubong ate kengkay (for sure mga little kengkays ang uubos hehe)
Comment ni vhincent — Agosto 17, 2008 @ 11:28 umaga |
…mommy kengkay..happy trip!!! enjoy!!!=)
Comment ni sommer — Agosto 17, 2008 @ 1:10 hapon |
hapi trip enjoy the sun, sea and sand
Comment ni Pokwang — Agosto 17, 2008 @ 1:54 hapon |
enjoy sa bakasyon…ang sarap nga ng feeling pag magbakasyon ano…sana ganun ang buhay arawaraw…heh
Comment ni dakilang islander — Agosto 18, 2008 @ 1:38 umaga |
Have a safe trip:)
Comment ni sonnetshaven — Agosto 18, 2008 @ 6:54 umaga |
enjoy your vacation!
Comment ni ifoundme — Agosto 18, 2008 @ 12:51 hapon |