Naks, emote na si kengkay sa beach, kitams? Nakahanap din kami ng aming sariling place in the sun. Dito sa Oyropa, nakaka stress maghanap ng place in the sun kasi kapag puno na ang mga for rent na umbrellas e ibig sabihin, manigas ka sa towels at sa ilalim ng araw. Kaya dapat maaga pa lang e larga na kayo. Kundi, sunog ang beauty mo.
Malakas ang alon nung araw na nag-beaching kami. Pero kahit na, si panganay ko e takbo agad sa dagat kasama ng tatay nya. Si bunsoy ko naman e ayaw magdagat, so andun lang sya sa buhangin sa tabi ko at naghahanap ng mga shells.
Pero dapat may konting exploring di ba? Hatak kami ni kengkoy at punta daw kami sa magkabilang dulo ng dagat. Dala ko sempre kamera ko, click lang ako ng click. Bahala na si batman… Tapos biglang sabi ni kengkoy, balikkkkk.. Naku, ano naman kaya at biglang balik daw kami? Bilissss mga paa ang naging drama, pinagtabuyan talaga kami ni kengkoy.
Kasi naman pala, dahil dito:
Opps, errm, nakikita nyo ba ang nakikita ko? Waaaa, actually, shocking boogie ako nung nakita ko yang pechur na yan. Kasi nga click lang ako ng click di ba? Nung na realize kong mga hubad na pala yung kaharap ko, biglang natigil yung click ko kasi nahiya ako. Naku ako pang may suot ang nahiya. Pero ayan pala at may stolen shot din ako… ano kaya gagawin nila sa akin kung talagang harap harapan ko silang kinodokan? Hmmm

Hubo’t hubad na po ang mga tao dun sa kabilang dulo ng beach. Hindi ko namalayan na nagiba na pala ang tanawin. As in lalaki, babae, matanda, bata — ayun, bigay todo ang kanilang sun bathing, nude bathing talaga. As in.. dito kasi sa Alemanya, medyo old fashioned pa sila. Merong sariling bathing area ang mga nudists atsaka may nakaharang talaga na trapal o kung ano pa man…
Pero dito sa Espanya, viva espanya talaga. Kakagulat po talaga. Mabuti kamo at hindi ko natutok yung kamera dun sa mga nakaupo sa buhangin, kasi talaga po namang…. imagine all the people
Inihanay sa:Ano Nga Ulit Yon?, Aruuuhh, Kwentong Kengkay, Oyropa Ko

eeekkkk ka-shock siguro talaga makakita ng mga nude bathing! hmm buti meron ka nai-share sa amin
hambilis mong magkodak mami kengks! LOL
kengkay: sa totoo lang, mas mabilis sila maghubad, hahaha
panalo hubaran pala yang napuntahan mo eh sigurado ka ba na di ka nagpunta diyan dahil gusto mo yang hubad theme? hehe..
kengkay: eekkk, ayaw ko ng hubad theme, baka kung wala mga bata, oks lang, haha
boooooooo!
kengkay: hahaha, ano kaya gagawin mo?
WAHHHH… hubad rated pg talaga…
PanelHoster.net™ – Philippines Affordable Web Hosting Provider
kengkay: ang ganda nga ng rating ko e, haha
OMG! OMG! OMG! siguro maloloka ako pag may nakita akong ganyan..
kengkay: hahaha, naku, lalo pa siguro kung makita mo yung mga jolakis
bitin.. sana naman mga dalaga ang kinunan mo… haysss..
kengkay: hahaha, yung mga dalaga naka topless lang
sana maging chairman ka ng board of censors..galing mong magbigay ng rating!
kengkay: rated PG kasi naman nagtatampisaw lang sila parang bata
hello kengkay, welcome back, mukhang super enjoy naman yang bakasyon, inggit eh alam mo naman dito ngayon sa tin lamig na, feeling ko eh taglagas na na walang nalalagas.. hay buhay, wish ko lang ang skies dito eh kasing blue ng pics mo..hay..
anyway, sana naman yung pic na nakuha mo eh sa isang macho, di sa gurangits. hahahaha
sige ingats
kengkay: ang mga macho nakaupo sa buhangin at nakadisplay ang kanilang kamachohan
kaya ko rin magbold sa beach, teka maglalasing lang ako.
kengkay: hahaha, baka kamo kahit lasing ka e di mo rin kaya, hmm
lol. ang awkward. sana tinry nyo rin mag nude tutal wala namang makakakilala sa inyo dun. hahaha.
kengkay: topless lang na try ko, waaaa
na-carried away ka sa pagiging camera enthusiast. haha
kengkay: as in over talaga ang aking clicking away
Moooore kwento and pics mommy!
kengkay: marami pa, teka lang
Ahahahaha!!! Grabe pala ang mga Spanish folks, very transparent sila sa saloobin nila:)
kengkay: mixed europeans yan, hehe
naku… mukhang maganda dyan ah!
kengkay: sempre naman, hehe
at akalain mong nasaksihan mo na ng personal ang mga nudist na yan? huwaw! sarap..(drooling) joke
kengkay: hahaha, parang ayaw ko saksihan pero ayun na nga
Tinry mo rin ba mommy kenks? nyahahaha!!!!
kengkay: eherm, topless
hahahaha! parang gusto ko tuloy makita ang mga yan…
kengkay: ano kaya reaction mo kapag nakakita ka nang ganyan? ako kasi napa smile ako kasi alam ko may ikwento ako sa blog ko, hahaha
WOW! beach!!!!.. and BEACH bodies.. woot-woot! i wish i was there, free porn.. hahah
kengkay: erotika lang kasi tampisaw at sun bathing lang drama nila e
…hehehe!! cool!! sana trinay mo din kung ano feeling.he3! naisip kong gawin yan, kaso dito sa dubey deportation agad katapat ko.nyahahaha!!!
kengkay: baka minsan, kapag wala mga little kengkays, waaaaa
ahaha! ang ganda ng view! nude nyahaha! kaka inggit naman dyan! ako din parang gusto kong……….
magbeach dyan ! nyahahaha
kengkay: hahaha, am sure!
nyaaaaah ndi ko kaya yan hahaha…!
kengkay: ako din yata
Ate gusto ko doon, gusto ko ring maghubad hehehe. Wala kayang rapist doon?
kengkay: nope wala naman kasi world peace kapag nakahubad, hahaha
hehehe! pwede te keng… makapunta nga dyan…
kengkay: di mo kailangan ang iyong bikini
waaaaaaah!
gulat to the max naman daw ako!
the revelation of all the revelations!
wapak!
kengkay: hahaha, close your eyes
hi kengkay! you’ve got nice pics there huh?
anyways, what are the major differences between Philippines’ beaches and Spain’s beaches?
aside from the nude people swimming?
kengkay: sa pinas may mga taong naka-duster, naka t-shirt at shorts, naka kontodo payong na parang takot na takot mangitim habang nag be-beach; sa espanya? ayan na nga at hubod hubad na ano, hehe. pero sa totoo lang? mas magandang di hamak ang beaches sa pinas…
hehehe. katuwa naman… konserbatibo pala si kuya kengkoy
pinagtabuyan talaga kayo palayo?
kengkay: hay oo, as in… akala ko pa naman e kung bakit kami pinababalik yun pala dahil sa mga hubad
talaga namang todo ang pag-eenjoy nila sa beach! hubad kung hubad, basta maging tan pagkatapos ng summer!
kengkay: status symbol kasi ang maging brown, hehe
olalall viva espanya! sabi mo click ng click ka lang ng piktyur bakit isa lang dun sa nude beach…hahahh
kengkay: meron pang isa kaso mo may nakaharang na malaking tyan, kaya delete ko sya, kadiri e
wala ba ganyan dito sa pinas? para gusto ko itry mag-sight seeing..di maghubad noh? di ko keri!
kengkay: ang alam ko meron sa pinas e yung topless lang lang, at oo nakakita na ako ng topless
kakabitin naman picture! waahhhhh
Huli na ako dito ah… hehe bakit nga ba wala dito nyan ..sana more pics pa… lol
kengkay: topless meron dyan sa pinas, heheeh. baka kung more pics e madelete itong blog ko
hehehe, kengkay ka talaga. ‘kala ko kaya ka pinababalik ni dadi kengkoy eh jujoin sya dun sa mga sirena, bwahahaha!
kengkay: si kengkoy pa kamo nahiya, hehe
Yung bold — sa beaches like Boracay, pede pa siguro yan. Pero sa ibang beach sa Pinas? Ahehe, siguradong mas marami ang miron.
Sa tutuo lang, mas masarap yatang mag-swimming-swimming sa beach nang walang saplot para pantay sa buong katawan ang pangingitim ng balat. At sa mga boys na tulad ko, walang inaalalang trunks na papasukin ng buhangin.
Hmm… makabili nga ng private beach.
kengkay: sinabi mo pa, naka bikini nga lang dami ng miron, pano pa kung walang saplot! pag nakabili ka ng private beach, pwede maki gamit, hehe
ay pambihira akala ko dahil bakasyon ka hindi ka muna gawa ng entries. yun pala tapos na ang bakasyon. hahaha. mukhang backread ako nito ngayon. hahaha.
astig naman jan ang sarap! kengkay yung nakahubad ba may salbabida or bilbil lang? hahaha.
kengkay: bilbil na salbabida yan, hehe